December 31, 2007

Bagong Taon

Bagong taon sa ospital.

Sabi nga nila, there's a first time for eveything.

Happy new year sa inyo.

December 25, 2007

Merry Christmas

"I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ." - Mahatma Gandhi

Nang mabasa ko ang quote na iyan ni Gandhi, di ko maiwasang hindi ito i-apply sa ating pagse-celebrate ng Pasko.

I like the first Christmas. I do not like the way us Christians celebrate Christmas.

I like the idea of a Savior who chose to be born in simplicity. I do not like the way us Christians celebrate Christmas with extravagance.

I like the idea of a Savior who chose the message of poverty as a source of power. I do not like the way us Christians fought for power and drove the world into poverty.

Our Christmas is so unlike the first Christmas.

Isang simple at mapagpalayang Pasko sa inyong lahat.

December 22, 2007

Sana bawasan ang presyo ng libro

First time kong mamili ng pamasko sa aking mga pamangkin / inaanak. Makunat kasi akong tito / ninong dahil hindi ako nagreregalo kapag Pasko (sa totoo lang, kahit birthday). Pero ngayong taon, naisipan kong magregalo na. Baka kasi makalimutan na ng aing mga pamangkin / inaanak ang aking pangalan.

At siyempre, in something so predictably Paeng, ang regalo ko ay...tantararaannn...mga libro.

Dahil gustong gusto kong nakakatanggap ng libro, nagiging paborito ko na ring pangregalo ang libro lalo na sa mga mas bata sa akin. Books bring back a lot of good memories and my worldview has been mostly shaped by books (along with newspaper columns and progressive music).

Yun nga lang, reading has become a lost art lalo na sa mga bata. Madalas sinisisi dito yung existence ng mas interactive (although not necessarily mas informative) na media. Pero sa pamimili ko kanina, may nadiskubre akong malamang mas malaking dahilan kung bakit ang konti na lang ng nagbabasa ngayon.

Ang mahal na kasi ng libro. Sa kamahalan niya, mapapapunyeta ka.

Sana naman murahan na uli ang mga libro. Naalala ko pa na nakarami ako ng libro dati dahil mahal na ang P30 noon para sa isang pocketbook na American publisher. Nakakabili pa ako ng first print na bagong libro for only P5! E ngayon, ang children's book na local, mababa na ang P80. Paano nga naman gaganahang bumili ng libro ang mga bata niyan.

December 10, 2007

Anong nangyari?

Isang buwan pagkatapos ng "belated" na autopsy finding kay Mariannet Amper na nagsasabing baka daw panggagahasa at hindi kahirapan ang nagtulak sa kanyang magpakamatay, ano nang nangyari? Bakit wala nang balita?

O baka naman press release lang ang autopsy finding kuno para malihis ang sisi sa iba?

December 2, 2007

Tutal advent naman

Kung ngayon kaya sa panahon natin dumating si Hesus, ano kayang nangyari? Mabibitay pa rin kaya siya?

December 1, 2007

Spin doctor na naman

The PNP claims Faeldon managed to escape by posing as a journalist and making his way to the lobby then into the service bay of the hotel before slipping out into the streets.

What a stupid way to put a spin on a story. E natakasan nga sila, ibig sabihin di nila nakitang umalis, so paano nila naconclude na nagpose si Faeldon na journalist?

Ayan na naman, gumagawa ng justification sa katarantaduhan na ginagawa nila sa media.

C'mon, PNP. Try coming up with a better excuse next time.

----------

Isa pang spin:

Sen. Antonio Trillianes and Army Brig. Gen. Danilo Lim intended to install themselves as leaders of a revolutionary transition government which they planned to have established if they had succeeded in mustering sufficient numbers of civilians and soldiers during their takeover of the Manila Peninsula hotel, a high Philippine National Police official claimed Saturday.

Senior Supt. Asher Dolina, chief of the Criminal Investigation and Detection Group in the National Capital Region told the Inquirer that this was gathered from documents police recovered in the Manila Peninsula Hotel after last Thursday’s six-hour siege at the hotel in Makati.


Hindi na ba kayo nagtataka na ang mga kalaban ng gobyerno, lagi na lang mga tangang may dalang dokumento ng mga plano nila? Pag may napatay na NPA kuno, laging may dokumento na nakasulat nang detalyado ang mga plano. Pag may napigilang coup d'etat o mutiny, laging ring may nadadampot na ganung klaseng dokumento.

Ang galing naman ng mga nagpa-plot laban sa gobyerno, laging may dalang comprehensive workplan sa kanilang bulsa. Mahina siguro mga memorya nila.

Pag ako kaya nadampot, anong dokumento naman ang makukuha sa akin?

Si Randy David na nga lang ang mag-explain

Ang daming nagtatanong sa akin kung paano daw ieexplain ang ginawa ni Trillanes at Lim nung Huwebes. Nagtataka sila bakit daw ako hindi natatangahansa ginawa nila. Nasagot ko naman nang maayos ang kanilang tanong at gusto ko rin sanang maipaliwanag dito, pero nung mabasa ko ang column ni Prof. Randy David, sabi ko eto na lang ang ipopost ko dahil nakuha niya (at naexplain nang mas maayos) ang aking insight sa Makati Standoff.

----------
The silence of the camps
By Randy David

Brig. Gen. Danilo Lim and Sen. Antonio Trillanes IV, a former Navy lieutenant senior grade, are two of the smartest officers in the Armed Forces of the Philippines. They are highly regarded by their men and by their contemporaries in the officer corps. Few senior officers in the Philippine military today can match their popularity among the soldiers. It is significant that they have also led repeated coup attempts against the government of the day. They are not novices in the art of military mutiny.

Knowing this, one is hard-pressed to understand why they would venture into something like Thursday’s standoff at the Manila Peninsula Hotel, with hardly any arms to defend themselves, only to surrender without a fight to the police forces sent to arrest them. It just doesn’t make sense. The two detained officers, together with their fellow officers and security detail, strolled out of the courtroom during a break in the hearing of the 2003 Oakwood mutiny. They had no fear of being re-arrested. Only a handful of civilian supporters accompanied them in their unhurried walk to the five-star hotel in which they were to make their statement. If this was going to be a coup, it was rather unusual if not suicidal. They came virtually without arms.

While they called on the Filipino people to join them in their bid to oust President Gloria Macapagal-Arroyo, they didn’t sound like they were desperately waiting for people power to pick up the cause they were espousing. If they were banking on popular mobilization, then they were one day too early. They should have stretched their stay at the Peninsula till the following day, Bonifacio Day, when huge rallies were expected. In fact, this possibility was what worried the government forces. So why did Trillanes and Lim give up so quickly?

We can only speculate that their action was meant to spark a mutiny that they thought was waiting to happen. But because we did not see troops marching in the streets or moving in trucks and choosing sides, we are now led to think that the Magdalo officers badly miscalculated. In fact, the spokesmen of the Arroyo government lost no time in assuring the public that the military chain of command remained intact and that the rebels were totally isolated.

But, if indeed they were alone in this doomed and foolish adventure, how do we explain the fact that, at the height of the standoff, no military commander, apart from the chief of staff, Gen. Hermogenes Esperon Jr., came out or was presented to reiterate support for the Arroyo government? Why did the government rely exclusively on police forces to deal with what was openly declared as a bid to remove the existing government? Was Ms Arroyo afraid that, if compelled to declare their loyalty, a good number of the nation’s soldiers might actually side with Lim and Trillanes?

In short, what did the silence of the camps during this six-hour siege signify? I doubt if General Esperon or Ms Arroyo knows. Perhaps if they know anything at all about the state of mind of the soldiers in the camps today, it might be something that is likely to give them sleepless nights in the next few weeks or months. Could this be the real reason for the sudden imposition of a midnight curfew -- that they are seriously spooked by the possibility of troop movements quietly taking place in the coming days?

For it is hard to believe that the soldiers barricaded in their barracks would not care less about what was going on in Makati City last Thursday. If they saw what the rest of the nation saw, and they remained silent, I would consider that a meaningful silence. In a time like ours, when images from live media pack more power than the most stirring statements, what might the silence of citizens and soldiers possibly indicate? Are their senses stunned and their will paralyzed? Or are their souls shaken and courage awakened in their hearts? Who knows?

Who would know what it means for a soldier or a citizen to see a young senator of the republic, filled with idealism, being shackled and handled like a sack of potatoes by his captors as he is led to a waiting police bus? Who would know what it means for any viewer to see an 81-year-old prince of the Catholic Church, hobbled by age, his left hand tied to the right hand of another priest, being led to a waiting police bus after having just said a prayer of hope? Who would know what it means for someone to see a whole line of media people, their hands bound in plastic restraints proudly held up above their heads, being led to a waiting police bus for “processing” as suspects? Such were among the most memorable images from Thursday’s episode.

I only know that one would need to be blind and insensitive to view these snapshots as achievements of the rule of law. You take one look at General Lim and Senator Trillanes side by side General Esperon and Colonel Bacarro -- and you can tell at once who among these soldiers have their ideals intact. You take one look at Bishop Julio Labayen and former Vice President Tito Guingona side by side Interior Secretary Ronaldo Puno and Press Secretary Ignacio Bunye -- and you know at once who the liars are.

There is a mutiny in the making not just in the camps but in the hearts of the rest of us. We were beginning to forget what social anger is all about, and what it means to take responsibility for the nation our heroes bequeathed to us. Thursday set us on a new path. We are starting to see what General Lim meant when he said: “Dissent without action is consent.”

November 29, 2007

Hmmmmm...

...now I am seeing something.

Looks like this is more calculated than what I originally thought.

Mayroon bang bigger picture?

Ngayong tapos na ang standoff sa Manila Peninsula, napaisip ako kung ano ang punto ng lahat ng ikinilos na ito.

Pinaprocess ko pa sa utak ko ang posibleng sagot. Parang kaso ng right message, wrong medium.

Or am I not seeing the bigger picture?

Baka naman wala?

Ewan.

Ano ba naman itong si Trillanes

Sana bukas na lang nila ginawa para wala ako sa office. Hahaha!

November 27, 2007

Lumindol!

Malakas!

(Pero nasa harap pa rin ako ng computer, hehehe)

November 26, 2007

Masarap mangarap

Tutal, magpa-Pasko na naman, magsusulat na ako ng aking mga pangarap. Hahaha!

1) Isang masayang buhay may pamilya with lalabs. :)
2) Isang masaya't simpleng KTD
3) Maging senador sa 2016 (hahaha!)
4) Makapagpatayo ng isang Higher Learning Institute for Social and Economic Justice (charing)
5) Maging speaker sa isang graduation
6) Maging guest sa RockEdRadio.
7) Makapag-Master's sa Sociology
8) Makapag-PhD sa Economics
9) Makapag-publish ng maraming research tungkol sa accounting at ang halaga nito sa society
10) Makapagsulat ng libro tungkol sa accounting na ikakatuwa kong basahin
11) Makapagsulat ng libro tulad ni Bob Ong
12) Makapunta sa Africa
13) Makadalaw uli sa San Francisco
14) Magkaroon ng bahay na simple pero medyo maluwag ang bakuran
15) Magkaroon ng bahay sa Davao (kahit bakasyunan lang)
16) Makakain ng authentic Korean food
17) Matutong mag-Bisaya
18) Matutong mag-Ilokano
19) Matutong magkulintang
20) Magkaroon ng kumpletong koleksyon ng albums nina Gary Granada, Joey Ayala, Lokal Brown at iba pang progressive local artists
21) Magkaroon ng kumpletong koleksyon ng albums ng Beatles
22) Magkaroon ng tombak
23) Matutong magbisikleta
24) Matutong lumangoy
25) Makaranas maglaro ng baseball
26) Makaranas maglaro ng soccer
27) Maipagmalaki ng mga magulang
28) Maipagmalaki ng mga anak
29) Matulog nang hindi nagigising kada oras
30) Mamatay na ang sabi ay "OK na, solb na ako. Puwede nang itigil ang laban."

November 25, 2007

Nang mag-nursing nang dahil sa pera

Nung Biyernes ay dumalaw ako sa burol ng tatay ng isa sa aking katrabaho. Sa pagkukuwento niya ng nangyari sa kanyang tatay, isang partikular na eksena ang sobrang nakabagabag sa akin.

Nung umaga na sobrang lubha na ng kanyang tatay (between 5-7am), tinanong ang aking kaopisina ng isang nursing student (hindi nurse ha, student lang) kung gusto niyang ipa-ICU ang kanyang tatay. Tinanong ng aking kaopisina kung magkano. Sabi "P10,000 po pag dun pinasok"

Humingi ng kaunting sandali ang aking katrabaho upang pag-isipan kung ano ang gagawin. Maya-maya, may isang nursing student na naman na lumapit. At sinabihan siya na kung hindi daw siya magbabayad ng downpayment na P15,000, tatanggalin daw nila ang life-support ng kanyang tatay.

Eto na nga ba ang sinasabi ko nang ang nursing profession ay ibinanderang isang propesyong pinagkakakitaan nang malaki at siyang susi sa pagyaman. Imbes na ang mga health workers natin ay mga taong may malalim na bokasyon at may pagpapahalaga sa buhay ng tao, ipinagkakatiwala natin ngayon ang ating mga buhay sa mga taong pera lang ang hanap at ang palaging iniisip ay "Kailan kaya ako makakaalis sa bansang ito? Inip na inip na ako!"

Panahon na para ituwid ang landas na tinatahak ng ating mga nurses. Ang propesyong ito ay tungkol sa serbisyo at sa pangangalaga ng buhay. Hindi ito tungkol sa pera.

Punyeta, naisip ko naman ngayon ang state ng aking propesyon (accounting). Eto naman ang pagtutuunan ko ng pansin sa susunod...

Sabi nga ng kanta ng Ehemplo, "Sana naman kayanin mo..."

Dear Fellow Filipinos,

Good day to you!

Last October 13 , Governor Ed Panlilio of Pampanga came out to declare that he was given P 500,000.00 in cash which came from a Palace Staff Member in Malacañang. The money was allegedly given for baranggay projects and to support candidates for the upcoming baranggay elections. Since Gov. Panlilio’s admission, there have been other local officials and congressmen who have admitted to receiving money from Malacañang as well. Up until today we still don’t know where this money really came from.

But since then, Gov. Panlilio has been under fire because of doing the right thing. Right now, local officials in Pampanga led by Vice-Gov. Yeng Guiao are ganging up on him and marginalizing him by not respecting his authority as governor. Media Publications in Pampanga are even being used to destroy his credibility. If one looks at Gov. Panlilio’s performance thus far in the less than 6 months that he has been in office, the results would speak for itself. He was able to raise the same amount of quarry taxes in less than 2 months compared to the former governor who raised the same amount in 1 year. Due to this, mayors and board members are now demanding part of this collection money and are blackmailing Gov. Panlilio by not passing important policies that will benefit the constituencies of Pampanga.

Isn’t this a familiar refrain in our country? Someone does good and yet he is often punished for doing what is right? And worse, while this is happening many of us just turn a blind eye without doing anything. We s just shrug it off and move on with our lives. It is no wonder why majority of our government leaders are becoming bolder and bolder in becoming corrupt since for them no one would dare complaint about it. In short, we deserve the kind of leaders that we have because we continue to do nothing despite the fact that we see that there is something wrong. And this is why I am writing to appeal to you right now, I’d like to ask for a few minutes of your time to send an email of support to Gov. Ed Panlilio, let us all tell him that we are behind him in his quest for the Truth. What is at stake here is not only the people of Pampanga but the nation as a whole. Gov. Ed exposed what has long been happening in Malacañang and now he is being punished for it. Will you do something about it?

If yes, then please send an email of support to Gov. Ed Panlilio at wesupportgovpanlilio@gmail.com and please help us by forwarding this email to all your friends. We will print the emails that you send and give it to Gov. Panlilio to show him that he is not alone in his quest for the Truth. Let us show the world that the Filipino people will not just allow another Good Man to fail and let evil prevail.

Thank you for your time! May you have a pleasant day!

Sincerely,

Harvey S. Keh
Director for Youth Leadership and Social Entrepreneurship
Ateneo de Manila University- School of Government

November 22, 2007

Pataubin ang Barako

Coach Yeng. Nakakahiya ka. Kawawa ka naman, siguro di ka pa nakabawi sa investment mo nung eleksyon at naiinis kang di mo na makuha ang dating regular mong supply ng pera. Idadamay mo pa ang mga "pinagsisilbihan" mo kuno sa Pampanga.

Sa mga ka-PBA, let us start rooting against Red Bull Barako in all their games. Let us show our disgust against their coach. Sayang, matalino pa naman sana.

Sige na. Kahit Welcoat kakampihan ko na basta kalaban ang Red Bull.

November 21, 2007

Pag ako naging senador part 1...

...ipapatanggal ko ang Value Added Tax sa gamot.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit wala pang nagpopropose nito. Siguro dahil madaling kita (kickback) ito sa gobyerno dahil ang taong may kaanak na may sakit, di mag-aalinlangang magbayad.

November 14, 2007

Nambomba na, babayaran pa

Alam ko ie-edit rin ito ng Inquirer.net, pero natawa ako sa pagkakasulat nila ng isang headline:


Arroyo offer to bombers


Hahaha!

November 13, 2007

Sa bayan ng kabalintunaan

Sa bayan kung saan ang presidente ay ini-impeach ng kaniyang mga chuchu para hindi siya matanggal sa puwesto at kung saan ang mural ng press freedom ay sine-censor, mukhang di pa rin tayo maubusan ng nakakasakit ng ulo na mga kabalintunaan.

Father Ed Panlilio, kinasuhan ng bribery.

Ayon nga kay Tito, Vic and Joey...ACHECHE!

4:30 nang umaga...

...at nasa opisina pa.

But unlike in two of my previous jobs, I am not complaining. :)

November 9, 2007

Tanong

Sabi sa Roman Catholic teaching, suicide is a mortal sin.

Ibig sabihin ba nun na si Marrianet, nagpakamatay dahil nawalan ng pag-asa sa kanilang buhay at dahil sa trahedyang ito'y nabuksan ang mata ng marami sa ating nabulag na sa mukha ng kahirapan, ay nasa impiyerno ngayon?

November 8, 2007

Callous

Habang binabasa ko ang kuwento ni Marianett, ang labing-isang taong batang nagpakamatay dahil sa kahirapan, ako ay nanlumo sa lungkot. Pero ang ang aking lungkot ay napalitan ng galit nang mabasa ko ang parteng ito sa print version ng kuwento (wala kasi ito sa web version):

"Clavio said the program staff tried to get a reaction from Palace officials who, at the time Mariannet's story was being reported in dzBB, were meeting at the Manila Hotel for an antipoverty workshop.

He was told by one official that Mariannet's case was isolated."


What a fucking callous response to a tragedy.

November 5, 2007

Gumagawa ng sariling kaaway

Once upon a time, Uncle Sam supported a coup by a political party named Ba'ath in Iraq. This coup enabled Saddam Hussein to eventually become the most powerful man in this oil-rich country.

Once upon a time, Uncle Sam supported a resistance fighter in Afghanistan. His name? Osama Bin Laden.

Once upon a time, Uncle Sam supported Pervez Musharraf of Pakistan in their War on Terror.

Parang nagkakagaguhan lang tayo...

GLORIETTA 2, PINASABOG NG ISANG MALAKAS NA UTOT!

Yun naman talaga sinabi ng mga pulis ah...









Salamat kay Keboy sa pagcontextualize. Kelan kaya mafifeature ang malaking pagsabog dahil sa utot sa Seconds From Disaster sa National Geographic?

November 4, 2007

Para makilala niyo naman ang mga nakalink sa sidebar

Para sa araw na ito, ipapakilala ko ang ilan sa aking mga kaibigan na gusto kong bisitahin niyo rin at basahin. Paraan rin ito para makonsensya naman sila at ipromote rin ako sa blog nila. Hehehe! Joke lang.

Ang una ay si lalabs Ria. Ang kanyang blog ay ang Karaniwang Dyosa. Nakailang incarnation na rin ito pero hindi nawawala ang dyosa sa title. Mahilig magpost ng tungkol sa kanyang pagiging guro sa U.P. at sa Japan Foundation. At sa kabutihang-palad, tulad ko, bihira siyang mag-post tungkol sa aming lovelife. Hahaha!

Sunod ay ang joint na blog ng aking kapatid na si Ernanie at ang kanyang speysyal samwan na si Ergoe - ang Waytbord. Ano ba yun, parang joint account. Pagpasensyahan niyo na sila, isang beses lang kada buwan sila kung mag-post. Pero laging updated ang kanilang anawnsment section.

Yung teacher ko nung college na si Paolo Manalo ay may blog din. Iyan ang naginspire sa akin na magsulat ng mga katarantaduhan sa internet dahil sa kanyang psychicpants na persona pero dahil umalis na si Oscar Jerome, wala nang psychicpants. Or something like that. Hindi ko masabi kung siya yung paborito kong teacher kasi, sabi nga ng isa sa kanyang mga estudyante, ang natutunan talaga namin sa kanya ay "No show, don't tell" dahil lagi siyang absent.

Si pareng Remar naman ang blogger Sa Likod ng Tabing. Isa siyang award-winning na photographer ng Inquirer pero ni minsan hindi kami nakatikim ng blowout mula sa kanyang mga award. May sikreto kami niyan na ilalantad ko dito: 1) meron siyang professional ID na galing PRC, at 2) kaya maganda mga pic niyan kasi pinapapose niya ang mga subject niya. Hehehe, joke lang yung #2.

Si Keboy, matagal nang may Kwadernong Bilog. Meron din siyang mga kwadernong bilog sa Friendster at sa multiply na di ko alam kung bakit kasi parepareho lang naman yung content. Siya ang best man ko sa kasal pero hindi pa niya alam.

Isa sa mga namimiss kong tao ay si Fiey, ang wanderer sa the wanderer's tales. Sana magkita na rin kami sa wakas pag-uwi niya ngayong Pasko. Ayan, nabroadcast ko tuloy na uuwi siya.

Si Virna naman ang, ehem, star_dyosa. Sabi ng aking lalabs, maganda siyang magsulat. Ang sabi ko naman, mukhang maraming hiwaga sa likod ng kanyang mga sinusulat. Hehehe

Nadiscover ko rin ang blog ng dalawa sa aking mga...nakababata (?) sa Kontra-Gapi. Lumalabas tuloy ang aking edad. Una ay si Lisa Ito na may Aparador sa internet. Si Lisa ay isang environmental activist. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay bilang isang visual artist. Mahiyain yan sa totoong buhay. Ang isa pang may blog ay si Poni. Sosyal, pa-Shanghai Shanghai na lang. Kasama namin siyang umiyak nang manood ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind (o ako lang ang umiyak nun?).

Si Melai...wag nang ipakilala iyan. Masyado na siyang sikat. :p

Si Bridget Jones, sikat din. Kaopisina ko siya ngayon at nabigla talaga ako nang malamang Bridget Jones is a Man. Hehehe

At ang huli kong ipapakilala ngayon ay si Tohru Lorenzo, ang aming unang biktima bilang mga walang alam pero nagpipilit na tour guide sa Maynila. Hahaha! Pinasyal ko siya sa San Agustin Church museum na parang may alam pero sa totoo lang, unang beses ko lang din nakapasok dun. :p

Ayan. Sila ang ilan sa aking mga ka-blog. Sana ay mabisita niyo rin sila, mabasa, at nawa'y mag-expand pa ang ating blogging community. :)

For the right reason

Sa darating na pagbubukas ng second semester, ako ay babalik ng FEU. Magbabakasakali na mayroong available na teaching load na panggabi o kaya pang-Sabado para makapagpart-time ako.

Kinakabahan ako.

Hindi dahil sa takot na baka di na ako marunong magturo. Medyo may kalawang man, alam kong nandiyan pa rin ang skill.

Ang mas nakakatakot ay yung babalik ako sa pagtuturo para sa extra income. Hindi dahil sa bumalik na yung puso ko sa pagtuturo.

Sana...SANA...mahanap ko rin ang puso sa pagbabalik ko sa klasrum. That way, I'd be returning to this vocation for the right reason.

November 2, 2007

Finally, I'm listening to the radio again

I may hate Ramon Jacinto for his politics, specially the Mike Arroyo ass-licking kind. Pero wala akong objection sa kanyang taste sa music.

Pareng Rem, buhay na uli ang 105.9.

Eka, kung gusto mong pumasa, dito ka makinig habang nag-aaral ka. Hahaha!

November 1, 2007

Lumakas ba ang Philippine Peso o humina ang US Dollar?

"The dollar and the yen may extend declines against the euro on speculation the Federal Reserve's second interest-rate cut in two months will keep the global economy from stalling, spurring risky bets.

The dollar sank to an all-time against the euro and Canadian dollar yesterday after the Fed lowered its target rate for overnight loans between banks by a quarter-percentage point to 4.5 percent. Stocks, oil and gold rallied, suggesting an increase in demand for riskier assets."
- mula sa Bloomberg

Ilang araw ko nang sinusundan ang balitang ito at talagang napapaisip ako. Nitong mga nakaraang buwan kasi, ilang beses na sinasabi na maganda ang ating economic performance at ang binibigay na ebidensya ay ang paglakas ng Philippine Peso laban sa US Dollar. Pero sa patuloy na pagbagsak ng US Dollar against all currencies sa buong mundo, tama bang ito ang batayan natin ng pagsabi na malakas ang ating ekonomiya? Lumalakas nga ba ang Peso o humihina lang ang US dollar?

Nakakamangha nga naman sa biglang tingin ang paglakas ng peso laban sa US Dollar na 49.132PHP:1USD nung umpisa ng taon at ngayon ay 43.675PHP:1USD na. Pero kung iko-compare mo kasi ang performance ng peso laban sa ibang currencies, hindi naman consistent ang results. Halimbawa, sa Euro, lumakas nga ang Peso ngayong taon pero hindi naman extraordinary (from 64.6037PHP:1EUR to 63.285PHP:1EUR). Sa Canadian at Australian Dollar, humina ang currency natin (from 42.344PHP:1CAD to 45.989PHP:1CAD, at from 38.705PHP:1AUD to 40.432PHP:1AUD).

Paano naman ang performance ng PHP kumpara sa currency ng ating mga kapitbahay? Sa Japanese Yen, maganda (0.413PHP:1JPY to 0.381PHP:1JPY). Againt the Hongkong Dollar, maganda din (from 6.322PHP:1HKD to 5.652PHP:1HKD) at ganun na rin yung performance ng Peso laban sa Taiwan dollar (from 1.505PHP:1NTD to 1.351PHP:1NTD), Singaporean Dollar (from 32.022PHP:1SGD to 30.237PHP:1SGD), Malaysian Ringgit (from 13.915PHP:1MYR to 13.138PHP:1MYR), South Korean Won (from 0.0529PHP:1KRW to 0.0482PHP:1KRW) at sa Indonesian Rupiah (from 0.0055PHP:1IDR to 0.0048PHP:1IDR). Pero talo tayo sa Thai Baht (from 1.371PHP:1THB to 1.394PHP:1THB).

Generally, lumakas nga ang Philippine peso laban sa ibang foreign currencies ngayong taon. Pero hindi kasing-dramatic ng ibinabandera sa mga headlines dahil nakafocus ang mga balita sa performance ng PHP laban sa USD na exaggerated ng record-breaking na pagbagsak ng USD against global currencies.

Kailangan din sigurong tanungin kung ang paglakas ng PHP ay dala ba ng pagpasok ng foreign investments, paglakas ng export industry o ng maramihang remittance ng mga OFWs?

----------

Historical exchange rate data taken from BSP. Current exchange rates from PDI.

October 31, 2007

Usapang dasal at simba

Nung 2004, nagpadala ako ng isang sulat sa aking mga kaibigan na ine-explain ang aking mga dahilan kung bakit sinusuportahan ko si Eddie Villanueva sa pagkapresidente. Hindi ko na idedetalye dito yung sulat na iyon. Ishe-share ko lang na nung nagcirculate ang sulat na iyon, something got lost in the translation. Sa kafoforward, kumalat na ang sulat ay mula sa isang ATHEIST. Napakamot ang ulo ko nun. Bakit naman ako napagkamalang atheist?

Kungsabagay, hindi ako religious na tao. Bihira akong magdasal. Kapag may nagsasabi sa akin na "Sir, ipag-pray mo kami," hindi ako sumasagot. Madalas dahil sa paniniwalang hindi naman hawak ng Diyos ang ating kapalaran. It's this side of myself which do not believe in the concepts of fate, destiny, karma, grand design, etc. I never believed in "everything happens for a reason." Hindi dahil sa hindi ako naniniwala sa Diyos pero dahil I see it as a way of evading / reducing responsibility and consequences for our actions (individual and collective).

Pero nagdadasal pa rin naman ako. I do not believe in a God that moves mountains but I believe in a God that enlightens. Kungsabagay, baka mas madali pang iusog ang mga bundok kaysa magbukas ng isip ng mga tao. I have this teacher - student conception of our relationship with God in that he/she will never do anything for us, but rather he/she will only help us see what needs to be done.

Kaya malaking factor para sa akin ang pari kapag nagsisimba ako. Sabi ng iba, masamang Kristiyano daw ako kasi kapag di ko trip ang pari, lumalabas na lang ako ng simbahan. Sa akin naman, ang pagsisimba kasi ay isang educational session. Of course there's the thanksgiving part, but I believe that the rituals are not the essence of a eucharistic celebration but rather the inspiration we can derive from it.

Isa sa mga paborito kong pari (actually, siya ang paborito kong pari) si Father Jboy. Siya ang chaplain ng UP Chapel. Kahapon, sinabi sa akin ni Ria na si Father ay mayroon ding blog. Ayus, araw araw na akong makakapagbasa ng mga reflections niya. Ang maganda kay Father, he always puts a human dimension to his teachings. At hindi iyan sa pagbibigay ng mga anecdotes na nakakatawa nga pero wala namang connect dun sa reading. Sa halip, binibigyan niya ng "down to earth" na interpretation ang gospel which makes his words relevant.

Hindi katulad nung isang pari sa aking school dati na wala nang sinabi kundi matakot kami sa parusa ng Diyos at magdasal nang magdasal para sa grasya.

Nung patapos na ako ng high school, inentertain ko ang ideya ng pagpapari. Promise. Nakapag-orientation na nga ako sa dalawang seminaryo. Looking back, buti na lang di ako natuloy kasi I would have entered the priesthood for the wrong reasons. Kung ano ang mga reasons...secret ko na lang yun. Hehehe

October 28, 2007

Thank you, Madam President

Dear Pang(g)ulong Gloria Makapa(ga)l-Arroyo,

I know that you have been receiving a lot of hate mail lately with your pardon of Joseph "Erap" Estrada. You have been pummeled left and right by expressions of disgust over your controversial decision. But please take comfort that there are people like me who were really elated when the news broke out last Thursday. For you, I would like to say the following messages of gratitude:

Thank you, Madam President, for taking the ghost of Joseph Estrada off our shoulders. For so long, we in the anti-GMA camp had to suffer the blanket label of being pro-Erap in our actions. Now, we can oppose your unconstitutional actions without being accused of being "mga bayaran ni Wristband." Now, we can call for your resignation without being asked "Bakit, gusto mong ibalik uli sa kapangyarihan si Erap?"

Thank you, Madam President, for giving us the opportunity to clean the ranks of the opposition. Finally, we will get to see who is really fighting the principled fight and who is fighting for the control over the sharing of the spoils. Finally, we can purge from our ranks the corrupt people who'd like to impeach you for your rape of the government coffers, the martial law agents who'd like to impeach you for your human rights violations, and the vote-buyers who'd like to impeach you for saying hello to Garci.

Thank you, Madam President, for vindicating our fight against the 2004 movement to vote for the lesser evil. You have shown that there's no point in toppling an administration ran by a corrupt gambler if we're just going to replace it by an administration ran by a lying and cheating thief. The fight against the forces of evil can only be won by fighting with the forces of good. To think otherwise is sheer idiocy.

Thank you, Madam President, for slapping the faces of the middle force who supported you for the sake of "moving on" despite your numerous crimes to the country. What a tragic irony it is to see their favorite whipping boy Erap now freely partying in Polk Street upon command of their anointed savior. What a tragic irony it is that by chanting the mantra of moving on, the country took a step back in the fight against plunder, corruption and bad governance.

Thank you, Madam President, for uniting behind your administration the Estradas, the Marcoses, your various kaKAMPIs and cronies, and the other forces fighting for the preservation of the corrupt status quo. Now, the battle lines are clearly drawn. And it is time for the true opposition who believes in the fight for genuine societal change to unite and take the fight to your door. Tama na, sobra na, palitan na...KAYONG LAHAT!

Sincerely yours,

Erwin Francisco Rafael
NGO Worker
Teacher
Blogger
Pilipino

Arf arf

Isa lang ang masasabi ko kay Donald Dee, pinuno ng PCCI, na noon ay gustong makulong si Erap (dahil gusto ni GMA na makulong si Erap) pero ngayon ay suportado ang pagpapalaya kay Erap (dahil inutos ni GMA ang pagpapalaya kay Erap).

Achuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchuchu

Para kang tutang sunod lang nang sunod sa amo. Kung patalunin ka kaya ni GMA sa bangin, tatalon ka kaya?

Sunk cost

Bago ako magsulat nang tungkol sa pagpapalaya kay Erap, sagutin ko muna ang isang tanong ng isa sa mga anonymous sa aking sidebar:

sir ask ko lang po, what's ur opinion if your former student work in a call center? i mean pano kung one of the best siya sa class? malulungkot k?

Ang magiging unang tanong ko siguro ay bakit? Bakit hindi ka tumuloy sa isang propesyon na inihanda para sa iyo ng limang taong kursong pinaghirapan mong tapusin sa pamantasan?

At ang pangalawang tanong ko ay masaya ka ba?

Sa totoo lang , mas malulungkot ako kapag ang isang CPA ay nagpilit na magpatuloy sa pagiging CPA kahit AYAW niya.

Malulungkot ako kung ako ngayon ay nasa auditing firm o kaya ay nasa corporate world dahil lamang sa pagsunod sa "normal" na daang tinatahak ng isang CPA.

Malulungkot ako kung ang kaibigan kong si Rem Zamora ay hindi tayo binibiyayaan ng kanyang magagandang pictures sa Inquirer para lamang magamit ang lisensyang ayaw naman niyang gamitin.

There's nothing worse than letting your future choices be bound by your past. Sabi nga sa management accounting, ang mga nangyari sa nakaraan ay isa nang sunk cost. Therefore, it is now irrelevant in making decisions.

October 25, 2007

Capacity building

Ayon sa League of Provinces of the Philippines, ang perang natanggap ni Father Ed Panlilio ay parte daw ng "capacity building program" ng kanilang grupo para sa mga bagong gobernador.

Ewan ko kung ano ang kanilang program design. Ngayon lang ako nakakita ng capacity building program na ibibigay lang ang pera nang walang instruction kung saan gagamitin.

Baka naman ang bini-buildup na capacity ay yung capacity to accept unmarked cash gifts from unknown sources? O yung capacity to deny accepting such money?

Nalulungkot naman ako kay Ate Vi. “Please don’t drag me into this. I’m just a new governor. I don’t want to be distracted from my job,” sabi niya. Mukhang na-build na ang capacity niya to deny.

October 22, 2007

Congrats!

Para sa lahat ng kumuha at pumasa sa October 2007 board exam:

MARAMING SALAMAT!

Tulad ng sinabi ko nung nakaraang testimonial, being a CPA opened new doors of opportunity for you, but never forget that it did not close any other doors. Never let those three letters limit your choices in life.

Kitakits na lang...

Nawalan

MESSAGE:

Dear everybody,

I just lost my cellular phone to a thief in the MRT durnig rush hour today so I may only be contacted through e-mail (akosipaeng@gmail.com, efrafael@pbsp.org.ph, efrafael@tblinc.org.ph) or through landline (567-1434 - Kalaw office , 527-7741 loc. 103 - TC, 527-7741 loc. 311 - Finance, 562-2343 - home). I am not planning to buy another mobile phone soon.

-Paeng-

:) Balik sa simpleng buhay.

October 21, 2007

Panalo

"It is a terrorist attack. Whoever is the perpetrator, they are terrorizing the people, but we have not identified them yet," the military chief told reporters here via speakerphone.

Pressed further, Esperon said the suspects in the attack could be communist rebels, Islamic extremist groups like the Abu Sayyaf, or rightist groups.
- mula sa Inquirer.net

Ang galing-galing talaga ng awtoridad natin na magnarrow down ng listahan ng mga suspects, parang puwede nang isali lahat. Is that a sign of military intelligence?

Medyo mas maayos pang basahin ang analysis ni Rex Robles. So does this mean that we should watch out for terrorist attacks every last quarter of the year?

----------

Naalala ko pa nung magkaroon ng mga terrorist bomb attacks sa Maynila. Yun yung panahon ng Rizal Day bombings nung Christmas break sa kalagitnaan ng impeachment trial ni Erap. Isang bomba ang sumabog sa Malate, isa sa Makati, isa sa airport at ang pinakamatindi ay ang pagsabog sa LRT Blumentritt.

Medyo matindi ang naging epekto sa akin nun. Naging suspicious ako sa lahat ng mga nakikita kong plastic bag na may laman na nakakalat lamang sa kung saan. Naging mapagmatyag ako sa mga tao. Ang pinakamatindi siguro ay yung hindi ako sumakay ng LRT at MRT nang matagal-tagal.

-----------

Isang araw nung 2001, ako ay sumakay sa isang bus mula Cavite pauwi ng Maynila. May pasaherong lalake na kayumanggi ang balat, may bigote, at may dalang malaki at mabigat na bag. Umupo siya sa row ng upuan sa tapat ko. Pagkatapos ng mga sampung minuto ay lumipat ang lalake mga limang rows ang layo sa harap, sa tabi ng pintuan ng bus. Pero yung kanyang bag na malaki at mabigat ay iniwan niya sa aking tapat.

Pinagpawisan ako nang malamig. Hindi ako nakatulog kahit na puyat na puyat ako. Nakatutok lang ang mata ko dun sa lalake, hinihintay kung siya ay bababa nang hindi dala ang bag. Kapag nasa stopover kami, bumababa ako kapag bumababa siya. Di ko na namalayan na nasa Makati area na ako at kailangan ko nang bumaba. Puyat at nanghihina akong pumasok sa office dahil sa paranoia sa isang lalakeng iniwan ang isang malaking bag sa aking tapat.

Ang insidenteng iyon ang nagmulat sa aking isipan na ang punto ng terorismo ay ang pag-mess up ng ating utak. The terrorists win when they instill fear in our minds. They win when they make us drop the things we normally do for things that they want us to do. They win when they make us look away from the things that they don't want us to look at. They win when we end up "seeing" terrorists everywhere everytime.

Nung araw na iyon, sinabi ko sa aking sarili na putang ina nila. Hindi na ako matatakot.

----------

Nitong nakaraang dalawang araw, isang coincidence na dalawang beses akong nakasaksi ng malakas na pagsabog...ng gulong. Normally, non-event lang naman ang pagsabog ng gulong ng sasakyan, pero dahil sa pagsabog sa Glorietta, kitang kita ang kakaibang reaksyon ng mga tao. Ang takbuhan. Sigawan. Paghawak sa dibdib dahil sa kaba. Paghinto ng mga sasakyan sabay bukas ng hazard lights.

Habang pinapanood ko ang kaguluhan sa aking paligid na nagawa ng isang simpleng pagsabog ng gulong ng jeep, agad pumasok sa aking isipan:

THEY WON

October 14, 2007

Cortada

Sa aking pagpasok kanina, dumaan na naman ako kalye ng Cortada. Maiksi lang ang kalyeng ito, dalawang bloke lang ang haba. Medyo out of the way siya, hindi gaanong dinaraanan ng kotse. Pati mga naglalakad bihirang dumaan dito.

Sa isang buong bloke ng bangketa sa kalyeng ito, natutulog ang hindi bababa sa mga labinlimang pamilya. Nandun sila, nagsusumikap na mabuhay sa pamamagitan ng pagtitinda sa mga sari-sari store na sila-sila lang din ang nagbibilihan. Nandun sila, nagsisikap na mabuhay sa pamamagitan ng pagluluto sa mga karinderya na sila-sila lang din ang nagkakainan. Nandun sila, nagsisikap na mabuhay sa pamamagitan ng pagpepedal ng mga pedicab na sila-sila lang din ang nagsisisakay.

Tuwing dumaraan ako dito, lagi kong naiisip yung term na poverty trap. Madalas, masyado tayong napapabilib ng mga rags-to-riches na mga kuwento na napapanood natin sa TV. Napapaniwala tayo sa mantra ng "sipag at tiyaga" hanggang sa puntong tinitingnan na natin ang mga mahihirap na mga tamad at walang pagsisikap. Nabubulag tayo sa katotohanang ang mga nagtatagumpay na makaahon mula sa kahirapan ay sobrang konti lamang at sila ay hindi dinala lamang ng sipag at tiyaga kundi kasama na rin ang kakayahang lumaro sa sistema at ang confluence ng favorable conditions na hindi naman mae-experience ng lahat ng mahihirap.

While the "sipag and tiyaga" mantra was meant to be a source of inspiration, it unfortunately had a bad effect on the national psyche. Iprinisinta nito ang problema ng kahirapan bilang problemang indibidwal at hindi problemang systemic. Ang kahirapan ay naging problemang ang solusyon ay nasa kamay ng mga mahihirap lamang, at hindi nasa kamay nating lahat.

Di miminsan na naisipan kong huwag na lang dumaan sa kalye ng Cortada para mas mapayapa ang aking pag-iisip sa aking pagpasok sa opisina. Sabi nga nila sa mga problema, out of sight, out of mind. Pero yun mismo ang napaka-oppressive sa sitwasyong ito. Sa harap ng kahirapang tumatambad sa ating paningin, parang wala tayong nakikita. Sa tinig ng paghingi ng tulong na pumapasok sa ating mga tenga, parang wala tayong naririnig. Sa gitna ng isang modernong business district sa puso ng Kamaynilaan, may isang kalyeng nasa mapa pa pero burado na sa isipan ng karamihan dahil ayaw na natin itong pansinin at daanan.

October 7, 2007

Kailangan ng career doctor

Mula sa isang article ni Dan Magallanes sa Inquirer:

By the time you're 30, your salary should be P120,000

YES, you read it right. By the time you reach the age of 30, your salary level should be four times your age. If not, go and check what's wrong with your career. See a career doctor. Don't trust your self-assessment...


Judging by this...benchmark(?)...then I guess I am a failure and should consider going to the "career" doctor.

Ganun na rin siguro ang buong barkada ko na mga nasa late twenties at malayo pa ang kailangang lakbayin para makaabot ng income na four times our age.

Failure ding maituturing ang lahat ng nasa NGO na pinagtatrabahuhan ko. Kahit na yung nasa pinakamataas na posisyon. Kawawa naman.

Ganun na rin ang lahat ng mga teacher sa Pilipinas. Unless mayroong teacher na sumusuweldo ng P120,000 a month at di ko nalalaman. (Magkano kaya ang tuition ng school na pinagtuturuan nun kung siya'y nage-exist?)

Failure ding maituturing ang lahat ng nasa gobyerno. Biruin mo, ang pinakamataas na kita sa civil service - ang suweldo ng presidente ng Pilipinas - ay Php63,525.00 lamang. {Kaya siguro natututong maging corrupt ang mga public officials kasi ayaw nilang mabansagang failure)

Baka sabihin naman ng iba na ako ay nagsa-sourgrape lang. Ngunit totoong paniwala ko na dangerous ang pagkalat ng ganitong mindset kung saan ang success ay sinusukat sa pamamagitan ng isang "overblown" na pamantayan. Kung susundan natin ang benchmark ni Mr. Magallanes, na sa tingin ko ay well-meaning naman sa kanyang isinulat, ang mga successful na tao lamang ay ang mga nagiging milyonaryo by the age of 30.

This kind of thinking reinforces Philippine education's misprioritization of demoting educational institutions from meccas of discovery, discourse and debate into mere factories of industry-ready workers for the corporate world. This kind of thinking reinforces the drive for doctors to aspire to be able to charge P1,000 per 30-minute consultation, for promising civil servants to leave the public sector and flock to the corporate sector, and for outstanding teachers to leave our young people's education to the hands of those who "can't make the grade" in the industry. This kind of thinking reinforces our drive to always aspire for more, oblivious to the fact that for society to really prosper, ang kailangan ay matutong mamuhay ng sapat sa ikagiginhawa ng lahat.

September 30, 2007

Kaytagal nawala at nagbalik para sabihing...

Kayhaba-haba man ng prusisyon

Sa simbahan din ang tuloy


:)

September 9, 2007

Nangarap baguhin ang sistema

Dalawang buwan nang nakakaraan, bumalik ako sa development work. Nangangarap na kahit paano, makakagawa ako ng pagbabago sa sistema ng pag-implement ng foreign aid projects sa ating bansa.

Dalawang buwan ang nakalipas, parang ako ang unti-unting nababago ng sistema imbes na ang sistema ang nababago ko.

September 5, 2007

My other internet persona

I haven't had time to post in this blog of late because I have returned to the first thing that attracted me to the internet.

Writing about comic books!

For the past four months, I have done eleven reviews. I have also done a regular column on G.I. Joe's 25th anniversary celebration, World War III, and I would also be contributing to more features in the future.

Di niyo akalain ano? Hehehe...

September 1, 2007

Wilyonaryo Scam

Wala nang mas nakakainis pa kaysa mga taong nagpiprisintang tumutulong sa mga nangangailangan pero sa halip ay ginagago lang ang mga "tinutulungan" niya.

August 5, 2007

Ito ba ang bagong bayani?

Kung hindi ko pa nabasa sa column ni Randy Davaid, hindi ko pa mababalitaan ang kuwento ng sapilitang pagpapatrabaho sa mga Filipino OFWs sa construction ng US Embassy sa Iraq.

Lumabas ang expose na ito sa testimony ni Rory Mayberry sa U.S. Congress. Ayon kay Mayberry, nilinlang ng First Kuwaiti Trading & Contracting Company ang mga foreign construction workers, kasama na ang ilan nating mga kababayan, na inaakala na sila ay bibiyahe papuntang Dubai. Nalaman lamang nila na sila ay papuntang Baghdad nang sila ay nasa eroplano na at wala nang magawa.

Ang unang reaksyon ng ating pamahalaan? Pabulaanan ang claim na 51 ang mga Pinoy na kasama sa insedente. 11 lang naman daw talaga.

Sa panawagan na dapat papanagutin ang American government sa pagpayag na may magtrabaho sa construction ng kanilang embassy na galing sa bansang may travel ban sa Iraq, sinabi ni Labor Secretary Brion na ang may pananagutan daw dito, kung sakaling mayroon mang may pananagutan, ay yung First Kuwaiti Company.

Hindi rin daw pinilit ang mga Pinoy na pumunta sa Iraq:

"Nobody was kidnapped or forced to go to Iraq. Di mo na kailangan pwersahin mga Pilipino [You don't need to force the Filipinos] because they get three times their salary elsewhere. A chief cook in Baghdad, for instance, earns $8,500 a month,” he said."

Nakakalungkot. Kung basahin ang mga statement ng ating labor secretary, parang may halo pang pagmamalaki na may sariling kusa ang mga Pilipino na magpumilit na makapasok sa bansang MAYROON TAYONG TRAVEL BAN at walang Pilipinong legal na makakakuha ng visa.

Mali si Mr. Brion. Ang pagpasok sa isang bansang lubhang mapanganib at mayroong travel ban ay hindi normal na gawain ng isang taong hindi napipilitan. Sabihin na natin na hindi accurate ang statement ni Mayberry na kinidnap ang mga Pinoy na pinagtrabaho sa U.S. Embassy, ang mga OFWs na ito ay napilitan pa ring makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa kanilang sariling bayan.

Madalas na tawagin ang mga OFWs na ating mga bagong bayani. Di ako sumasang-ayon sa taguring ito. Ang romanticization ng mga OFWs bilang mga bayani ay pambulag sa katotohanang sila ay mga BIKTIMA ng isang lipunang ipinasa na sa ibang bayan ang pagsasakatuparan ng pangako ng isang magandang kinabukasan.

Kamusta na kaya sila?

Ngayong one year removed na ako sa pagiging teacher, napapaisip ako kung ano na kaya ang nangyari sa aking mga estudyante.

Kamusta na kaya sila? Naging successful na kaya? Napariwara? Naligaw ng landas? Nagpaligaw ng landas? Gumawa ng sariling landas?

Sino na kaya sa kanila ang naunahan pa ako sa pagkakaroon ng sariling pamilya? Sino na kaya ang naunahan ako sa pagiging mayaman?

Ilan kaya ang nangibang bansa? Umuwi ng probinsiya? Nagtrabaho sa call center?

May nakakulong kaya sa kanila?

Di tulad ng ibang propesyon, ang hirap masukat ng pagiging "maayos" at successful na teacher. Karamihan ng ibang trabaho, may metrics na quantifiable at madaling ma-isolate. Maaaring sabihin na puwede namang gawing metrics na lang yung passing rate at ang mga grades ng mga estudyanteng hinawakan, pero ang impluwensiya kasi ng teacher ay lagpas pa duon. Ang mahirap pa, napakaorganic ng results dahil marami pang ibang factors maliban sa itinuro ng guro na makakaapekto sa magiging aksyon / desisyon ng isang estudyante.

Napapaisip ako ng mga tanong na ito kasi muling may tawag na ako ay bumalik sa pagtuturo. Kahit part-time lang. Pero bago ako magdesisyong bumalik, kailangan ko munang i-assess kung ako nga ba ay naging matagumpay nung aking unang pasada sa larangang ito.

July 29, 2007

Nang mawala ang "holy" sa holiday

Nitong nakaraang linggo ay naging epektibo na ang batas na magmu-move ng maraming mga holiday sa Pilipinas sa pinakamalapit na Lunes. Ito ay pagpapatuloy ng polisiya ng holiday economics ng GMA admin kung saan pinopromote ang long weekends para mapush ang domestic tourism.

Ang holiday ay isang paggunita, isang pagtanaw sa isang mahalagang yugto sa ating kasaysayan. Madalas, ang mga yugtong ito ay dulot ng isang malaking sakripisyo mula sa mga taong ipinaglaban ang isang mas magandang kinabukasan para sa atin. Ano na lang kaya ang iisipin nina Bonifacio, Rizal, Aquino pati na ang mga namatay sa Bataan at Corregidor kung nalaman nila na ang kanilang mga pinaghirapan ay tinitingnan na lang natin na mga pagkakataon para makapagbakasyon?

July 24, 2007

Right and popular

"I'd rather be right than popular" sabi ni GMA sa kanyang huling SONA. Magandang catchphrase, pero bakit either / or ang dating? Hindi ba puwedeng right AND popular? Bakit ang dating ng statement na ito ay ako (si GMA) ang tama at ang mga taumbayan ay mali?

But isn't the people deciding on their fate the essence of democracy? Anupa't tinawag tayong demokrasya kung hindi rin naman ang mga tao ang masusunod?

July 17, 2007

It runs in the family

Wow naman.

Pati tatay ko natuto nang magblog.

July 15, 2007

Balik tambay

Sa wakas, nakabalik na rin ako sa pagtambay. Isang linggo na ako sa aking bagong trabaho at ang masasabi ko lang ay...

Masaya ako.

Bow.

Sana nga lang ay nagbakasyon muna ako nang isang linggo. Ewan ko ba kung bakit nag-end up ang buhay ng tao na umiikot sa trabaho. Ayon nga sa isang kasabihan, ang tao ay nagtatrabaho para mabuhay, hindi nabubuhay para magtrabaho. Kaya dapat, pagbigyan ang sarili paminsan-minsan.

Parang gusto ko tuloy mag-VL bukas. Hmmmmm

June 7, 2007

June 4, 2007

Kape

Nung nakaraang Sabado, kami ay nagpunta sa Music For Education na show sa Greenbelt. Isa siyang fund-raising concert na ang intensyon ay makalikom ng pondo para mapag-aral ang mahigit limampung mahihirap na bata sa Taguig. Masaya ang concert at nakakaantig ang plight ng mga bata na kitang kitang gusto talagang mag-aral.

Nakakalungkot nga lang na - for lack of a better term - nilangaw ang palabas.

Paglabas namin, kami ay napadaan sa isang Starbucks outlet. Punung puno, pati yung mga upuan sa labas occupied. Paano kaya kung yung pera na pinambibili lang ng mamahalin at overpriced na kape ay gamitin sa pagpapaaral ng mga bata, ilan kaya ang makikinabang?

June 2, 2007

Spread the wealth

Ayon sa latest figures mula sa National Statistical Coordination Board, "astonishing" ang naging growth ng Philippine economy nitong nakaraang first quarter. 6.9% ang growth rate, halos katulad ng growth rate natin bago nagkaroon ng Asian crisis.

Pero sabi ni Juan, bakit parang di ko yata nararamdaman?

Sabi ng mga eksperto, kailangan daw kasi 7% ang growth para magkaroon ng trickle-down effect sa mga karaniwang tao. Siyemay, kinulang pa tayo ng .1%.

And, to borrow a phrase from Conrad de Quiros, there's the rub. Ibig sabihin, para makinabang sa economic growth ang mga nangangailangan, kailangang makinabang muna yung mga hindi na nangangailangan at nakakaangat na sa lipunan. Ang tagal na nating pinoproblema ang gross economic inequality sa ating lipunan pero maling mali ang ating strategy dahil ang unang nakikinabang sa pagunlad ng ekonomiya ay yung nasa itaas ng wealth pyramid.

Ang pagrely sa economic growth sa pag-angat sa mga mahihirap ay hindi sustainable. Paano ba maa-achieve ang economic growth? 1) Produce more and consume more, which takes a toll on our planet's limited resources. Totoo, mayaman ang ating bansa at maging ang ating planeta, pero di tulad ng pinagkakalat ng karamihan, nauubos ang yaman na iyan. 2) Capture the market of a competing economy. Ibig sabihin, ang pakinabang natin ay ang kawalan nila. Ang pag-unlad natin ay ang pagbagsak nila. Economics of competition, instead of equitable copperation.

Ang problema natin ay hindi problema ng growth. Ito ay problema ng distribution. The solution to improving the well-being of the Filipino people is not to create more wealth but to spread the wealth.

May 29, 2007

Congrats!

Congratulations sa aking mga bagong colleagues. :) Di ko pa mabanggit ang pangalan niyo dito kasi di ko pa maidentify yung lahat ng 32 na pumasa. Sana ay gamitin ninyo ang pagkakataon na ito para lalo pang mapagyaman ang inyong buhay. Remember that your newly acquired license has opened doors to a world of opportunities at hindi kayo dapat limitahan nito sa kung ano ang daang tatahakin sa hinharap.

Ngayon, puwede ko nang sabihin na tapos na.

(Medyo lang pala dahil meron pang unfinished business)

May 28, 2007

Naiinip

Ang tagal namang matapos ng eleksyon dito. Para bang sinasamantala ang short attention span ng mga tao para mabaling na ang atensyon sa ibang mga bagay maliban sa bilangan.

Sabi nga nila, ang magnanakaw, dumarating kapag madilim na at ang lahat ay natutulog.

May 27, 2007

Make poverty reduction your business

Plugging muna. Baka may interesado sa inyo, we are promoting a competition for entrepreneurs who want to start a business that will help alleviate poverty. Parang conflicting, ano? Profit-making at poverty reduction. Pero nung makita ko ang mga business plans last year, I think this is the way to go para matransform natin ang business landscape from heartlessness to social and civic consciousness. Malay natin, maghimala. Hehehe.

This year, I am one of the screeners. Siguro pag tumagal-tagal, ako naman ang magjojoin kapag may naisip na akong magandang business. Sa totoo lang, may naiisip na ako, pero lulutuin ko pa.

----------
Message

Dear friends,

The Philippine Business in Development (BiD) Challenge is an International Business Plan Competition for poverty reduction and profit.

Apart from prize money to be won, entrepreneurs can find coaching, partners and investors. It's a worldwide initiative. PBSP is the organizer in the Philippines and we invite you take on this challenge. Submit your three page business plan and use this opportunity.

Please spread the word and forward this to people and/or organisations for whom this could be relevant.

Questions? See our website or send an email to the PBSP BiD Challenge Team at bidph@pbsp.org.ph.


BiD Challenge

----------
This portion sponsored by Bloggerwave

Habang iniisip ko ang competition na ito where entrepreneurs and investors are matched, naisip ko ang role ng venture capitalists sa ganitong mga initiatives. These companies make their living by shepherding unproven but viable upstart businesses. One example is Venture Alliance Partners, who describe themselves as "one of the leading providers of private equity, dedicated to helping entrepreneurs and investors build world class companies." Such companies are vital for SMEs in developing countries because of what the BiD Network calls as "the ‘missing middle’ problem: There is a financing gap between $5,000 and $500,000 (where microfinance stops and commercial finance starts)." The question though is would venture capitalists like Venpar take a chance on businesses who aim for the seemingly conflicting goal of profit-taking and poverty reduction?

Well, we can always hope.



----------

Sige na nga, sabihin ko na kung anong business yung gusto kong isali dito. Yung business school na nabanggit ko na sa post na ito. Business school na hindi lang entrepreneurs ang gustong maproduce kundi mga social entrepreneurs. Sana nga matuloy.

Ano kayang magandang pangalan?

Ang kasaysayan ng Mormonismo

Mga isang linggo na ang nakakaraan, muli kong inactivate ang aking Google AdSense account. Matagal na akong may acount dito, Globalpinoy pa nga ang aking e-mail noon at hindi Gmail. Pero ngayon ko lang ginamit dahil na-curious lang ako: Ano kaya ang targeted ad na lalabas sa aking website?

Intelligent software daw ang gamit ng Google sa paglabas ng ad sa aking blog. Susuriin ang content tapos magkakaroon ng matching. Ibig sabihin, medyo tugma ang target audience ng ad na lalabas dito sa audience ng blog na ito (oo, kayong tatlo). Kaya siyempre, excited naman akong malaman kung ano ang unang-unang ad na lalabas sa aking blog.

Ang Kasaysayan ng Mormonismo

Huwat?

Meron ding mga Free product demos ng National Instruments. Meron pang German na ad, Kies onze IPMA Training. May ad din ng Lithography Training. At kung tama ang alala ko, meron ding lumabas na ad ng isang Malaysian na restaurant.

Pakshet, ayaw talagang mawala Ang Kasaysayan ng Mormonismo sa aking banner ads.

Heniweyz, di ko malaman kung anong klaseng intelligence ang gamit ng intelligent software ng AdSense. Pero ang masasabi ko ay nakakatuwa siya sa kanyang weird sense of humor. Lagi tuloy akong nae-excite na buksan ang aking page para malaman lang kung ano ang bagong ad na "match" sa aking blog content. Por diyos por santo, sana nga lang wag lumabas ang mga ad ng viagra, sex toys at penile erection na siyang spam sa aking e-mail.

EDIT: May nabasa akong post sa ibang blog na nagtatanong kung paano mapapataas ang hits sa blog. Madali lang naman. Basta isulat mo ang salitang Harry Potter, American Idol, Paris Hilton, nude, naughty, scandal at sex, tiyak maraming maliligaw sa website mo. Ewan ko nga lang kung di sasakit ang ulo mo sa spammers.

Punyemas, baka ma-spam ako.

May 26, 2007

Paikot-ikot

Ang hirap ng buhay.

Ang taas ng presyo ng mga bilihin. Tuwing maggo-grocery ka, nagtataka ka kung bakit umaabot ng isang libo ang binabayaran mo e halos di pa magkasya yun sa isang linggong gamit niyo sa bahay. May trabaho ka nga, pero kulang naman and suweldo. Di mo na nga maintindihan kung bakit ganun. Lumipat ka na sa trabahong mas mataas ang bayad pero kulang pa rin.

Di mo maiwasang mainggit sa mga managers mo. Ayun sila, relax na relax. Panay imported ang gamit. Prada ang bag ni Mam. Marks and Spencer namimili si Sir. Hay naku, kung sana lang makabili ka rin ng mga ganung produkto. Ni pumasok nga sa mga shops na iyon di mo magawa kasi japorms mo pa lang, alam nang hindi ka bibili.

Abroad. Yan ang pumasok sa iyong isip. Sabi nila madali lang ang pera kapag nasa ibang bansa ka na. Siyempre naman, mas mataas kasi ang halaga ng dolyar kontra piso. Napagdesisyunan mong pagtiyagaan na ang mawalay nang sandali sa pamilya para sa mas pangmatagalang ginhawa.

Kaya nag-invest ka sa iyong sarili. Nag-aral. Nagbayad ng placement fee sa isang agency. Nagpagawa ng passport, nag-apply ng VISA. Naghintay.

At sa wakas, nakaalis ka na rin.

Mahirap magtrabaho abroad. Malungkot. Ang tanging kasiyahan mo lang ay yung makabasa ka ng email mula sa iyong mga minamahal sa buhay na siyang dahilan kung bakit ka umalis. Nandiyan nga rin pala ang iba pang mga lonely Pinoy na kasama mong nakikipagsapalaran sa malayong lugar. Fellow travellers, ika nga.

OK naman nung umpisa, guminhawa kahit papaano ang buhay ng mga iniwan mo sa Pinas. Pero nitong mga nakaraang buwan, nagkaroon ng problema. Sabi nila kailangan ka daw magpadala pa nang mas marami. Bagsak daw kasi ang dolyar laban sa piso.

"Nakupu!" isip mo. Akala mo pa naman mas gagaan na ang buhay pag nasa abroad ka. Pero sige, para naman sa pamilya mo ito. Kaya sinikipan mo uli ang sinturon para mas maraming maipadalang dolyar sa Pilipinas. Tataas rin naman uli ang dolyar laban sa piso, ang iyong pakiwari.

Pero hindi tumaas ang dolyar laban sa piso. Mas mabilis pa nga ang naging pagbagsak. Kaya mas marami pa lalo ang kailangan mong ipadala. Kumuha ka na night job para lang dumami ang iyong maipapadala pero parang balewala lang din ito dahil kinokontra lang ng pagbaba ng halaga ng iyong pera.

"Letse! Bakit ba kasi bumabagsak ang dolyar?!" Ang sagot ay iyong nalaman nang ikaw ay hinirang na isang bagong bayani ng gobyerno ng Pilipinas. Maraming salamat daw at dahil sa parami nang paraming padala ninyong mga OFW, lumalakas ang piso laban sa dolyar. Kayo ang pillar ng ating new economy.

Ikaw ay nanlumo. Dahil marami kang pinapadalang dolyar sa Pilipinas, bumabagsak ang halaga nito. Pero dahil bumabagsak ang halaga nito, mas marami pa lalo ang kailangan mong ipadala sa Pinas.

Ay, anong kabalintunaan!

Binuksan mo ang iyong e-mail. May message na naman si Misis, magpapasukan na at kulang pa ang naipadala mo na pangtuition ng iyong panganay.

May e-mail ka rin palang natanggap mula sa dati mong boss. Nage-enjoy daw siya sa pamimili sa Marks and Spencer. Super sale! Malaki daw ang ibinaba ng presyo ng imported ngayon dahil bagsak ang dolyar laban sa piso.

Gulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim
Bakit ngayon nasa ilalim pa rin?

May 23, 2007

Ehemplo

Sa bayan ng ating Pang(g)ulo, nagkaroon ng isang himala. Isang kandidato na walang political machinery, walang pera, walang backing ng mga power brokers, independent at may purong intensyon ang nanalo bilang gobernador laban sa dalawang beterano ng pulitikang Kapampangan.

Nais ko sanang sabihin na triumph ito ng good over evil. Pero gusto kong bitinin muna ang aking judgment hanggang sa makita ang mangyayari kapag nagsimula nang mamuno si Among Ed. Ang aking cynic na side ay nagsasabi na "Lalamunin lang iyan ng sistema." Pero ang aking mas dominant na hopeful na side ay naniniwala na kapag lalampasan natin ang pagkakulong sa ating mga preconceptions, walang imposible.

Para kay Among Ed, siguro ang hiling ko na lang ay maging ehemplo sana kayo ng tapat na paglilingkod. Sabi nga sa isang MTV:

"Sana naman kayanin mo
Panindigan ang prinsipyo..."

May 20, 2007

Yoyoy

Kahapon ko lang nalaman na namatay na pala si Yoyoy Villame. Akala ko si Kuya Cesar lang ang namatay kasi yun lang ang nabalitaan ko sa DZMM Tele-radyo. Siguro dahil DZMM talent si Kuya Cesar kaya mas nabigyan siya ng spotlight.

Heniweyz, marami nagsasabi na si Yoyoy ang hari ng novelty songs. Ewan ko pero parang ang pangit pakinggan ng salitang "novelty" kapag ia-associate sa mga kanta niya. Parang walang sense ang dating, pero kung tutuusin, mas may sense pa ang mga kanta niya kaysa sa karamihan ng mga pop songs na pinapatugtog sa radyo. It takes artistic intelligence para makasulat ng kantang nakakatawa ang dating pero informative at the same time.

Kung di dahil kay Yoyoy, di ko matatandaan kung kelan dumating si Magellan sa Pilipinas. At mag-exercise tuwing umaga.

Di ko malilimutan yung pinagharap sila ni Gary Granada sa Nuts Entertainment sa isang "songwriting competition". Bibigyan sila ng topic tapos on the spot sila gagawa ng kanta. Ang galing, talagang napabilib ako, kasi maganda pa talaga yung mga nasulat nilang kanta. Mga genius talaga.

Sayang lang at nitong mga nakaraang taon ay di na gaanong naririnig si Yoyoy. Isa na lang siyang piece of trivia sa Philippine music. Pero sa aming mga na-expose pa sa kanyang awitin, hindi lang siya trivia. Isa siyang paalala ng kung ano ang maaabot ng isang artistic genius kung hindi ikukulong ng standards of creativity na ini-impose ng commerce, popular music at ng artistic elite.

May 14, 2007

Excited

Ibang klase talaga eleksyon sa amin. Alas-otso nang umaga, paalis na kami ng bahay. Akala ko mauuna pa kami sa presinto, pero hindi. Ang dami na agad naming nakasalubong na nagtatanong, "Bumoto na kayo?. Ganado ang mga tao. Excited.

Sana lang, matumbasan ang aming gana sa pagboto ng aktwal na pagkakabilang ng aming mga balota.

Belated

Isang bagay na pinagsisisihan ko sa pagpasok ko sa aking bagong trabaho ay ang di pag-attend ng graduation ng aking mga estudyante noong April 16 sa PICC. Ang batch 2007 kasi ang kauna-unahang batch na di ko nasaksihan ang pagtatapos.

Sa karamihan ng co-faculty ko, hindi big deal ang pag-attend ng graduation. Pero para sa akin, importanteng bagay ito. Ito kasi ang nagbibigay sa akin ng sense of closure. Ito rin ang panahon ng pagpapaalam at kahit na sabihin pa na "Magkikita pa rin naman tayo," alam ko na more often than not ay yun na nga ang huling pagkikita namin ng karamihan ng aking mga estudyante.

Ang senti ano? Ganyan lang talaga si Sir Paeng, ang korni...

Heniweyz, kung meron mang batch 2007 na makakabasa nito, belated congratulations sa inyong lahat. Pasensya talaga at di na tayo nagkita-kita. Salamat sa mga magagandang ala-ala. Aabangan ko na lang ang mga pangalan niyo sa diyaryo sa Oktubre at sana, kung papalarin, magsasama-sama tayo uli sa inyong testimonial.

May 13, 2007

Ang napag-iwanan at ang nagpaiwan

Napag-iwanan.

Iyan ang description sa akin ng isang mahal sa buhay nung isang gabi. Pinag-uusapan namin ang career ko bilang CPA at kanyang nasambit na tuwang-tuwa sila at nasa multinational na ako. Napag-iwanan na daw kasi ako ng aking mga ka-batch at ngayon ay makakahabol na ako.

Sa totoo lang, medyo nagtaka ako kung paano nasabing napag-iwanan ako ng aking mga ka-batch e wala naman kaming nasasagap na balita tungkol sa kanila. Nakakairita ring marinig ang ganung comment, na para bang walang kakuwenta-kuwenta ang mga pinaggagawa ko nitong nakaraang mga taon. Pero after a few hours of reflection, naisip ko na may punto nga naman siya.

Napag-iwanan naman talaga ako.

Ano ba ang typical na career path ng isang CPA?

Pagpasa mo ng board exam, papasok ka sa isang auditing firm. Tapos magpupuyat ka ng isa, dalawang taon para tumaas ang iyong "market value". Tapos, may dalawang options ka. 1) Maga-apply ka sa foreign partner ng iyong local firm para ma-assign ka abroad. O kaya 2) magpapapirata ka sa isa sa iyong mga kliyente, preferably a multinational para sa isang supervisory position sa kanilang accounting / finance department. Pagkatapos nun, dirediretso na iyan at kung magiging maayos ang iyong strategy, maari kang maging partner sa isang auditing firm, controller, vice president - finance, o kaya ay Chief Financial Officer.

Along the way, magkakaroon ka ng marami-raming pera. Makakabili ka ng kotse. Kapag pinalad ka, yung kotse di mo na kailangang bilhin kasi kasama na iyon sa perks ng trabaho. Makakabili ka ng bahay. Magkakaroon ka ng pamilya na nakikita mo lang kapag Linggo kasi pag-uwi mo nang madaling araw ay tulog na sila at pagpasok mo naman nang madaling araw ay tulog pa rin sila. Magrerent ka ng condo na nasa Makati area para may tutulugan ka kapag closing period o kaya kapag may quarterly report kasi wala ka nang oras para umuwi sa bahay mo sa Laguna / Cavite / Rizal / Bulacan / Fairview. At siyempre, nag-spend ka ng isang oras sa gym kada araw kasi kailangang alagaan ang katawan na bugbog sa stress ng kaiisip kung paano pang magkakaroon ng mas maraming pera ang kumpanya mo na "nalulugi" kasi isang milyon lang ang kinita ngayong buwan imbes na limang milyon na inyong tinatarget.

Anim na taon na ang nakakaraan, ako ay naligaw ng landas. Mali...ako pala ay nagpaligaw ng landas. Dinaanan ang daan na di madalas na tinatahak ng mga CPA. Nagturo sa paniniwalang hindi dapat mga latak na walang pag-asa sa industry ang maghuhubog ng isipan ng kabataan. Nag-development work sa paniniwalang hindi dapat mga latak na walang pag-asa sa industry ang nagma-manage ng mga proyektong mag-aangat ng majority ng lipunan sa kahirapan. Pumasok sa multinational dala ng pangangailangan pero ngayo'y babalik na uli sa development work at pagtuturo dahil sa pananagutan.

Bilang CPA, napag-iwanan na nga siguro ako. Dahil nagpaiwan ako. Sinuri ko ang daan at nakita ko na ito ay hindi papunta sa destinasyon na gusto kong patunguhan. Kaya ako ay huminto, lumiko at naghanap ng ibang madadaanan.

Nakakatawa ang sinasabi na your entry into adulthood opens up a world of endless opportunities gayong sa totoo lang, adulthood beats you up when you don't conform to accepted paths and stigmatizes you when you try to follow the road less travelled. Siguro, matagal-tagal ko pang dadalhin ang label na napag-iwanan, lalo na't di pa natatanaw ang dulo ng daan na aking piniling tahakin. Dapat di sasama ang loob ko at tanggapin na natural lang talaga ang ganung reaksyon. Pero sana dumating yung araw na ang magiging label na sa akin ay nangahas. Sumugal. At kung papalarin, nagtagumpay.

Take NOT the road less traveled. Rather, MAKE new roads, BLAZE new trails, FIND new routes to your dreams. Unlike the track-beaters in campus who see where they're going, we may not know how far we can go. But if we are brave, defiant searchers of excellence, we will go far. Explore possibilities, that others may get a similar chance...

-Mikaela Irene Fudolig
BS Physics Summa Cum Laude
Speech at the Commencement Exercises, UPD
April 22, 2007

May 12, 2007

Buhayin ang MayniLA?

Habang nagba-blog hop ako ngayong weekend, aking nabasa ang post ni Nalen tungkol sa kampanya ng anak ng aming "paboritong" alkalde. Kahiya-hiya, kasing-baboy ng baboy na pinamimigay niya.

Naalala ko tuloy nang matapos ang bagyong Milenyo. Nandun si Ali, nagbebenta ng murang bigas sa mga iskwater sa Intramuros. Setyembre pa lang nun, pero kuntodo na ang pangangampanya, kumpleto with paraphernalia at t-shirts na may mukha ng "honorable" na kandidato na hindi naman elected official ng lungsod. Medyo napaisip rin ako nun, bakit sila nagbebenta ng bigas na na-procure na mula sa calamity fund? Di ba dapat libre iyong ipinamimigay sa mga nasalanta ng bagyo?

Siyam na taon nang pinapangakuan kaming mga Manilenyo na bubuhayin ang Maynila. Sa biglang tingin, akala mo matagumpay ang mga proyekto sa programang ito. Nandiyan kasi ang Baywalk, ang mga plaza at fountain, ang mga ilaw sa Liwasang Bonifacio, ang mga multi-colored lights sa mga tulay.

Pero kung lalaliman ang pagtingin, makikitang napaka-cosmetic lang ng mga pagbabago sa aming lungsod. Overpriced ang mga proyekto. Walang respeto sa historical landmarks. Sangkatutak ang natutulog sa kalsada. Nabuhay uli ang prostitution sa Ermita. Napakaraming pamilya ang nabubuhay sa isang tasang kape kada araw. Maraming nagugutom, walang trabaho at lumalanghap ng solvent para makalimot sa problema. Maging ang mga pinagmamalaking proyekto ay pinapabayaan: mga mamahaling fountain na nakatiwangwang na lang at di na gumagana, mga color-coordinated na ilaw na pundido na o kaya ay iba na ang kulay.

Sawang-sawa na ako sa kalokohang ito. Binuhay ang Maynila? Oo, binuhay ang mga ilaw sa Maynila at binulag ang mga tao sa katotohanang ang lungsod na ito ay miserable at nawalan na ng tingkad.

Ang nabuhay para magtrabaho

Matagal na naman akong nawala. Matagal na di nakatambay. Medyo naubos kasi oras ko sa aking bagong trabaho sa isang multinational. Maganda ang sahod, ok ang mga tao, ok ang kumpanya.

Yun nga lang, hindi ako masaya.

Di ko maisip kung bakit naging ganito ang "destiny" nating mga tao. Na sa ating pagtanda, ang buhay natin ay iikot sa ating mga trabaho. Na ang buhay natin ay nakadepende sa pag-pledge ng loyalty sa mga korporasyon na ang mga may-ari ay mas malaki ang kinikita kaysa mga empleyado di dahil sa mas malaki ang hirap nila kundi merely by virtue of ownership.

Naalala ko tuloy yung isang slogan na nakita ko sa isang rally: A BETTER WORLD IS POSSIBLE.

Sabi nga nila, ang tao ay nagtatrabaho para mabuhay. Hindi tayo nabuhay para magtrabaho.

Kaya simula sa susunod na linggo, sisiguraduhin ko na na ang buhay na pipiliin ko ang siyang magdidikta kung ano ang aking magiging trabaho, at hindi na ang trabaho ang siyang magdidikta kung ano ang aking magiging buhay.

I resign.

March 27, 2007

Masyado namang inanalyze ang 300

Minsan, may mga kritiko na masyadong...paranoid? Na sa sobrang pagka-kritiko e may nakikita sa mga wala namang dapat makita. Tulad na lang ng nangyari sa ilang kritiko ng pelikulang 300.

Ang pelikulang ito ay base sa komiks na sinulat at iginuhit ni Frank Miller tungkol sa laban ng 300 Spartans laban sa invading army ng mga Persians. Historical fiction siya, nakaugat sa isang historical event pero medyo stylized ang pagkakakuwento. Partikular na mapapansin dito ang celebration ng machismo. Na-inspire si Miller na gawin ang kuwento na ito dahil sa kanyang panonood ng isang lumang pelikula na pinamagatan na 300 Spartans.

Maganda ang naging pagtanggap sa pelikula na ito. Pero may malaking kontrobersya rin daw dito dahil sinasabi na isa itong neoconservative propaganda ni George W. Bush. Kung inyong susuriin, ang mga kontrabida kasi sa pelikulang ito ay mga Persians, na siyang mga ninuno ng mga Iranians. Sinasabi na sa pelikulang ito, jinustify ang War on Terror ni GWB sa Middle East.

May "outcry" na ang pamahalaang Iran na kinokondena ang pelikulang ito. Sa mga blog, may mga nagsasabi na na si George Bush daw yata ang producer ng 300. At ang nakakalungkot, sinakyan din ito ng mga respetadong kolumnista tulad ni Rina Jimenez-David at maging si MLQ3.

Pero kung magre-research lang sila nang kahit konti lang, ang tanga't kalahati naman ang magsabi na neoconservative propaganda ni Bush ang 300.

Una, kahit na stylized ang pagkakagawa, ang pelikula ay naka-base sa history. Talagang labanan naman ito ng Persians at ng mga Spartans. Anong gusto nilang mangyari, na baligtarin ang kasaysayan at ang mga Persians ang gawing bida? Paano ang mga World War 2 films, dapat ba ireklamo ito ng mga Hapon at German dahil pinapalabas na kontrabida sila?

Ikalawa, kung tatanggalin ang race / lahi sa usapan, di ba ang kuwento rito ay ang paglaban ng isang maliit na grupo ng mga mandirigma sa isang malaking bansang nananakop? Kung ganun ang tingin, di ba mas malapit pa ang role ng mga bidang Spartans sa mga insurgents sa Iraq na lumalaban sa isang imperialist power? Di ba ang message ng pelikula ay lumaban sa pananakop, in which case, kontra pa sa War on Terror ni G.W. Bush?

At ikatlo, ang 300 ay lumabas nung 1998, na nangangahulugan na malamang ginawa ito ni Frank Miller nung 1997 o kaya ay mas maaga pa. Maraming taon pa bago naging presidente si G.W. Bush, bago nagkaroon ng War on Terror at bago nagkaroon ng 9-11. Paano ito magiging propaganda ng isang imperialist administration na wala pa kapangyarihan at wala pang naging palusot para maglunsad ng War on Terror?

Mas nakakatawa pa na tatawaging neoconservative agent si Frank Miller, na ang isa sa pinakasikat na ginawang kuwento ay ang Batman: The Dark Knight Returns kung saan pinagmukhang tanga ang Republican na si Ronald Reagan at binugbog ng subsersibong si Batman ang "American Dream" na si Superman. Sa Daredevil: Born Again, tinarantado naman niya ang patriotic jingoism ng American government sa pamamagitan ng isang kontrabida na ultra-patriotic na contra agent sa Nicaragua na si Nuke. Iyan ba ang neoconservative?

May iba akong pinaliwanagan na ng tungkol dito, pero humihirit pa rin na ang galing naman daw ng timing. Bakit daw ngayon ginawa ang pelikula kung kelan may War on Terror? Siyempre ngayon ginawa ang pelikula dahil pumatok ang film adaptation ng Sin City ni Frank Miller, kaya sinamantala ng mga producers na matunog pa ang pangalan ni Miller at inadapt ang isa sa kanyang most critically-acclaimed work. (Nanalo ang 300 ng maraming awards noong 1999)

Kontra ako sa War on Terror ni G.W. Bush. Pero katarantaduhan ang maging masyadong analytical to the point na nakikita mo ang demonyo kahit sa lugar na wala namang demonyo. Ang 300 ay hindi tungkol sa pananakop ng U.S. sa Iraq. Ito ay hindi tungkol sa balak na pananakop ng U.S. sa Iran. Ito ay tungkol sa...surprise, surprise...300 Spartans na lumalaban sa mga Persians. Mahirap bang tanggapin na yun lang yun at wala nang ibang kahulugan?

March 17, 2007

shifting gears

Nitong nakaraang linggo ay nakahanap na ako ng bagong trabaho. Financial Planning Analyst / Treasury and Contracts Officer sa isang multinational. Hindi talaga ang trabaho na gusto ko, pero sa aming pangangailangan ngayon, ang trabaho na siyang kailangan ko / namin.

Dahil dito, halos nalibot ko na ang sinasabing iba't ibang sectors ng accounting profession. Nagsimula ako sa public accounting (SGV), napunta sa academe (FEU), nagsilbi sa non-profit (PBSP), at ngayon naman ay nasa private / corporate (Otis E&M). Government work na lang, kumpleto na ako.

I guess it's not really a bad thing at all. Mas yumayaman ang aking pananaw sa mga pabago-bagong karanasan. Tamang-tama para sa business school na itatayo ko in ten years' time. Hehehe

March 6, 2007

Galing talaga ng COMELEC

Sa harap ng TV, nagparaffle si Chavit Singson ng pera sa kanyang pangangampanya. Sinabi pa ng kanyang "emcee" dun sa nanalo na ikampanya si Chavit habang inaabot ang pera. Sabi ng COMELEC, wala daw silang puwedeng gawin kasi wala naman daw nagrereklamo. (So yung pulis, kapag may nakitang magnanakaw sa harap niya, dapat wag kumilos hangga't walang nagrereklamo. Oooookkkkkaaayyyy...)

Dinisapprove ang application for party list accreditation ng ANG LADLAD, isang umbrella organization ng mga lesbians, gays, bisexuals and transgenders. Sabi ng COMELEC, kaunti lang daw constituency ng grupo kasi konti lang daw ang mga ladlad na homosexuals and bisexuals sa lipunan natin. (Kung ANG BAKLA AT TOMBOY kaya ang pangalan ng party-list, payagan kaya ng COMELEC? Mas marami na constituents nun kasi kasama na ang mga closet tulad ni Commissioner ______________)

March 4, 2007

It pours

Nung Disyembre, naging breadwinner ako ng aming pamilya. Lima kami, ako lang nagtatrabaho at may nag-aaral nang college. Binago ko ang aking lifestyle. Trabaho at bahay na lang ang aking mga destinasyon. Wala nang komiks. Wala nang libro. Wala nang kain sa labas. Bawas ang pagba-blog para mabawasan ang gastos sa internet. Bawas sa text messages. At pinag-ibayo rin ang paglalakad para tipid sa pamasahe.

At ngayon naman, naospital pa si itay. May continuing treatment pa na kailangan. Ubos na ang ipon ko, pati na ang ipon ng mga magulang ko. Kaya ngayon, hindi na lang simpleng lifestyle change ang kailangan. Kailangan ibahin na muna ang perspective sa buhay. At umasa na lang na balang araw, makakabalik rin sa dating daan na pinlanong tahakin.

Sa ngayon, kailangang lumiko muna at mag-iba ng daan.

February 21, 2007

Sinungaling sa sarili

Kanina, inilabas ni Prof. Philip Alston, ang UN official na nagimbestiga ng mga kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas, ang findings ng kanyang imbestigasyon. Ayon sa kanya, dapat harapin ng gobyerno ng Pilipinas ang katotohanan na may extrajudicial killings na nangyayari at marami rito ay "convincingly attributed" sa ating military na nasa isang "state of almost total denial."

Ang reaksyon ng gobyerno? "Mas pinaniniwalaan niya ang ibang kausap niya laban sa posisyon ng gobyerno." sabi ni Ed Ermita. Sabi naman ni (in)justice secretary Gonzales, brainwashed daw si Alston.

Nung nakaraang linggo, sinabi ng CGFNS na hindi sila magbibigay ng visa screen sa mga nag-take ng June 2006 exam kung hindi sila magretake ng mga portion na nagkaroon ng leakage. Hindi nila pinagkakatiwalaan ang solusyon ng gobyerno na recomputation.

Ang reaksyon ng gobyerno? Ipapakausap raw yung CGFNS sa labor secretary para i-apela ang desisyon dahil hindi lang daw naiintindihan yung ginawang solution ng gobyerno.

Nung nakaraang linggo rin, habang nasa isa press conference tungkol sa ating ekonomiya, itinanong ni Gil Cabacungan kay GMA kung bakit ang mga bilyonaryo ngayon ay pareho pa rin sa mga bilyonaryo nung panahon ni Marcos at Ramos.

Ang reaksyon ni GMA? Hindi daw economic question yun at sa halip ay political. Sabay walkout.

Nang ilabas ng Transparency International ang kanilang corruption perception index survey kung saan bumagsak ang Pilipinas, sinabi ng gobyerno na "The report is unfair to the Philippines." Nang ilang beses na matalo ang gobyerno sa Supreme Court sa mga isyu ng PP1017, CPR at EO 464, sinabi ng gobyerno na gusto lang i-appease ng Supreme Court ang mga makakaliwa at aktibista.

Nang sabihin na may problema sa classroom shortage, sabi ng gobyerno na mali daw yung ratio na ginamit kasi 1:100 ang classroom to student ratio, hindi 1:45. Nang sabihin na may problema sa unemployment, sabi ng gobyerno na hindi dapat kasama sa unemployed ang mga hindi aktibong naghahanap ng trabaho. Nang sabihin na may problema sa kahirapan, sabi ng gobyerno na P36 lang naman daw ang kailangan ng isang tao kada araw para mabuhay.

Kasalukuyan kaming nagiipon ng demographic data para sa aming TB project. Ayon sa record ng gobyerno, wala daw squatter sa Intramuros, kung saan ako nagtatrabaho. Araw-araw kong dinadaanan ang dalawang kalsada rito na puro mga natutulog sa kalsada. Hindi pala sila squatter, trips lang matulog sa daan.

May project rin kami sa squatter's area sa Paliparan, Cavite. Ayon sa record ng gobryerno, kaunti lang daw may TB dun. Kahit na ang daming umuubo at ang daming namamatay sa ubo. Kungsabagay, ubo lang siguro yun at hindi TB.

Araw-araw, tumatambad sa atin ang kahirapan. Ang malawakang gutom. Ang rampant corruption. Ang mga human rights violations. Sabi ng gobyerno, hindi iyan totoo. Lahat iyan, kasinungalingan lamang. Wag kang magpapadala kasi nililinlang ka lamang. Maging ng iyong nakikita, naririnig, naaamoy, nararamdaman at nararanasan.

February 19, 2007

Para kay development consultant

Halos mag-iisang taon na akong nasa development consulting industry. Hindi naman ako isang development consultant at sa halip ay nagsisilbing finance and admin support. Pero medyo nakilala ko na rin ang industriya na ito. At isa sa napansin ko ay ang nakakalungkot na realidad na a lot of times, yung mismong mga nagtatrabaho sa sector na ito ang siyang dahilan kung bakit hindi natutupad ang mga adhikain ng mga development / aid programs sa ating bansa.

Tulad mo.

Sa ating market-driven economy, madalas na pinoprofess na ang compensation ng mga tao ay dapat based sa kanyang market value. Dapat ay bayaran ang isang tao ayon sa degree ng kaniyang pinag-aralan, sa lalim ng kaniyang industry experience at higit sa lahat, ayon sa isang rate na competitive kumpara sa lahat ng sector na maaaring makinabang sa kanyang talento o expertise. Ngunit kung mayroon mang mga nagtatrabaho na dapat mag-waive ng kanilang right para sa isang competitive na salary, ito ay ang mga nasa development sector na tulad mo. Dahil ito ay inherent sa pro-poor na bent ng iyong mundo na ginagalawan.

Sa totoo lang, nalulungkot ako pag nakikita kong may development consultant na tulad mo na nabubuhay nang magarbo. Na malaki ang kotse. Hindi miminsang kumulo ang aking dugo kapag naririnig kitang nagrereklamo na hindi man lang tapatan ang iyong kikitain kung nagtrabaho ka sa private sector. Kapag sinasabi mong huwag naman kitang pagmukhaing mahirap. At higit sa lahat, kapag napakakapal ng mukha mo na nagsasabing "Bakit ba kayo magdadamot e hindi naman sa inyo ang pera?" kapag nililimitahan ko ang iyong "per daya" at transpo "reimbursement".

Punyemas ka. Oo, hindi nga sa amin ang pera ng grant / financial aid. Bakit nga ba namin ipagdadamot ito. Pero ang tanong, para sa iyo ba ito? Hindi naman di ba? Nandiyan ang grant para sa mga grantee. Ito ay para sa mga mahihirap na kinakailangang iangat ang buhay. Para sa mga maysakit na hindi na gumaling-galing. Para sa mga LGUs, government institutions, at cause-oriented groups na nangangailangan ng tulong.

Hindi nandiyan ang grant / financial aid para makapagcheck-in ka sa Marco Polo. Hindi ito nandiyan para makapag-coffee ka at makapag-breakfast sa hotel. Hindi ito nandiyan para magkaroon ka ng top-of-the-line na cellular phone at laptop computer na tumatakbo sa Windows Vista. Hindo ito nandiyan para payamanin ka.

Hindi nandiyan ang grant / financial aid para sa iyo. Ito ay nandiyan para sa kanila na nangangailangan ng tulong. Hinihingi lang ang serbisyo mo kasi baka sakaling may maitulong ka. Kung hindi mo ito matanggap, maaari ka nang umalis.

Mali pala. Hindi pala maaari.

Umalis ka na.

February 18, 2007

28

Nung nakaraang taon, tinapos ko ang aking ika-27 taon sa pamamagitan ng pagtatanong ng "Ano na?"

Ngayon, sa pagtatapos ng aking ika-28 taon, di ko pa nahahanap ang sagot sa tanong na iyan. Pero hindi katulad nung nakaraang taon, hindi na ako atat na mahanap ang sagot. Naalala ko na lang ang sinabi ni pareng Bob na ang buhay, hindi multiple choice, enumeration, identification o fill in the blanks. Essay question siya na patuloy na sinusulat. At allowed ang erasures.

February 17, 2007

Davao

Paano mo ipapaliwanag ang pagkabighani sa isang lugar na hindi mo pa nakilala?

Iyan ang hindi ko maipaliwanag tuwing nandito ako sa Davao. Ikatlong beses ko pa lang dito, isang beses na Kadayawan, dalawang beses na official business. Hindi lumalampas nang tatlong araw ang mga biyahe ko rito. Hindi ko pa siya nalibot. Hindi ko pa nakita ang kanyang mga tourist spots. Hindi ko pa natikman ang kanyang native delicacies. Hindi ko naiintindihan ang kaniyang wika, ang kaniyang awit at mga sayaw. Hindi ko pa siya ganap na nakilala.

Pero mas nagiging malungkot ako sa bawat pagkatataon na nililisan ko siya.

Nandito na naman ako sa Davao International Airport, naghihintay sa aking biyahe pauwi ng Maynila. At ngayon pa lang ay naglalaro na sa aking utak ang tanong: "Kailan kaya ako babalik?"

February 8, 2007

Ngayong araw na ito...

...ay kasingtanda ko na ang aking lalabs.

Maligayang bati, Ria! :)

February 3, 2007

Pebrero

Ang tagal kong di tumambay dito! Lagi kasi akong ginagabi sa trabaho nitong mga nakaraang araw. Medyo overloaded, pandalawang tao ang aking ginagawa. Tapos nakakatamad rin namang magpuyat. Maliban sa pagod, malamig kasi. Ang sarap matulog!

Ikatlong araw na pala ng Pebrero. Pebrero na naman. Ang aking paboritong buwan. Maliban sa buwan ito ng aking kaarawan, birthday rin ng lalabs ko. At ng aking ate. Napakarami ko pang ibang kakilala na may birthday nang ganitong panahon. Sa opisina pa lang, mahigit lima na kaming mga Aquarian.

Ngayong buwan din ang UP Fair. Ang pinakamasayang concert event sa Pilipinas. Hehehe.

Tapos, anniversary pa ng EDSA. Magsisindi kaya uli kami ng kandila sa EDSA? O may ha-hijack na nito ngayon na pulitiko dahil panahon ng eleksyon?

Gusto ko rin ang buwan na ito kasi 28 days lang siya (kapag hindi leap year). Sakto sa grid na 4 weeks in a month, 7 days in a week. Pag nag-umpisa ang buwan nang Linggo, matatapos ito nang Sabado. Ewan ko ba kung bakit, pero may epekto sa akin ang sense of regularity na iyon. :p

Sana maging masaya ang Pebrero ngayong taon.

January 27, 2007

Yun pala ang OYSTER

Nakuha ko na rin kung ano ang ibig sabihin ng OYSTER.

Out of School YouTh REcovery program.

Pilit na pilit naman ang abbreviation na ito. Hahaha!

Edit:

Okay, ayon sa aking kaibigan na si Dave, Out-of-school Youth Serving Towards Economic Recovery daw. Yun naman pala.

Ang weird siguro pag may nagtanong: "Anong trabaho mo?"

"Isa akong oyster, pare."

January 20, 2007

Pulis Oyster

Tuwing umaga ay naglalakad ako nang 15 minutes papuntang sakayan. Marami akong nakakasabay na mga tao na mukhang nagtitipid rin kasi mahaba-haba rin ang nilalakad. Pero may isang grupo ng mga taong nakakasalubong ko na nahihiwagaan talaga ako.

Sila ang mga Pulis Oyster.

Ano kamo? Pulis Oyster! Sa totoo lang, di ko...ma-gets. Mukha silang mga MMDA na nakaitim na t-shirt kung saan nakasulat

PULIS
OYSTER

Baka naman may puwedeng magpaliwanag kung sino ang mga Pulis Oyster.

January 16, 2007

For the "educated" only?

"In addition to the Constitutional requirements to run for public office, candidates for President, Vice-President, Senators and Congressmen must possess a college or university degree."

Sang-ayon ka ba sa proposition na ito?

Matagal nang may mga nagtutulak na samahan daw ng educational requirements ang qualifications ng mga tatakbo sa public office. Kung ang janitor nga raw, nirerequire ng college degree, presidente pa kaya?

Sa totoo lang, parang mas malaking kamalian yata na magrequire ka ng college degree sa mga janitor.

Hindi pipitsuging trabaho ang maging isang public official, lalo na ang maging presidente. Malaki ang kanyang responsibilidad dahil nakasalalay sa kanya ang kapakanan ng maraming tao. Pero sukatan nga ba ng competence sa public office ang educational achievement?

Wala bang magagaling na tao na hindi nakatapos ng college? (Sa totoo lang, marami.) Hindi ba discriminatory ito sa mga nasa lower economic class, sa mga nasa agricultural sector at sa mga ethnic minorities na sa katayuan pa lang sa buhay ay disadvantaged na pagdating sa access sa higher education? Na para bang sinabihan na natin sila na wala nang makakapag-public office sa kanila at wala nang may karapatang magrepresent sa kanilang sector kasi wala namang makatapos sa kanila sa college? Na para bang sinabi natin na automatic, 73% na agad ng mga Pilipino ang disqualified for public office dahil di sila nakatapos ng college?

Siyempre ibi-bring up na naman ang specter ni Erap, ang poster child ng incompetence (gayong si Erap ay nakatuntong naman sa college). Pero hindi ba't dapat rin alalahanin na sa mga naging pangulo natin, ang "brightest" ay si Marcos? Now how did that presidency turn out? Binaon lang naman tayo sa utang at sinailalim sa martial law, di ba? Di rin matatawaran ang educational attainment ng bantog na ekonomistang si GMA. Kamusta naman ang kanyang presidency? Are we better off with this "highly educated" official?

Totoo na importante na mga competent na tao ang ating mga public officials. But competence for publicly elected officials in a democracy should not be decided upon through legislation, but rather through the vote of the public who should judge and assess by themselves the competence and fitness of their representatives. Kung may manalong incompetent na kandidato, hindi kasalanan ng kandidato. Kasalanan ng bumoto. So instead of making an issue about the educational attainment of our candidates, why not instead focus on proper education of the voting masses so that they would learn to choose their leaders properly?