November 26, 2007

Masarap mangarap

Tutal, magpa-Pasko na naman, magsusulat na ako ng aking mga pangarap. Hahaha!

1) Isang masayang buhay may pamilya with lalabs. :)
2) Isang masaya't simpleng KTD
3) Maging senador sa 2016 (hahaha!)
4) Makapagpatayo ng isang Higher Learning Institute for Social and Economic Justice (charing)
5) Maging speaker sa isang graduation
6) Maging guest sa RockEdRadio.
7) Makapag-Master's sa Sociology
8) Makapag-PhD sa Economics
9) Makapag-publish ng maraming research tungkol sa accounting at ang halaga nito sa society
10) Makapagsulat ng libro tungkol sa accounting na ikakatuwa kong basahin
11) Makapagsulat ng libro tulad ni Bob Ong
12) Makapunta sa Africa
13) Makadalaw uli sa San Francisco
14) Magkaroon ng bahay na simple pero medyo maluwag ang bakuran
15) Magkaroon ng bahay sa Davao (kahit bakasyunan lang)
16) Makakain ng authentic Korean food
17) Matutong mag-Bisaya
18) Matutong mag-Ilokano
19) Matutong magkulintang
20) Magkaroon ng kumpletong koleksyon ng albums nina Gary Granada, Joey Ayala, Lokal Brown at iba pang progressive local artists
21) Magkaroon ng kumpletong koleksyon ng albums ng Beatles
22) Magkaroon ng tombak
23) Matutong magbisikleta
24) Matutong lumangoy
25) Makaranas maglaro ng baseball
26) Makaranas maglaro ng soccer
27) Maipagmalaki ng mga magulang
28) Maipagmalaki ng mga anak
29) Matulog nang hindi nagigising kada oras
30) Mamatay na ang sabi ay "OK na, solb na ako. Puwede nang itigil ang laban."

10 comments:

Anonymous said...

napapadaan ulit ako sa blog niyo sensei!hehehe! turuan ko kayo magbisikleta. pero sabay tau mag aral lumangoy para pareho taung lunod.hahaha! =) iboboto ko kau sa 2016!congressman naman ako.hehehe!

-tanny

manilenya said...

hindi ka marunong magbike?

Paeng said...

Melai,

hindi. :p

Tany,

Magblog ka nga uli. hehehe

manilenya said...

dali lang yan kaya mo yan sige magbike ka now :)

ronald said...

hindi ka marunong mag-bike? parang... nakalimutan ko na yata iyun :)

Paeng said...

di ba hindi naman nakakalimutan ang pagba-bike?

jhay said...

sir, ano yung KTD? magtiis nalang muna kayo sa pedicab... hehe.. ano kaya kung baseball at hindi basketball ang paborito ng mga pilipino? meron kaya tayong maipapadala sa MLB? pang pinch runner lang siguro yung makukuha satin... hehe...

eh kung soccer kaya? posible kayang makasali tayo sa world cup?

Paeng said...

^ naku, matagal nang myth iyang kapag nagfootball tayo e mas magiging successful tayo sa global competition. look at our SEA neighbors. meron bang naging successful sa kanila sa international competition kahit na football crazy sila?

wala.

kasi sa football, kailangan rin ng height. pero mas mahaba ang reach ng goalie. para mas mataas ang mga wall ng defenders. at para mas madaling mag-header. tingnan mo na lang si Peter Crouch.

sa tingin ko we can be successful sa baseball. yun nga lang, wala tayong malalaking fieldna puwedeng paglaruan.

tina said...

Hoy Paeng ano yong tombak,may insomnia ka ba - ka bata mo pa, panay siguro ang inom mo ng kape. Bakit naman sa dinami-dami ng bansa sa mundo Africa pa ang pinangarap mo? Maturuan nga kitang mag bike ah sige sakay sa malayo ang tingin ha!

Paeng said...

^ teka teka mababangga na akoooooo

tombak yung pangalan ng isang drum, yung Persian goblet drum. :) minan tinatawag rin siyang doumbek.

gusto kong makita ang Africa kasi untouched pa siya.