March 4, 2007

It pours

Nung Disyembre, naging breadwinner ako ng aming pamilya. Lima kami, ako lang nagtatrabaho at may nag-aaral nang college. Binago ko ang aking lifestyle. Trabaho at bahay na lang ang aking mga destinasyon. Wala nang komiks. Wala nang libro. Wala nang kain sa labas. Bawas ang pagba-blog para mabawasan ang gastos sa internet. Bawas sa text messages. At pinag-ibayo rin ang paglalakad para tipid sa pamasahe.

At ngayon naman, naospital pa si itay. May continuing treatment pa na kailangan. Ubos na ang ipon ko, pati na ang ipon ng mga magulang ko. Kaya ngayon, hindi na lang simpleng lifestyle change ang kailangan. Kailangan ibahin na muna ang perspective sa buhay. At umasa na lang na balang araw, makakabalik rin sa dating daan na pinlanong tahakin.

Sa ngayon, kailangang lumiko muna at mag-iba ng daan.

6 comments:

Anonymous said...

okay lang yan sir. lahat ng tao nakakaranas ng trials sa buhay. just pray. God bless po.
-pat

Ronald said...

ok lang yan, dre. ganun talaga minsan, e. pag umulan, buhos talaga.

rem said...

kaya yan!

Anonymous said...

vvdilate comment...

ok lang yun sir madami ka namang kaibigan na mapupuntahan kasi mabait ka...

i know someone na bread winner din ng family, 6 silang magkakapatid na nag-aaral din, her mother died a year ago... at may sakit din ang father nya...at guess what...she's working in an auditing firm kung saan hindi "Malaya" ang mga employees (clue lang)...

if you would compare it to your case mas grabe pa...at siguro hindi lang change ng lifestyle ang dadaanan nya...kundi no lifestyle at all na talaga...

btw sir, kumusta naman kayo?...sana naaalala nyo pa rin kaming mg studyante nyo...plan nga namin nila em after this busy season turo din kami hopefully sa FEU din pero we wouldn't mind teaching in other schools...idol namin kayo e hehehehe...dave orteza

febeth said...

Yan ang gusto ko sa pinoy eh.. lahat ata ng nag comment sa yo..sabi OK lang yan...syempre di yan OK di ba...kelangan kumilos pa.....Paano nga ba kikita para maging sapat sa pamilya..

I dont have any solutions for u but I know you writing about it means you already have a plan.Good luck!

howie said...

Paeng, biblib ako sa mga breadwinner tulad mo. Courage! Enjoy rin ako sa blog mo. Sarap magbasa ng Tagalog. ; >