July 31, 2004

Ang ganda, ganda mo, Jeon Ji-Hyun!!!

Kapapanood ko lang kanina ng pelikulang My Sassy Girl. Ang ganda ng Korean film na ito. Sobrang nakakatawa, pero nakakaiyak din. Naiinis nga ako kanina kasi naluha ako, nakakahiya naman sa aking lalabs...

Kungsabagay, alam naman niyang mababaw ang luha ko. :p

Heniweyz, dapat mapanood niyo ito. Kung wala kayong mahanap na kopya, kontakin niyo lang ako. Meron tayong makukunan ng "epektos". Hehehe...

Kung ganito lang kaganda ang mga romance comedy sa Pinas, masaya sana. Ngayon alam ko na kung bakit adik si psychicpants sa My Sassy Girl.

Next week, papanoorin ko naman ang Water Boys. Japanese film naman. Sana maganda rin...

Oo nga pala. Ang ganda-ganda talaga ni Jeon Ji-Hyun. Haaaaayyyyy... :)

July 28, 2004

Mga Awit ng Pag-ibig...

Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung anong love song ang pinakamaganda para sa akin. Matindi kasi ang one-on-one "competition" ng aking dalawang idol na sina Mang Gary at Mang Noel. Magaling silang gumawa ng lyrics at ang mga kantang "Dahil Nariyan Ka" at "Kapag Sinabi Ko Sa Iyo" ay tunay namang nakakapukaw ng damdamin. Kahit lyrics pa lang ang basahin niyo ay maiin-love na rin kayo. Sayang at wala akong paraan dito para marinig niyo na rin ang mga "lab song" na ito:.


Dahil Nariyan Ka
by Noel Cabangon

Ang aking puso'y puno ng tuwa dahil nariyan ka
At ang bawat tibok nito'y may kakaibang nadarama
Kay tagal kong naghintay, ngayo'y di na muling mawawalay
Ang lubos na ligaya na nadarama ay dahil nariyan ka

Ang aking mundo'y biglang sumigla dahil nariyan ka
At ang simoy ng hangin ay may pag-asang dala-dala
Ang mga bituin sa langit ay liwanag na nagsasanib
Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka

Ang bawat likha sa paligid
Ay tila umaayon sa 'ting pag-ibig
Parang langit
Parang walang hanggang panaginip

May [likas] sa aking mga mata dahil nariyan ka
Ang bawat sandaling kapiling ka'y anong saya
Kay tagal kong naghintay, ngayo'y di na muling mawawalay
Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka

Ang bawat likha sa paligid
Ay tila umaayon sa 'ting pag-ibig
Parang langit
Parang walang hanggang panaginip

Dahil nariyan ka...

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo
by Gary Granada

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo

It Sucks...

...when half of my class fail an exam.

At nangyari pa sa dalawa kong klase...

I know some of them deserve to fail. Pero bad trip nung nakita kong may bagsak na iskor ay yung nakikinig sa akin. As in tutok talaga pag nagtuturo ako. Siyet talaga...

I always held the belief that a teacher's influence on the class is reflected not on the grade of his highest achieving student, but rather on the mean average score of the whole class. The good ones always cancel out the rotten eggs, so yung effectiveness ko sa isang average student ang aking makikita...

Something's wrong this semester. I guess it's back to the drawing board...

July 27, 2004

Sabi nga ni Mark Twain...

"I have never let my schooling interfere with my education..."

Nakakalungkot kapag ang mga estudyante mo, wala nang ginawa kundi mag-aral.  Pero sa totoo lang, ang dami kong natutunan sa labas ng eskuwelahan.  Sa pakikisalamuha sa iba't ibang tao.  Sa pakikipag-usap sa mga taxi driver.  Sa pagbabasa ng mga libro na hindi "prescribed" sa aming mga lessons.  Sa pagbabasa ng komiks.  Sa paglabas sa mundo, na siyang pinakamalaking klasrum sa mundo...

Pero sana lang, yung mga magi-invoke ng quote na ito, ay maging responsable.  Masyado na itong inaabuso para gawing excuse sa hindi pagpasok sa klase.  Sa pagbagsak ng mga grades.  Sa pagpapabaya sa pag-aaral.  At higit sa lahat, sa pagpapasakit ng puso ng ating mga magulang na maliit lamang ang kahilingan - tapusin mo ang iyong pag-aaral.

Sa aking mga estudyante, live life!!!  Let life be your best teacher.  But always be responsible with all your actions.  Sabi nga ni Spider-Man, "With great power comes great responsibility."  You have the power to explore the world and create your own destiny.  But be responsible about it...

July 26, 2004

(Aktib)ista

SONA na naman. Sa UP Diliman, wala na naman daw pasok.  Ine-encourage kasi ang mga mag-aaral na makilahok sa mga kilos-protesta na gagawin sa Batasan Complex.  Sasalubungin na naman si Gloria ng mga walang kapararakang angal, hinagpis at pangtutuligsa laban sa mga kilos ng kanyang administrasyon... 

Bida na naman ang mga aktibista...
 
Marami nagtatanong sa akin noon hanggang ngayon kung aktibista daw ba ako.  Bakit daw hindi ako sumali sa LFS o Sanlakas o kung ano pa mang "tibak" na organisasyon na nagkalat diyan sa UP?
 
Ewan ko ba.  Marami naman akong nakilala at naging kaibigan na galing sa mga organisasyong ganyan pero hindi ako ginanahang pumasok.  Marahil, hindi kasi ako naniniwala na totoo silang "tibak".  Oo, nandun ang kanilang matinding paniniwala sa kanilang mga sinasabi.  Pero yun nga ang problema.  Marami sila laging sinasabi...
 
Di ba ang root word ng aktibista ay ang salitang "active"?  Saan aktibo ang mga "tibak" ng ating panahon?  Sa pagpoprotesta?  Aktibo lamang ang dila?  Ano ang kanilang aktibong paggawa sa pagbuo ng solusyon sa mga problema na kanilang binabatikos?  Nagpapamulat daw sila, at sa tingin ko, totoo naman nilang nagagawa yun.  Pero sapat ba ang magmulat ka nang wala namang ibinigay na solusyon?  Aktibo na ba yun?
 
Kung ikaw ay isang "tibak", anong ginawa mo para mapabuti ang buhay ng kapwa mo Pilipino?  Ano ang ginawa mong mga hakbang para malutas ang problema ng ating bansa?  Sapat na ba yung magsisigaw ka sa kalye, mag-vandal ng pader at mang-away ng mga pulis para sabihing aktibo ka talaga sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating lipunan?
 
Anong ibinuti ng lipunan sa ginagawa mo?
 
Hindi ako galit sa mga "tibak".  Hindi ako laban sa mga rally, protesta, noise barrage at boycott.  Pero kung hanggang rally lang ang kaya mo at wala ka namang ginagawang iba kundi mangtuligsa na wala namang inihahain na alternatibo...hindi ka talaga "tibak".  Isa kang "kabit".  Kumakabit lamang sa isang idelohiya na hindi naman alam kung paano isasabuhay at isasagawa...
 
Kumilos , wag lang magsalita...Solusyon, wag lang demonstrasyon.  Yan ang tunay na "tibak"

Mag-exercise tayo tuwing...gabi...sa may Beata / aka Magaan ang Taxi na walang gas...

"Ay, naubusan tayo ng Gas..."

Madalas ako nagtataxi pauwi pagkatapos kong ihatid ang aking lalabs na si Ria.  Tonight is not an exception.  Medyo tinatamad kasi ako, tapos umuulan pa kaya talagang hindi ko na inisip na mag-jeep.  At sakto nga, may dumaan na AVIS taxi na aking pinara at pumayag naman na isakay ako hanggang sa aming lugar sa Paco...

Masayang kakwentuhan yung driver, kengkoy.  Madaldal lalo na pagdating sa kanyang mga "exploits" bilang isang driver ng bus at truck.  Kahit nga napamali kami ng daan at nasigawan ng pulis, ok lang.  Masaya kasi ang usapan...

Malapit na kami sa tuktok ng Beata flyover nang bigla na lamang huminto ang taxi...

Wala nang gas...

Naipit kami.  Bihira ang dumadaan kaya walang makatulong sa amin.  Nakiusap ang driver na itulak namin ang taxi kasi baka gumulong pababa.  Sige, yun lang pala...

E pataas nga pala yung flyover.  Patay...

Pagkatapos ng dalawang minutong kahinga-hingal na pagtutulak pataas ng isang kotse, nakaabot rin kami sa tuktok.  Pero hindi pa pala dun natatapos.  Hindi pala kami pwedeng maiwan sa flyover...

Kailang itulak namin ang taxi hanggang sa parte ng flyover na pababa na.

Hindi ko matanaw ang dulo ng flyover...

Hindi ko matanaw ang dulo ng flyover...

Hindi ko matanaw ang dulo ng flyover...

Ayan natanaw ko na.  Puno na rin ng hangin ang utak ko.  Umuulan (ambon) pa.  Ang lakas ko pala.  Ayan, ayan, pababa na...

Sampung minutong pagtutulak.  Gusto ko nang magpagulong pababa ng flyover...

Buti na lang at di kami natulad sa Greek character na si Sisyphus.  Mabait talaga si lord...


July 24, 2004

Sore Loser?

I have been on the losing end of an interschool contest more times than I can remember.  Actually, it's one of my frusrations in life, never being able to bring "glory" to my alma mater.  But I took these losses in stride.  I know a deserving winner when I see one.



And that was not the case last night in the PMA-sponsored 1st Asian Marketing Competition held in PICC.

Oh, Ateneo de Manila was really good.  They deserve to be the champions.  But I can not for the life of me understand why UST got the second place.  I am not sourgraping.  It's not because FEU has not won.  It's because UST did not deserve it.  So much so that the UST members cried in surprise when they were called.  It brought a shocking look of disbelief not only from the FEU students in the area but also from other participants.

If the judges can explain to me how a team can win despite blundering in the defense of their marketing plan ("Sir, did I answer your question?  Uh..no?  Are we...connecting?") and depite shying away from the theme of the case study (It's supposed to be Jollibee going in the global market; turns out the winners are the ones who did not recommend Jollibee going global), I would erase this rant from this blog.  But until then, I would always eye the credibility of this contest with suspicion.  I know a deserving winner when I see one.  And sadly, UST's marketing competition team does not deserve it.  No offense meant, but that's a fact.

Chin Up!

It's been part of my working routine to conduct a performance evaluation after the prelim period.  I really value feedback and it really helps me to improve my teaching during the course of the semester.  However, I was shocked when I read this comment:

"Sir, wala po sa inyo yung problema, nasa amin po.  Mahirap talagang maging bobo..."

There's no such thing as a "bobo"Kabobohan is just a label that we put on ourselves because we feel frustrated that we can't get something done right.  Kabobohan does not come naturally.  It's an artificial construct, a defense mechanism that we put up when we don't feel like fighting anymore.

If I gave in to the belief of kabobohan, I would not even be in my current position in the academe.  Specially with a very short memory like mine.

So, to that guy / gal who believes that he / she's bobo, chin up!!!  Don't believe in kabobohan.  Ironic as it may seem, it's all in the mind...

July 21, 2004

Thank You...

Today's one of the worst days in my life. I hate bureaucracy.  I hate delays caused by ineptitude.  And I hate it when I am helpless...

Thank you to three people for cheering me up...

1)  My ever-supportive lalabs.  we'll drink milk tea sometime...

2)  To the student with short hair and glasses, for sending me an inspiring message that made me believe that I can be a good teacher

3)  To a wise man, who reminded me why I am staying in FEU in the first place.  Thanks for your wisdom...

It's not a very bad day after all...

No More Mr. Nice Guy...

I really hate reading blogs that contain nothing but whiny cries for a better life...but it looks like I would do one of those blog moments...
 
I am feeling down.
 
I hate the freaking school administration bureaucracy...
 
Damn you.  Specially you, old hag!!!  Damn you!!! 
  
 
I hate it when I can not inspire my students to do better... 
  
 
I hate it when I don't feel guilty anymore that I am giving a failing grade...
 
I swear, I would fail students this semester.  Damn them for making me feel guilty even though they deserve a fucking 5.0
 
Who the hell goes to a prelim exam on Financial Management without a calculator? And then they'd approach me and tell me "Sir, wala talaga akong natutunan nung mga nakaraang meeting." 
 
"Teka, open notes naman yung exam, wala ka pang nasagot kahit isa?"
 
"E...wala rin akong notes, sir"
 
Tang-ina!!!  Araw-araw na ginawa ng diyos nag-uubos ako ng pera para mamigay ng libreng notes, tapos wala daw siyang kopya?!!!  E kaya naman pala walang natutunan, e kasi hindi pumapasok!!!
 
Nangongonsensya pa!!!  "Sir, wala kasi akong naintindihan sa tinuro niyo"  (Repeat 3x)  He freaking repeated it 3x.

The nerve...considering that his / her classmates managed to pass and some even got a perfect score.

I am not taking that crap anymore. ..
 
No more Mr. Nice Guy.  Enough is enough...
 
The class record would become crimson red this semester...

July 19, 2004

Nakikisakay...nakikisabay

Natuto lang akong mag-blog, may sumasabay na rin sa akin. Gaya-gaya!!!
 
Heniweyz, first of all, my lalabs, aka Ria, has started her own blog (diosa4ever). Kawawa nga lang at dehins pa marunong magpaganda at maglagay ng kung anu-anong kaartehan.  Maturuan nga minsan.  :p  Here's a link.
 
At nandito na rin ang pinakabatang miyembro ng aking kinapipitagang pamilya.  Nagba-blog na rin si Ernanie, sa kanyang journal na tinatawag na Kamote Thoughts.  Maganda na sana, kaya nga lang natatakot ako at mukhang nabe-brainwash na siya ni Psychicpants.  O jusko, wag sana siyang matulad sa isang Paolo Manalo!  HUWAAAGGG!!!


 


Ang Bagong Tamaraw?

It's good to finally come back from hibernation. Last week, I took my Oral Comprehensive Examination (OCE) for my MBA and guess what? I passed. Yay!

I guess I should be happy.

Well, not that I am being a killjoy here, but I was expecting a lot more... excitement (?) after I heard from my panelist, Mr. Ed Montesclaros, that I did well in the OCE. But it just felt a bit empty.

Maybe it's just me...

Anyway, with this development, it looks like I am now a full-pledged Tamaraw. Not that I would now sing the FEU Hymn over UP Naming Mahal. "Mahirap kumanta pag di mo feel..." At hindi ko feel ang lyrics. Nakakaantok...