December 3, 2008

Excited

Kumakabog na naman ang dibdib ko.  Pagbukas ko ng isang webpage na araw araw kong binabalik-balikan, lumabas na rin ang inaabangan ko - ang requirements para sa isang scholarship na gusto kong makuha.  February 13 na ang deadline ng lahat ng requirements at maraming aasikasuhin!

Namiss ko na ang mag-aral.  Kaya DAPAT pumasa ako dito.

December 1, 2008

Kawawang virus

Kawawa naman ang mga computer virus.  Tuwing may magkakaproblema sa computer, panay virus na lang ang sinisisi.  Kahit (kadalasan naman) katangahan lang naman ng gumagamit ang dahilan.

Naalala ko tuloy nung 1990s.  Hindi ako pabor sa mga adik pero naaawa ako sa kanila kasi lagi na lang adik ang sinisisi tuwing may mangyayaring karumal-dumal na krimen.

October 30, 2008

Anong ituturo ko?!

Sa pagbagsak ng financial markets kung saan malaki ang complicity ng derivatives markets, ako ngayon ay namomroblema.  Kasi derivatives ang major topic sa ituturo kong subject next sem.  Anong ituturo ko kung ang theory sa likod ng financial derivatives na ito has been proven faulty?  

Magpapalit na nga ako ng subject!

October 27, 2008

The Emperor's New Wealth

Sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga financial markets sa mundo, unti-unti nang namumulat ang mga tao tungkol sa sikreto ng great age of prosperity ng huling tatlong dekada.  

Ang yaman na siyang pinagpasasaan ng mga biglaang milyonaryo, bilyonaryo at trilyonaryo ay isang malaking DRAWING lang.  Ang mga "yamang" ito ay yamang-papel lang, walang halaga at nag-ugat lamang sa mga bolahan at pang-uuto na nangyayari sa mga malalaking legal na pasugalan na tinatawag na mga stock market.  Matagal ko nang sinasabi sa mga estudyante ko ito at eto na nga ang nangyari.

Nabisto na ang gaguhan.

Nalaman na ang katotohanan.

Wala naman talagang bumabahang kayamanan sa pangmundong ekonomiya.  KUNYARI lang meron.  

At marami namang nagpaloko.

October 15, 2008

Bagong gising

Tatlong buwan na naman akong nawala.  At tulad nang dati, pag ako ay nawawala nang matagal, ibig sabihin marami na namang nangyari.

Nagenjoy sa buhay may asawa.

Nalungkot sa pag-alis ni tatay.

Nakaranas ng unang incomplete sa academic work (dalawa pa!).

Fell out of love with international aid-funded development work.

Fell in love again with teaching.

Nanood ng hindi inaasahang reunion.

Nakakolekta na ng apat na Centennial P100 bills.

Nagka-food crisis.

Nagka-oil crisis.

Nagka-financial crisis.

Nakinig ng US presidential debates.

Sinubaybayan ang BJE, signature campaign laban kay Gov. Panlilio, RH bill, pagkidnap kay Ces Drilon, pagpapalaya kay Teehankee.

Napagod.

Nagpahinga.

Nakatulog.

Nagising.

July 16, 2008

No smoking

Ayon sa mga bali-balita, kailangan daw akong matutong magyosi o kaya magpanggap na nagyoyosi para mapanood ang isa aking mga hiniling para sa UP Centennial.

Hmmm...hindi pa rin ako magyoyosi o magpapanggap na nagyoyosi. Kuntento na akong makinig sa labas ng pader na sawali /yero.

Sana naman hindi umulan sa August 30!

July 13, 2008

Dear nursing student,

Kamusta ka na? Narinig mo na ba ang balita?

Matagal ko nang sinasabi sa iyo na kung papasok ka sa propesyong ito, huwag mong iisipin ang pera. Ang nursing ay isang propesyon, at bilang isang propesyon, public interest ang unang unang sinusumpaan nating protektahan. Sabi mo sa akin noon, oo, naiintindihan mo ang aking sinasabi.

Pero madalas talaga akong magduda. Lalo na't ilang beses akong nakarinig ng mga masasamang balita tungkol sa iyo. Kasama pa ang nursing exam cheating scandal. Kung talagang public interest ang pinoprotektahan mo, dapat ay hinayaan mong mawala ang takot namin sa pamamagitan ng retake. Kasi kung talagang nasa puso at isip mo na ang pagiging nurse, papasa ka naman uli di ba? Pero ayaw mo kasi madedelay ang pagkuha mo ng NCLEX.

Ngayon, ni hindi ka na makakapag-NCLEX kasi hindi ka na nila kailangan sa US. Hindi ka na rin kailangan sa UK.

Pero kailangan ka DITO. Yun nga lang, mababa ang bayad. Overworked, underpaid. Mataas ang nurse to patient ratio. Ibig sabihin, ang kailangan dito ay yung nasa puso talaga ang kagustuhang makapaglingkod sa komunidad bilang isang health worker. Importante ka sa amin, lalo na sa mga mahihirap na nangangailangan ng iyong serbisyo. Ang tanong, importante ba kami sa iyo?

Dear nursing student, ano ang nasa puso mo? Handa ka na bang harapin ang katotohanan na ang propesyon mo ay tungkol sa paglilingkod at hindi tungkol sa pera?

July 12, 2008

A(pathetic)

Malapit lang ang bahay namin sa Paco sa opisinang aking pinapasukan sa Ermita. Wala pang dalawang kilometro ang layo nito. Di lalampas ng P60 ang magagastos na pamasahe kung bibiyaheng sakay ng taxi.

Kahit na malapit lang ang aming bahay, halos isang oras pa rin ang aking binibiyahe papasok ng at pauwi mula sa opisina. Masyado kasing matagal ang biyahe ng mga jeep na aking sinasakyan. Sa amin kasing dinadaanan, mabigat talaga ang trapik. Hindi dahil sa dami ng nagbibiyaheng sasakyan. Hindi rin dahil sa maraming traffic lights at mga interseksyon sa aming ruta. Nagtatagal ang aming biyahe dahil maraming mga drayber ang humihinto nang mahigit limang minuto sa mga kanto at nagtatawag ng mga pasahero. Walang pakialam kung humahaba na ang trapik sa kanyang likuran dahil nakaharang siya sa masikip na kalsada. Walang pakialam kung wala namang nagpapara para sumakay. Walang pakialam kung nag-aalala na ang mga pasaherong nakasakay dahil mahuhuli na sila sa trabaho kahit madaling araw pa sila gumising.

Madalas, ang terminolohiyang apathy ay iniuugnay lamang natin sa kakulangan ng pakialam at partisipasyon sa mga usaping sosyo-politikal. Ngunit limitado ang perspektibo na ito . Sa aking pananaw, ang apathy ay di lamang kakulangan ng aktibong partisipasyon kundi ang kakulangan ng civility sa karamihan sa atin. Ayon kay Randy David (2002), “civility is the art of living with others, of assuming personal responsibility for the community in which we live, of taking pride in employing our individual talents in order to advance the lives of others.”


Sa ganitong mas malawak na depinisyon, aking masasabing apathetic ang mga taong sumisingit sa pila na walang pakialam sa mga taong nasingitan na lalong napatagal ang paghihintay sa pila. Apathetic ang mga opisyal ng Sulpicio Lines na hinahayaang magbiyahe ang kanilang mga barko kahit may banta ng malakas na bagyo, walang pakialam sa sasapitin ng mga pasahero dahil mayroon naman daw insurance. Apathetic ang mga taong nakakita na ng pulis na nangongotong pero walang pakialam hangga’t hindi sila ang kinokotongan.


Bakit nga ba maraming mga walang pakialam sa ating lipunan ngayon?

Sabi ng iba, ito ay dahil di pa natutugunan ang pangunahing pangangailangan pangsarili ng karamihan sa atin kaya’t wala pa sa ating pag-iisip ang usisain ang kapakanan at makialam ng ibang tao. Maaaring sabihin na ang pagtingin na ito ay naaayon sa hierarchy of needs model ni Maslow. Naalala ko tuloy ang isang interbyu kay Carol Araullo na lumabas sa Philippine Daily Inquirer nitong ika-12 ng Hulyo tungkol sa kawalan ng mga nagpoprotestang mahihirap ngayong bumabagsak ang ekonomiya. “They (the poor people) will not go to the rallies because the fare is expensive. If they will not work, they will not earn.”

E paano naman ang mga taong hindi naman naghihirap? Bakit wala rin silang pakialam? Marahil ito ay isa namang isyu ng class conflict, kung saan ang di pakikialam ay isang paraan ng mga nangingibabaw na uri upang mapreserba ang status quo. Sabi nga ni Manolo Quezon (2008):

Damned if you do, damned if you don’t? When things are relatively easy, no one (from the middle and upper class) wants to rock the boat. When times are tough, we’re told everyone’s too busy trying to keep body and soul together to want to rock the boat.


Ayon naman kay Randy David, ang kakulangan ng civility sa ating lipunan ay maaaring may ugat rin sa ating kasaysayang kolonyal:



But I think something happened in the course of more than 3 centuries of colonial enslavement...The revolution against Spain, the war against the US, and the resistance against Japan became the battlefields not only for the recovery of our land but, as importantly, for the resuscitation of our will to author our own lives. As it happened, however, we were denied the glory of securing our own emancipation from Spain. We lost the war with America. And while we kept the resistance against Japan, it was MacArthur’s return that our people awaited. Throughout all these years, our nation’s history had been one of perpetual adjustment to the condition of subjugation.



The result was a culture of improvisation and mediocrity. Instead of a passion for perfection, we adopted the rule of the minimum. Instead of an ethic of public service, we embraced the ethic of profit-seeking. Instead of honor and accountability, we valued evasion of duty. Instead of the pursuit of excellence, we found comfort in resilience. It was a way of life appropriate to the colonial condition or any other situation of enslavement. It was a weapon of the weak.


Kahit wala na ang ating mga banyagang manunupil, tayo ay nabubuhay pa rin na parang tayo ay nasa survival mode. Nabubuhay tayong kaligtasan at kapakanan ng sarili at ng mga mahal sa buhay lamang ang iniisip. Ang ating gobyerno ay iniisip pa rin nating parang banyagang pamahalaang hindi natin responsibilidad. Iniikutan at nilulusutan natin ang mga batas dahil hindi natin nakikita ang mga ito na mga kasunduang panlipunan at sa halip ay mga utos na nagmula “sa taas” na wala tayong kinalaman. Hindi tayo naniniwala sa pakikilahok sa pagbabago ng sistema dahil hindi tayo naniniwalang ang sistema ay sa atin at makakaya nating baguhin.


Ano kaya ang kinalaman ng ating pormal na sistemang pangedukasyon sa lalong pagkalat ng apathetic behavior sa ating lipunan?

May mga nagsasabi na kulang ang values education sa ating sistema kaya maraming walang pakialam. Hindi ako sumasang-ayon sa ganitong pananaw. Di ba’t maraming mga magnanakaw sa pamahalaan ang nakapag-aral naman sa mga Catholic schools? Di ba’t mga bastion of morality ang mismo pang nagsasabing huwag manawagan ng pagbabago sa pamahalaan at sa halip ay pagtuunan ang pagbabago sa sarili? Di ba’t mga moralista pa ang nagsasabing tama na ang gulo, magtrabaho na lang tayo?


Sa tingin ko, ang mas malaking problema sa ating sistemang pang-edukasyon na nakakadagdag sa problema ng apathy ay ang kakulangan ng empowerment sa mga estudyante. Dapat kuwestiyunin ang sistema ng standardization sa mga polisiyang pang-eskuwelahan. Parang counter-intuitive kung tutuusin, ngunit sa pagkakaroon ng mataas na lebel ng standardization, nababawasan ang insentibo ng partisipasyon dahil karamihan sa mga standard ay nakamandatong sundin kahit na ito ay externally-developed at hindi idinaan sa konsultatibong proseso. Masyadong binibigyang halaga sa ating mga eskuwelahan ang pagiging masunurin sa mga standard gayong ang mas mahalagang matutunan ay ang birtud ng pagbuo ng consensus at pagbibigay respeto sa mga desisyong kolektibo. Sabi nga ni H.L. Mencken (1926), isang kritiko ng U.S. public education system kung saan nakasunod ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas:



The aim of public education is not to spread enlightenment at all; it is simply to reduce as many individuals as possible to the same safe level, to breed and train a standardized citizenry, to put down dissent and originality.


Di pa ako gaanong bihasa sa usapin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ngunit sa tingin ko, kailangang tingnan ang mga sumusunod na isyung pang-edukasyon kung gusto nating magkaroon ng mas malawakang partisipasyon at pakikialam ang mga mamamayan sa ating lipunan.


1) Curriculum development – Nararapat ba na ang paggawa ng modelong kurikyulum ay ginagawa ng isang national central policy making body? Mas maganda ba kung pagdebelop ng kurikyulum ay gagawin sa lokal na lebel? Ano ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa prosesong ito? Ano ang partisipasyon ng mga magulang? Paano ang mga alumni na dumaan sa sistema? Ano ang sistema ng pagdedesisyon? Binibigyan ba ng pagpapahalaga ang consensus building?


2) Facts-based approach – Ang mga itinuturo ba sa eskuwelahan ay tinuturing na mga katotohanan na hindi maaaring kuwentiyunin ng mga estudyante? Ano ang prominenteng pamamaraan ng ebalwasyon ng pagkatuto ng estudyante – ang black and white na multiple choice approach o ang mga sanaysay kung saan maipapaliwanag ng estudyante ang kanyang sagot? Mas binibigyang halaga ba ang pagkuha ng “tamang” sagot o ang pagbibigay ng dahilan sa likod ng sagot?


3) Araling panlipunan – Ang araling panlipunan ba ay mas nakatuon sa kasaysayan o sa kasalukuyang usaping panlipunan? Pinapamemorya ba ang mga bagay tulad ng petsa at pangalan ng mga tao o mas binibigyang halaga ang kuwento sa likod ng mga pangyayari sa kasaysayan? Ang mga bayani ba ay itinuturing na mga idol o mga karaniwang taong tulad natin?


4) Polisiyang pang-eskuwelahan – Kinokonsulta ba ang mga estudyante sa pagbuo ng mga polisiya sa eskuwelahan? Pinapakinggan ba ang mga hinaing ng mga estudyante? Ano ang papel nila sa pagtakda ng tuition, sa pagiskedyul ng klase, atbp.? Sineseryoso ba ang ebalwasyon na ibinibigay nila sa kanilang mga guro? Gaano kalaki ang responsibilidad na ibinibigay sa mga estudyante?


5) Honors / pilot section policy - Ang kompetisyon ay magandang paraan upang mailabas ang galing ng mga indibidwal, ngunit ano ang epekto nito sa sense of community ng isang estudyante na napipilitang makipagtunggali sa kapwa niya estudyante? Ano ang epekto ng honors / pilot section sa mas nakararaming hindi nakakapasok dito? Naitutulak ba nito ang mga estudyante na mas lalo pang magpursigi o napapababa lang nito ang pagtingin ng mga bata sa kanilang sarili dahil hindi siya kasama sa elitistang grupong pinapaburan ng eskuwelahan?


6) Research orientation – Gaano kalaki ang ibinibigay na atensyon sa pagdebelop ng kakayahan ng mga estudyante na magtanong, magsaliksik at maghanap ng kasagutan? Ang mga produkto ba ng research ay ginagamit o hinahayaan lang mabulok sa mga silid aklatan? Sa mga HEIs, ano ba ang binibigyang halaga sa pagpili ng paksa para sa isang thesis - relevance o ang pagkakaroon na ng subok na theoretical framework kung saan maipapasok ang paksa ng thesis ?


Ang pagsugpo sa apathy ay di nakukuha sa pagsasabi sa mga taong “MAKIALAM NAMAN KAYO!” Naniniwala akong upang maituro sa mga estudyante ang kahalagahan ng pakikialam, dapat ay nasa isang sistema sila kung saan ang boses nila ay pinapakinggan. Dapat nasa isang sistema sila kung saan ang pag-iisip sa kapakanan ng iba ay pinapahalagahan. Dapat nasa isang sistema sila kung saan ang pakikialam ay may saysay.


References:

David, R. (2002). Nation, Self and Citizenship: An Invitation to Philippine Sociology. Quezon City: Department of Sociology, College of Social Sciences and Philosophy, University of the Philippines Diliman.

Caluza, D. (2008, July 12). Where have all the protesters gone? Philippine Daily Inquirer, p. A1.

Quezon, M. (2008, July 8). That Perfect Storm from http://www.quezon.ph

Mencken, H.L. (1926). Notes to Democracy. New York: Alfred Knopf

July 6, 2008

A testimonial of hope

Kahapon, umattend ako ng isang testimonial para sa mga CPA Board exam passers noong May. Minsan lang mangyari ito kasi ang madalas binibigyan ng testimonial ay yung mga October board exam passers lang. Yung mga "1st takers" ika nga.

Binigyan ako ng pagkakataong magsalita pero nag-beg off ako kasi hindi naman ako nakapaghanda. At tsaka gabi iyon ng mga estudyanteng nagsipasa kaya't sila ang dapat nasa spotlight.

Masaya ang testimonial kagabi dahil iba ang atmosphere. Ang October testimonial kasi, lagi siyang a celebration of triumph. A celebration of champions. The best and the brightest ek ek. Pero kapag May, ang pakiramdam ko ay isa siyang celebration of hope. Madalas, lagi tayong nakatutok sa mga topnotchers. Sa mga "matatalino". Pero sa totoo lang, mas masarap i-celebrate yung pagtagumpay nating mga "normal" lang. :) Ang sarap makita ang mga taong nagkaroon ng second (and third and so on and so forth) chance at sa wakas, sa pamamagitan ng pagpupursigi at paniniwala, ay nabigyan ng isang napakagandang regalo.

Congratulations to my new colleagues. :)

May 30, 2008

Lagari

Full time managerial work + 12 units turo ng major subject + 6 units aral ng educ + matagal nang utang na editing ng yearbook + personal / social life = interesting five months ahead

May 29, 2008

Bulusok

Sa biglang bulusok pababa ng halaga ng piso, ano kaya ang implication nito sa "meteoric" na pagtaas ng halaga nito noong nakaraang taon? Yung pagtaas ba nung nakaraang taon ay dahil ba talaga sa paglakas ng ekonomiya natin, o dahil lang sa humina ang US Dollar at sa speculation ng mga investor sa regional currencies?

May 12, 2008

Failure

"We just have to accept the era of cheap food is over" - Rajat Nag, ADB

Idiocy. Iyan ang masasabi ko sa statement ng managing director general ng ADB. Ang krisis sa presyo ng pagkain ay hindi nangangahulugan na ang adhikain ng pagkakaroon ng murang pagkain ay isang di maaabot na pangarap. Ang krisis ay isang pagpapakita lamang na sa kasulukuyang market-driven na dominant economic system, mali ang prioritization. Mali ang "invisible hand" kuno.

We should not accept that the era of cheap food (and for that matter, basic commodities) is over. What we should accept is that the current capitalist economic system is FLAWED and that it is time to open our minds and think of alternative(s). Hindi sa adhikain may problema kundi sa sistema!

April 29, 2008

Isa na akong MISTER

I am back! At bago pa ako mapunta sa diskusyon ng food shortage, failure of the market system, licensure exam passing rates, world peace at kung ano pang kaek-ekan, sasabihin ko muna na...

OK pala ang may singsing sa kamay. :)

Saka na lang yung mga pics, wala pa sa amin e.

April 4, 2008

Bagong simula

Kanina ay naka-attend uli ako ng graduation ng aking mga dating estudyante. Sayang nga, nagtipid kasi ako at nag-jeep lang. Dumating tuloy ako na paandar na ang pila kaya di na nakakuwentuhan ang mga "kids."

Dati nalulungkot ako pag umaattend ako ng graduation. Pero ngayon, hindi na. Dapat lang pala ay huwag kong tingnan ito na pagtatapos at sa halip ay pagsisimula. And nothing's more enjoyable than venturing into something new and unexpected. (kaya pala enjoy na enjoy ako pag lumilipat ng trabaho, hehehe)

----------

Dalawang linggo na lang, magsisimula na uli ang panibagong kabanata sa aking buhay. Sabi ng iba, "hindi ka pa ba na-stress?" Ang sagot ko naman, hindi ako na-stress. Nae-excite ako. :)


.

March 30, 2008

MALAPIT NA!

Matagal-tagal na rin akong di nagpo-post. Busy kasi. Malapit na kasi ang kasal namin ng Dyosa. :)

March 19, 2008

Izent it Ayronik

Taon-taon, libo-libong construction workers ang naga-abroad para gumawa ng mga condong matitirhan ng mga foreigners. Naga-abroad yung mga construction worker para mapatayuan naman nila ng sariling bahay ang mga pamilya nila.

Yung mga kinikita ng mga kamag-anak nating nagtatrabaho sa ibang bansa, pinambibili lang natin ng mga imported brands kaya bumabalik rin sa ibang bansa yung pera.

Yung dolyar, lalong bumabagsak habang dumadami ang dolyar na ipinapadala dito ng mga OFW. Yung mga OFW, lalong dinadamihan ang dolyar na ipinapadala dito kasi bumabagsak ang dolyar.

Sinusuportahan natin ang ating mga hinahangaang artista, banda at mang-aawit sa pamamagitan ng pagbili ng pirated na CD/DVD.

Nandito sa Pilipinas and world-class na Philippine Rice Research Institute. Pero mayroon tayong rice shortage.

Yung mga pamilya ng magsasaka at mangingisda, malnourished.

Nursing ang number one college course. Pero halos walang health workers sa mga public hospital, rural health units at health centers.

Mga teacher ang inaasahan nating magbibigay dunong sa ating mga anak. Pero yung mga anak natin, ayaw nating maging teacher kapag matalino kasi "sayang" ang talino niya pag naging teacher "lang."

Yung mga teacher, galit na galit sa mga estudyanteng nangongopya. Pero yung mga teacher na ito, hindi dinideclare sa kanilang ITR ang mga raket at consultancy nila sa labas ng pagtuturo.

Galit tayo sa mga corrupt na officials na mahilig manghingi ng lagay at patong. Pero ok lang sa ating gumamit ng backer o kakilala kapag gustong pumasok sa isang kumpanya o kaya ma-admit sa eskuwelahan.

Si manong jeepeny driver, inis na inis at binubusinahan yung jeep na nakahambalang sa kanto habang naghihintay ng pasahero. Pag-alis nung jeep sa harap, si manong jeepney driver naman ang maghahamabalang ng kanyang jeep para makapagpuno ng kanyang jeep na siyaman.

Yung mga opisyal ng Dep Ed at CHED, hindi sa public school pinag-aaral ang mga anak.

Yung mga opisyal ng DOH, sa private hospital nagpapa-confine kapag nagkakasakit.

Yung mga nangungutya na "nagrarally pa kayo, parepareho lang naman iyang mga pulitiko kahit sinong ipalit mo!" ay gumigising nang maaga kapag araw ng eleksyon para mauna sa pila ng pagboto.

Yung mga sumisigaw ng "Tama na ang gulo, magtrabaho na lang tayo," nagrarally at nagsisisigaw sa kalsada during office hours.



.

March 11, 2008

Dear Ping at Jamby...

Haaayyyy...

Kayo ang dahilan kung bakit nahihirapan ang kilusan laban sa corruption ng pamahalaan ni GMA. Ang nangyayari, sa pagbibida niyo, pakiramdam niyo kayo na ang mga star witness at ganun na nga ang ginagawa niyo sa Senate hearing. NAWAWALAN TULOY NG KREDIBILIDAD ANG PROSESO.

Punyeta kayong dalawa talaga. Kailangan din kayong mawala sa eksena.


.

Transport strike

Kadarating ko lang ng office. Malayo-layo ang nilakad ko kumpara sa normal. Ang masasabi ko lang...

WOW.

Ngayon lang ako nakaranas ng transport strike na nalinis ang Taft at Pedro Gil. Ang masasabi ko lang, kapag nagpress release na naman ang kapulisan na nagsasabing hindi naramdaman ang epekto ng welga, sasabihan ko sila ng SINUNGALING!


.

March 9, 2008

Freshman uli?

Kanina nang buksan ko ang aking e-mail, nabasa ko ang isang notice na natanggap na ang aking application sa UP Open University. Hintayin ko lang daw na ilabas sa kanilang webpage ang listahan ng mga na-admit sa kanilang program.

Ano ba ito? Short course lang naman, pero kinakabahan ako na parang high school graduate na naghihintay ng resulta ng UPCAT. Hahaha!!!


.

March 7, 2008

Bumoto na!

Mga ka-tambay, kung hindi nakapagpasok ng finalist ang Pilipinas noon sa New 7 Wonders of the Worlds, kayang kaya nating lumaban ngayon sa New 7 Wonders of Nature. Malalakas ang ating mga pambato:

Tubbataha Reef
Chocolate Hills
Mayon Volcano

Sa totoo lang, dalawa lang ang ibinoto ko diyan kasi hindi ko na talaga makita ang uniqueness ng Mayon Volcano. Eto ang aking binoto:

Tubbataha Reef (Philippines, the best diving site in the world)
Chocolate Hills (Philippines, eto parang mapapaniwala kang may Diyos pag nakita mo, hehehe)
Bwindi Rain Forest (Uganda, mahal ko ang mga gorilla)
Tsingy de Bemaraha (Madagascar, ang lupet ng limestone towers)
Great Barrier Reef (Australia, napakaoverwhelming sa laki ang coral reef na ito)
Bayanzag Cliffs (Mongolia, one word: orange!!!)
Redwood (USA, dahil dito nanggagaling ang aking mga paboritong Inhumanoids)

Boto na. Huwag kalimutan ang Tubbataha at Chocolate HIlls!!!

DITO BUMOTO

Napaka-skewed ng voting ngayon, halatang bumoboto ang mga taga-India!!! Dapat matapatan natin sila.


.

March 4, 2008

Pag ako naging senador part 3...

...ia-amend ko ang provision sa National Internal Revenue Code na nagsasabing ang income tax rate ng mga educational institutions ay 10% lamang. Ito ay lalagyan ko ng kondisyon na kung ang income ng eskuwelahan bago idagdag ang other income / ibawas ang other expenses ay 20% pataas ng gross income (ibig sabihin, ang mga may-ari ng eskuwelahan ay kumikita ng P1 sa kada P5 na ibinayad na tuition ng bata) , tatanggalin ang tax privilege na ito at gagawing 35% ang income tax na tulad ng sa isang normal na for-profit corporation.

Nakakainit talaga ng ulo kapag edukasyon ng kabataan ang pinagkakakitaan.



Pag ako naging senador part 2
Pag ako naging senador part 1

March 3, 2008

Gusto ko pa sanang mag-GMA Resign blogswarm entry ngayon...

...pero katatapos ko lang mag-edit ng anim na research paper. At magsara ng libro para sa buwan ng Pebrero.

Hindi pa ako kumakain.

Sabi nga ng mga pro-admin...trabaho muna (at pagkain) bago gulo. Hehehe

Ala-una na ng madaling araw punyemas!

March 2, 2008

Saan ba natin gustong pumunta?

Kapag nangungumbinsi ako ng mga kakilala ko na sumama sa GMA Resign movement, yung mga tumatanggi ay madalas na nagsasabing gusto naman nilang maalis si GMA. Yun nga lang, gusto rin muna nila ng sagot sa tanong na kung si GMA ay aalis / mapapaalis...ano na?

At sa tanong na iyon ay hindi nga malinaw ang sagot. Yung iba, gusto ng constitutional succession. Yung iba, transition government na may council of elders. Yung iba naman, snap elections. Yung iba naman walang pakialam basta gusto nila sila naman ang nasa kapangyarihan (eto yung mga masarap ihulog sa manhole kapag nakikita mo sa rally).

Kung ako naman ang tatanungin, gusto kong i-test natin ang limits ng isang tunay na rebolusyon. Yun ang problema sa mga nagdaang EDSA, lalo na ang EDSA Dos. Kumilos tayo hanggang sa pagpapalit ng leader lamang. Paano kaya kung subukan nating yanigin ang sistema, mag-isip ng out-of-the-box at magdrawing uli ng mapang magdadala sa atin kung saan talaga natin gustong pumunta?

Siguro dun muna dapat magsimula. Ano ba ang itsura ng Pilipinas na gusto nating puntahan? Kapag nasagot natin yun, saka natin sagutin kung paano tayo pupunta doon.


.

Magkaiba ba yung kulay?

BURGUNDY

MAROON

BURGUNDY

MAROON

BURGUNDY

MAROON

February 29, 2008

At dinala na sa cyberspace ang laban

Kahapon, nabalita na yung blog ni Ellen Tordesillas, isang kilalang lumalaban kay GMA, ay nagkaroon ng Spam Attack.

Ngayon naman, front page na lang ang lumalabas sa blog ni MLQ3.

Kahapon, binabalock ng antivirus software ang aking webpage. May nakita akong unusual na script sa template ko, tinanggal ko na.

Madumi na talaga ang labanan.


.

February 28, 2008

Sabi nang huwag e

Estrada to join interfaith rally

At dahil dito, tiyak na malaki nang mababawas sa magrarally bukas.

Punyeta!

February 27, 2008

Hands off please!

Ito ay panawagan kay Lacson, Jamby at Erap. Sana, SANA, huwag na kayong mangialam sa NBN-ZTE scandal. Sa inyong pagpapakilala ng testigong mababa ang kredibilidad, pagprisinta ng ebidensyang hindi matibay at haka-haka lamang, at pagparada ng mga discredited na tao bilang alternatibo sa kasulukuyang gobyerno, mas sinisira niyo lang ang kaso laban kay Arroyo. Sa totoo lang, nakakawalang-gana sa marami kapag kayo ang nakikita at lalo lang napapadalawang-isip ang tao. Puwede bang maglie low na lang kayo?

.

February 26, 2008

Ang labo

CBCP to Arroyo: Take Lead in Fight vs. Corruption

Ayos ah. Parang Chavit: Take Lead in Fight vs. Jueteng. O kaya Palparan: Take Lead in Fight vs. Extrajudicial Killings. O kaya Garci: Take Lead in Fight vs. Electoral Fraud.

Puwede bang Satan: Take Lead in Fight vs. Evil?

.

Pag ako naging senador part 2...

...irerequire ko ang mga kumpanyang naghahakot ng basura na bigyan ng disposable na sanitary gloves at masks ang kanilang mga basurero.

It's not just common sense. It's also the humane thing to do.


Pag ako naging senador part 1

Liwanag

Mula kay Marvin Bionat, isang panawagang magbigay liwanag sa panahon ng kadiliman:

FOR THOSE WHO ARE UNABLE TO JOIN MASS ACTIONS IN THE PHILIPPINES, LIGHT A VIRTUAL CANDLE!

- For integrity in government

- For the pursuit of the unvarnished truth behind the current political scandals

- For the prosecution of corrupt public officials

- For the immediate resignation of political leaders who have lost the moral authority to govern

- For the establishment of a government that truly represents the interests of the nation

- For the political and economic empowerment of the Filipino people

To light a candle, click here (or e-mail mbionat@comcast.net) to send your name, location, and a brief message (10-word limit). Your candle will be lit as soon as possible.


.

EDSA 1.0, may banner na!

Hanep naman si Pedestrian Observer, nakagawa na ng banner image para sa EDSA 1.0.

February 24, 2008

EDSA 1.0

Ngayon ang simula ng dalawang araw na blogswarm para sa pagpapababa sa Pang(g)ulong Arroyo. Saktong sakto sa anibersaryong ipinagdiriwang natin ngayong araw na ito. Tara na mga kapwa cyber-aktibista! Saan mang lupalop ng mundo ka naroroon, makilahok na sa...


Electronic
Data
Swarm
Against Arroyo
wave 1.0


Let's Expand the Democratic Space through cyber-Activism. Sama-sama nating ISIGAW / I-POST / IE-MAIL:


TAMA NA, SOBRA NA, KILOS NA!
GMA, ALIS(IN) NA!


.

February 22, 2008

Hero


Habang binabasa ko ang artik ni Conrad de Quiros na Hero na nagpapatungkol kay Jun Lozada, ang star witness ng NBN-ZTE scandal, ako ay nalungkot. Sumasang-ayon naman ako sa karamihan ng mga punto ni Conrad. Pero di ko mapigilang maisip na eto na naman tayo't inuulit ang ating mga pagkakamali.

Natutuwa ako na lumantad si Jun Lozada. Dahil sa kanya, nadagdagan pa ng credible evidence ang matagal na nating alam pero matagal na ring pinagbubulagbulagan: na ang pamahalaan natin ay corrupt at walang bahid ng hiya sa pagpapasasa sa yamang dapat pinapakinabangan ng taungbayan. Dahil sa kanyang testimonya, nag-panic si GMA at ang kanyang mga alipores. At ang mga taong nagpa-panic, nadudulas ang dila.

Pero nakakalungkot ang pagturing kay Jun Lozada na isang bayani. Ang fixation nating mga Pinoy sa hero figures ang siyang dahilan ng pagkabigo ng ating mga nakaraang "rebolusyon." Ang spotlight ay itinututok natin sa tao at hindi sa isyu. At kapag sa tao nakatuon ang ating pansin, ang ating pagkilos ay nakadepende sa pupuntahan ng ating piniling bayani. Kaya't kapag ang ating mga piniling bayani ay nagpakita ng kahinaan, sinakyan ng mga oportunistang politiko, naligaw ng landas at nawalan ng kredibilidad, tayo ay nadidisilusyon, nawawalan ng pakialam at kasama na ring napapariwara. Nakakalimutan natin na sa likod ng taong ating sinuportahan ay ang mga prinsipyong binigyan niya lamang ng mukha (kahit na panandalian lamang) na hindi naman nako-corrupt sa paglipas ng panahon.

Isa pang problema sa ating hero fixation ay binibigyan nito ng extraordinary character ang dapat ordinaryo lamang na pagdesisyon na gumawa ng tama. Sa pagturing natin sa ginawa ni Jun Lozada na heroic, para na ring sinabi natin na ang pagsasabi ng totoo ay gawain lamang ng mga binabaril sa Luneta. Sa pagturing natin sa ginawa ni Jun Lozada na heroic, para na ring sinabi natin na ang paglaban sa lantarang pagnanakaw ay gawain lamang ng mga pinapatayuan ng monumento.

Tamang magpasalamat tayo kay Jun Lozada. Pero tigilan na natin ang pagturing sa kanya na isang bayani. Sa ating paglaban para sa makabuluhang pagbabago, hindi mahalaga ang tanong na SINO ba ang kasama ko sa labang ito? Ang mahalagang tanong ay ANO ba ang ipinaglalaban ko? BAKIT ko ba ipinaglalaban ito? At KAILAN ako kikilos para matapos na ang laban?




*Larawan ay mula kay Rem Zamora

February 21, 2008

Sa lahat naman ng makakasuhan...

Pampanga governor facing graft charge over quarry law

Ang hirap sa bansa natin, ang gumagawa ng mabuti at tama, kinakasuhan. Ang nagnanakaw sa kaban ng bayan, kinukuha pang ninong / ninang sa binyag.

Punyeta.

Mga Kapampangan, tulungan niyo naman iyang gobernador niyo!

February 18, 2008

29

Makalipas ang dalawampu't siyam na taon, mukhang malayo-layo pa ang aking lalakbayin.

February 15, 2008

Haaayyy


"Gusto ko lang sabihin na mahal kita...kahit na iiwan mo ako."



Punyemas na linya iyan. Manood na kayo. Maganda.



February 14, 2008

Happy Balentayms!

Ngayon lang uli kami magkaka-balentayms date ni Ria at para hindi kami masabay sa dagsa ng tao, niyaya ko na lang siyang manood ng isang romantic movie. (hehehe)

Sana maganda. :)

February 13, 2008

Kapag Bad Ka, Lagot Ka!

bad ka lagot ka



Ah...teka lang...





















JOKE JOKE JOKE!
















Paano kaya kung si Bob Ong...

...ay HINDI si Bob Ong?

Hindi naman kasi siya talaga magaling magsulat. Pero bumenta ang kanyang mga libro dahil ito ay TOTOO. Tuwing magbabasa ka ng kanyang mga sinusulat, parang nandiyan lang siya sa harap mo, nagkukuwento at nagbibigay-buhay sa mga kuro-kuro at karanasan na pamilyar.

E paano kung HINDI NAMAN PALA TOTOO?

Paano kung hindi naman pala siya nag-aral sa public school? Paano kung hindi naman pala siya nag-drop out at sa halip ay nakatapos talaga ng kolehiyo?

Paano kung hindi naman totoo si Miss Uyehiwara?

Paano kung si Bob Ong ay hindi ang siyang nagsulat ng katha kundi ang siya mismong isinulat na katha?

February 8, 2008

Feb 8

Matagal na akong di nagpo-post, pero ito dapat i-post ko talaga.

HAPPY BIRTHDAY, LABS! :)

January 16, 2008

I am back!

Well, things are starting to return to normal...pero wala pa rin oras gumawa ng isang mahaba-habang post. Hehehe, bukas, bibigyan ko ng oras. Isisingit ko sa trabaho. LOL!