October 31, 2007

Usapang dasal at simba

Nung 2004, nagpadala ako ng isang sulat sa aking mga kaibigan na ine-explain ang aking mga dahilan kung bakit sinusuportahan ko si Eddie Villanueva sa pagkapresidente. Hindi ko na idedetalye dito yung sulat na iyon. Ishe-share ko lang na nung nagcirculate ang sulat na iyon, something got lost in the translation. Sa kafoforward, kumalat na ang sulat ay mula sa isang ATHEIST. Napakamot ang ulo ko nun. Bakit naman ako napagkamalang atheist?

Kungsabagay, hindi ako religious na tao. Bihira akong magdasal. Kapag may nagsasabi sa akin na "Sir, ipag-pray mo kami," hindi ako sumasagot. Madalas dahil sa paniniwalang hindi naman hawak ng Diyos ang ating kapalaran. It's this side of myself which do not believe in the concepts of fate, destiny, karma, grand design, etc. I never believed in "everything happens for a reason." Hindi dahil sa hindi ako naniniwala sa Diyos pero dahil I see it as a way of evading / reducing responsibility and consequences for our actions (individual and collective).

Pero nagdadasal pa rin naman ako. I do not believe in a God that moves mountains but I believe in a God that enlightens. Kungsabagay, baka mas madali pang iusog ang mga bundok kaysa magbukas ng isip ng mga tao. I have this teacher - student conception of our relationship with God in that he/she will never do anything for us, but rather he/she will only help us see what needs to be done.

Kaya malaking factor para sa akin ang pari kapag nagsisimba ako. Sabi ng iba, masamang Kristiyano daw ako kasi kapag di ko trip ang pari, lumalabas na lang ako ng simbahan. Sa akin naman, ang pagsisimba kasi ay isang educational session. Of course there's the thanksgiving part, but I believe that the rituals are not the essence of a eucharistic celebration but rather the inspiration we can derive from it.

Isa sa mga paborito kong pari (actually, siya ang paborito kong pari) si Father Jboy. Siya ang chaplain ng UP Chapel. Kahapon, sinabi sa akin ni Ria na si Father ay mayroon ding blog. Ayus, araw araw na akong makakapagbasa ng mga reflections niya. Ang maganda kay Father, he always puts a human dimension to his teachings. At hindi iyan sa pagbibigay ng mga anecdotes na nakakatawa nga pero wala namang connect dun sa reading. Sa halip, binibigyan niya ng "down to earth" na interpretation ang gospel which makes his words relevant.

Hindi katulad nung isang pari sa aking school dati na wala nang sinabi kundi matakot kami sa parusa ng Diyos at magdasal nang magdasal para sa grasya.

Nung patapos na ako ng high school, inentertain ko ang ideya ng pagpapari. Promise. Nakapag-orientation na nga ako sa dalawang seminaryo. Looking back, buti na lang di ako natuloy kasi I would have entered the priesthood for the wrong reasons. Kung ano ang mga reasons...secret ko na lang yun. Hehehe

2 comments:

melai said...

uhmmn naalala ko tuloy yung dating paring italyano sa parish church namin...kinulong at inakusahang komunista...ang ginagawa lang naman e makisalamuha sa mga maralitang tagalungsod..tsk tsk tsk!

rem said...

pareho lang tayo tsong hahahah. ayoko sa mga taong pala-dasal at palasimba pero kung tingnan mo naman ang gawain eh mas masahol pa sa iba. banal na aso, santong kabayo. napakinggan mo na ba ang kanta ng datu's tribe na "para que, elsa"? patok ang tema nito.

dito rin pumapasok ang tema ng bahala na... bathala na... bahala na si bathala, bahala na ang diyos... tsk tsk...