January 8, 2007

Nangangarap

Lagi akong naghahanap ng magandang article na babasahin sa diyaryo sa umaga para maganda ang simula ng araw ko. Kanina, ang nahanap ko ay Are business schools businesses?. Maganda ang insights, ang sarap ipabasa sa fast earning universities. Hehehe. It's nice to see a premiere business school championing its educational mission (although mahal pa rin sa school na ito).

Ako ay nangangarap na magtayo ng sarili kong business school. Within ten years sana (hahaha!). At hindi lang siya basta-bastang business school. Isa sa magiging purpose nito ay magdevelop ng panibagong mga paradigms at models sa pagpapatakbo ng business, sa labor relations at sa economic systems. Ipopromote nito ang social entrepreneurship (at hindi yung gimik na corporate social responsibility), "new" economics, social accounting, economic visioning, non-hierarchism, at sustainability. Ia-apply ang konsepto ng balanced job complexes hindi lamang sa mga pagdesign ng trabaho ng mga empleyado kundi pati na rin sa pagdesign ng curriculum, syllabus at schedule ng mga mag-aaral. Ipapractice rin ang participatory planning sa course design, involving ang lahat ng stakeholders - teachers, students, alumni, industry, labor sector, civil society, etc. Magkakaroon rin ng rationalized stratification sa tuition fee structure na base sa ability to pay ng pamilya ng bata.

Tapos pabilog ang theme ng architecture ng eskuwelahan na parang symbolism ng kakulangan ng hierarchies. Tapos maraming puno. Tapos ilan sa ipopromote na P.E. courses ay arnis, football at competitive patintero. Tapos clean energy ang gamit dahil ang kuryente ay iso-source sa windmills at solar panels na nasa school mismo.

Sarap mangarap, ano? :) Hehehe.

4 comments:

manilenya said...

nyahahahahaha!! uunga sarap nga mangarap grabehhh!!!

bakit kaya di ganyan mag-isip ang mga nasa education sa gobyerno ano?

Anonymous said...

tama si ms.manilenya.. bakit nga ba hindi ganyan mag-isip ang mga nasa gobyerno.. ang sarap siguro mag-aral. hehehe.
_LIBRE LANG MANGARAP!_

-loren

Anonymous said...

How would you define "new economics?"

Paeng said...

melai: medyo nonmainstream kasi e, and traidtionally, the government is a conservative institution.

loren: tama, libre mangarap. hahaha!!!

anonymous: hi, anonymous! much of what i call new economics is based on the writings of the new economics foundation. sabi nga nila, economics as if the people and planet mattered, contrary to the current economic thought na nakasentro sa profit motive at sa private consumption.

i would also recommend reading yung participatory economics model ni Michael Albert at Robert Hahnel. Maganda rin basahin ang introduction to hierarchism ni Gary Granada, which is more broad in its view kasi hindi lang economics and dinidiscuss diyan.

i would be writing about them in the future.