May 23, 2007

Ehemplo

Sa bayan ng ating Pang(g)ulo, nagkaroon ng isang himala. Isang kandidato na walang political machinery, walang pera, walang backing ng mga power brokers, independent at may purong intensyon ang nanalo bilang gobernador laban sa dalawang beterano ng pulitikang Kapampangan.

Nais ko sanang sabihin na triumph ito ng good over evil. Pero gusto kong bitinin muna ang aking judgment hanggang sa makita ang mangyayari kapag nagsimula nang mamuno si Among Ed. Ang aking cynic na side ay nagsasabi na "Lalamunin lang iyan ng sistema." Pero ang aking mas dominant na hopeful na side ay naniniwala na kapag lalampasan natin ang pagkakulong sa ating mga preconceptions, walang imposible.

Para kay Among Ed, siguro ang hiling ko na lang ay maging ehemplo sana kayo ng tapat na paglilingkod. Sabi nga sa isang MTV:

"Sana naman kayanin mo
Panindigan ang prinsipyo..."

2 comments:

melai said...

"Sana nga po.....AMEN."

yaman pala ni mickey ano...may 89 million.

Anonymous said...

yup...yung nangyari sa'min sa pampanga eh isang napakalaking himala.Ü. nakakatuwa talaga. :p
actually, we're looking for a change, not exactly a miracle. but to be honest, atleast para sa akin, expected na yung nangyari. sino ba naman kasi ang pipiliin mo to govern the province? isang "jueteng queen" or isang "quarry king"...no choice.
sa mga campaigns and motorcades ni among, yun talaga yung masasabi mong pinupuntahan ng mga tao...ng walang bayad. yung alam mong andon yung mga tao kasi gusto nilang pumunta don.
sana lang ito yung start ng pagbabago ng pampanga...at pag ganito na yung nangyari, sana gawin syang inspiration ng mga pilipino.
"agyu tamu ngan ini!"
-pat menina