August 31, 2005

Expert opinion

Ano kaya ang purpose ng pagkonsulta sa mga "legal luminaries" kung wala ka namang intensyon na makinig? Ang tanong na ito ay naglaro na sa aking isipan noon pang July nang magdebate ang House of Representatives kung puwede bang pakinggan ang mga Garci tapes sa kanilang special session. Lahat ng inimbitahan nilang legal luminaries, na kinabibilangan ng iba't ibang Deans sa mga law school, ay nagsabi na puwedeng pakinggan. Pero nagdebate pa rin at nagtagal pa bago magdesisyon ang Kongreso na puwedeng pakinggan ang Garci tapes.

Ngayon naman, kahit na walang direktang kinokonsulta ang Kongreso, kaliwa't kanan ang paglabas ng opinyon na iba ang impeachment complaint sa impeachment proceeding. Na hindi hiwalay ang amended complaint sa original complaint dahil ito ay suppletory naman. Kasama sa mga nagsasabi ang Dean ng College of Law ng UE, ng FEU, at ng UP Diliman. Kasama rin sa mga nagsasabi ang iba't ibang law professors kabilang na ang isang author ng libro tungkol sa impeachment. Kasama na rin si Fr. Joaquin Bernas na isang constitutional expert. Ayon nga sa kanila, mas "legally tenable" ang argumentong susuporta sa posisyon ng pro-impeachment solons.

Pero hindi pa rin nakinig ang majority sa Kongreso. Ang pinili nilang pakinggan ay ang paliwanag ng private prosecution team ng pangulo. Ang nakakatawa pa, sila na gamit nang gamit ng "rule of law" noon, sinasabi naman ngayon na dapat maintindihan ng minority na ang impeachment ay political process kung saan ang masusunod ay ang will ng majority.

Kung ganito lang ang patakaran, wag na tayong magkonsulta sa mga experts. Hayaan na lang natin ang tyranny of the majority.

Garapal, kapalmuks...ano pa bang bagay na adjective?

Umuwi ako na masayang masaya pagkatapos manood ng magandang anniversary show ng KONTRA-GAPI. Tapos, BAD TRIP na balita lang pala ang dadatnan ko sa bahay.

Ang hinihingi lang naman natin ay isang patas na laban. Sabi ni GMA, dalhin ang reklamo laban sa kanya sa kongreso. Pero ano itong ginagawa ng administrasyon? They are throwing everything EVEN the kitchen sink para patayin ang impeachment complaint without even allowing the evidence to be laid on the table.

Ang mas masahol pa, sana pasimple man lang ang pagpatay na ginagawa nila. Pero GARAPALAN. Hindi na nahiya. Ayoko nang banggitin dito ang mga pangyayari, basahin ninyo na lang sa INQ7, blog ni Manolo, at blog ng PCIJ.

Sabi nila, ang pikon, talo. Mga hipokrito. Nung Erap impeachment, may pa-walkout walkout rin kayo. Tapos ngayon kakasuhan niyo pa ang mga nag-walkout ninyong kasamahan ng improper conduct?

Hindi raw sila nangre-railroad, pero nagbotohan pa rin sa "prejudicial question" kung hiwalay bang complaint ang amended complaint sa original Lozano complaint kahit na wala nang opposition na naiwan sa session. Ang usual na ginagawa pag may ganitong issue ay hintayin munang lumamig ang ulo ng kabilang panig at pagkatapos ay saka kausapin. Ang tawag diyan ay diplomasya. Pero hindi, tinuloy pa rin ang botohan kahit na magmumukhang lutong makaw kapag tinuloy. Hulaan ninyo kung ano ang naging resulta.

Kailangan pa bang i-memorize iyan?

Sana ipublish ng PCIJ ang mga pangalan ng mga members ng Justice committee na bumoto in favor of treating the amended complaint as a separate complaint. Para alam natin kung sinu-sino ang mga KAPALMUKS.

August 29, 2005

Impact

Nag-landfall na ang Hurricane Katrina sa bandang Louisiana sa U.S. Nanonood ako ngayon ng CNN, at mukhang ang lakas talaga ng bagyong ito, nakakatakot. Halos wala nang makita sa lakas ng ulan at hangin.

Sa sobrang lakas ng impact ng Hurricane Katrina, mukhang aabot ang epekto nito maging dito sa Pilipinas. Nagbukas na ang trading sa oil market, at tumaas na nang halos 3% ang presyo ng crude oil. Mukhang ang tinamaang state ay ang lugar kung saan nandun ang mga refinery na nagse-serve ng 10% ng oil needs ng America.

Bosing

Hindi ko alam kung bakit, pero lagi akong nahahandle ng mga boss na publicly perceived na mga terror. Ang aking Dean ngayon sa FEU, ang aking senior partner noon sa SGV, maging si Sir Edru ng Kontra-Gapi. Maraming mga kakilala ko ang nangingilag sa kanila at natatakot. Nape-perceive silang mga slave driver, mga mabababa ang EQ at dictatorial.

Pero ako, nagpapasalamat ako sa pagdaan ko sa palakad nila. Nakatanggap rin ako ng "masakit na pananalita," pero hindi naman talaga masakit iyon dahil alam ko na oportunidad ko lang naman iyon para matuto sa kanilang criticism. At ang anumang sinabi nila sa akin, alam kong trabaho lang iyon, walang personalan. Sa totoo lang, ang laki ng aking utang na loob sa kanila dahil ang laki ng naitulong nila sa paghubog ng katauhan ko ngayon.

Bakit naman naging topic ko ito ngayon? Kasi, muli na naman akong nakarinig ng mga resentment sa aking mga bosing (at mga naging bosing) mula sa iba't iba kong mga kaibigan na napailalim rin sa kanila. Nakakainis makinig sa ganung mga usapan dahil marami sa kanilang mga bulag sa katotohanang ang daming opportunities na nabuksan sa kanila dahil sa aming mga bosing na patuloy na nagturo at nagsikap na maabot namin ang pinakamataas naming kayang maabot. Di miminsang ginusto kong itanong sa kausap ko, "Saan ka ba pupulutin kung di ka dumaan kay ____?"

Pero nakakahiya mang aminin, madalas ako ay nananahimik na lang at di ko nakakayang ipagtanggol ang aking mga bosing.

"It's lonely at the top," ayon sa isang kasabihan. Sana, bago pa mahuli ang lahat, masabi ko sa mga bosing ko, "Salamat."

August 26, 2005

Makialam

Kanina ay umattend ako ng isang lecture ni Jose Concepcion III sa Far Eastern University. Siya ay naroon para magbigay inspirasyon sa mga future entrepreneurs. OK naman sana ang kanyang speech, kaya nga lang, nagpanting ang aking tenga ng kanyang sabihin na huwag tayong magpa-distract sa political crisis sa ating bansa. Magtrabaho na lang daw. At para naman sa mga estudyante, pabayaan na lang daw ang away politika sa mga politiko at mag-aral na lang at wag nang makialam. Naalala ko tuloy yung isang member ng Peyups na si cmsc_ako na laging nagpopost na "Magtrabaho na lang tayo."

Pinapalabas ba ni cmsc_ako at ni Joey Concepcion na ang nagpapahirap sa ating bansa ay ang sobrang preoccupation natin sa politika? Hindi ako umaayon rito. Totoo na panay political news ang laman ng ating balita, pero napakababa ng level of active participation ng mga Pilipino sa isyung politikal. Karamihan sa atin, nakikibalita lang pero wala namang konkretong ginagawa. Sa totoo lang, ang tunay na problema ngayon sa ating lipunan ay hindi ang sobrang preoccupation natin sa mga problemang politika at sa halip ay ang kawalang pakialam at initiative natin sa paglutas ng mga problemang ito. Ang tunay na problema ay ang patuloy na pagpapaubaya natin sa mga corrupt na political leaders na maghari-harian sa ating lipunan, kahit na araw-araw na nating nababalitaan ang mga kasamaang kanilang ginagawa.

Kung sobrang preoccupied at involved ang Pilipino sa political issues, bakit nananatili pa rin si GMA sa kapangyarihan kahit na nandaya siya noong eleksyon? Bakit nakabalik pa rin sa kapangyarihan ang mga Marcoses kahit na bilyon bilyong perang pampubliko ang kanilang ninakaw at ilang libong buhay ang kanilang pinahirapan? Bakit si Erap nagpapasarap pa rin sa kanyang resthouse samantalang ang mga mahihirap at walang kapangyarihan na mga akusado ay nabubulok sa ating mga overcrowded na kulungan? Bakit patuloy pa ring nananalo sa eleksyon ang mga politikong alam naman nating nagpapayaman lang sa puwesto at wala namang ginagawang matino sa kanilang public office? Bakit patuloy pa rin ang corruption kahit na ginagawa na ito sa harapan natin?

Nabahala ako sa pagsabi ni Joey sa mga kabataan na mag-aral na lang imbis na makisawsaw pa sa usaping politika. Contradicting ba ang pag-aaral at ang pakikialam? Hindi ba't ang paglahok sa mga discussion tungkol sa mga national isues ay isang paraan upang magkaroon ng mas malalim na edukasyon? Tama bang ang patayin agad natin ang "apoy" ng idealismo na nagbabaga pa sa ating mga idealistic na kabataan?

Totoo na kailangan nating patuloy na magtrabaho at mag-aral. Ngunit hindi tama na gamitin itong palusot upang hindi makialam sa mga usaping panlipunan, kasama na ang isyung politikal. Magtrabaho AT makialam. Iyan ang dapat nating gawin.

August 25, 2005

Tuning out

Habang nanonood ako sa paulit-ulit nang mga balita tungkol sa walang kausad-usad na impeachment hearings, sa walang kakwenta-kwentang usapan ng reconciliation, at sa wala sa timing na discussion ng charter change...

...mukhang nawawala na rin ang atensyon ko at pakialam sa balita.

Masama na ito. Sabi nga ni Bodie Thoene, "Apathy is the glove into which evil slips its hand."

August 23, 2005

Reconciliation daw

Matunog ngayon ang balitang reconciliation ng GMA at Estrada camps. Nag-breakdown nga lang ang negotiations kasi hindi nagkasundo sa terms and conditions na sinet ng magkabilang panig. Buti naman.

Nakakainis ang balitang ito kasi lumalabas na ang Pilipinas ay hindi isang tunay na democracy kundi isang oligarchy na pinamumunuan ng iilang ruling elite na nagpapalitan lang sa puwesto. Nakakainis kasi ang pini-present na solution ng ating mga leader para sa kasalukuyang problema ay ang pagkakasundo ng dalawang public figures na parehong nawalan na ng moral ascendancy para mamuno sa ating bansa.

Hindi iyang reconciliation kuno na iyan ang solution na hinahanap ko. Mabuti pang mawala silang pareho sa kapangyarihan dahil pareho silang malaking dahilan sa impiyernong kinasadlakan ng bayan natin ngayon. E ano ngayon kung magkasundo sila? Para namang dapat ikatuwa natin pag nagkampihan na ang magnanakaw at ang mandaraya. Palalakasin lang natin ang puwersa ng kadiliman pag hinayaan natin silang magsama.

August 21, 2005

Magsesenti muna ako, walang koKONTRA

Unang anniv celebration ko kasama KontraNgayong Agosto ang anibersaryo ng Kontemporaryong Gamelan Pilipino (KONTRA-GAPI), ang resident ethnic music and dance ensemble ng College of Arts and Letter ng UP Diliman. Kung meron mang experience na naging pinakamalaking impluwensiya sa buhay ko, ito na ang pagiging miyembro ko sa grupong ito.

Sa Kontra ako natutong makisalamuha sa iba't ibang klaseng tao na iba't iba ang background. Iba't ibang courses at colleges kasi kaming mga members. Dito ko nakilala si Sir Edru, na parang naging pangalawang tatay ko na. Dito ko nakilala ang aking mga pinakamatatalik na kaibigan na hanggang ngayo'y wala pa ring papalit. Dito ko rin nakilala si lalabs, Ria, kaya pag natuloy na kami sa simbahan ay tiyak na parang alumni homecoming ng Kontra ang mangyayari.

Kalutang Boys ang GirlsSa Kontra rin nabuo ang aking mga prinsipyo sa buhay. Lumawak ang aking appreciation sa iba't ibang paniniwala at kultura dahil sa pagpromote namin ng "Unity in diversity, diversity in unity." Dito nabuo ang aking advocacy para sa pagpreserve at pagpromote ng indigenous Philippine culture, particularly sa music. Namulat rin sa Kontra ang aking mga political beliefs. Naalala ko pa, ako ang pinapadala noon ng Kontra para makipag-coordinate kay Father Robert Reyes para sa EDSA Anniversary celebration sa UP Lagoon. Dinibdib ko rin ang aking papel bilang tagatugtog ng Lupang Hinirang sa kulintang. Para sa mga nagtatanong sa nationalistic leanings ko, dito sa Kontra ko ito na-acquire at na-develop.

Sa Kontra ko rin nabuo ang aking work ethics at work-related skills. Dito ako nagkaroon ng disiplina sa maayos na preparation bago magkaroon ng performance. Dito ko natutunan na paghiwalayin ang personality ng boss sa trabaho at sa labas ng trabaho, kaya hindi ako namemersonal at natuto akong tumanggap ng constructive criticisms. Dito ako natuto ng "bigayan" at "pakiramdaman," ng "improvisation" pag nag-iba ang sitwasyon, ng "pagsalo" sa mga kasama sa tugtugan, at ng pagtitiwala na "sasaluhin" rin ako ng mga kasama ko. Dito rin ako natuto ng stage skills na sobrang importante sa aking pagiging guro ngayon. At dito ako natuto na hindi dapat lahat ng gagawin ay may kapalit o bayad, at may mas malaki pang source ng kasiyahan maliban sa pera .

Talagang mananambol na ako noonDahil sa Kontra-Gapi, naging scholar ako sa UP. Nakarating ako sa iba't ibang lugar sa Pinas (Mindoro, Ilocos Norte, Quezon) at sa iba't ibang bansa tulad ng Vietnam, Laos, Canada at U.S.A. Lumabas ako sa mga shows sa TV tulad ng 5 and UP, Probe Team, Magandang Gabi Bayan ang Public Life. Nakasama ako sa mga rally laban sa Charter Change, laban sa Educational Budget Cut, laban sa VFA, at sa makasaysayang EDSA Dos. Nakasama ko at nakasalamuha kahit sandali lang ang mga kilalang tao at artists tulad nina Cheche Lazaro, Randy David, Kara David, Howie Severino, Santanina Rasul, Charito Planas, Gary Granada, Bayang Barrios, Joey Ayala, Pinikpikan, Louie Ocampo, Powerdance, atbp.

Sa Kontra-Gapi nagsimulang magkaroon ng sense of mission and purpose ang aking buhay.

Flute na namanIlang taon na akong hindi nakikitugtog sa Kontra. Busy na kasi ako sa aking napiling propesyon, at may sarili na rin kaming banda - ang Sangandaan. Pero hindi mawawala sa aking pagkatao at sa aking puso ang pagiging miyembro ng Kontra- Gapi. Sana makapag-jamming na kaming muli.

(Ang mga pictures ay nahanap ko gamit ang Google. Karamihan rito ay galing sa isang tugtog namin sa Colorado. Siyempre ang pinili ko yung mga picture na kasama ako. Sana may makapage-mail sa akin ng picture na tumutugtog ako ng nose flute, kudyapi o kaya kulintang.)

-----

Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontra-GaPi), the Official Ethnic Music & Dance Ensemble of the College of Arts and Letters, University of the Philippines-Diliman will be celebrating its 16th year of existence with the theme "KG@16: Mula Diliman, Maninindigan Kahit Saan!", August22-31,2005.

Activities slated are as follows:

22 August ***Open Jambayan (jamming sa tambayan, FC Tambayan Complex, 6pm)

23 August***Deadline & Judging of Poetry Writing Contest Entries (see posters for contest details)

24 August***KG On the Road! (Road Painting, Academic Oval, front of FC)

25 August*** Alternative Classroom Learning Experience (ACLE) with Grace Nono, Gary Granada, Bayang Barrios, Bob Aves, Jess Santiago, etc. as guest speakers/performers
(to be confirmed)

26 August***College Hopping (Concert Publicity)

27 August***KONTRAlympics (KG Sportsfest, ALUMNI,RESIDENTS & APPLICANTS)

29 August***Exhibit Opening, Faculty Center, Galeria 1 (featuring Kontra-Gapi World & Philippine Tours)

30 August*** KG ANNIVERSARY CONCERT Hardin ng mga Diwata Bulwagang Rizal, Faculty Center, UP Diliman, 7 PM (ticket@50Php,inclusive of dinner)

31 August***Closing Ceremonies, FC Galeria 1

For further inquiries, you may call/text:

CLAIRE LUNA a.k.a. Klara @ 09287912343
Kontra-GaPi Spokesperson, AY2005-2006

Thank you very much!

Huli man nang aking gawin...


Candle


...nakapagsindi pa rin.

Para sa kapayapaan. Para sa katarungan. Para sa katotohanan.

Ang picture ay dinownload lang, hindi iyan ang kandilang aking sinidihan. Wala akong digital camera.

August 20, 2005

Nawalang telepono

Uhm...may nakatanggap ba rito ng cel message sa akin na obscene? Baka prankster yun. Wala na kasi sa akin ang aking celfone. Nahulog.

Di naman ako nanghihinayang sa pagkawala ng aking celfone per se. Nanghihinayang ako sa nawalang mga contact number ng mga tao. Ang dami pa naman nun. Kaya kung mababasa niyo ito, pwedeng paki-spread ang balita tapos pakie-mail na rin yung contact numbers niyo para pagdating ng araw, makokontak ko pa rin kayo. Ang aking e-mail ay akosipaeng@gmail.com.

Sa aking dalawang textmate...it was good while it lasted. Kitakits na lang sa personal. :)

August 18, 2005

I declare today as a holiday!!!

Bakit?

Kasi makulay na uli ang mundo. :)















She's back. Tantanananan!!! :)

August 17, 2005

Sabi nga ni child star Matet, "Takot ako!"

Want to see how the government would function under the parliamentary form of government? Watch the sessions in congress.

Will we have policy issues settled by palakasan ng boses? (Palakasan na lang ng palakpak, parang pang-noontime show) Will we hear, "Mr. / Ms. Prime Minister, given your outspoken views on the issue, shouldn't these be grounds for your inhibition?"

Sabi nila, bibilis raw ang governance pag nag-merge na ang legislative at ang executive. But seeing the way congress operates...are you kidding me?

Malaki ang ngiti...

Sabi nga ng mga estudyante ko, abot tenga ang ngiti.

Paano naman kasi, isang araw na lang...hehehe. :p

tantanananan!!!

August 16, 2005

Tanong lang...

Edcel LagmanCurious lang ako.

Kelan ba naging part ng admin si Edcel Lagman? Di ba SANLAKAS siya dati? Akala ko ang SANLAKAS ay opposition?

O admin na sila ngayon kasi mga "R.A." ang nasa kabilang panig?

Ang tagapagligtas

Maraming nagsasabi na ang pataas na pataas na presyo ng langis at ang maaaring pagbagsak ng ekonomiya ang magiging dahilan sa pagkaalis ni GMA sa Palasyo. Sa tingin ko naman, baligtad. Ang pagtaas ng presyo ng langis ang siyang "magliligtas" kay GMA.

Maraming mga Pinoy kasi ang mataas ang risk-aversion, lalo na ang middle forces at ang nasa business community. Nung kasagsagan ng Gloriagate scandal, "on the brink of collapse" na talaga ang Malacanang. Pero dahil sa pag-peddle ng argument na "Sino ang papalit?" at sa kawalang kasiguruhan sa magiging sagot rito, nakatagal pa ang administrasyong GMA. Nakaligtas pa ang admin dahil sa maraming mga Pinoy ang takot sa uncertain na future.

Ngayon, dahil sa hindi na ma-predict na pagtaas ng presyo ng langis sa world market, tumataas ang level of uncertainty lalo na sa ekonomiya. Dahil dito, mas magiging conservative ang mga tao sa pagdedesisyon, lalo na sa malalaking bagay. Kaya dadami pa lalo ang mga Pinoy na hindi susugal sa pagpapalit ng administrasyon hindi dahil sa umaayon sila sa palakad at sa moral ascendancy ng gobyernong ito ngunit dahil sa takot sa kung anong mangyayari kinabukasan.

Knowing the political operators of GMA, na may tendency na kumuha ng suporta hindi sa pagbandera ng merits ni GMA kundi sa pamamagitan ng pagpapakalat ng "takot" sa alternative, tiyak ako na ipu-push nila ang argument na ito. At marami naman silang mauuto.

Nakakainis, pero ito ang nakikita kong maaaring mangyari. Sana mali ako.

Si Manolo kasi...

Text mula sa aking estudyante nung pumayag na maging "textmate" ko:

"Cge ba, para hindi ka na "feeling alone" o kaya naman hindi mo na kailangang bumili ng pet.. :) "

(buntong hininga)

August 15, 2005

Pataas nang pataas

Umabot na nang record-high ang presyo ng langis sa buong mundo. Bakit kaya?

Pagpapakita ba ito ng political power ng OPEC?

Profit-maximization lang kaya ito ng mga oil companies?

Gawa lang ba ito ng political uncertainty at sa kaguluhan sa Middle East? (E matagal nang magulo dun, at parang ngayon lang naman nagkakaganito.)

O baka naman paubos na ang supply ng langis, di lang nila sinasabi?

Hay naku. Bakit nga kaya?

Ano sa tingin niyo?

"Charity starts at home."



Words of wisdom? Or just another witty sound bite?

August 13, 2005

Loner daw

I rarely write something personal on this Tambayan. But, I just have to say that today, I just feel so











alone











.

August 11, 2005

Light the candle

An invitation.
SPREAD THE LIGHT. BANISH THE DARKNESS
August 20, 2005 at exactly 6:00 pm.


When an ordinary citizen steals, would an “I am sorry” be enough? When an ordinary citizen lies, would an “I am sorry” be enough? When an ordinary citizen cheats, would an “I am sorry” be enough?

Ask yourself: If you are an employee and your employer catches you cheating, lying and stealing — will an “I am sorry” be sufficient or a “lapse of judgment” be accepted? Or would you stand to lose your job?

What is our country coming to if we hold ordinary Filipinos to higher and stricter standards than we hold the highest official of the land?

This is not to say that the President of the Philippines is guilty of all that she is being accused of. It is only to say two different standards of rules - one for the powerful and one for the powerless — cannot exist if ours is to be a truly democratic and pluralistic society.

This is not the country we want. And so perhaps it is time we do something about it.

If you believe, as we do, that it is time for ordinary Filipinos to stand up and be counted in the fight for TRUTH — as well as for Transparency, for Responsibility, for Unity, for Trust and for Hope — then join us in a simple demonstration of our collective sentiments.

On August 20, Saturday, at exactly 6pm, take a few moments to light a candle in demonstration of our collective effort to take this country back from all who have not been true to it and to all of us ordinary citizens - and to be the first step in bringing about the light that will banish the darkness that hovers over our land!

Spread the light. Banish the darkness. August 20, 2005 at exactly 6:00pm.


CITIZENS FOR TRUTH
Transparency. Responsibility. Unity. Trust. Hope.

Enduring hope and the wasted vote

I happened to chance by a very rare tribute in Philippine media to Raul Roco last night on ANC Online. Gene Orejana replayed his last interview with him, which was about five days before the May 10 elections. It was interesting, to say the least, seeing how the electoral issues Roco harped on during the said interview was exactly what's haunting the Philippine presidency today.

Roco had so much trust in the Filipino people. He was particularly hopeful of the youth, the audience he entrusted to carry him all the way into the presidency. During the interview, he really became passionate and was incensed when he heard a comment that the Filipino voters, most specially the masa, were dumb voters. He had so much faith and so much hope in us that we will make the right choice.

While watching him wax eloquently on national issues and addressing the electoral controversies of that time, I can't help but wonder why he never got to become president. Maybe Manolo was correct in assessing that Roco's unwillingness to "play" trapo made him admirable, but too much of a wildcard, for the "sheep" who decided to stick with the "wolves" they know.

Personally, I believe that the only choice we had during the last presidential elections were two: Roco and Villanueva. Both had the moral integrity and the intellectual capacity to lead the country. I would have voted for Roco on the basis of his track record alone (specially his Senate record, which was sterling), but in the end, I decided to go for Villanueva because Roco has earned too many enemies in the political arena, a baggage which I believed would have bogged down his presidency.

A vote for Roco and Villanueva was painted during the last elections as the "wasted vote." I think, though, that right now, those who allowed themselves to be persuaded by this argument are the ones who feel that they wasted their votes on their choice of the "lesser evil." Basta ako, di ko pinagsisihan ang boto ko. Can the same be said for you?

August 10, 2005

Sana may probinsiya

Noong Lunes nang gabi kami nakabalik mula sa Pagsanjan, Laguna. Dalawang araw kasi kaming nag-leadership training sa La Coronoa Resort. Dahil sandali lang naman ang aking papel sa seminar, karamihan ng oras ko ay napunta sa pag-enjoy sa mapunong kapaligiran.

Bilang isang Manila boy, bihirang bihira ko talagang maranasan ang ganitong simple existence. Ang tahimik, pero ito yung masayang klase ng katahimikan. Naalala ko rin tuloy nung ako ay nagpunta ng Isabela noong nakaraang taon. Dahil sa ganitong klaseng mga trip ay napapadasal tuloy ako na sana mayroon akong probinsiyang inuuwian.

Tumambay ako sa pampang ng ilog ng Pagsanjan. Dito talaga ako natuwa nang todo - sa pakikinig sa tahol ng aso na nage-echo sa bundok, sa panonood ng mga bangkero, at sa paglanghap ng sariwang hangin na pang-umaga. Sa sobrang tahimik, narinig ko pang nag-uusap ang mga taong nasa kabilang pampang.

Kaya nga lang, bigla na lang may nagbukas ng radyo sa isang malayong bahay na ang tugtog ay "Through The Fire" ni Nina. Nasira tuloy ang araw ko. Buwiset.

Limang araw lang

Si Raul Roco ay namatay noong Biyernes. And the news of his death was good only for one day as a headline, three days in the front page, four days of TV coverage and five days of newspaper coverage.

Ang layo dun sa coverage kay FPJ, ano?

Kungsabagay, di na ako dapat magulat. Kailangan ko na lang alalahanin yung media coverage ng pagkamatay ni Rico Yan kumpara sa coverage sa halos sabay na namatay na National Artists na sina Lucio San Pedro at Levi Celerio.

Ang lungkot ano?

August 6, 2005

Out for a couple of days

Aalis ako papuntang Pagsanjan, Laguna bukas nang madaling araw para mag-serve na resource person sa leadership seminar ng mga student organization officers sa aming Institute. Sa Lunes pa naman yung parte ko - team-building exercises - kahit na medyo nagtataka ako kung bakit team-building ang huling activity ng leadership seminar. Sa Lunes ng gabi pa kami babalik kaya dalawang araw (o kaya isa't kalahating araw) muna ako mawawala dito sa tambayan.

Ibang klase rin ang timing ng leadership seminar namin. Eksakto kung kelan nagkakaroon ng krisis sa liderato ng bansa. Sa field rin ng business, na relevant sa amin kasi kami ay isang business school, ang daming mga krisis sa pamumuno, tulad na lang ng nangyayari sa Equitable-PCI Bank. Magiging interesting ang seminar na ito kasi ang daming concrete examples ng bad leadership traits na hindi dapat tularan ng kabataan.

Ang malungkot nga lang, ang hirap magbigay ng kasalukuyang example ng good leader sa Pilipinas na puwede nilang tingalain. At mas malungkot pa na natiyempo na ang tinaguriang pag-asa ng kabataang Pilipino sa loob ng kung ilang taon ay kapapanaw pa lamang. Sino na ang gagabay sa ating bansa?

Kungsabagay, sabi nga sa isang Italian quotation, "Hope is the last thing ever lost." Dapat siguro, itago ko muna ang aking cynicism at huwag agad kitilin ang kakaunting liwanag ng pag-asang naaaninag pa ng aming mga student leaders.

August 5, 2005

Opening remarks

Kanina naganap ang General Assembly ng Honor Society ng FEU-IABF, kung saan ako ang designated na adviser. Ang Honor Society ang organization ng mga academic scholars ng aming Institute. Ibig sabihi'y sila ang mga nakakuha ng GWA na 1.5 pataas nung nakaraang sem. Bilang adviser, ako ang na-assign na magbigay ng opening remarks. Dahil maraming na-late (hahaha, honorable talaga), marami rin ang di nakarinig ng pinagsasabi ko. Dahil na rin may request ang "iilan", ipo-post ko rito ang aking prepared speech (na tinapos ko lang sulatin in 30 minutes. Ora-orada!).

----------

Good day. It is my pleasure to welcome you to the Honor Society for the School Year 2005-2006. I have already prepared a speech last night, and it was a hard-hitting one, but I revised it this morning because I was experiencing what you would call "bad karma." Right after I finished writing the speech last night, my printer broke down, I lost my P200 pen and I had a dream of getting blood transfusion ten times. By the time I woke up, I decided to revise my speech and be a "good guy" today.

When I first entered FEU-IABF, I was surprised to see that there's a student organization called Honor Society. At first, I thought it was an organization of ROTC officers because I used to part of an "Honor Guard" during college. Only later on did I find out that the Society is a group comprised of the Institute's academic scholars.

And that got me thinking, is there a need for such an Honor Society? Sure, putting together the best minds the Institute can offer seems to be a very promising prospect, but what is the purpose? Whose interests is the organization supposed to espouse? Are scholars banding together to protect each other? If such is the case, then the organization should be called a mutual admiration society, not an honor society. Do the scholars have any responsibility whatsoever to the non-academic scholars in our Institute?

Personally, I see value in the Honor Society. But in the interest of promoting the free flow of ideas, I would pose the question "What is the organization's purpose?" but I would leave it to you to formulate the answer.

Let me cite some trends which might be of interest to you. Last semester, there were 60 full scholars in the Institute. Now, there are only 14, which is a drop of 77%. Last semester, there 212 partial scholars. Now, there are only 122, a drop of 47%. Overall, the number of academic scholars who receive discounts from their tution fees declined by 50%.

It has also been observed that 80 out of the 136 scholars, or around 59%, come from only one academic program - B.S. Accountancy. Of the nine academic programs of the Institute, 2 have not produced a scholar for more than a year.

In terms of year level, around 50, or 37%, come from students from the 5th year level.

Are these signs of students becoming less proficient? Are school standards getting higher? Or is there something else going on in here? (Is the university implementing a cost-cutting measure? - this part was skipped during the speech) You tell me.

Let me end my opening remarks by clarifying that we are called the Honor Society, not the Honors' Society. The latter connotes a group of individuals who are recognized with honors by an evaluation body, while the former connotes a society that HAS honor - composed of individuals who live in an honorable way. Remember that earning high GWAs does not automatically make you honorable. The brightest president our country ever had turned out to also be the worst we ever had. Our honorable congressmen, honorable senators, "your honor," "my honor," and "their honor" have brought much dishonor to our country. Let us not take lightly the word "Honor" in our organization's name. It is something that every one of us must always learn to live by.

On that note, good day and may the Honor Society have a fruitful schoolyear. Thank you.

The best president the country never had?

Raul RocoNope. Personally, I think that honor is reserved for Jovito Salonga. But Senator Roco comes close. Really, really close.

I voted for Senator Roco during the 1998 presidential elections, the first election I ever participated in. Nung 2004, hindi siya ang binoto ko kundi si Eddie Villanueva, pero hindi ako tumigil sa paghanga at paniniwala sa integrity at conviction ni Roco. Talagang humiling nga ako noon na sana may nag-give way sa kanilang dalawa at nagsama na lang sana ng puwersa para lumakas ang kanilang kandidatura.

For giving hope to the youth and the remaining idealists in this country, maraming MARAMING salamat po. You will be sorely missed.

Ano na?

Nagsimula ang tambayan na ito na trip trip lang. Isa kasi akong reviewer dati sa isang comic book fan site kaya medyo naghahanap talaga ako ng isang outlet para mailabas ang aking addiction sa pagbibigay ng opinion sa internet.

Katagalan, ang tambayan na ito ay parang naging "letter to my students." Nandiyan ang pagdiscuss ng unang araw ng bawat semestre, pag-spoof sa mga practice naming mga teacher, pagkukuwento kung bakit ko piniling maging prof imbis na ipagpatuloy ang aking propesyon sa corporate world, at pati na rin ang pagti-trip ko sa mga katawa-tawang pangyayari sa buhay eskwela.

Pero nitong nakaraang buwan, ang laki na ng ipinagbago ng content nitong tambayan. Nagsimula ito sa pagputok ng Gloriagate at mula noo'y nagmistulang political blog na ang aking tambayan. Sabi nga ng isang nag-comment sa aking chatterbox, bakit puro Gloria na ang laman ng aking blog? Totoo na may mga post na ako dati na may kinalaman sa politika, at sa totoo lang, nag-declare na nga ako na tatakbong senador balang araw (kung may senado pa), ngunit ito ay manaka-naka lang. Pero ngayon, ibang usapan na.

Kahapon ay umattend ako sa iBlog Mini Summit tungkol sa Gloriagate issue. Nandun sina Manolo Quezon, Jove Francisco, Janette Toral at marami pang Gloriagate bloggers. At dun ko naisip, is there no turning back?

Sa totoo lang, nahihirapan na akong mag-post ng non-political issue sa tambayan na ito. Kaya nga nung minsang nag-post ako uli ng tungkol sa buhay eskuwela, tungkol pa ito sa usaping tuition fee at sa interschool politics. Pero ang problema ko rin, sa dinami-dami na ng political bloggers sa Pinoy blogosphere, hindi naman ako makapagsulat kung wala na akong bago na masasabi o maibabahagi sa usapan. Kaya nga wala akong halos naisulat nitong nakaraang linggo. Kasi parang nasabi na nilang lahat.

Sa field ng marketing, merong tinatawag na konsepto ng positioning. Ano na kaya ang positioning ng Tambayan na ito?

August 4, 2005

Matagal nawala

Ang dami kong ginagawa.

Ngayong araw na ito, pupunta ako ng Gloriagate bloggers summit. Sana maging maganda yung discussion. Gagamitin ko rin ang panahon na ito para magawa ang aking opening remarks para bukas sa General Assembly ng Honor Society. Nag-iisip pa nga ako ng aking gagawing team-building activity para sa leadership seminar sa Linggo. Tapos,nag-iisip rin ako ng idi-discuss sa aking bagong subject na itinuturo, ang International Accounting.

So much to do, so little time. Hirap talaga maging teacher. Di na tuloy ako nakakapag-update dito sa aking tambayan. Hay naku. :)