October 21, 2007

Panalo

"It is a terrorist attack. Whoever is the perpetrator, they are terrorizing the people, but we have not identified them yet," the military chief told reporters here via speakerphone.

Pressed further, Esperon said the suspects in the attack could be communist rebels, Islamic extremist groups like the Abu Sayyaf, or rightist groups.
- mula sa Inquirer.net

Ang galing-galing talaga ng awtoridad natin na magnarrow down ng listahan ng mga suspects, parang puwede nang isali lahat. Is that a sign of military intelligence?

Medyo mas maayos pang basahin ang analysis ni Rex Robles. So does this mean that we should watch out for terrorist attacks every last quarter of the year?

----------

Naalala ko pa nung magkaroon ng mga terrorist bomb attacks sa Maynila. Yun yung panahon ng Rizal Day bombings nung Christmas break sa kalagitnaan ng impeachment trial ni Erap. Isang bomba ang sumabog sa Malate, isa sa Makati, isa sa airport at ang pinakamatindi ay ang pagsabog sa LRT Blumentritt.

Medyo matindi ang naging epekto sa akin nun. Naging suspicious ako sa lahat ng mga nakikita kong plastic bag na may laman na nakakalat lamang sa kung saan. Naging mapagmatyag ako sa mga tao. Ang pinakamatindi siguro ay yung hindi ako sumakay ng LRT at MRT nang matagal-tagal.

-----------

Isang araw nung 2001, ako ay sumakay sa isang bus mula Cavite pauwi ng Maynila. May pasaherong lalake na kayumanggi ang balat, may bigote, at may dalang malaki at mabigat na bag. Umupo siya sa row ng upuan sa tapat ko. Pagkatapos ng mga sampung minuto ay lumipat ang lalake mga limang rows ang layo sa harap, sa tabi ng pintuan ng bus. Pero yung kanyang bag na malaki at mabigat ay iniwan niya sa aking tapat.

Pinagpawisan ako nang malamig. Hindi ako nakatulog kahit na puyat na puyat ako. Nakatutok lang ang mata ko dun sa lalake, hinihintay kung siya ay bababa nang hindi dala ang bag. Kapag nasa stopover kami, bumababa ako kapag bumababa siya. Di ko na namalayan na nasa Makati area na ako at kailangan ko nang bumaba. Puyat at nanghihina akong pumasok sa office dahil sa paranoia sa isang lalakeng iniwan ang isang malaking bag sa aking tapat.

Ang insidenteng iyon ang nagmulat sa aking isipan na ang punto ng terorismo ay ang pag-mess up ng ating utak. The terrorists win when they instill fear in our minds. They win when they make us drop the things we normally do for things that they want us to do. They win when they make us look away from the things that they don't want us to look at. They win when we end up "seeing" terrorists everywhere everytime.

Nung araw na iyon, sinabi ko sa aking sarili na putang ina nila. Hindi na ako matatakot.

----------

Nitong nakaraang dalawang araw, isang coincidence na dalawang beses akong nakasaksi ng malakas na pagsabog...ng gulong. Normally, non-event lang naman ang pagsabog ng gulong ng sasakyan, pero dahil sa pagsabog sa Glorietta, kitang kita ang kakaibang reaksyon ng mga tao. Ang takbuhan. Sigawan. Paghawak sa dibdib dahil sa kaba. Paghinto ng mga sasakyan sabay bukas ng hazard lights.

Habang pinapanood ko ang kaguluhan sa aking paligid na nagawa ng isang simpleng pagsabog ng gulong ng jeep, agad pumasok sa aking isipan:

THEY WON

1 comment:

rem said...

panalo nga sila. pero sino ang sila? sila bang tunay na terorista? o silang nagpapanggap na terorista upang malibang ang tao at malimot ang tunay na isyu sa bansang ito?