November 25, 2007

Nang mag-nursing nang dahil sa pera

Nung Biyernes ay dumalaw ako sa burol ng tatay ng isa sa aking katrabaho. Sa pagkukuwento niya ng nangyari sa kanyang tatay, isang partikular na eksena ang sobrang nakabagabag sa akin.

Nung umaga na sobrang lubha na ng kanyang tatay (between 5-7am), tinanong ang aking kaopisina ng isang nursing student (hindi nurse ha, student lang) kung gusto niyang ipa-ICU ang kanyang tatay. Tinanong ng aking kaopisina kung magkano. Sabi "P10,000 po pag dun pinasok"

Humingi ng kaunting sandali ang aking katrabaho upang pag-isipan kung ano ang gagawin. Maya-maya, may isang nursing student na naman na lumapit. At sinabihan siya na kung hindi daw siya magbabayad ng downpayment na P15,000, tatanggalin daw nila ang life-support ng kanyang tatay.

Eto na nga ba ang sinasabi ko nang ang nursing profession ay ibinanderang isang propesyong pinagkakakitaan nang malaki at siyang susi sa pagyaman. Imbes na ang mga health workers natin ay mga taong may malalim na bokasyon at may pagpapahalaga sa buhay ng tao, ipinagkakatiwala natin ngayon ang ating mga buhay sa mga taong pera lang ang hanap at ang palaging iniisip ay "Kailan kaya ako makakaalis sa bansang ito? Inip na inip na ako!"

Panahon na para ituwid ang landas na tinatahak ng ating mga nurses. Ang propesyong ito ay tungkol sa serbisyo at sa pangangalaga ng buhay. Hindi ito tungkol sa pera.

Punyeta, naisip ko naman ngayon ang state ng aking propesyon (accounting). Eto naman ang pagtutuunan ko ng pansin sa susunod...

5 comments:

manilenya said...

medyo nakakabagabag..teka tanggalin na natin yung medyo. tsk tsk tsk dahil sa di makakabayad yung pasyente tatanggalan ng life support?

Paeng said...

oo. Nakakalungkot nga ngayon pagpasok mo sa emergency room, unang tanong agad kung anong mode of payment mo.

Anonymous said...

Bawal talaga sa mga mahihirap ang
magkasakit at maospital dyan sa Pilipinas ano walang tulong ang gobyerno di gaya dito sa Australia!

Paeng said...

^ kung gobyerno defined as the public health workers, meron naman silang ginagawa. bilib nga ako sa mga iyon, nagtatrabaho pa rin kahit wala halos resources. pero kung gobyerno na higher level, walang kuwenta. ang liit ng public spending natin sa health.

alingkamote said...

sa US, may pera o wala, bawal tangihan ang pasyente sa ER. i think bawal din yung sa atin, but heck, they still get away with it anyway.

Saten, tirik na mata mo at lahat, kahit pamburol walang gov assistance. buti na lang may NGOs diyan... :(