June 4, 2007

Kape

Nung nakaraang Sabado, kami ay nagpunta sa Music For Education na show sa Greenbelt. Isa siyang fund-raising concert na ang intensyon ay makalikom ng pondo para mapag-aral ang mahigit limampung mahihirap na bata sa Taguig. Masaya ang concert at nakakaantig ang plight ng mga bata na kitang kitang gusto talagang mag-aral.

Nakakalungkot nga lang na - for lack of a better term - nilangaw ang palabas.

Paglabas namin, kami ay napadaan sa isang Starbucks outlet. Punung puno, pati yung mga upuan sa labas occupied. Paano kaya kung yung pera na pinambibili lang ng mamahalin at overpriced na kape ay gamitin sa pagpapaaral ng mga bata, ilan kaya ang makikinabang?

3 comments:

badoodles said...

tama ka diyan prof paeng. di ko nga rin ma-gets ung logic kung bakit nahihilig sa kapeng malamig na ang mga tao. overpriced pa. dati di nga iinon yang mga malalamig na kape na yan.

share ko lang. sa company namin (sa baba kasi ng 6750 bldg sa ayala av is starbucks), an employee skips drinking frap at least once a month. ung halagang 150 pinapadala namin sa barobaybay sa samar, baon ng isang estudyante sa isang bwan na un.

Anonymous said...

ako rin sir gustong magbigay ng kuro kuro tungkol s mga umiinom s coffee shops na pang-sosyal (naiba na yata yung tapik hihihihi)...

napapansin ko din kasi na nagiging istatus simbol na yan ng mga tao, lalo na mga taga-makati...

minsan kasi may mga umiinom sa mga dyonts na yan para masabing madami silang pera, na mayaman sila, o sosyal sila... i hev nating ageynst mga sosyal pero huwag naman sanang maglustay ng mahigit isandaan para lang sa kape, tama na yung mga tig-20 sa kantin...

ang nakakatuwa pa yan, sa firm na pinagtatrabahuan ko dati, yung mga boss namin na partners tinitimpla lang nila ang kape nila samantalang yung mga istaff lumalabas para mag istarbaks...

bilang akawntant... pag kukuwentahin ang maiipon sa hindi pag-inom ng mamahaling kape malaking bagay na yun, marami na nga sana itong matutulungan...kung ayaw namang ibigay bilang tulong iimpok na lang sa bangko para may bubunutin oras na masisante sa trabaho, o kaya hindi naman ibigay na lang sa mga magulang o mga nakababatang kapatid...

madami na po akong nasabi, naging nansens tuloy ang poynt ko.

Anonymous said...

ouch naman sir! sakit naman ng article na to.. guilty ako.. masarap naman coffee eh.. nagooffer pa din naman ako sa church. o sige.. once a month na lang ako inom nun. hehe ingat lagi sir! may bago pla ikaw work!!!!!!!!! san?

jonnalyn n.