January 22, 2006

Masaya

Muli ay nagdulot na naman ng karangalan si Manny Pacquiao sa Pilipinas. Tiyak, marami nang magsusulat tungkol sa kanya sa mga blog kaya idadagdag ko na lang na talagang napakasaya ng araw na ito para sa ating bansa. He deserves a hero's welcome.

Sana lang, sa gitna ng lahat ng kasiyahan, wag natin itong gawing dahilan para wag nang isipin ang mga seryosong bagay na kinakaharap natin ngayon. Ang panalo ni Pacquiao at ang mga problema ng bansa ay lubhang magkaibang bagay.

Most irritating moment: Gusto ko talagang maiyak sa pagkanta ng national anthem. Pero sino ba kasing nagsabi na yung kungsinuman yung kumanta na yun na kamag-anak ng isang politiko ang dapat kumanta sa harap ng international audience? Grrrr!!! Wala sa tono, bumirit pa, ano ba yan?!!!

Funniest moment: "Hello...Hello, Manny?" Nagtawanan talaga kaming magkakasama nung narinig namin iyon!!! Confirmed!!!

January 21, 2006

Ako ay nasa EDSA limang taon ang nakaraan

Dumaan na pala ang anibersaryo ng EDSA Dos kahapon. Di ko man lang namalayan.

Hindi miminsang naitanong sa akin, hindi ba ako nagsisisi na sumama ako sa EDSA Dos?

Sa panahon ngayon, ang hirap sagutin ng tanong na ito. Minsan, pag pinag-iisipan ko ang sagot, naiinis ako dahil parang "nagamit" noon ang idealistic fire ng mga kabataang tulad ko ng ilang mga grupong napatunayan natin ngayong gustong mang-agaw ng kapangyarihan. Dapat ay naging mas mapangmatyag kami sa mga personalities na naglalaro noon. Sa totoo lang, ang madaliang panunumpa noon ni Gloria nang wala pang formal resignation ni Erap ay nakapagpataas na ng aking kilay. Dun pa lang ay nagkaroon na ako ng hudyat na parang...may mali.

Naniniwala ako na tama ang naging paglaban natin noon sa isang pamunuan na tiwali at sumusuway sa batas na dapat sila mismo ang nagpapatupad. Dahil ang labang ito ay naka-ugat sa prinsipyo, hindi ito dapat natapos sa pagpapalit ng nakaluklok sa panguluhan. Kung ang pamunuang pumalit ay lugmok pa rin sa katiwalian, paano natin masasabing tayo'y naging matagumpay sa ating laban?

Nakakalungkot lang na ang ilang kasama noon sa EDSA ay parang itinutumbas ang tagumpay ng nasabing pagkilos sa magiging "tagumpay" ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Kaya kahit na talamak na ang katiwalian, cronyism, at political accommodations sa administrasyon ito, todo depensa pa rin ang mga EDSA Dos personalities kay Gloria. Nagbulagbulagan sa lantarang paggamit ng pera ng publiko sa pangangampanya noong 2004 elections. Nagbingibingihan sa mga nilalaman ng Hello...Garci? tapes. Nagtangatangahan sa pagsunod sa argumentong ang lesser evil lang ang tanging alternatibong makapagliligtas sa ating bansa.

Ang EDSA Dos ay hindi dapat alalahanin na tanda ng paglaban kay Erap at pagsuporta kay Gloria. Ito ay dapat alalahanin bilang paglaban sa tiwali at mapanlinlang na pamumuno at pagsuporta para sa isang tapat, malinis at huwarang gobyerno. May pagkakataon pang maitama ang pagkakasulat ng EDSA Dos sa ating kasaysayan. Kailangan lang nating ipagpatuloy at tapusin ang laban na ating sinimulan, kahit na ang mga taong nailuklok sa kapangyarihan noong EDSA Dos ang ating masagasaan.

January 19, 2006

Wag nang mag-alala

Sabi sa akin, wag na raw akong mamroblema sa mga estudyante ko. Hindi naman lahat na lang ng bagay ako ang dapat pumasan o umako. Siguro nga. Pero kung di ko gagawin yun...e di hindi na si Sir Paeng yun?

January 18, 2006

Spin spin spin

Ayon kay (In)Justice Secretary Raul Gonzales, oposisyon daw ang nasa likod ng pagtakas ng apat na Magdalo mutineers.

Nakakatawa naman ang administrasyon na ito. "Pinapalakas" na naman nila ang oposisyon. Paano naman magkakaroon ng capability ang oposisyon na magpatakas ng apat na inmates na todo ang bantay sa loob ng military camp? Ang galing naman ng operatives nila na parang may Special Forces training na nakakapasok sa loob ng mga kampo. Akala ko sa pelikula lang yun.

Parang yung sa question ng Hello...Garci? tapes yan e. Paano naman magkakaroon ng wiretapping capability ang oposisyon gayung ang may wiretapping equipment e yung ISAPF? Halata namang yung admin ang may wiretap capability kasi na-wiretap nila si Erap as proven in the "X Tapes" ni Chavit, di ba?

Talaga naman itong admin na ito. Kapag gusto nilang takutin ang tao na may destabilization plot kuno, pinapalabas nilang malakas ang oposisyon. Kapag magra-rallying call naman ang oposisyon, pinapalabas nilang mahina. Ano ba talaga, kuya?

Sa totoo lang, tatlo lang naman ang posibleng nangyari sa "pagtakas" na ito. Una, pinatahimik na ng military ang apat na officers na ito at ginamit ang animo'y pagpuga nila para maidiin ang oposisyon sa bintang na destabilization. Frame-up kumbaga, na hitting two birds (the mutineers and the opposition) with one stone. Wag naman sana, kawawa naman yung apat. But with a heartless government, it's a very big possibility. At mukhang maraming naniniwala na ganito nga ang nangyari.

Pangalawa, maaaring talagang nakatakas ang apat at walang makahanap sa kanila hanggang ngayon. Ang tanga naman ng ating military na basta basta na lang natatakasan ng mga kilalang taong nakakulong sa isang military camp. In that case, hindi naman pala totoo yung claim ng government na meron tayong competent na armed forces.

Pangatlo, maaaring pinatakas ang apat ng kanilang mga tagapagbantay. Ibig sabihin, may sympathizers sila sa loob ng sistema. Coupled with Faeldon's recent display of brazen civil disobedience and Trillanes' ominous words in his recent interview, this would be bad news for Gloria. It would mean that the government's assertion that the military is solidly behind the president is false.

Anupaman sa tatlong ito ang nangyari, what is obvious is that the government's spin doctors are at it again, feeding us with a BIG LIE by not telling us the real score. But then again, kailangan pa ba akong magulat? Liars have to keep on lying, if only to cover up the BIGGEST LIE of all.

January 15, 2006

Linisin natin ang Pilipinas!!!


Dakila

together with

Logo RockEd

in cooperation with the

National Parks Development Committee

present

Dakila Ka Pilipinas

A Clean-up Drive for the Relief Map of the Philippines in Luneta

January 27, 28, 29, 2006
Philippine Relief Map, Luneta Park, Manila


Tara na't linisin ang Pilipinas!!!

For inquiries, send a text message to 09228887527 or e-mail dakila_ka_pinoy@yahoo.com

January 14, 2006

Savior my ass

Lagi na lang laman ng balita nitong nakaraang dalawang linggo si Tabako Ramos. Para bang nakasalalay na sa kanya ang patutunguhan ng ating bansa. Parang siya na lang ang hinihintay para makita kung mananatili si GMA sa kapangyarihan o hindi.

Tabako Ramos as the savior of our country?

I hope not. I can't fathom putting the fate of our country in a former president who was every bit a sham president as Gloria.

While everybody laughed off Miriam Defensor Santiago's accusations then that she was cheated in 1992 as another delusion caused by her kapraningan, maganda rin sigurong itanong kung ano ba talaga ang nangyari sa Sulu Hotel kung saan ilang "interlocking rooms" ang nirentahan ng kampo ni Ramos upang magsagawa ng "operations" noong bilangan ng boto noong 1992.

Ano nga ba talaga, Tabako?

One Grade Higher

Ang sumusunod ay ang aking bagong article sa The Podium, ang newsletter ng FEU-IABF Student Council kung saan ako ang adviser. Sa mga nagbabasa rito sa tambayan, mapapansin na ito ay English version lang ng isa sa mga entries ko dati. Ginawa ko lang medyo pormal ang dating.

Marami kayang tamaan?

Sana. :)

----------
"Sir, puwede bang one grade higher?"

As of the time of this writing, it's the time of the year when I need to compute the grades of my students. As always, I have to turn off my cellular phone to stop the influx of irritating messages asking for "consideration." Once again, I am bombarded with recurring reminders of how important an academic scholarship is, prompting me to reply "Naka-template na ba iyang reminder mo?"

How I miss the days when a grade of 1.5 already felt like winning a national competition. Or when 2.0 is a norm, which is precisely why this rating is qualitatively labeled as "Good." Nowadays, everybody expects to be "Very good" (1.5-1.75) or even "Superior" (1.25-1.0). Nowadays, it seems like being good is not good enough. Nowadays, a grade of 1.5 would be met with a frown, instead of a smile.

These are symptoms of a worldwide phenomenon called grade inflation - an observed trend of an annual increase in grades given away on average to students in higher learning institutions. According to Randy Cohen of the New York Times Magazine, grade inflation is now a "big-time issue" among American universities. For example, in a study made by former Harvard Dean Henry Rosovosky, he found out that in recent times, A or A- comprise fifty percent of the grades given in Harvard, compared to a measly twenty-two percent during the mid-1960s. In the University of Columbia, half of the student population are Dean's Listers. The problem is so prevalent that a leading UK newspaper, the Telegraph, questioned whether a university degree has already lost its meaning because of grade inflation.

There is still a lack of empirical support as to whether grade inflation is indeed taking place in our university. Based on personal experience, though, students today appear to be more grade-conscious. It frustrates me to see students doing everything - and I mean EVERYTHING - to get high grades. Watching out for one's grades in itself is not a bad thing, but when the preoccupation over it becomes an obssession and has taken precedence over the concern for learning, then it becomes a different matter entirely.

I wonder how it feels going around proclaiming "Naka-uno ako!!!" when my grade is supposed to be 1.25 and the professor just granted my request to adjust the grade a step higher? I wonder how it feels demanding for a grade of 1.0 when I know that my classmate who really deserves the grade of 1.0 truly performed better in class?

I wonder how it feels if I get a very high grade even though I ended up learning nothing? I wonder how it feels if I graduate cum laude but end up failing the board exam because I am just good at getting high grades but not good at learning the substance of my lessons?

Why do some students choose to absent from the class of a professor who is very eager to share his knowledge just because they need to color notebooks, write diary entries, and prepare "props" to get high grades from an inane professor?

Why do students say "Thank you" when they get a high grade, but refrain from doing so if they get a "low" grade despite learning a lot from their professor?

Why is it that the professor, the groupmate, the housemate, the barkada, and/or that somebody-else-other-than-me is always the cause of a low grade?

How rich is the life of a student who spends all his academic life in the pursuit of high grades and academic honors, forgetting that there is much to be learned from the world outside the four walls of the classroom and the pages of his text books?

I can not really blame today's students from becoming so grade conscious to the point that high grades has become, for lack of a better term, commodified. For one, our society has promoted the idea that grades are assessments of the person, labeling people who get low grades as "bobo" and "tanga." In turn, students take grades personally, when in reality, grades are assessments of the work and not the person himself. Thus, students respond poorly to the implicit criticism of low grades, particularly when they get accustomed to unearned high grades at earlier levels or in other courses.

It does not help that some faculty use grades as an enticement for them to earn the favor of their students (and subsequently earn a high evaluation score). It does not help that some faculty grant grades that do not seem to correspond to the learning objectives of the courses they are handling.

It also does not help that some parents, well-meaning they may be, never seem to be satisfied with their children's academic performance. As one of my students once said, "Nakapartial-scholar ka na, gusto pa full scholar ka. Pag full scholar ka na, gusto pa Dean's Lister ka. Pag Dean's Lister ka na, gusto nasa top five ka. Kapag number two ka, hindi pa masaya kasi hindi ikaw ang number one."

Then there's the economic factor. With tuition fees skyrocketing in meteoric proportions, usually doubling within a student's four-year term in the university, I can not help but feel sympathetic to students who would fight tooth and nail for higher grades to get the much coveted academic scholarship. For the financially challenged, what good is one's principles or pride, if holding on to it could cost you a P10,000 refund?

I wish that high grades would once again be treated as sources of pride and respect, not as commodities which students need to bargain for. I wish that someday, the entire system would be corrected and students would once again be able to focus on learning, instead of "earning." For in the end, the grades we "earned" are of no consequence. Our 1.0s, 1.25s, and 1.5s would someday be forgotten, but the knowledge and principles that we learned in our brief stay in this university would leave an indelible mark in our lives, shaping not only ours, but also our society's, future.

For when everybody is above average, then what is the average? For when everybody is deemed excellent, where's the honor in being excellent?

Sources:
"Grade Inflation: It's Not Just An Issue For The Ivy League," John Merrow
"Grade Inflation...Why It's A Nightmare," Jonathan Dresner
"Where All Grades Are Above Average," Stuart Rojstaczer

January 9, 2006

Kung bakit di umuusad ang Philippine TV

Minsan lang may dumating sa Philippine TV na isang series na multi-layered ang plot. Na inuuna ang substance ng dialogue kaysa pointless action and dramatics. Na hindi romantic love team ang iniikutan ng kuwento. Na sinisira ang traditional Filipino drama norms sa pamamagitan ng paggamit ng strong female leads, non-linear plots, at three-dimensional villains.

Iyan ang Etheria, ang pinakamagandang fantaserye na napanood ko sa Philippine TV.

At ano ang nakuha nilang sukli sa pagiging "progressive" nila?

Ano pa, e di mababang ratings!!!

Walanghiya. Is this Kung Mawawala Ka all over again?

January 7, 2006

One small step at a time...

Third year college nang aking matuklasan na wala sa puso ko ang pagiging accountant. Nakikita ko naman ang pakinabang ng propesyon ito sa ating buhay-buhay, pero mas napusuan ko ang sa pananaw ko ay mas "relevant" na social sciences. Marahil dala ito ng aking pagkamulat sa mga social realities nang ako ay maging miyembro ng Kontra-Gapi at naging tambay sa College of Arts and Letters at sa College of Social Sciences and Philosophy. Dala rin siguro ng pagiging masugid kong tagasubaybay ng mga programang Public Life, Probe Team at I-Witness, nabuo na sa aking puso't isipan na wala sa pagiging accountant ang pinapangarap kong maging kontribusyon ko sa lipunan.

Gayunpaman, sa ngayon ay limang taon ko nang pinapractice ang aking pagiging CPA. Ang unang walong buwan ko bilang professional ay aking ginugol sa public practice. Ang sumunod nang mga buwan at mga taon ay akin namang iginugol sa pagtuturo ng accounting. Nakatagal lang ako sa pagpa-practice ng aking pagiging CPA dahil siguro sa napamahal ako sa propesyon ng pagtuturo. Ang saya kasing maging tagahubog ng isipan ng mga kabataang magiging future ng ating bansa. Gayunpaman, kahit masaya ako sa pagiging teacher ng accounting, may kawalan pa rin na hindi ko mapuno-puno. hindi mawaglit sa aking isipan ang pangungulit na "Ito nga ba ang gusto kong gawin? Ang mga subject bang itinuturo ko ang mga subject na gusto kong ipamulat sa puso't isipan ng mga estudyante ko?"

Nitong nakaraang dalawang araw, ako ay umattend ng mga orientation ng dalawang grupong nagpopromote ng mga social causes. Isa ang nagtutulak sa Millennium Development Goals, isa naman ay sa promotion ng modern-day heroism. Kahit na orientation pa lang, di ko maalis sa aking mukha ang ngiti, sa aking puso ang excitement, at sa aking isipan ang sari-saring ideya na gusto kong maibahagi.

Ngayon, nakapagdesisyon na ako sa aking gagawin sa buhay. Sa totoo lang, matagal ko nang alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko lang nai-push dahil sa isang bagong mundo na naman ang aking papasukin at naging pakiramdam ko noon ay hindi pa ako handa. Pero ngayon, handa na ako. At sisikapin ko na itong abutin, one small step at a time.

January 5, 2006

The irony is...

...that GMA is very proud that our economy is being propped up by record-breaking dollar remittances by hordes of Filipinos who went abroad because she made life in this country a living hell.

Di ko alam kung matutuwa ako, maiinis o maiiyak.

January 1, 2006

Civil disobedience

As of Jan. 1, 2006, 10:04 pm, mayoon nang 112,109 hits!!!

Siyempre hindi yan yung hits sa tambayan ko.

Yan yung number of hits sa wala pang isang buwan na naka-online na website ng nakatakas na Magdalo na si Nicanor Faeldon. Lumalabas na may average siyang hits na around 7,000 hits a day.

Sa dinami-dami ng nagbabasa sa kanyang web site, meron kaya siyang naiimpluwensiyahan? Meron kayang susunod sa kanyang panawagan para sa civil disobedience laban sa administrasyong kapit-tuko?

Kahit ako ay napapaisip. Epektibo kaya ang kanyang pinapanawagan na paraan? Sa kapal ng balat ni GMA, maaapektuhan pa ba siya ng civil disobedience?

OK lang bang mag-engage ako dito gayong ako ay nasa isang sensitibong posisyon bilang teacher na malakas ang impluwensiya sa mga kabataan? Pero may mali nga ba sa civil disobedience kung ang batas naman ay ginagamit ngayon para sa ikabubuti ng iilang namumuno? Pero ang susunod na tanong din...tama bang ang perversion ng batas ay lalabanan ko ng pagsuway naman sa batas?

Kung mag-civil disobedience naman kaya ako, sa paanong paraan? Naalala ko yung sinabi dati ni Conrad de Quiros na civil disobedience by refusing to pay taxes. Pero paano ko gagawin yun ngayong kinakaltas na ang buwis sa aking sinsuweldo? Yung VAT naman, automatic nang ipinapatong sa aking mga binibili. Parang hindi yata magiging epektibo.

Ang hirap sagutin. Kailangang pag-isipan ito nang mabuti.


civil disobedience


Image ay mula sa National Conference on Organized Resistance

Ibang klaseng bagong taon

Ala-una pa lang ng madaling araw, may nagwawalis na ng kalat sa labas.

Nasaan na ang mga nagpaparty dati hanggang madaling araw? Nasaan na ang mga hindi nagpapatulog sa amin dati sa kavi-videoke nila?

Medyo matipid yata ang aming mga galanteng kapitbahay ngayong taon. :)