December 22, 2007

Sana bawasan ang presyo ng libro

First time kong mamili ng pamasko sa aking mga pamangkin / inaanak. Makunat kasi akong tito / ninong dahil hindi ako nagreregalo kapag Pasko (sa totoo lang, kahit birthday). Pero ngayong taon, naisipan kong magregalo na. Baka kasi makalimutan na ng aing mga pamangkin / inaanak ang aking pangalan.

At siyempre, in something so predictably Paeng, ang regalo ko ay...tantararaannn...mga libro.

Dahil gustong gusto kong nakakatanggap ng libro, nagiging paborito ko na ring pangregalo ang libro lalo na sa mga mas bata sa akin. Books bring back a lot of good memories and my worldview has been mostly shaped by books (along with newspaper columns and progressive music).

Yun nga lang, reading has become a lost art lalo na sa mga bata. Madalas sinisisi dito yung existence ng mas interactive (although not necessarily mas informative) na media. Pero sa pamimili ko kanina, may nadiskubre akong malamang mas malaking dahilan kung bakit ang konti na lang ng nagbabasa ngayon.

Ang mahal na kasi ng libro. Sa kamahalan niya, mapapapunyeta ka.

Sana naman murahan na uli ang mga libro. Naalala ko pa na nakarami ako ng libro dati dahil mahal na ang P30 noon para sa isang pocketbook na American publisher. Nakakabili pa ako ng first print na bagong libro for only P5! E ngayon, ang children's book na local, mababa na ang P80. Paano nga naman gaganahang bumili ng libro ang mga bata niyan.

7 comments:

jhay said...

sir, pinangregalo ko sa mga kaofficemate ko yung libro ni bob ong ... yung "ang alamat ng gubat"... pagtanggal palang daw nila nung gift wrap na pinagpuyatan kong gawin eh tawa na sila ng tawa... kala kasi nila binibiro ko lang sila dahil nagregalo daw ako ng pambatang libro... sabi ko naman sa kanila, don't judge the book by its cover... hehehe...

dapat nga yung stainless langgonisa yung ireregalo ko kaso short sa budget... hanggang P100.00 lang kasi ako dahil walo yung kagrupo ko... wish ko nga nun, sana sale yung mga libro ni bob ong...

Paeng said...

mura na nga yung libro ni Bob kumpara sa ibang libro. buti na lang hindi Staineless niregalo mo. maaappreciate mo lang yung libron yun pag nabasa mo na yung mga unang libro niya. :)

Anonymous said...

pera pera lang, walang personalan.
simpleng greed lamang.

Anonymous said...

parekoy nasa iyo pa ba yung "way of the tiger mo"? yung "avenger", "assassin", "overlord" at "inferno". yung sa akin may nanghiram, di na sinoli. baka pwede mahiram kung natago mo pa yung sayo.

-dave

Paeng said...

hindi ko na mahanap, Dave. hanggang ngayon di ako makapaniwala na yung ending talaga ng series na yun ay mamamatay ka at kakainin ng gagamba. hahaha!

manilenya said...

ganun? e una kong nabasa yung stainless longanisa e, tuloy isip ko e para lang akong nagbasa ng blog na kinompile :)pero in fairness bumili pa rin ako nung ibang libro, saka yung bebi, pinagyayabang pa sa kin kung ano na daw nabasa nyang libro ni bob ong, ewan ko lang kung naiintindihan lol!

binilan ko sya nung book na tula from ibon adarna ewan ko kung binabasa pero sabi nya dinonate nya daw sa skul nila e.

ako man hilig ko magbigay ng book as a gift.
umalis nga ako ng pinas e ang hiniling kong regalo sa kin ng nanay ko bago ko malis buk din.

palma tayona said...

tama ka. mahal nga ang libro sa atin.

pero kung tutuusin, kung ikukumpara eh halos kakaunti lamang ang diperensya ng halaga ng libro dito sa nabibili sa labas. kaso nga lang ang dolyar ang pamantayan kung kaya't mahal pa rin ang mga ito.

ang isa pang malaking pagkakaiba eh wala tayong matibay na kulturang nagbabasa. lahat ay bisuwal ang media, kung kaya't ang komiks ay naging sikat sa atin. kasi, bukod sa murang babasahin eh may biswal na elemento ang mga ito.

naaalala ko noong bata ako eh mura ang mga babasahin. maski katulong namin noon eh nagbabasa. meron silang liwayway - na nang ako'y lumaki eh dun ko lamang napagtanto na marami sa ating magagaling na manunulat sa tagalog eh doon nagsusumite ng kanilang mga isinulat. naaalala ko rin yung mga reader's digest condensed books ng yumao kong tiyuhin, ang malawak na koleksyon ng national geographic ng tatay ko na kapag hapon eh binabasa naming magkakapatid sa ilalim ng puno at ang mga newsprint pocketbooks na kinahiligang basahin ng mga pinsan kong mga babae. meron tayong kultura ng mga mambabasa noong bago pa nagkaroon ng computer, cell phones at ps2.

bunga na rin ng pagbagsak ng piso, kapalpakan sa ekonnomiya etc., mas naging prayoridad ng mga tao ang pagkain, pananamit etc. bago ang pagbabasa.

ang pagbabasa, na kung maitatanim nang husto sa mga kabataan, ay makapagbubukas sa kanilang mga isipan na may mas malawak na mundong maaaring galawan.

sana nga eh maipababa ang presyo ng mga babasahin... sana nga. :-)