October 7, 2007

Kailangan ng career doctor

Mula sa isang article ni Dan Magallanes sa Inquirer:

By the time you're 30, your salary should be P120,000

YES, you read it right. By the time you reach the age of 30, your salary level should be four times your age. If not, go and check what's wrong with your career. See a career doctor. Don't trust your self-assessment...


Judging by this...benchmark(?)...then I guess I am a failure and should consider going to the "career" doctor.

Ganun na rin siguro ang buong barkada ko na mga nasa late twenties at malayo pa ang kailangang lakbayin para makaabot ng income na four times our age.

Failure ding maituturing ang lahat ng nasa NGO na pinagtatrabahuhan ko. Kahit na yung nasa pinakamataas na posisyon. Kawawa naman.

Ganun na rin ang lahat ng mga teacher sa Pilipinas. Unless mayroong teacher na sumusuweldo ng P120,000 a month at di ko nalalaman. (Magkano kaya ang tuition ng school na pinagtuturuan nun kung siya'y nage-exist?)

Failure ding maituturing ang lahat ng nasa gobyerno. Biruin mo, ang pinakamataas na kita sa civil service - ang suweldo ng presidente ng Pilipinas - ay Php63,525.00 lamang. {Kaya siguro natututong maging corrupt ang mga public officials kasi ayaw nilang mabansagang failure)

Baka sabihin naman ng iba na ako ay nagsa-sourgrape lang. Ngunit totoong paniwala ko na dangerous ang pagkalat ng ganitong mindset kung saan ang success ay sinusukat sa pamamagitan ng isang "overblown" na pamantayan. Kung susundan natin ang benchmark ni Mr. Magallanes, na sa tingin ko ay well-meaning naman sa kanyang isinulat, ang mga successful na tao lamang ay ang mga nagiging milyonaryo by the age of 30.

This kind of thinking reinforces Philippine education's misprioritization of demoting educational institutions from meccas of discovery, discourse and debate into mere factories of industry-ready workers for the corporate world. This kind of thinking reinforces the drive for doctors to aspire to be able to charge P1,000 per 30-minute consultation, for promising civil servants to leave the public sector and flock to the corporate sector, and for outstanding teachers to leave our young people's education to the hands of those who "can't make the grade" in the industry. This kind of thinking reinforces our drive to always aspire for more, oblivious to the fact that for society to really prosper, ang kailangan ay matutong mamuhay ng sapat sa ikagiginhawa ng lahat.

1 comment:

Anonymous said...

nalungkot ako nang mabasa ko ung article na iyon. magulang ko nagtatrabaho sa gobyerno pero hanggang nagyon wala parin, mababa parin. ang kumikita lang sa kanila nng malaki eh yung may mga anomalya na ginagawa, yung mga wala ng kaba na kumukuha ng pera na hindi dapat sa kanila, kaya kung matino ka na nagtatrabaho sa gobyerno wala ka talaga. gusto na rin umalis ng mgaulang ko kaya lang sa tingin niya hintayin na lang niya yung retirement niya. ang kapatid ko nagtatrabaho sa NGO, mas grabe dun, ung makukuha nila na income for that day eh kulang pa sa mga magagamit nila na panggastos para makatulong. sa sinabi nila sa article na yun, edi ang dami pala na failure na sa career nila nagyon, at isa na ako dun??? ganun ba yun??