June 30, 2004

I love you, Sam Raimi!!!

I got to watch Spiderman 2 on its first day of showing here in Manila, and I have got to say that this is the most satisfying comic book based movie that I have ever seen. Thank you, Sam Raimi, for doing this work of love. I really, really enjoyed the "experience".

Incidentally, it's my first time to watch in G4. Now I understand why they charge a higher price for watching in their cinema. That has got to be the clearest movie screen i have ever seen. And the sound was amazing. I would love to watch in G4 again. (Specially for The Incredibles! When would that be shown in Manila.)

Watch Spiderman 2!!! It's worth every peso you would spend on it. :)

June 27, 2004

Erwin Rafael...Senador?!!

I'm really thinking about running for senator for 2016...

By that time, I would have been able to finish two M.A. Degrees - an MBA and an M.A. in Sociology. I would have been to at least three different universities, handling 8 sections of 45 students each every semester. Then, if time would permit, I would have gone around the country quite a bit doing research work as well as pushing through with this cultural thingie (which would be playing music with the Sangandaan group). I would already have a network of volunteers which could serve as my "political machinery". It'd be fun to campaign as an independent candidate. Can it be done? We'll see.

I have some laws in mind already. I think people who are looking to run for the senate should already have drafts of the laws they would sponsor even before they file their candidacy.

Man, I hope I could muster enough support. Maybe I should start building my network already...

Would you vote for me? Please post a coment below to show your support (or dissension!!!). :)

June 24, 2004

A Blast From the Past: Biyaheng FEyUps

About two years ago, I had my first ever article published in Peyups. The article was titled Biyaheng FEyUps, and it's a reflection of my acceptance of a new stage in my life as I move from my old life in UP to a new life in the domain of the Tamaraws.

Looking back, not much has changed as I still enjoy my stay in Morayta, although I would admit that in a couple of years, I would most likely be on another "Biyahe", finding new places where I think I would be needed. Whenever I feel disillusioned, I always reread this article and I get to know my "purpose" once again.

So without further ado, here's Biyaheng FEyUps in its full uncensored glory. Hope you would enjoy reading it. :)

Biyaheng FEyUps
by: ErwinRafael

Matagal ang biyahe ko nuong kolehiyo. Mula Paco sa may Maynila, dalawang oras akong nagko-commute papuntang UP Diliman. Nakakatawa nga kasi akong taga-Metro Manila, mas matagal pa ang binabiyahe kaysa dun sa mga mag-aaral na nanggagaling pang Bulacan. Ang dami kong alam na puwedeng daanan, siguro mahigit sampung iba't ibang ruta. Useful ang kaalaman na yun kung gustong makaiwas sa baha, o kung gustong makaiwas sa nagra-rally, o kung may gusto munang daanang mall bago pumasok. Pero ang "standard" ko pa ring daanan, na siyang pinakamura din simula nang maging P4 ang pasahe sa jeep, ay ang daang San Andres-Taft-Quiapo-Espana-Quezon Ave. Memoryado ko na ang mga dadaanan dun, natatantya ko na nga kung gaano katagal matulog habang nagbibiyahe at hinding hindi na rin ako lumalampas sa mga bababaan ko.

Ngayon, araw-araw ko pa ring binabagtas ang rutang yun, pero kalahati na lang ang aking nadadaanan. Isang oras na lang ang biyahe ko. Bago pa man kami sumawsaw sa Quiapo underpass papuntang Morayta (kung saan ako naholdap nung kolehiyo), pumapara na ako. Ilang hakbang na lang mula duon ang aking bagong "tahanan". Tinubuan na kasi ako ng sungay ngayon. Isa na kasi akong Tamaraw!

Masalimuot kung paano ako napunta sa FEU. Nagsimula siguro yun pagkatapos kong grumadweyt, nung nasa review school ako. Weekender kasi ako, tamad pumasok araw-araw. Ibig sabihin rin nun, hindi ko nakasabay yung mga kasamahan kong taga-UP na binibigyan ng special treatment ng review school. Binibigay kasi sa kanila yung magandang schedule kung saan nandun yung the "best" reviewers, madalas weekdays, pang-umaga. Napunta naman ako sa isang masikip na classroom na walang magkakakilala, halos lahat ng magkakatabi ay galing sa magkakaibang eskuwelahan. Para kaming mga freshman na minamata ang mga katabi nung mga unang araw, nagtatantiyahan kung sino ang mukhang approachable at kung sino ang hindi.

Duon nagsimula ang aking interes na makilala ang ibang eskuwelahan at ang kanilang kultura. Nakakatuwa ang experience na yun. Humbling, lalo na pag dumarating ang oras na nagpapaturo ako sa isang kaklase na galing sa eskuwelahan na nilalait-lait ng mga taga-UP. Ngunit naging malungkot rin nung huli, kasi kahit na nakikita kong puspusan ang pag-aaral ng mga kasama ko, mahigit kalahati pa rin sa kanila ang di nakakuha ng lisensiya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Nakakainis kasi masisipag sila at matatalino. Karapat-dapat silang pumasa. Saan naman kaya nagkulang?

Nakonsensya ako dahil mas pinalad ako. Ano ba ang ibinibigay sa atin ng UP at karamihan ay nakakapasa sa mga board exams? Bakit yung galing sa ibang school na puspusan ang pagsusunog ng kilay ay hindi pinapalad? Mas matalino lang ba talaga ang mga taga-UP? Hindi! Mas marami pa siguro akong natutunan sa mga kasama ko sa review school kaysa sa natutunan nila sa akin. Hindi ko alam kung ano yung "X-factor" na nagbigay sa akin ng bentahe, pero kung anuman yun, gusto kong maibahagi yun. Dun nagsimulang maglaro sa utak ko ang ideyang magturo sa ibang unibersidad. Malay mo, makabawi man lang ako.

Makalipas ang isang taon, nabigyan ako ng oportunidad na isabuhay na ang ideyang yun. Pinakalat ko kasi ang aking resume sa sangkatutak na eskuwelahan pagkatapos kong mag-resign (out of disillusionment) sa isang firm sa Ayala - "Home of the biggest Filipino crooks!". FEU ang nauna sa mangilan-ngilan lang na tumawag sa akin. Matagal-tagal ko ring pinag-isipan, pero mabagal kasi ang ibang mga unibersidad. Malapit na ang pasukan, hindi pa rin minamadali ang pag-schedule ng mga interviews at teaching demos ko. Dahil baka mawala ang oportunidad, sumakay na ako sa likod ng Tamaraw (hindi FX!), kumapit sa sungay at sinabi kay Nicanor Reyes (sumalangit nawa), "Kayo na po ang bahala sa biyahe ko!"

Maayos naman ang naging pagtanggap sa akin. Pero na-culture shock pa rin ako. Ibang-iba kasi ang pakiramdam sa loob ng FEyUps kumpara sa Peyups. Ang unang shock ko ay nung ibigay sa akin ang aking teaching load. Nung nilabas ang aking sked, sabi ko sa sarili ko "Bakit parang ang dami namang nakasulat?". At dios mio, ineng, marami ngang nakasulat! 24 units! Walanghiya, nung nag-aaral nga ako, hanggang 18 units lang, ngayon pang magtuturo ako, naging 24 units ang load ko! Siyempre di ko gaanong pinakita, pero umiikot-ikot pa rin ang utak ko pagkatapos kong makuha ang load ko. Nahimasmasan lang ako nung sabihin sa akin na ganyan pala ang norm sa halos lahat ng kolehiyo sa Pilipinas. Sa UE nga daw (tsismis lang!), umaabot ng 50 units ang load ng mga prof! Buti na lang hindi ako duon natanggap! Baka nag-resign ako unang araw pa lang!

Pagdating sa estudyante, OK naman. Inaamin ko na nung una kong pasok ay medyo kinabahan ako dahil akala ko'y tulad sila ng mga nai-stereotype na nakakatakot na college students - tamad, magulo at delinkwente na para bang puro taga-Row 4 sa Iskul Bukol. Marami nga akong na-handle na ganung tipo (lagi kong pinagdadasal na block section ang ibigay sa akin at wag free section!), ngunit mas marami pa rin naman ang matino at nag-aaral. Medyo umulan nga ng ruler grades nang matapos ang unang sem ko! At masaya, walang ere ang karamihan ng mga bata dito, di tulad ng mga estudyante sa ibang private schools. Marahil ay dahil hindi naman yung upper-class "St. Benilde and UA&P demographic" ang target population ng FEU.

Madalas sabihin na ang UP ay isang microcosm ng Philippine society, dahil dito nagmi-meet ang halos lahat ng uri ng taong matatagpuan mo sa Pilipinas. Wala pa rin akong tutol diyan, pero sa FEU ko mas nakita ang representasyon ng karamihan ng mga kabataang nandito sa siyudad na kinalakihan ko. Pag nagtuturo ako dito, di ko mapigilang maalala ang aking mga kapitbahay. Ang aking mga nakakasabay sa jeep pag nagbibiyahe. Yung mga nakakasalubong ko sa mall. "Sila" ang tinuturuan ko. Minsan tuloy, naiisip ko na ang nakikita ko sa FEU ay mas accurate na depiction ng stado ng mga tipikal na mag-aaral sa kolehiyo sa ating bansa.

Magaganda ang mga alaalang iniwan ng aking unang batch. Wala pang kalahati sa kanila ang natandaan ko ang pangalan (e halos tatlong daan ba naman!), pero pihado na pag makasalubong ko ang isa kong estudyante, may maaalala akong nakakatuwang karanasan. Mga di-makapaniwalang ekspresyon pag pumapasa sa exam. Mga pagpasipsip at pagpapa-tutor. Mga pagkukuwento ng mga problema. Mga tangkang pagkokopyahan at ang mga ngiti pag pinapayagan ko na silang mag-"group work". Mga walang tulugang paggawa ng feasibility studies nila na hindi naman ako ang nagtuturo, at pati na rin ang pakikipag-away sa mga panelistang kumatay sa feasib nila. Mga sagutan, pilosopohan, barahan at parinigan habang nasa classroom. Masaya! Talagang isa na siguro sa pinakamasaya't fulfilling na karanasan sa buhay ko.

Siguro'y kung may iaangal man ako sa mga "anak" ko rito, medyo mahina lang sila sa "diskarte". Malaking kakulangan din yun kasi natuklasan ko na ang diskarte at hindi ang academic subjects na natutunan natin ang magdadala sa atin sa isang successful career path. Marahil ito na yung "X-factor" na tumulong sa aking pumasa sa board exam. Mga estudyante kasi dito ay hindi gaanong nabibigyan ng oras "to live life" dahil bugbog nga sila sa dami ng subjects. May panahon na napipilitang maging kabisote. Paano mo nga naman maiiwasan, e kung walong major exams sa walong unrelated subjects ang kailangan mong kunin sa loob ng tatlong araw at tatlong beses pa iyun mangyayari sa isang semester (prelim, midterm, finals)?! Kahit siguro ako mawiwindang! Naku, hindi lang pala "siguro". Tiyak palang mawiwindang ako!!!

Walanghiyang windang! Naalala ko tuloy ang sangkatutak na papel na kailangan kong checkan. WWWWWAAAAAHHHHHHHH!!!!

Sa puso ko, alam ko na ako pa rin ay isang batang Peyups. UP Naming Mahal pa rin ang kakantahin ko at hindi ang FEU Hymn. Pero nagkaroon na rin ng puwang sa puso ko ang aking bagong tahanan. Sa totoo lang, apektado na ako pag ang FEU ay nakukutya, lalo na kung ang problema ay sa perception lang. Malaki kasi ang perception problem ng unibersidad na ito. Hindi miminsang ginusto kong basagin ang screen ng computer ko kapag nababasa ko ang ilang surveys sa mga MBs sa internet at may magbibigay ng negative rating sa pagtuturo rito (hindi lang mababa, negative "below zero" talaga). Para bang pinapalabas na nabobobo pa ang mga estudyante namin, imbis na natututo. Sa nagbigay ng rating na yun, putang ina niya! Susungalngalin ko siya pag nakita ko!

Sa ngayon, marami pa rin ang naaaliw at nagugulumihanan pag naririnig nila ang aking napaka-positive na outlook sa pagtuturo sa FEU. Bakit daw ako masaya na nasa FEU lang? Madalas na tinatanong sa akin kung bakit di na lang ako magturo sa mga "standard" schools tulad ng DLSU? Sa PLM? Sa PUP? At ang pinakamadalas, bakit hindi na lang ako bumalik sa UP? Nung umpisa ay nagkaroon rin ako ng ganyang mga tanong. Sa totoo lang, naglalaro pa rin ang mga tanong na ito sa aking isipan paminsan-minsan. Pero sa tuwing pagpasok ko sa mga classrooms, nawawala ang mga tanong. Nakikita ko ang mga matang nakatutok sa akin. At nagiging malinaw na sa akin kung bakit nasa FEU lang ako.

Sana dumating ang araw na hindi na ako tatanungin kung bakit ako nasa FEU lang. Sana dumating ang araw na ang mga estudyante dito, hindi na sasabihin na sa FEU lang sila nag-aaral. Sana dumating ang araw na ang mga employers, hindi na tatanggihan ang mga grads na galing lang sa FEU (kasi UP, DLSU at Ateneo lang ang "magaling"). Sana dumating ang araw na ang Biyaheng FEyUps, at ang lahat ng biyahe ng iba pang mga kolehiyong sumeserbisyo sa mga kabataang nangangarap, ay makakayanan na't hindi na mahihiyang makipagsabayan sa Biyaheng Peyups na ating nasakyan.

Wow. Parang ang lalim naman ng sinabi ko! Naalala ko na naman tuloy ang aking tse-checkan na papel. Hay naku... :)

So It's Decided...

The Philippine Congress has finally decided that GMA and Kabayan has won the Presidential and Vice-presidential race, respectively.

I am no FPJ supporter, but looking back at what really happened in the last few days, I think the opposition has a point. The opposition has been demonized in the media, accused of filibustering and delaying the canvass, creating political and economic instability. Maybe they did filibuster, and I still hate Dilangalen's guts, but knowing that not even one COC has been verified and compared to the source materials - the election returns - despite signs of tampering and erasures, I'm just saddened that the concept of the "majority winning in a democracy" has been abused. Gravely...

I was in EDSA II. I went there with all conviction, fighting for my principles. GMA would always be my symbol of betrayal, as she failed in all respects to uphold the vision of EDSA II. Ahhh, why am I deluding myself? She has always been suspect anyway, riding on the EDSA II bandwagon only when it's apparent that Erap is about to be toppled. Manggagamit. Mapanamantala.

BTW, whatever happened to those PGMA street sweepers? I don't see them around anymore. They were expendable, Madam Gloria? Maybe we should always have an election so that you would be motivated to "create jobs."

June 23, 2004

Isa Kang Bayani!!!

Officials of a premiere business college were shocked after seeing the results of a recent study identifying the reason why their students were suddenly shifting to nursing. Initially thinking that brighter career opportunities in nursing was the reason for their students' exodus, officials were taken aback by the reason most articulated by respondents of the study:

Respondent 1: Naknamputsa naman! Paano kami gaganahang pumasok sa business school na yan kung ang uniform namin e mukhang kurtina ng bus? Buti pa sa nursing, kulay puti. Mukha kaming kagalang-galang...

Respondent 2: Yaki!!! I mean, I'm not choosing to wear that table cloth, 'no?!!! (Day, kurtina yan ng bus, hindi table cloth!)


Immediately after the results of the study were published, the Chairman called for an Executive Committee meeting to address the situation:

Chairman: What should we do? It looks like tackling our current school uniform is the key to solving this enrollment problem...

Officer 1: How about scrapping the uniform, sir? Plain and simple.

Chairman: Totally unacceptable. It would reduce the (censored) of (censored), and we know that we can not mess with (censored). Plus, how would you react if you don't receive the (censored) from (censored)? Are you willing to lose that (censored)?

Ako ang may hawak ng solusyon!!!Officer 2: I agree with you, boss. I think I have a better solution. It appears that Bayani Fernando has solved our problem.

Chairman: Bayani Fernando?

Officer 2: Yes. Take a look at this.

Chairman: Ha.....(long pause).....Ha..(short pause)..Ha..Ha.Hahahahaha!!!!


Shortly afterwards, the Chairman immediately issued the following information bulletin:

TO ALL (censored) STUDENTS:

WE ARE GLAD TO INFORM YOU THAT, PURSUANT TO BAYANI FERNANDO'S ANNOUNCEMENT LAST NOVEMBER 2003, BUSES AND ALL PUBLIC UTILITY VEHICLES ARE NOW BANNED FROM USING CURTAINS ON THEIR WINDOWS. DUE TO THIS DEVELOPMENT, YOU NEED NOT CONCERN YOURSELF ANYMORE ABOUT GETTING ASSOCIATED WITH A DRAB BUS CURTAIN.

THANK YOU.

-MANAGEMENT-


Students, elated with the development, were finally seen returning to the business college. Enrollment for the past week has been brisk and the college's officials have been given a vote of confidence by a lot of students.

Anonymous Student: Ayaw ko naman talagang mag-nursing. Namroblema lang talaga ako sa uniform. Buti na lang we have good school officials concerned with our plight. Keep up the good work!!!

June 21, 2004

Black and Blue All Over

I'm just new to this BLOG thing, and one thing i noticed from most blogs is that the writers mostly whine and whine and complain about how unfair life is, how life sucks, how much they hate the world, how much the world hates them...

Is life really that bad? Get out of your depression and enjoy life!!!

June 18, 2004

Mga Kilabot ng Kolehiyala

Yay, after gracing the pages of psychicpants, here is my controversial article, Mga Kilabot ng Kolehiyala. Based on my feverish imagination. :)

Tatlong semestre na akong nagtuturo, at nahihiwagaan pa rin ako kung bakit tuwing encoding ng grades, bigla na lang nawawala ang mga kasama kong propesor sa university. Ang akala ko noon, tinataguan lang yung mga hinayupak na estudyanteng makukulit. Hindi pala. Nung isang linggo, nakatanggap ako ng text sa isang kasamahan na itatago na lang natin sa pangalang Oscar Jerome. Nagtext siya: WAT R U DOIN 2NYT? JOIN US LETS SING VJO-KE. 8 PM S SANDRAS.

Deadline na ng pasahan ng grades bukas at nagyayaya ng videoke? Pero sige, pumunta na rin ako. Mahirap tumanggi, sabihin pa wala akong pakisama. Nagdala na lang din ako ng class record para "hitting two birds with one stone." Kung si Oscar Jerome yun, "hitting two stones with one bird."

Nagulat ako. Halos kalahati ng faculty ng university nagvi-videoke! Dito pala sila nagpupunta kapag mage-encode na ng grades. Pero...bakit?

"Raffy! Akala ko di ka na darating," sabi ni Oscar Jerome sa akin. "Upo ka, samahan mo kaming kumanta."

"Ehehe...sige, kayo muna. Tapos na ba kayong magcompute ng grades?"

"Naku, malapit na akong matapos. Minamalat na nga ako, eh."

(minamalat?)

"Oy, Raffy, give me a name," sabi nung isang propesor na si Chris.

"Aaaaaa....nong pangalan?"

"Your student," sabi ni Chris. "Your student's name. C'mon, kahit sino."

"Uhm, si Ana. Ana Marie Francisco."

"Ana, the cute girl!" Napaisip si Chris. "What's the next song?"

"Sometimes When We Touch," sabi ni Oscar Jerome.

"Olrayt!" sabi ni Chris. "O, Raffy. This song is dedicated to Ms. Ana Marie Francisco. 'You asked me if I love you, and I choked on my reply...'"

(fast forward)

"GREAT! YOUR SCORE IS 91!" sabi ng videoke.

"Not bad!" sabi ni Chris. "O pare, list down Ana's grade. 91 daw. Is that equivalent to 1.5?"

"Tama, 1.5." sabi ni Oscar Jerome. "Sayang, akala ko 1.25 na."

"Wait-a-minit, kapeng mainit! Ginagamit niyo yung score ng videoke para mag-compute ng grades?" (Hindi ako makapaniwala!!!)

Si Chris: "Why not? Who says we can't enjoy ourselves while working?"

"Pero...unfair yan!"

Si Oscar Jerome naman: "Pare, di ba galit ka sa mga taong grade-conscious? Ikaw na rin nagturo sa akin, and I quote: 'It's not the grade that's important. It's what the kid has learned that matters.' Aanhin mo ang mataas na grade kung wala ka namang natutunan? Grades are just numbers. Basahin mo yung ABNKKBSNPL Ako ni Bob Ong..."

"That's correct!" sumali si Chris. "By opening ourselves to the possibility that we can get a low score, we are actually countering the phenomenon of grade inflation which is currently threatening to ruin the college education system."

"Baliw...mga baliw kayong lahat!" sabi ko.

"Sige, bahala ka...ilang sections pa ba yang ico-compute mo?" tanong ni Oscar Jerome.

"Uhm...ehehe...tatlo pa."

...

...

...

"Mga kanta ni Basil Valdez meron kayo?"

"Opkors! What song do you want?

"Tuwing Umuulan At Kapiling Ka. And I dedicate this song to my favorite student, Ms. Whena Tapispisan..."

Sa sumunod na section, nag-Ric Segreto (Kahit Konting Pagtingin, Don't Know What To Do, Give Me a Chance) Tapos humataw sa Rey Valera (Sinasamba Kita, Malayo Pa ang Umaga, Sorry, Puwede Ba?, Ayoko Na Sa Iyo). Masaya pala! Sana next semester, meron na silang Ariel Rivera para makanta ko na yung Ayoko Na Sana.

June 14, 2004

The First Day (part 2)

Well, my first day back in class is finally over, and amazingly, nothing has gone wrong. Except that I am dead tired right now because I am not used anymore to handling so many classes. 8 sections!!!

Di rin ako nakatagal. Nag-Tagalog din ako sa klase. LOL!

Heniweyz, nakakapanibago at parang di ako kinabahan kanina. Siguro ito na ang natutunan ko sa aking MBA. Self-confidence.

Ang saya at nakita ko uli ang aking mga former students, Sections AC01401 at AC01402. Na-miss ko kayo!!! Sobrang kulit niyo pa rin. :) At natutuwa ako na bumebenta pa rin ang aking mga jokes. Hehehe. Bakit kaya sa inyo e nakakatawa ako. Hahaha!!!

At masaya, bumebenta rin ako sa aking mga bagong estudyante. Hay naku, late bloomer talaga ang pagiging komedyante ko. Bakit kaya ang korni korni ko nung college at high school?

June 13, 2004

The First Day

Well, today is the first day of classes. It would mark the start of my fifth semester of teaching...and I can not understand why I still get all jittery about this.

Hopefully, I would have a good set of students this semester. :) I'm already dreading at the thought of handling eight sections with fifty students each. Checking papers would be hell again. Maybe I should stop doing those essay-type exams.

In case you're wondering why I'm doing this post in straight English, let's just say that I am practicing for my big "makeover" as a teacher. :p Expect me to go back to my old self in one week.

I'm so excited to be back doing something I really really love. Can't wait!!!

June 8, 2004

Paeng, the Starstruck Kid

God demmit!!! Kanina napadaan ako sa Comic Quest sa SM Megamall. Sa totoo lang, ayaw ko yung store na yun pero dahil nasa area na rin naman ako, dumaan na ako. Habang nagtitingin tingin ako, may kausap na lalake yung may-ari ng CQ na binibigyan niya ng malaking discount. E ako pa naman, mahilig makinig sa usapan ng may usapan. Nahagip ko na yung lalakeng ito ay nagdo-drawing daw pala ng American comic book. At ang pangalan niya, Neil.

Neil? Sinong Pinoy artist ang nagdo-drawing para sa isang American comic book company?

Tapos maya-maya, nahagip ko rin ang pangalang Gerry. Gerry? Gerry Alanguilan? Tapos pupunta daw siya sa San Diego para mag-autograph signing. Wow, bigtime pala. At gusto niya ang mga works ni Warren Ellis at gusto rin niya ang art ng bagong Conan comic book...

Connect the dots: Neil na pangalan. Friend ni Gerry Alanguilan. Bigtime na pupuntang San Diego. Warren Ellis. Conan...

Ang tanga mo, Paeng.

Hindi pala Neil. Kundi NIL. As in LeiNIL Francis Yu.

OMG!!! Isang henyo ang nasa harap ko. Ang Pinoy na nag-drawing ng Fantastic Four, Wolverine, X-Men at Superman. Tamang-tama, pwede ko siyang imbitahan para sa isang interview para sa aking pinagtatratrabahuhang web site, ang ComiX-Fan. Hihingin ko ang kanyang e-mail. Pwede ring humingi na lang ako ng autograph. Makipagkamay na lang kaya ako? Pwede ring...

Ay. Wala na siya. Umalis na.

Na-Starstruck ako. Syet.

June 7, 2004

Happy 2nd Anniversary to the Jologs King

My good friend, Mr. Jolography, has just celebrated the second anniversary of the beloved website, this is psychicpants.net. Sa totoo lang, kalahati ng content ng web site na yan di ko naiintindihan, pero tumatawa na rin ako para kunyari ka-level ko sila.

check out my special guest article. Tang 'na, kung kelan malapit na akong ma-promote, saka pa ako nagsulat ng ganitong katarantaduhan!!!

Special thanks to Sahy for inspiring the article idea. :D

Ang Pagbabalik!!!

Sa wakas, pagkatapos ng anim na buwan, nakabalik na rin ako sa aking blog. Kung hindi ba naman kasi bobo, nakalimutan ko ang aking user name!!! Mwahahahahaha!!! Heniweyz, ngayong medyo tapos na rin ako sa aking MBA, mukhang mas marami na akong oras para magkalat ng lagim sa aking tambayan.

may nagbabasa ba ng aking blog? wala naman yata...