November 4, 2007

Para makilala niyo naman ang mga nakalink sa sidebar

Para sa araw na ito, ipapakilala ko ang ilan sa aking mga kaibigan na gusto kong bisitahin niyo rin at basahin. Paraan rin ito para makonsensya naman sila at ipromote rin ako sa blog nila. Hehehe! Joke lang.

Ang una ay si lalabs Ria. Ang kanyang blog ay ang Karaniwang Dyosa. Nakailang incarnation na rin ito pero hindi nawawala ang dyosa sa title. Mahilig magpost ng tungkol sa kanyang pagiging guro sa U.P. at sa Japan Foundation. At sa kabutihang-palad, tulad ko, bihira siyang mag-post tungkol sa aming lovelife. Hahaha!

Sunod ay ang joint na blog ng aking kapatid na si Ernanie at ang kanyang speysyal samwan na si Ergoe - ang Waytbord. Ano ba yun, parang joint account. Pagpasensyahan niyo na sila, isang beses lang kada buwan sila kung mag-post. Pero laging updated ang kanilang anawnsment section.

Yung teacher ko nung college na si Paolo Manalo ay may blog din. Iyan ang naginspire sa akin na magsulat ng mga katarantaduhan sa internet dahil sa kanyang psychicpants na persona pero dahil umalis na si Oscar Jerome, wala nang psychicpants. Or something like that. Hindi ko masabi kung siya yung paborito kong teacher kasi, sabi nga ng isa sa kanyang mga estudyante, ang natutunan talaga namin sa kanya ay "No show, don't tell" dahil lagi siyang absent.

Si pareng Remar naman ang blogger Sa Likod ng Tabing. Isa siyang award-winning na photographer ng Inquirer pero ni minsan hindi kami nakatikim ng blowout mula sa kanyang mga award. May sikreto kami niyan na ilalantad ko dito: 1) meron siyang professional ID na galing PRC, at 2) kaya maganda mga pic niyan kasi pinapapose niya ang mga subject niya. Hehehe, joke lang yung #2.

Si Keboy, matagal nang may Kwadernong Bilog. Meron din siyang mga kwadernong bilog sa Friendster at sa multiply na di ko alam kung bakit kasi parepareho lang naman yung content. Siya ang best man ko sa kasal pero hindi pa niya alam.

Isa sa mga namimiss kong tao ay si Fiey, ang wanderer sa the wanderer's tales. Sana magkita na rin kami sa wakas pag-uwi niya ngayong Pasko. Ayan, nabroadcast ko tuloy na uuwi siya.

Si Virna naman ang, ehem, star_dyosa. Sabi ng aking lalabs, maganda siyang magsulat. Ang sabi ko naman, mukhang maraming hiwaga sa likod ng kanyang mga sinusulat. Hehehe

Nadiscover ko rin ang blog ng dalawa sa aking mga...nakababata (?) sa Kontra-Gapi. Lumalabas tuloy ang aking edad. Una ay si Lisa Ito na may Aparador sa internet. Si Lisa ay isang environmental activist. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay bilang isang visual artist. Mahiyain yan sa totoong buhay. Ang isa pang may blog ay si Poni. Sosyal, pa-Shanghai Shanghai na lang. Kasama namin siyang umiyak nang manood ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind (o ako lang ang umiyak nun?).

Si Melai...wag nang ipakilala iyan. Masyado na siyang sikat. :p

Si Bridget Jones, sikat din. Kaopisina ko siya ngayon at nabigla talaga ako nang malamang Bridget Jones is a Man. Hehehe

At ang huli kong ipapakilala ngayon ay si Tohru Lorenzo, ang aming unang biktima bilang mga walang alam pero nagpipilit na tour guide sa Maynila. Hahaha! Pinasyal ko siya sa San Agustin Church museum na parang may alam pero sa totoo lang, unang beses ko lang din nakapasok dun. :p

Ayan. Sila ang ilan sa aking mga ka-blog. Sana ay mabisita niyo rin sila, mabasa, at nawa'y mag-expand pa ang ating blogging community. :)

9 comments:

manilenya said...

madaya ka naman :( palibhasa di mo ko kilala e lol!

dami kong naging prof na katulad ni Paolo Manalo sa PUP, madalas pa yung mga tibak na Prof lol!

Paeng said...

Hahaha! Pero oks naman si Paolo, ang klase namin diyan nagrorole playing games kami. :p

rem said...

loko ka! baka maniwala sila sa number 2! hehehhe. hindi po totoo yun. bawal na bawal sa amin yun :)

ronald said...

BAH! di ko alam na best man pala ako?! hmmm... sabihin mo na kung anong motif at nang mapaghandaan na kung anong isusuot ko :)

ronald said...

pahabol tungkol sa mga blog ko -- hamo't iiba-ibahin ko ang content. honga no... hehehe

Paeng said...

Rem, jokes lang yun. :p

Kebs, bakit ka nagtatanong ng motif? Magga-gown ka ba? LOL

ronald said...

abah! ayaw mong mag-gown ako? para lang sa iyo!

ria said...

kebs wag kang maggown! aagawan mo pa ako ng atensyon :P

Tohru Lorenzo said...

thanks for the promotion of my blog. :-)

kasal, huh? congratulation!