May 12, 2007

Ang nabuhay para magtrabaho

Matagal na naman akong nawala. Matagal na di nakatambay. Medyo naubos kasi oras ko sa aking bagong trabaho sa isang multinational. Maganda ang sahod, ok ang mga tao, ok ang kumpanya.

Yun nga lang, hindi ako masaya.

Di ko maisip kung bakit naging ganito ang "destiny" nating mga tao. Na sa ating pagtanda, ang buhay natin ay iikot sa ating mga trabaho. Na ang buhay natin ay nakadepende sa pag-pledge ng loyalty sa mga korporasyon na ang mga may-ari ay mas malaki ang kinikita kaysa mga empleyado di dahil sa mas malaki ang hirap nila kundi merely by virtue of ownership.

Naalala ko tuloy yung isang slogan na nakita ko sa isang rally: A BETTER WORLD IS POSSIBLE.

Sabi nga nila, ang tao ay nagtatrabaho para mabuhay. Hindi tayo nabuhay para magtrabaho.

Kaya simula sa susunod na linggo, sisiguraduhin ko na na ang buhay na pipiliin ko ang siyang magdidikta kung ano ang aking magiging trabaho, at hindi na ang trabaho ang siyang magdidikta kung ano ang aking magiging buhay.

I resign.

3 comments:

melai said...

sige nasa likod mo ako.....at saka sila :)

Anonymous said...

that's life :-)

eh yung pumasok sa trabaho na may sakit... naranasan nyo na rin?...

--melren--

Paeng said...

^ oo naman. hindi halata nung nagtuturo ako ano? :p