May 20, 2007

Yoyoy

Kahapon ko lang nalaman na namatay na pala si Yoyoy Villame. Akala ko si Kuya Cesar lang ang namatay kasi yun lang ang nabalitaan ko sa DZMM Tele-radyo. Siguro dahil DZMM talent si Kuya Cesar kaya mas nabigyan siya ng spotlight.

Heniweyz, marami nagsasabi na si Yoyoy ang hari ng novelty songs. Ewan ko pero parang ang pangit pakinggan ng salitang "novelty" kapag ia-associate sa mga kanta niya. Parang walang sense ang dating, pero kung tutuusin, mas may sense pa ang mga kanta niya kaysa sa karamihan ng mga pop songs na pinapatugtog sa radyo. It takes artistic intelligence para makasulat ng kantang nakakatawa ang dating pero informative at the same time.

Kung di dahil kay Yoyoy, di ko matatandaan kung kelan dumating si Magellan sa Pilipinas. At mag-exercise tuwing umaga.

Di ko malilimutan yung pinagharap sila ni Gary Granada sa Nuts Entertainment sa isang "songwriting competition". Bibigyan sila ng topic tapos on the spot sila gagawa ng kanta. Ang galing, talagang napabilib ako, kasi maganda pa talaga yung mga nasulat nilang kanta. Mga genius talaga.

Sayang lang at nitong mga nakaraang taon ay di na gaanong naririnig si Yoyoy. Isa na lang siyang piece of trivia sa Philippine music. Pero sa aming mga na-expose pa sa kanyang awitin, hindi lang siya trivia. Isa siyang paalala ng kung ano ang maaabot ng isang artistic genius kung hindi ikukulong ng standards of creativity na ini-impose ng commerce, popular music at ng artistic elite.

2 comments:

the philosphical bastard said...

true... magaling talaga siya. kung novelty lang paguusapan, wala pa rin sinabi ang mga current "novelty" songs sa kanya.

Jonathan Orano said...

Panoorin ang political satire entitled HAYOP NA COMBO. Para na ring tribute kay yoyoy villame, because we use his music in this satire. it will be shown in UP diliman, palma hall, Guerrero theater, on october 17, 1:30pm.

Meron din sa tondo on Oct. 6 & 7, 2007.

see deatils in our poster!