February 26, 2006

Let the light shine on EDSA

Sabi ni GMA, may state of national emergency tayo.

Kaya kalimutan na raw muna natin ang anibersaryo ng isa sa pinakamalaking tagumpay ng sangka-Pilipinuhan sa kasaysayan. Kanselahin na raw muna natin ang mga pagdiriwang ng People Power, dahil nasa matinding panganib ang ating bansa. (o ang ating pang(g)ulo lamang?)

Sabi nila, babantayang mabuti ng gobyerno ang mga "critical points" na maaaring pagtipunan ng mga tao. Pupunuin ng mga sundalo at pulis na magbabantay ang EDSA Shrine, ang People Power Monument, ang Ayala at ang Mendiola. Sa lakas ng puwersa, walang sinumang makakalapit para ipagdiwang, kahit na sa mapayapang paraan, ang EDSAng nais nilang kalimutan.

Ngunit para sa mga Pilipinong may tunay na pagmamahal sa bansa at naninindigang hindi dapat kalimutan na lang ang kalayaang ipinaglaban sa EDSA, walang presidential proclamation, walang pulis at walang sundalong makakapigil sa nararapat na masayang pagdiriwang. Gagawa at gagawa ng paraan, makapagbigay pugay lamang sa isang mahalagang yugto sa ating kasaysayan.

EDSA Twenty


Mabuhay ka, EDSA! Hindi mo kami binigo, at ika'y hindi rin namin bibiguin.


Photo courtesy of Bobby Yip / REUTERS

3 comments:

ergoe said...

Ikaw ba naglagay ng mga flags na yan?

den said...

kaya pala tahimik sa EDSA shrine kahapon....iba tuloy napagtripan ko don... :-)

ria said...

Dapat lamang na ihikayat ang bawat Pilipino na ipahiwatig ang kanilang saloobin. Hindi ito ang tamang panahon upang maging makasarili.

-Maria A. Jose
Filipino citizen