March 17, 2007

shifting gears

Nitong nakaraang linggo ay nakahanap na ako ng bagong trabaho. Financial Planning Analyst / Treasury and Contracts Officer sa isang multinational. Hindi talaga ang trabaho na gusto ko, pero sa aming pangangailangan ngayon, ang trabaho na siyang kailangan ko / namin.

Dahil dito, halos nalibot ko na ang sinasabing iba't ibang sectors ng accounting profession. Nagsimula ako sa public accounting (SGV), napunta sa academe (FEU), nagsilbi sa non-profit (PBSP), at ngayon naman ay nasa private / corporate (Otis E&M). Government work na lang, kumpleto na ako.

I guess it's not really a bad thing at all. Mas yumayaman ang aking pananaw sa mga pabago-bagong karanasan. Tamang-tama para sa business school na itatayo ko in ten years' time. Hehehe

4 comments:

Anonymous said...

Aling Kamote says...

Anong ipapangalan mo sa iskul mo? Paeng's School of Business Administration? In short, PSBA!

rem said...

mayaman ka na :)

melai said...

pede ba ko iskolar kapag may skul ka na?

Paeng said...

mga tol,

di naman ako yayaman diyan. may pupuntahan na rin kasi ang pera (na sinabi ko sa It Pours na entry). sana nga makaipon ako para sa business school. sarap mangarap. :p