March 6, 2007

Galing talaga ng COMELEC

Sa harap ng TV, nagparaffle si Chavit Singson ng pera sa kanyang pangangampanya. Sinabi pa ng kanyang "emcee" dun sa nanalo na ikampanya si Chavit habang inaabot ang pera. Sabi ng COMELEC, wala daw silang puwedeng gawin kasi wala naman daw nagrereklamo. (So yung pulis, kapag may nakitang magnanakaw sa harap niya, dapat wag kumilos hangga't walang nagrereklamo. Oooookkkkkaaayyyy...)

Dinisapprove ang application for party list accreditation ng ANG LADLAD, isang umbrella organization ng mga lesbians, gays, bisexuals and transgenders. Sabi ng COMELEC, kaunti lang daw constituency ng grupo kasi konti lang daw ang mga ladlad na homosexuals and bisexuals sa lipunan natin. (Kung ANG BAKLA AT TOMBOY kaya ang pangalan ng party-list, payagan kaya ng COMELEC? Mas marami na constituents nun kasi kasama na ang mga closet tulad ni Commissioner ______________)

3 comments:

curacha said...

hi! napadaan lang po. link kita ha? okay ang comparison mo between comelec and pulis.

melai said...

napanood ko nga yan,
naku binawi na ni chavit na nagpamudmod daw sya ng pera sa raffle draw na yan pero kitang kita sa tv e tsk tsk tsk!

habagat said...

Ang GMA administration talaga, mahilig sa gulay, itanim daw natin ang Pichay sa Senado, e diba puro KAMOTE na sa Kongreso? pati ba naman sa Senado???? namaaannnnnn!!!!