August 5, 2007

Kamusta na kaya sila?

Ngayong one year removed na ako sa pagiging teacher, napapaisip ako kung ano na kaya ang nangyari sa aking mga estudyante.

Kamusta na kaya sila? Naging successful na kaya? Napariwara? Naligaw ng landas? Nagpaligaw ng landas? Gumawa ng sariling landas?

Sino na kaya sa kanila ang naunahan pa ako sa pagkakaroon ng sariling pamilya? Sino na kaya ang naunahan ako sa pagiging mayaman?

Ilan kaya ang nangibang bansa? Umuwi ng probinsiya? Nagtrabaho sa call center?

May nakakulong kaya sa kanila?

Di tulad ng ibang propesyon, ang hirap masukat ng pagiging "maayos" at successful na teacher. Karamihan ng ibang trabaho, may metrics na quantifiable at madaling ma-isolate. Maaaring sabihin na puwede namang gawing metrics na lang yung passing rate at ang mga grades ng mga estudyanteng hinawakan, pero ang impluwensiya kasi ng teacher ay lagpas pa duon. Ang mahirap pa, napakaorganic ng results dahil marami pang ibang factors maliban sa itinuro ng guro na makakaapekto sa magiging aksyon / desisyon ng isang estudyante.

Napapaisip ako ng mga tanong na ito kasi muling may tawag na ako ay bumalik sa pagtuturo. Kahit part-time lang. Pero bago ako magdesisyong bumalik, kailangan ko munang i-assess kung ako nga ba ay naging matagumpay nung aking unang pasada sa larangang ito.

2 comments:

mishel_starla said...

nostalgia....reminiscence....

dahil mahuhusay na example ang mga naging mentor nmen nang college, hindi nakapagtatakang maayos ang kinalalagyan ng mga estudyante mo sir...

nagkalat karamihan sa Makati at Ortigas nagpapanggap na ngtatrabaho pero nghihntay lng nman tlga ng break, uwian, pogi/maganda na dumaan
at shempre sweldo.

lhat ng sectors ng lipunan e mron:
private practice; pwdeng internal audit, operations,
finance, marketing, i.t.
nagkalat cla sa bangko, marketing, manufacturing, merchandising, call canters, atbp.
public practice; external audit na wlang malay gawin e magicp ng mga ingenious ways to increase our net worth (OpEx =p)
at mron din nauna sa academe na hindi mgtatgal ay susundan din ng mangilan-ngilan na believer of change na katulad mo.
wla akong blita na nangahas sa gobyerno, hehe
mron din ngpamilya na ilan, mron nagsusunog pa ng kilay, mron nanununog ng bahay, pero wala namang istambay (awa ng diyos)…

pero hindi man tayo mgkaksama ngyon na kasingdalas dati, wlang pinagbago sir....lhat siraulo pa din, mga pasaway, maiingay, mareklamo,
pero goal-oriented pa din, ambitious, di papatalo basta, mahilig mangatwiran, payabangan pa din at naniniwalang walang mahirap sa taong masikap.

Pero nakakamiss tlga….un nga lang, gnun tlga.hehe

Miss ka namen sir, libre mo naman kme minsan!

blanched said...

i believe you did a great job being a mentor...someone as dedicated and sincere as you will never fail to inspire students to soar higher...way to go sir!