July 31, 2005

Bagong politika?

Kanina, fineature sa Pipol sina Darlene Antonino-Custodio, Gilbert Remulla at Chiz Escudero. Sila ang sinasabing mga bagong mukha ng politika - ang mga tagapagdala raw ng pag-asa ng pagbabago sa ating sistema ng pamamahala.

Teka lang, paano sila magiging bagong mukha ng politika? E bagong mukha lang naman sila ng kanilang mga traditional politician families na matagal nang may kapit sa pamamahala sa ating bansa?


Representative Antonino CustodioCongressman EscuderoCongressman Remulla


Sila nga ba ang bagong pag-asa ng bansa? O ang bagong pag-asa ng kanilang mga pamilya para patuloy na manatili sa kapangyarihan?

July 29, 2005

Sore Loser

"Talagang ganyan ang contest, may mananalo, may matatalo."

Nung elementary at high school ako, isa ako sa mga pambato ng aking eskuwelahan para ipanlaban sa mga interschool contest. Siguro mga 15 times akong lumaban. At ilang beses akong nakapag-uwi ng medalya sa aking school?

Isang malaking ZERO.

Wala, wala akong naiuwing "karangalan" sa aking eskuwelahan. 1st place, 2nd place, ni 3rd place, wala akong naiuwi. Siguro isa nga iyon sa mga gusto ko sanang balikang panahon. Sa aking pagkakatanda, sa aming eskuwelahan, ako lang ang may record na naging valedictorian na walang naipanalong inter-school contest kahit 3rd place man lang.

Kaya nga parang irony of all ironies na ngayong nagtuturo na ako sa college, na-assign akong maging coach sa maraming inter-school contest. A chance for redemption, perhaps? Siguro. Kaya nga pinagpupursigihan ko ito. Kahit walang bayad, masaya ako. Gusto ko kasing maranasan ng mga estudyante yung saya na di ko naranasan kahit minsan - ang saya ng manalo.

Wala namang masama pag natatalo. Ako, natanggap ko lahat ng pagkatalong naranasan ko noong ako ay lumalaban pa dahil alam kong karapat-dapat yung mga nanalo. Pero may isang klaseng pagkatalo na masakit. Yun ay ang pagkatalo na hindi mo alam kung bakit nanalo yung mga (o yung isa sa mga) nakakuha ng trophy.

Dalawang beses ko lang naranasan ito ngayong nagko-coach ako. At nagkataon na ito ay nangyaring pareho sa pa-contest na inorganize ng iisang organization lang.

Sourgraping? Maaari. Sabi ng iba, kailangan siguro dumistansya ako para makita ko ito objectively. Pero isang taon na ang lumipas, di ko pa rin makalimutan yung ka-bad tripan nung unang talo na di namin matanggap. At ngayong araw na ito, naulit na naman.

Sana nga naba-bad trip lang ako at naaapektuhan ng bias. Pero sa dinami-dami ng beses na nakaranas ako ng pagkatalo sa buhay, gusto kong maniwala na alam ko na kung paano makita kung totoo ang pagkatalo o hindi.

July 28, 2005

GMA on GMA

Nagpaunlak kanina ng live interview sa 24 Oras sa GMA-7 si GMA.

Medyo scripted yung huling part (yung mensahe sa mga nanonood), pero mukhang hindi naman scripted yung mismong Q&A portion kasi makikita mo yung gulat niya minsan sa mga tanong ni Mike. Pero well-handled ang TV appearance na ito. Medyo hirap nga lang siyang mag-Tagalog, pero hindi na siya mukhang kinakabahan. Lumalabas na nang paunti-unti yung GMA na palaban.

Damn. She's back to fighting form. Mahihirapan ang "GMA Resign!" movement natin niyan.

Update: Buti naman at na-interview agad ng GMA 7 si Chiz Escudero para may contrasting point-of-view.

Tabako

Ilang mga news items sa Inq7 for the past weeks:

"Charter change 'exit option' for Arroyo, says Ramos"

"Ramos offers 'caretaker' role to Arroyo ahead of new gov't"

"Arroyo should be allowed to run for PM in new system -- Ramos"

Teka nga muna.

Si FVR na ba uli ang presidente ng Pilipinas?

Sabi ng iba, tayo ay isang banana republic. Mali pala. Tayo pala ay isa nang tabako republic.


FVR Tabako


Warning to the government: This smoker is dangerous to your (nation's) health.

Ano nga ba ang pinag-uusapan natin?

Cha - ChaCha
ChaChaCha
ChaCha - Cha

Cha - ChaCha
ChaChaCha
ChaCha - Cha

----------

Interruption

----------

Natanggap ko sa e-mail from Atty. Tanya Lat:
"And with that all-too-brief SONA, it became clear that GMA's agenda for the coming year is simple: divert people's attention from the real issue, and have them focus instead on charter change. And the congressmen and congresswomen lapped it up! I left the session hall feeling horrified at the immensity of the evil that we face: the evil of an administration that will bury the truth to cling to power at all cost; the evil of a political elite that will only perpetuate itself further in power; the evil of a possible class (or even civil) war between the have's and the have-nots.

So I've been generally at a loss as to what to do. We certainly have our work cut out for us. But the question is: what IS the work that needs to be done?

At this point, I would say that what we should do is re-focus the public's attention on the real issue at hand, which is GMA's accountability; not charter change, which is just a smokescreen. We should insist that any discussions on charter change should only take place after the impeachment process is finished, or after GMA is removed from office.


----------

Pause / Think / Process

----------

GLORIA RESIGN!!! GLORIA RESIGN!!! GLORIA RESIGN!!!

NOW

July 26, 2005

The envy of commercial enterprises

Sabi ni Melren sa aking chatterbox, bakit raw puro si Gloria ang topic ng aking tambayan. Medyo may impasse naman sa political scene ngayon, pag-usapan uli natin ang aking favorite topic noon, ang FEU. Tutal, bago ko batikusin si Gloria, puro FEU naman ang binabatikos ko. Love your own. Hehehe.

Sa latest issue ng BizNews Asia, may isang article na na-surprise ako, nasa page 38. Ang title niya ay "CEU, FEU make money from quality education". Huwaw!!!

Kungsabagay, wala namang masama sa isang private educational institution na kumita. Business nga naman kasi ito. Pero ano itong nakikita ko? Sa ganda ng financial performance ng aming university, tinatawag na siyang "the envy of commercial or industrial enterprises."

Maganda sigurong case study para sa mga business students ang FEU on how to run a profitable enterprise. Hindi pa ako sigurado kung ang pagtaas sa profitability ay dahil sa malaki ang tinaas ng tuition namin o kung effective lang ang pag-manage ng costs. Siguro, in two days' time, magagawan ko ito ng mas malalim na analysis. Ipapakita ko na lang muna ang figures:

2002 Financial Performance
Revenues: P607.35 million
Net Income: P155.66 million
Return on Revenues: 26%
Return on Assets: 16%
Return on Equity: 19%
Dividend Payout Ratio: 20%

2003 Financial Performance
Revenues: P714.97 million
Net Income: P217.45 million
Return on Revenues: 30%
Return on Assets: 18%
Return on Equity: 22%
Dividend Payout Ratio: 20%

2004 Financial Performance
Revenues: P937.06 million
Net Income: P298.46 million
Return on Revenues: 32%
Return on Assets: 20%
Return on Equity: 24%
Dividend Payout Ratio: 27%


Hmmmmmm... :) What can you say? Ako, alam ko na kung ano ang masasabi ko.

I told you so.

July 25, 2005

SONA notebook

Katatapos lang ng SONA ni GMA. Sino kaya ang nagsulat nito? Maganda ang speech...para sa mga constituents niya. Pero sa mga taong undecided at sa mga taong nago-oppose, sabi nga ni Senator Pia Cayetano, ang speech ay "Tinimbang ngunit kulang."

Nagsimula ang speech sa pamamagitan ng pag-highlight ng Pangulo sa mga "economic advances" diumano na naabot ng kanyang administration. Hinighlight niya ang 6% growth ng GDP noong nakaraang taon (na sabi ng isang economist, dulot sa increased domestic spending dahil sa election period). Apat na milyon rin daw ang mga trabahong nagawa ng kanyang administrasyon mula 2001 (pero 1.5 million ang average na pumapasok sa labor force nitong nakaraang apat na taon, kaya may deficit pa na 2 million). Tumaas raw ang koleksyon ng buwis (at ayon sa bagong BIR Commissioner, gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagpursue ng compromise settlements imbis na pag-file ng tax evasion cases para ma-entice ang mga tao na magbayad). Inaddress rin niya ang pag-improve ng rice productivity (kaya nag-aangkat pa rin tayo ng bigas sa ibang bansa), ang pagdami ng beneficiaries ng health insurance (e paano naman ang GSIS members na hindi makautang?), ang pagbaba sa kaso ng drugs, ang pagbaba sa kaso ng kidnapping (hindi na ngayon) at ang paghina ng insurgency sa Mindanao (contrary sa reports ng MILF at NPA).

Dito na pinasok ni GMA ang kanyang compromise solution sa current political crisis. Inumpisahan niya ang portion na ito ng kanyang speech sa paghayag na “Our political system has degenerated to the extent that it has become impossible for anyone to make any headway yet keep his hands clean.” (Hindi ko maintindihan kung bakit lagi itong sinasabi ni GMA. Hindi ba napaka-self incriminating ng kanyang statement?)

Para matuwa ang mga congressmen, inendorso na niya ang parliamentary form of government. At para mas lalo pa silang matuwa, inendorso na niya ang constituent assembly, na isang turnaround sa kanyang position dati na con-con. Para naman sa kanyang mga supporters sa countryside, inihayag na niya ang kanyang pagsuporta sa federalism.

Standing ovation. Maliban kay Drilon.

Ako naman, hindi ko maintindihan kung matutuwa ako o maiinis ako. I am for federalism, pero hindi ko gustong sumulong ang process dahil lamang sa self-serving intentions ng ruling elite. Hindi ngayon ang panahon para pag-usapan ito kasi marami pang mas importanteng isyu na dapat muna i-resolve. Ang isyu ng pandaraya sa eleksyon. Ang isyu ng jueteng. Ang isyu ng corruption. Parang ang lumalabas, gusto ni GMA na isantabi na lang ang mga isyu na ito at ang pag-usapan na lang ay ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Nagtapos ang SONA sa muling panawagan na magkaisa ang bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno. Pero hindi ba taon taon na lang sinasabi niya ito? Hindi pa ba obvious na totoo ang sinabi niya noong 2003, na hindi magkakaisa ang Pilipinas basta siya ang namumuno?

Iba pang obserbasyon sa SONA:
* Marami ang nakapansin na hindi pumalakpak ni minsan si Senate President Franklin Drilon. Pero may nakapansin ba na hindi rin pumapalakpak si Chief Justice Davide? Dalawang beses kinunan si Davide. Nung una, nung kunan ang katabi niya na si Former President Ramos na nag-standing ovation nang ihayag ang parliamentary form of government. Si Davide lang ang hindi tumayo sa gallery. Sa pagtatapos naman ng speech, nakunan uli sila ng camera. Nakatayo si Chief Justice pero hindi pumalakpak. Hmmmmm...

* Mukhang hindi natuwa si Pia Cayetano sa speech ni GMA. Hindi raw inaddress ni GMA ang krisis na hinaharap ng bansa ngayon. Ayon sa assessment ni Manolo noon, kung sakaling matuloy ang impeachment, mukhang nasa side ng admin si Pia. Sa ating nakita ngayon, hindi kaya nagiging mas independent na siya?

* Mukhang hindi kumbinsido si VP De Castro sa call for charter change. Sensible ang kanyang sinabi na bago isulong ang parliamentary form of government, baka naman dapat i-educate muna natin ang tao na maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. (Baka naman siya mismo hindi rin ito naiintindihan? Hehehe. Bad joke.)

* Yung mga features tungkol sa common folk na nanood ng SONA, mukhang iisa ang request. Tagalugin naman daw ang susunod na SONA. (Magagalita ang mga taga-Cebu niyan)

* Wala bang makakapagturo kay GMA kung paano ngumiti nang maayos? Ang peke talaga ng ngiti niya e.

* Most entertaining coverage: GMA 7. OK ang interview nila with Franklin Drilon at maganda rin yung pag-feature nila sa buong tapang na pagpunta ni Pen Medina, na GMA Resign ang posisyon, sa Pro-GMA rally.

* Best analysis: ABC 5. OK ang kanilang resource persons, at maganda rin yung pagjuxtapose ng images ng rally sa labas ng batasan habang nagsasalita si GMA. Ang dramatic ng dating nung pagtugtog ng National Anthem habang pinapakita na nag-aatrasan ang mga pulis na humaharang sa pasugod na rallyista.

* Best interviews: ANC. Na-interview nila ang mga important personalities, tulad nina VP De Castro, Senators Roxas and Cayetano, iba't ibang congressman at mga LGU officials.

* Best question and answer portion: UNTV with Jay Sonza, Daniel Razon and Batas Mauricio. Nakakatawa yung mga tumawag sa kanila. Pero sana naman hindi na ininterview si Ka Roger, wala naman tayong maririnig na bago sa ipapahayag niya e.

* Napapaisip ako. Si Ramos pa rin ba ang presidente ng ating bansa? Parang tagapagsalita na lang niya si GMA.

Inhibit

Sabi ni Mayor Lito Atienza, dapat daw mag-inhibit si Senator Frank Drilon sa impeachment court dahil pumosisyon na ito ng "Resign!"

Kung susundin natin ang kanyang line of thinking, e di dapat mag-inhibit rin ang mga senador na pumosisyon ng "Support."

Wala nang matitira sa impeachment court niyan.

Objective daw

May isa akong kaibigan na piniling dumistansya sa isyung kinakaharap ngayon ng ating pangulo. Siya raw ay pumapanig sa katotohanan, kaya hindi muna siya magbibigay ng judgment sa diumano'y pandaraya ni GMA noong eleksyon. Ang ginawa niya, pumanig siya sa isang organisasyon na ang stand ay nasa gitna. Walang kinakampihan. Ang hanap lamang raw ng grupong ito ay katotohanan sa likod ng "Hello, Garci!" tapes. Objectivity ang kanilang sigaw.

Makalipas ang ilang araw, ang pangalan niya ay nasa diyaryo na, nakapirma sa isang manifesto na mukhang kaduda-dudang pro-GMA. Tinanong ko nga siye minsan, "Pro-GMA ka ba?" Hindi raw, para sa katotohanan lang daw siya. Ngunit anumang paniwala niya sa sarili na objective lang ang kanyang pag-approach sa issue, hindi makakaila na ginamit ang kanyang "neutral stand" ng administrasyon para sa pagsulong ng kanilang propaganda.

----------

Ilang beses na akong sinabihan na "biased" daw ako sa aking mga sinusulat rito sa aking tambayan. Bakit daw ako nagpapasa na ng judgment kay GMA gayong wala pa namang trial na nangyayari? Sana raw hinayaan ko muna na umandar ang isang proseso, ang "rule of law" na sinasabi ng iba, bago ako nagpahayag ng "GMA Resign!" Dapat raw ay maging objective ako.

"Objectivity cannot be equated with mental blankness," sabi ng scientist na si Stephen Jay Gould. Hindi porke objective ang isang tao ay nangangahulugan na hindi na siya magkakaroon ng sariling posisyon sa isang issue. Importante lang tandaan na "objectivity resides in recognizing your preferences and then subjecting them to especially harsh scrutiny — and also in a willingness to revise or abandon your theories when the tests fail."

Ang pagtawag ng "GMA Resign!" ay hindi naman basta-basta na lang nabuo sa aking isipan. Ito ay dumaan sa masusing pagproseso ng mga impormasyon at mga points-of-view na nakuha ko sa pagbabasa ng balita at pakikinig sa iba't ibang mga argumento. Ano ba ang nakapagkumbinsi sa akin na nandaya nga si GMA noong eleksyon? Ito ang ilang mga dahilan:

* Hello Garci tapes
* Correspondence ng mga nilalaman ng Hello Garci conversations at yung mga electoral fraud reports na natanggap ng news outlets tulad ng PCIJ at ANC
* Authentication ng Garci conversations using hard (the US firm) and soft (Randy David's ehtnomethodology technique) science
* Cover-up na ginawa ng Malacanang (Ruado tapes at NTC ruling) na nakadagdag sa perception of guilt
* Sobrang tagal na panahon bago nagsalita si GMA
* Ang admission ni GMA na totoong nakipag-usap siya kay Garci
* Ang kawalan pa rin ng categorical denial na hindi totoo yung conversations na nasa Garci tape
* Ang evidence na hawak dati ng FPJ camp na hindi na na-present dahil sa technicality na namatay si FPJ

At habang tumatagal, lalo pang nare-reinforce ang aking paniniwala na si GMA ay guilty at kailangan nang bitawan ang posisyon na kanyang hawak. Ang kanyang pagsagot, halimbawa, sa unamended impeachment complaint ni Lozano, ay isang act in bad faith na pine-preempt ang pagdagdag ng substance sa kasong nakahain laban sa kanya. Gayun din ang kanyang proposal na pagbuo ng Truth Commission under her office (paano naman ito magiging independent in appearance?), pagkatapos niyang sabihin na ang preferred option niya ay ang impeachment sa congress. Hindi rin nakatulong ang pagbitiw niya ng katagang "Let those without sin cast the first stone," na ini-imply lamang na siya nga ay may kasalanang nagawa.

Ang pagbuo ko ng conclusion of guilt bago pa man magkaroon ng formal na paglilitis si GMA ay hindi nangangahulugan na ako ay biased. Ang ating mga proseso at batas ay nagbibigay ng framework sa pagbuo ng judgment, pero hindi nito tinatanggal ang kapasidad nating mag-isip at magbuo ng sarili nating mga paniwala at opinyon. Ito ang hirap ngayon sa atin. Marami ang hindi na nagtitiwala sa sariling judgment. Kailangang idaan pa ang lahat sa authentication at due process, for the sake of objectivity, kahit na minsan ay obvious na kung ano ang totoong nangyari. E paano kung ginagamit ang due process para mapagtakpan ang katotohanan at mapagsilbihan ang kapakanan ng iilang tao lamang? Susundin pa rin ba natin ito, just for the sake of an imagined sense of objectivity?

----------

Nung isang araw sa Kilosbayan Forum, isang law professor sa FEU ang kumuwestiyon kay Felipe Miranda dahil sa pagsabi niya ng "GMA should resign." Sinabi ng prof na dapat maging objective si Miranda dahil siya ang pinuno ng Pulse Asia. Paano raw magiging kapani-paniwala ang statistics na ilalabas nila kung mayroon silang bibitawang mabigat na opinyon?

Hindi ko maintindihan ang punto na binring-up ng kapwa ko professor. Ang objectivity ng statistics ay mae-evaluate sa methodology ng pagkalap nito, hindi sa opinyon na bibitawan ng taong nangalap ng statistics. Kung susuriin ang methodology na dinescribe ng Pulse Asia, hindi naman biased ang kanilang sampling. Random ito at systemic.

Isa pang napansin ko sa linya ng pagbatikos kay Miranda ay parang nagkakaroon na ng confusion ngayon sa pagiging neutral at pagiging objective. Kumakalat na kasi ang pag-iisip na pag nagbigay ka na ng opinyon, hindi ka na objective. Totoo, ang isang taong neutral ay dapat maging objective. Pero hindi nangangahulugan na ang taong objective ay dapat maging neutral. Sabi nga ni Miranda, kung halimbawa ay lumabas sa iyong pag-aaral na ang taas na ng incidence of rape sa inyong lugar based sa statistics, tatahimik ka na lang ba at mananatiling neutral?

Sa kaso ng Pulse Asia ngayon, kitang kita nila na sobra na ang kawalan ng tiwala ng mga Pilipino kay GMA. Sa sobrang baba, hindi lamang si GMA ang nasisira kundi ang mismong institusyon ng panguluhan ng bansa. Mananahimik na lang ba dapat si Miranda, just for the sake of maintaining an appearance of lack of personal bias?

----------

"Pumanig ka, pumanig ka
huwag nang ipagpaliban pa
ang di makapagpasya
ay maiipit sa gitna."

- Joey Ayala, Magkabilaan

Marami pa ang hindi nagbibigay ng malinaw na posisyon sa political crisis na hinaharap ng ating bansa. Ang ilan ay wala lang talagang pakialam. Ang ilan naman ay nagsasabing nagiging objective lang sila at nag-iisip pa. Sana, huwag nang magtagal ang kanilang pananahimik. Ang taong nananatiling tahimik, bukas na bukas sa panggagamit ng magkabilang panig. Kanya-kanyang pag-angkin at pag-exploit ang gagawin sa tinatawag na silent majority. May magpopropaganda na ang pananahimik ay silent approval, pero may magsasabi rin na ito ay silent protest.

Sabi ni Indira Gandhi, "Have a bias toward action - let's see something happen now." Sa paniwala ko, objectivity should lead us to an informed and principled decision, not freeze us into helpless inaction. Kikilos ka ba't magdedesisyon para sa kinabukasan mo, o magpapadala ka na lang sa agos habang nagpapalusot na ikaw ay nag-iisip pa at naghihintay sa pagdating ng katotohanan - just for the sake of being "objective?"

July 22, 2005

Manila-centric daw?

Katatapos lang ngayon ng Kilosbayan Forum na hinost ng FEU. Ang speakers ay sina Franklin Drilon at Felipe Miranda. Si Senator Frank ay nagbigay-linaw sa naging desisyon ng Liberal Party na pagtawag sa resignation ni GMA. Nothing new here, lalo na kung nanonood ka lagi ng ANC kung saan nagkaroon ng magandang interview sa kanya si Gene Orejana. Pero ang highlight ng forum ay ang speech ni Felipe Miranda, kung saan siya ay naatasang magbalita tungkol sa State of the Nation from the point of view of surveys, at sa ganung wariy' nakapagbigay siya ng "preview" ng lalabas na results ng latest Pulse Asia Survey sa susunod na linggo.

Madalas na ibinabatong pangontra ng administration supporters ang pagiging masyadong Manila-centric ng mga political developments. Sa Metro Manila lang daw sumisigaw ng "GMA Resign!" Ito ay na-reinforce pa ng pagpapakita ng suporta ng League of Governors at ang mga Mayor sa iba't ibang lalawigan. Bakit daw tayo magre-rely sa mga surveys ng SWS at Pulse Asia na sa Metro Manila lang ginawa?

Sa binigay na speech ni Miranda, natuloy na ngang gumawa ng nationwide survey ang Pulse Asia. At ano ang resulta? Sa buong Pilipinas, sumadsad ang trust rating at approval rating ng pangulo. Maging sa Visayas, na sinasabing bailiwick ni GMA, nawawala na ang suporta sa kanya. Sa sobrang baba, kinailangang i-expand vertically ng Pulse Asia ang plane area ng graph na kanilang ginagamit dahil sobrang baba na ng nakuhang rating ng pangulo.

Hindi ako makapagbigay ng figures ngayon kasi hindi ko naisip na isulat ang mga ito habang ako ay nakikinig. Mahina pa naman ang memorya ko. Kailangan sigurong hintayin natin ang official release ng Pulse Asia para makuha ang specific numerical figures.

Ilan pang mga highlights na natatandaan ko:

* Sa sobrang baba ng pagtingin ng mga respondents sa GMA administration, nagkaroon na ng relative shift sa kanilang perception na tumaas na ang kanilang pagtingin sa administrasyong Marcos at Estrada. Biruin mo, na-glorify na ang mga regime na ito, with the Marcos administration emerging as the perceived most effective government sa comparison ng different administrations from 1965 upwards. Nakakuha ito ng score na 7+. Sinundan ito ng admin ni Estrada, Aquino at Ramos na nag-rate ng bandang 5+. Ang GMA admin ay sadsad at nakakuha lamang ng rating na 3+. Sa paglabas ng resulta na mukhang pinakagustong administration ng mga tao ang rehimeng Marcos, na-outrage ang isang senior Kilosbayan trustee. Sinabi niyang "apples and oranges" ang comparison dahil si Marcos ay isang diktador at ang ibang administration ay mga democratic. (Nung forum, nagbigay ng opinion si Miranda na dapat linawin na oligarchic naman talaga ang gobyerno natin sa ngayon, hindi democratic)
* Sa iba't ibang mga possible alternative scenarios na maaaring mangyari sa pagresolba ng current situation (tulad ng coup d'etat, resign, impeachment, etc.), significantly pinakamababa ang option na pagpapatuloy sa pagiging pangulo ni GMA. (Lumabas na ang official survey results, at mukhang na-misinterpret ko ang part na ito.)
* Sa usapin ng kung sino ang gusto ng taong mamuno sa bansa, medyo significant ang lamang ni Lacson sa Metro Manila. Sa Mindanao, significant ang lamang ni Estrada. Hindi sinabi ni Miranda kung sino ang may significant na lamang sa Visayas at sa iba pang parte ng Luzon. Sa Pilipinas, in general, lamang si VP De Castro, pero hindi significant ang kaniyang lamang.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng Palasyo pag lumabas na officially ang findings ng Pulse Asia? Ano kaya ang magiging reaksyon ng oposisyon? Ano kaya ang magiging reaksyon ng taumbayan?

Abangan...

UPDATE: Official results of Pulse Asia survey can be found here.

July 21, 2005

Nakalimutan na?

Habang nagkakagulo sa political crisis...sino pang nakakaalala na dapat nating paghandaan ito?


SEA Games Logo


May budget na ba? Narenovate na ba yung facilities? Nakapag-train na ba yung mga athletes?

Handa na ba tayong hindi mapahiya?

July 19, 2005

Break muna?

Sa dami ng "exciting" na mga pangyayari nitong nakaraang ilang linggo, napadalas ang aking pagpost sa aking tambayan. Ang dami kasing idea at opinyon na gusto kong i-share, at ang laking opportunity talaga ang pine-present ng internet para magkaroon ng magandang discussion tungkol sa mga national issues.

Yun nga lang, medyo napapabayaan ko na yata yung trabaho ko. Nakakapagturo pa naman ako nang maayos, pero ang dami kong backlog. Cram dito, cram doon. Wala pa ngang nakahanda sa mga ile-lecture ko sa mga natitirang araw ngayong linggo. At dumadami na naman ang mga hindi ko nache-checkang papel.

Kaya magbe-break na muna ako rito sa tambayan. Magpo-post pa rin ako, pero hindi na ako gagawa ng milya-milyang entry. :p Kailangan lang maging one week in advance ako sa trabaho. Pag na-achieve ko ito, solve na, balik blogging na naman. Hehehe.

July 18, 2005

Suggestions

Nung isang araw, nakatanggap ako ng text message mula sa grupo ng mga estudyante sa FEU na nananawagan sa pagbibitiw ni GMA. Ang grupong ito ay nangangalap ng mga pirma ng mga estudyanteng susuporta sa "GMA Resign!" movement. Nagmobilize rin sila ng mga estudyanteng sasamang mag-rally noong nakaraang Miyerkules sa Ayala. Ngayon, nais nila akong kausapin kasi gusto nilang makakuha ng suggestion kung paano mas lalawak pa ang partisipasyon ng mga estudyante sa kanilang adhikain.

Hindi natuloy yung naka-sked sanang pakikipag-usap ko sa kanila kanina. Wala kasi akong natanggap na text message, e sabi ko nga "Txt txt na lang." :) Gayunpaman, nakahanda na rin naman ang isa-suggest ko sa kanila. Sana mabasa nila dito.

Ang una kong suggestion ay may kinalaman sa interactivity. Ang mga bata ngayon, gusto ng participation. Ayaw nila nang parang nadidiktahan sila. Ayaw nila ng pure lecture. Gusto nila yung pakiramdam na sila ang nakaisip ng sagot, hindi yung binigay ang sagot sa kanila nang basta basta na lang. Mas maganda siguro, imbis na pago-organize ng rally, dapat siguro ang i-organize ay mga forums at round-table discussions. Ito rin ang nakita kong suggestion na ipinahiwatig ng CBCP sa kanilang letter sa GMA issue. Dapat pag-usapan ang isyu, mag-imbita ng mga resource speakers na makakapag-share ng mga ideas, at buksan ang floor para sa pag-voice out ng sarili nilang opinyon at tanong. Sa ganitong paraan, ang mga estudyante ay kasama sa pag-formulate ng kanilang sariling paniniwala at conclusions.

Ang mga fora na ito, hindi naman nangangailangan na gawin sa isang isang conference hall o auditorium. Kailangan maging creative. Nandyan ang mga message boards. Nandyan ang mga blog. Nandyan ang mga yahoogroups. Nandyan ang Friendster. Maraming alternative avenues para magkaroon ng isang makabuluhang discussion.

Ikalawang suggestion, kailangan sigurong i-tone down ang literature na ginagamit. In order to convince a non-activist to become active, do not talk to them like an activist. Aminin na natin na may stigma na ngayon laban sa mga aktibista, na hindi rin naman natin masisisi sa mga normal na kabataan kasi parang nakulong na sa lenggwahe ng Dekada 70 ang mga tibak. Kahit ako, napapaatras ako at nawawalan ng gana pag nakakabasa ako ng material na tunog leftist propaganda. Dapat matutong magsalita nang hip ang mga student movement para hindi mailang sa kanila ang ibang kabataan. Hindi naman apathetic talaga ang kabataan ngayon. Mapili nga lang sila sa gusto nilang samahan, paniwalaan at kausapin.

At ikatlong suggestion, dapat ang mga student movement (at sa totoo lang, ang lahat ng nasa progressive movement) na sumisigaw ng "GMA Resign!" ay kakitaan ng consistency of principles. Paanong maniniwala ang mga tao na gusto niyo ang good governance kung sumasama kayo sa rally na pinangungunahan ng Estrada forces? Paanong maniniwala ang mga tao na naghahanap kayo ng social justice kung pumapalakpak rin kayo sa mga speech ni Imee Marcos? Paanong maniniwala ang mga tao sa protesta niyo laban sa paghahakot ni Atienza sa Luneta rally, kung hindi niyo rin kinokondena ang paghahakot ni Binay sa Makati? Tigilan na ang tactical alliances na iyan, kasi nawawala ang credibility ng movement.

Maganda siguro kung may mag-mobilize ng isang rally na HINDI IIMBITAHAN ang traditional opposition. Kung papansinin ninyo, maraming nagtawag ng resignation, particularly ang mga nabibilang sa middle forces (Cory, Hyatt 10, ang mga schools na nag-issue ng statement sa diyaryo, ang mga academicians), na hindi pa nagpapakita sa mga rally. Bakit? Kasi ayaw nilang ma-associate sa traditional opposition. Sa tingin ko, marami pa rin ang mamomobilize dito kahit na wala ang mga Erap, FPJ at Marcos forces.

Different times demand diferent approaches. Kailangan nating i-update ang ating mindset at approaches para tayo ay mas maging makabuluhan sa kasalukuyang panahon.

Nag-iisip...

Noong nakaraang Sabado, sinabi ni Del R. De Guzman ng LAKAS party na ang nagdagsaan para sumuporta kay GMA sa rally sa Luneta ay ang "thinking class," mga taong di nakumbinsi ng oposisyon na sumama sa kanilang "GMA Resign!" movement dahil sila ay mga nag-iisip.

Kungsabagay, nag-iisip nga siguro ang mga tao na pumunta doon. Iniisip na sayang naman yung dagdag na allowance na matatanggap nila pag umattend. P3,000 din yun. O kaya iniisip yung exemption sa periodical exam. Sayang rin yun, lalo na kung bagsak-bagsak ka sa quizzes mo, at least meron ka nang second chance. Meron ding nag-iisip para sa kapakanan ng kanilang pamilya, baka mawalan rin kasi ng trabaho dahil lang sa hindi pag-attend ng rally.

Pero sige, pagbigyan na natin na kunyari wala naman talagang hakot doon (kahit meron). May mga tao nga naman akong nakausap na iniisip pa raw nila kung "Sigurado ba tayo na totoong nandaya siya (GMA) noong eleksyon?" Gusto nila, may Truth Commission tapos kailangan ma-autheticate pa ang tapes. Kailangan rin daw bigyan ng "due process" ang pangulo, na idadaan pa rin daw sa tamang forum at proseso, kasi hindi naman obvious dun sa usapan na nandaya siya. Kadududa rin daw ang Garci tapes kasi pakawala ito ng oposisyon.

May mga tao rin na nag-iisip na "Pag umalis na si Gloria, sinong papalit?" Ayaw nila kay Noli, incompetent daw (pero magtataka ka bakit si Noli binoto nila nung nakaraang eleksyon kahit alam nila na ito ang papalit kay GMA kung sakaling bumaba si GMA sa puwesto). Baka raw bumalik sa kapangyarihan ang mga Estrada at Marcos na siya nang pinatalsik ng mga nakaraang EDSA. Ayaw rin daw nila sa military junta. Hindi rin sila agree sa transitional revolutionary government dahil may vested interests rin daw ang mga nagpo-propose nito.

Sa totoo lang, our capacity for rational thought is so overrated. Nakakatawa nga na naniniwala ako rito kahit na isa akong academician. Madalas shine-share ko ito sa mga estudyante ko dahil napapansin ko na marami sa kanila ay lalong nagkakamali sa mga exam pag masyado na nilang pinag-iisipan ang sagot sa isang problem. Sabi nga ni Confucius, "Life is simple, if we do not wish it to be complicated." Minsan, ang sagot ay nasa harap na natin, pero sa sobrang kaiisip natin, hindi tuloy natin makita.

Ironic na habang lalong nag-iisip ang mga tao, mas lalo silang kumikilos na parang hindi nag-iisip. Kunin na lang natin ang kaso ng mga taong gustong ma-autheticate muna ang Garci tapes at nagsasabi na wala naman raw obvious na makikitang dayaan sa mga usapan na narinig nila dito. Hindi miminsang naisip ko na nakatira ba ang mga taong ito sa pagkalayo-layong lupain at nakakulong sa isang kuwarto na hindi sila marunong makakuha ng context ng isang usapan? Sabi nga ni Randy David sa kanyang column kahapon sa Philippine Daily Inquirer:

"The fixation with authentication, both in its legal and technical sense, dissuades ordinary people from trusting their own common sense in interpreting the recorded conversations. This is absurd. What equipment do we use to understand one another in everyday life but our common sense? We may not be able to explain how we, as ordinary human beings, are able to make sense of the most cryptic conversations. That is the job of analysts. But just because we do not know how the mind works does not mean we cannot use it."

Ang sobrang pag-iisip rin ang nagiging dahilan ng pag-contradict ng isang tao sa sarili niya. Halimbawa, marami ngayon ang nag-iisip na kapag dinaan natin sa extra-constitutional process ang pagresolba ng ating problema, madidiscredit na ang ating constitution at democratic institutions. Pero hindi naman nila pinapansin na ang kanilang pangulo ang mismong nagdi-discredit sa constitution dahil ang pinopropose niyang solusyon sa kasalukuyang problema ay charter change. May nagsasabi na dapat tigilan raw ang pagra-rally dahil ito raw ay nakakasira ng ating ekonomiya. Hindi nila nakikita na pag dinaan natin ito sa impeachment, lalo lang magtatagal ang pagbagal ng ating ekonomiya at mawawalan ng oras ang gobyerno sa pag-institute ng reforms dahil magiging occupied ito sa impeachment proceedings.

Mas komplikado yung issue ng mga nagtatanong kung ano ang mangyayari sa atin pagkatapos bumaba ni GMA. Valid issue ito dahil nage-exercise lang siguro ng prudence ang mga advocates nito. Ika nga nila, "We must think two to five steps ahead." Ang tanong ko nga lang, rationally speaking (tutal labanan naman ito ng rational thoughts), may nakikita ba silang magandang kinabukasan kung sakaling magpapatuloy si GMA sa pamumuno ng ating bansa? Rationally speaking, nakikita ba nila na magkakaroon ng unity sa Pilipinas habang si GMA ang nakaupo?

Kunyari nasa impiyerno ka na, tapos pinamumunuan ka ng demonyo. Ang init sa impiyerno, nakakainis, lapnos lapnos na nga ang balat mo. Pati pamilya mo, kitang kita mo na hirap na hirap na rin. Tapos may nakita kang lagusan palabas ng impiyerno. Hindi mo nga lang alam kung saan ito papunta kasi ang dilim, di mo makita kung ano ang nasa dulo. Anong gagawin mo? Mananatili ka ba sa impiyerno, o susugal ka dun sa lagusan?

Sa totoo lang, minsan ang inaakala nating rational decisions ay dala talaga ng ating basic impulses. Halimbawa, ang binabandera bang rational solution ngayon ay dala talaga ng sound logic, o dala ng need for self-preservation? Ang rational solution daw na preservation of status quo, dala ba ito ng matinding pag-iisip, o ng matinding takot sa di alam na hinaharap?

Kung puro isip lang ang pinairal, hindi na siguro pinublish ni Rizal ang kanyang mga nobela kasi alam niyang mahuhuli naman siya ng mga Kastila at malamang parurusahan sa kanyang pinagsusulat. Kung puro isip lang ang pinairal, hindi siguro umuwi si Ninoy sa Pilipinas noong 1983. Kung puro isip lang ang pinairal, siguro wala namang maglalakas loob na mangharang sa mga tangkeng pinadala ni Marcos sa EDSA na ang sandata lang ay ang pagkakapit-bisig at ang pagdarasal.

Sa mga panahon natin ngayon, totoong walang malinaw na sagot sa kung ano ang maaaring mangyari sa ating bansa kaya't kailangang pag-isipan ang ating mga gagawin. Pero huwag naman nating hayaang ang pag-iisip natin ay magresulta sa hindi na natin pagkilos. Nakikita mo na na ang daming nangyayaring masama sa ating paligid. Ang daming mali na dapat itama. Maraming institusyon na dapat baguhin. Tama ba na pagkatapos ng mahabang pag-iisip, ang magiging sagot lang natin ay manahimik na lang at magsabing OK na ako dito?

July 17, 2005

Below the belt

Madalas nang nangyayari sa mga rally ang paghahakot. Kahit sino pa man ang mag-organize niyan - anti-GMA, pro-GMA o neutral - siguradong may grandstanding na politician na lalaban ng paramihan ng supporters. Magpapamudmod ng pera, mamimigay ng tatlong kilong bigas, o magbababala ng pagsipa sa trabaho, lumang tugtugin na ang mga style na ito ng paghakot.

Pero hindi ko matanggap ang nakita kong paghahakot nitong nakaraang linggo. Sa Makati, ni-require ni Mayor Binay ang lahat ng public schools na mag-issue ng memo na ang klase ay isu-suspend at ang attendance ay che-checkan sa lugar ng Ayala "GMA Resign" rally. Oo na, pwede nang pilosopohing "learning by experience" ang pino-promote ni Binay, pero maling mali na gamitin ang mga walang-magawang kabataan - ang kinabukasan ng ating bayan - sa pagsulong ng pansariling political agenda.

Akala ko sukdulan na ang pagiging kahiya-hiya ng ginawa ni Mayor Binay. Ang di ko akalain ay may mas nakakasuka pa palang paghahakot na mangyayari sa ilalim naman ng direktiba ni Mayor Atienza. Nakausap ng aking kapatid ang kanyang mga hinahandle na choir members na galing sa isang Manila public school rito sa amin, at kumpirmado - kapalit ng attendance sa Luneta prayer rally ay exemption sa periodical exam. Oo, tama ang nabasa mo. Ang pinaghihirapang exemption sa exam na nakukuha ng mga matitiyaga at matatalino sa klase ay pinamimigay na sa kung sinu-sino, kapalit lang ng pag-attend ng rally.

Nakakabastos talaga para sa isang tulad kong kasamang naghihirap na i-angat ang standard ng quality ng education sa bansa na makitang ang cheap na pala ng grade ngayon. Hayaan nang manatiling mga tanga at bobo ang mga kabataan natin, makaiskor lang ng political pogi points. Nakakahiya. Nakakainis. Nakakagalit. Galit na galit talaga ako. Kaya patawarin niyo na ako kung masakit sa mata ang aking isusulat rito.

Mga hayop kayo, Lito Atienza, Jejomar Binay at lahat ng nambaboy sa sistema ng edukasyon para lang sa mga makasarili niyong adhikain. May araw rin kayo.

July 16, 2005

Sa wakas!!!

Ngayong July 16 ang unang araw ng release ng Hary Potter: The Half-Blood Prince. Pero hindi ako excited. Sa totoo lang, wala pa akong nabasang kahit anong installment ng Harry Potter series. Siguro umaandar na naman ang aking dislike sa kahit anong sumisikat. Sakit na siguro naming mga exposed sa "alternative" ang ganyang ugali. :p

Pero may nakapagpa-excite pa rin sa akin ngayong araw na ito. Binuksan ko kasi ang aking Yahoo! Mail account, at nakita ko ang isang message na napakatagal ko nang inaabangan...



For those who failed to enroll
in Mrs. Engkanta’s Special Class
last school year 1999…


Mythology Class

July 14, 2005

Bagong CD na naman

Singson CDMay bagong CD na namang lumabas, ngayon naman galing kay Chavit Singson at sinasabing plot ng opposition para i-assassinate si "Pandak." Parte raw ito ng "mother of all tapes" na hawak ni Allan Paguia at tinanggal lang daw kasi mai-implicate ang side ng opposition.

I will suspend judgment until I have the full transcript of the conversations. Pero ito ang ilang observations sa mga narinig ko nang parte:

a) Yung buong 3-hour tape na hawak ni Paguia, si Garci ang malinaw na ti-nap. Eto, iba-iba yung mga nag-uusap sa telepono. Sino ba talaga ang tinap dito? Si Erap? Yung General Nazareno? Parang inconsistent ito sa conversations sa "mother of all tapes."

b) Parang masyadong malinis ang sound ng tape. Ang isang dahilan kung bakit kapani-paniwala yung Garci tapes ay dahil tunog celfone conversation talaga yung mga usapan na may static pa at minsan garbled na parang nawawalan ng signal. Eto, kasinlinaw ng dubbing nung boses na naga-annotate sa Garci tapes, na gawa na sa studio.

c) Ayon sa argument ni Randy David, malamang authentic yung original Garci conversation kasi mayroong "gloss" sa usapan. Pag nag-uusap kasi ang dalawang tao, hindi sila mag-uusap nang lantaran na parang di sila nagkakaintindihan. Pero rito, parang napakalantad nung usapan. Alam niyo, yung para kang nakikinig ng radio drama na dini-describe ng mga characters yung ginagawa nila. Walang "gloss."

Pero siyempre, hindi ko pa rin pwedeng i-judge basta na hindi authentic ang tape na ito. Kasi, may kinonfirm si Erap na totoong conversation dun, samantalang sinabi ng kanyang spokesperson na si Digs Dilangalen na imposible raw ma-tap si Erap kasi wala naman itong telepono sa loob ng kanyang rest house. Conflicting statements? Interesting indeed.

Saan kaya makakakuha ng kopya nito? Hmmmmm...

Trip trip lang yan :p

Sa mga madalas magbasa sa aking tambayan, napapansin ninyo siguro na madalas napagti-tripan ko sa aking mga post ang aking mga estudyante. May nagtanong sa akin dati kung alam raw ba ng mga estudyante na pinagti-tripan ko sila rito sa aking tambayan at kung ok lang raw ba iyon gayong ako ay isang kapita-pitagang guro.

Ang sagot ko naman ay syempre, bino-broadcast ko ang url ng tambayan ko sa mga estudyante ko, hindi naman ako patalikod bumanat. At tungkol naman sa pagti-trip, ok lang yun, kasi kahit naman ako, pinagti-tripan rin nila. Tingnan niyo na lang itong ginawa ng isa kong estudyante:


parokya_ni_paeng


Disclaimer: Hindi po ako gumagamit ng Rexona. :p

July 11, 2005

Tahimik na araw

Medyo tahimik ang araw na ito. Panahon na rin siguro para ibang topic naman ang i-discuss ko sa aking blog. Nagmumukha na kasing "GMA Resign!" propaganda web site ang aking tambayan. Wala namang masama dun, pero marami pa nga rin namang ibang topic na mahalaga na dapat ring pag-usapan.

July 10, 2005

Ang kinabukasan ay nasa ating mga kamay

Naka-headline ngayon sa iba't ibang mga news outfits sa Pilipinas na hindi raw pinagre-resign ng mga miyembro ng CBCP si GMA. Ayon sa ABS CBN, "CBCP junks Arroyo resign call." Ayon naman sa Associated Free Press, "Philippine bishops not to call for Arroyo to step down over poll scandal."

May mga gumamit at naginterpreta ng statement na ito para sabihing kampi raw ang CBCP kay GMA. Si Fr. Robert Reyes, nadismaya sa statement ng mga Bishop at sinabing pro-Arroyo raw ang posisyon na ito. Si GMA nga, nagpasalamat pa sa statement ng mga Bishop.

Sa akin namang pananaw, hindi dapat basahin sa kontekstong pro-Arroyo ang statement ng CBCP. Himayin natin ang paragraph #7 kung saan nanggaling ang "we do not demand for her resignation" statement:

In the welter of conflicting opinions and positions our role is not to point out a specific political option or a package of options as the Gospel choice, especially so when an option might be grounded merely on a speculative and highly controvertible basis. In the present situation we believe that no single concrete option regarding President Macapagal Arroyo can claim to be the only one demanded by the Gospel. Therefore, in a spirit of humility and truth, we declare our prayerfully discerned collective decision that we do not demand her resignation. Yet neither do we encourage her simply to dismiss such a call from others. For we recognize that non-violent appeals for her resignation, the demand for a Truth Commission and the filing of an impeachment case are not against the Gospel.

Basahin ninyong mabuti. Saan diyan sinabi ng CBCP na sila ay pro-GMA kaya hindi nila pinagre-resign ang pangulo? Saan nila "jinunk" ang call for resignation?

Wala.

Hindi nagde-demand ang CBCP ng resignation dahil ayaw nilang sila ang mamili sa tatlong options na pare-pareho namang naaayon sa Gospel: impeachment, Truth Commission, at maging ang resignation. Ayaw nilang sila ang magdesisyon para sa kahihinatnan ng Pilipinas. Gusto nila na tayo ang magdesisyon para sa magiging kinabukasan natin.

Nais kong maniwala na ang CBCP ay naninindigan lamang na ang responsibilidad sa magiging kapalaran ng ating bansa ay nasa ating mga kamay. Nais kong maniwala na ang CBCP ay nagpapakita lamang na sila ay naniniwala pa rin sa pambansang demokrasya.

Consistent pala si GMA

Conversation between Juan Dela Cruz and GMA on 05 21:05, October 2003

GMA: Hello?

JDC: Hello, Ma'am? Si Juan Dela Cruz po ito.

GMA: Oo, oo.

JDC: I thought, Ma'am, you already said that you will not be running for reelection?

GMA: I recognize that making any such call was a lapse in judgment.

JDC: Pero, Ma'am!!! Nangako kayo...

GMA: I am sorry...(line cut)

If you can't join them...destroy them?

Lumabas na ang demolition team ng administration para sirain ang kredibilidad ng mga nag-resign na cabinet members na nanindigang dapat mag-resign na rin si GMA. Ang demolition team na ito ay binubuo ng mga officials na inis na inis dahil di sila nasabihan nung may balak na palang mag-iwanan (at mukhang huli nan para sumali pa sila, sayang). Masasakit ang mga salitang binitawan ng demolition team. Tinawag nila ang mga resigned cabinet members na mga duwag, traydor at conspirators. Pinapalabas pa na ang ilan sa mga ito ay guilty sa corruption at mismanagement.

Himayin nga natin ang mga akusasyon na ito.

Unang-una, ano ang karuwagan sa resignation ng mga cabinet members? May katapangan nga ang ginawa nila dahil nagpatuloy pa rin sila sa kanilang binabalak kahit alam nilang kailangan nilang harapin ang pagsira sa kanilang integrity at reputation ng mga admin loyalists.

Ikalawa, anong katrayduran sa kanilang aksyon? Oo, dapat may loyalty sila sa pangulong nag-appoint sa kanila, pero hindi ba't mas matimbang dapat ang loyalty sa bansang pinagsisilbihan? Si GMA ang traydor, dahil ang mga desisyon niya ay ginagawa para maisalba ang sarili, hindi para maisalba ang bayan. Hayaan nang bumagsak ang napagkasunduang economic program ng kanyang economic team sa pamamagitan ng biglang pagpapatigil ng E-VAT law, mailigtas lang si GMA.

Ikatlo, napakahipokrito naman ng tumatawag sa kanilang conspirators. Hulaan niyo kung sino ang unang-unang cabinet member na nag-resign nang pumutok ang jueteng scandal ni Erap? Sino pa ba e di si...G...M...A. Hay naku!!! Di ba nag-consult pa daw siya kuno kay Pope John Paul II sa desisyon niyang iyon? (Sana nag-consult na rin siya nung panahon na magde-decide siya kung susuporta ang Pilipinas sa US-Iraq war.)

Ikaapat, kung totoong ang ilan sa kanila ay guilty sa corruption at mismanagement, bakit ngayon lang inireport? Muli, hypocrisy at its highest. Ginagamit ng admin ang argument na kaduda-duda ang alegasyon ng mga nag-aakusa ng pandaraya gamit ang 'Hello Garci' tapes dahil nilabas lamang ito pagkatapos na ng proklamasyon ng pangulo. Ngayon naman, sila naman ang nagpapakita ng ganitong asal sapagkat naglabas lamang ng mga akusasyon laban ng katiwalian pagkatapos nang magresign ng mga cabinet members.

----------

May mga nagsasabing hindi pa rin daw nila maintindihan kung sino ang namumulitika at kung sino ang may prinsipyo sa isyung ito. Madali lang yan. Kunyari, hindi natin alam ang mga binitawang salita ng magkabilang kampo. Hindi rin natin alam kung ano ang kani-kanilang posisyon. Tapos, ang alam lang natin ay ang mga pangalan ng magkabilang kampo:

On the blue corner: Rigoberto Tiglao, Mike Defensor, Gabriel Claudio, Prospero Pichay, Eduardo Ermita, at Miguel Zubiri.

On the red corner: Cesar Purisima, Dinky Soliman, Emilia Boncodin, Teresita Quintos-Deles, Juan Santos, Rene Villa, Guillermo Parayno, at Alberto Lina.

Hulaan niyo kung sinong kumikilos ayon sa prinsipyo at kung sino ang namumulitika.

----------

Tinatanong ni Winnie Monsod kung bakit nag-resign ang mga cabinet members. Hindi raw niya maintindihan.

Ang advise ko kay Manang Winnie, tanong niya kay GMA kung bakit sobrang bilis nag-issue ng TRO ng Supreme Court para pigilan ang E-VAT law. At kung bakit puro GMA appointees lang ang bumoto para sa issuance ng TRO na ito.

Malamang maliliwanagan siya kahit konti.

----------

Nagtatanong rin si Belinda-Olivares Cunanan kung bakit sila nagmamadali?

Ang tanong ko naman, ngayong hirap na hirap na ang ating bayan...bakit natin patatagalin pa?

July 9, 2005

Principles vs Politics

With the recent developments in the Philippine political arena yesterday, I was expecting a speedy resolution to our crisis to come soon. The admired, credible and respected cabinet secretaries calling for GMA's resignation seemed to be a telling blow, specially with their stature in the business community and civil society. The Liberal Party's withdrawal of support, dubious as it may seem, has fractured the administration coalition, with no less than the senate president calling for the president's resignation. Four prominent business organizations, including the Makati Business Club, joined the calls for resignation, following the resignation of almost all of GMA's economic managers. And then finally, one of the rallying figures of the middle forces, former president Corazon Aquino, called on the president to make the supreme sacrifice to relinquish her position as president.

But just when I thought it was already checkmate against the president, she brought out her cards and went on counter-offensive with a series of political maneuverings. The Nacionalista party, led by Manuel Villar, reiterated their support for the president. New cabinet secretaries were named, even thought they would just play an OIC function, in order to belittle the "loss" of the resigned cabinet secretaries. The resigned secretaries were subsequently "demonized" and labeled as traitors. A bunch of governors and mayors around the nation expressed their support and belittled the crisis as one perpetrated solely by "imperial Manila." JDV trumpeted this as an opportune time to shift from a presidential to a parliamentary form of government (and finally gain him the power the electorate never wanted to grant him). And most fearful of all, we see the man who, in my opinion, has been orchestrating all the moves of the adminisration even way back during GMA's first term - the political sleuth former president Fidel V. Ramos.

In countries like Japan, where honor is one of the highest virtues, a person would have stepped down, or would have performed hara-kiri, instead of being shamed in public in the midst of controversies and scandals. But it would seem that for government officials here in our country, politics comes first before principles. A political position is held in high regard for the "title" (and monetary benefits?) it bestows, not necessarily the honor that comes with it. The lack of principles in decision-making can be seen in the existence of double-standards, switching between the "rule of law" and the "voice of the people", depending on which side of the fence you are in.

It remains to be seen whether the principled call for resignation could actually break through the political stonewalling of the administration. Currently, the "Resign!" movement seems to lack the moral force to persuade a critical mass to march into the streets to call for GMA's resignation because of the existence of "tainted" personalities in their ranks. Personally, I don't see Cory Aquino sharing the stage with Imee Marcos, or resigned DOF secretary Cesar Purisima shaking hands with the KMU and other so-called "pro-poor" leftist militants. That is exactly the reason why the supposedly "grand" rally held in Makati yesterday fizzled out.

The "Resign!" movement needs the opinion of some more principled moral authorities in order to gain more persuasive power. Aksyon Demokratiko of former presidential candidate Raul Roco, who seems to have a following among the idealistic youth, has issued a statement this morning calling for the resignation of GMA and the COMELEC officials. Currently, the position of the religious groups, particularly the CBCP, is eagerly awaited.

Would this be the "tipping point" that we, especially Manolo, have all been waiting for? We'll see.

July 7, 2005

Pabago-bago

Nakapag-prepare na ako kanina ng ibibigay kong points sa roundtable discussion bukas sa QCCCI. Nakapagbasa na ako ng Business World, Philippine Daily Inquirer, pati na ang sari-saring mga blog at web site (specially Manuel L. Quezon III's web site) para maging updated sa sitwasyon natin.

Ngunit bigla na namang naglabas ng bagong statement ang ating pangulo kung saan pinag-resign niya ang kanyang buong gabinete. (Read transcript here)

Tapos kaninang hapon pala ay may declaration ang maraming mga governors na magse-secede sila kung itutuloy ang pagpapatalsik sa pangulo. (Read Jove Francisco's post)

Lahat nagbabago araw-araw.

Hindi na nga ako makapag-concentrate sa ituturo ko. Kasi imbis na makapagbasa ako...eto ako at laging nakatutok sa balita.

Hindi na nga lang ako maghahanda para sa discussion bukas. Kasi hindi ko na alam kung ano ang isyung kailangang paghandaan.

Exciting

Dahil sa aking butihing Dean, ako ay na-contact ng Quezon City Chamber of Commerce and Industry upang maging resource person sa kanilang Round Table Discussion - "Philippine Politics, Quo Vadis?" - sa Sulu Hotel bukas, July 8, alas-singko ng hapon.

Unang beses kong magsasalita sa isang public forum tungkol sa politika at lipunan. Medyo kinakabahan nga ako, kasi mukhang "fluid" ang format ng forum. Wala akong speech na gagawin. Sa halip ay magiging Q&A ito kaya kailangang maging handa ako sa mga tanong na ibabato sa akin.

Ang aking audience ay mga negosyante. Inaasahan nila na makapagbibigay-linaw kaming mga resource speakers sa political situation ng bansa at sa mga steps na kailangan nilang gawin. Ibang klase ang aming magiging audience dahil may malaking perception na ang business community ay mas kumikiling sa pagpapanatili ng status quo. Ang mga negosyante kasi ay traditional na risk-averse. Ayaw nila ng uncertainty kasi makakaapekto ito sa returns ng kanilang negosyo.

Alam niyo naman kung ano ang aking posisyon sa political crisis ngayon. Ang challenge ngayon sa akin ay kung paano ko makukumbinsi ang mga business leaders sa aking posisyon na hindi sila maa-antagonize o mai-insulto. Dapat ay mabuyo ko sila na maging pro-active na hindi kinokondena ang kanilang kawalang-aksyon hanggang ngayon.

Kinakabahan ako. Pero excited. :)

July 5, 2005

Impeachment ba kamo?

May mga nakaka-debate ako na nagtatanong, bakit daw hindi namin idaan sa impeachment ang pagresolba sa isyu na ito?

Ako, aaminin ko, nag-isip ako na mag-file ng impeachment complaint. Susulat nga sana ako sa UP AWARE para magpatulong. Kaya nga lang, may nag-file na ng impeachment complaint e. At ayon sa constitution, isang beses lang pwedeng mag-file ng impeachment complaint laban sa presidente kada taon.

At ngayon pa lang, nakikita ko na na ang kinatatakutang moro-moro na impeachment complaint ay mukhang magkakatotoo. Bakit?

MarcoletaE taga-administration ba naman kasi ang nagsusulong nito:

Pro-Arroyo solon endorses impeachment complaint

Kaya ngayon, mga kapatid. Bigyan niyo naman ako ng kahit isang rason lang para maniwala na may mangyayaring matino sa impeachment complaint na ito. Sige na. Kahit isang matinong rason lang.

Wala kang maisip?

Sabi ko na nga ba.

July 4, 2005

Ayaw sumama

Sa dinami-dami ng pinost ko na "GMA Resign!" ay hindi pa rin ako naka-attend ng isang rally tungkol sa isyu na ito. Bakit? Kasi nakakawalang ganang sumama pag nakikita kong ang mga kasama ay sina JV Ejercito, Jamby Madrigal, Ernesto Maceda, Ronald Lumbao, Imee Marcos...alam niyo na.

Sa totoo lang, siguro ay nagkaroon na ng EDSA kung di lang kasama ang mga figures na ito. Totoong marami naman silang supporters, pero yung "middle forces" na tinatawag ay nawawalan ng gana pag nakikita sila kasi wala namang moral ascendancy. Hindi tuloy umaabot ng critical mass ang dami ng protesters. Biruin mo ba naman kasi, yung mga taong pinababa namin noong EDSA 1 at EDSA 2, sila naman ang sumisigaw ngayon ng rebolusyon. Ano yun? Inaasahan ba nilang sasama kami sa kanilang laban para makabalik sa puder, gayung dati na namin silang nahatulan na di sila nararapat mamuno?

Pag may mga ganito kasing happening, laging tatlo yung paksyon:

Elite Faction 1 na kinabibilangan nina GMA, Ramos, Makati Businessmen, etc. na pinoprotektahan ang kanilang economic interest.

Elite Faction 2 na nagpo-project na makamasa sila "kuno" na kinabibilangan nina Erap, Marcos, etc. na pinoprotektahan rin ang kanilang economic interest.

Progressive Faction na kinabibilangan ng mga grupo na gusto talagang mabago ang maling sistema, hindi lang ang mga maling namumuno.

Sa mga nakaraang EDSA, nakakalungkot mang aminin ay nagpalitan lang naman talaga yung mga Elite Factions. Parang ginamit lang yung idealism nung Progressive Faction para magkaroon ng critical mass. Pero yung Elite rin ang kumuha ng kapangyarihan sa huli, at pagkatapos ay isasantabi na yung mga Progressive. Kaya leadership lang ang nagbabago pero hindi nagkakaroon ng tunay na reforms.

Dapat, kung magkakaroon man ng "revolution" ngayon, ang mga Progressive ay dapat maging mas proactive sa pag-assert ng tunay na pagbabago. Dapat ay tigilan na ang pagpapaipit natin sa pag-aaway ng dalawang Elite factions.

Di lang ang mga namumuno ang dapat palitan. Dapat ay palitan ang bulok na sistema na hinahayaan lang ang pagpapalitan sa puwesto ng mga politikong pare-pareho lang namang mga oportunista.

July 2, 2005

Unconstitutional

GMA Resign Signature Campaign


Nagiging mainit na punto ngayon na dapat raw pairalin ang "constitutional process" sa pagresolba ng Gloriagate issue. Madalas itong ibinabato sa aming mga sumisigaw na "Gloria Resign!" Bakit hindi na lang daw kami sumunod sa Constitution at mag-file ng impeachment case?

Ako naman ay napapaisip. Sa pagkakaalam ko, hindi naman labag sa constitution ang mag-rally. May permit pa ngang kinukuha sa local government units para matuloy ito. Hindi rin naman unconstitutional itong mga pinagsusulat ko rito kasi protektado naman sa constitution itong aking freedom of expression.

Tapos, hindi naman namin balak sugurin at kaladkarin si GMA palabas ng Malacanang. Kaya nga "Resign!" ang sigaw e kasi gusto namin si GMA na ang bumaba sa puwesto niya. Nasa constitution naman natin na pwedeng mag-resign ang pangulo.

Kaya nga ang tanong: Ano bang unconstitutional sa pagsigaw ng "GMA Resign!"?

Conspiracy for JULY

Ang mga tutugtog sa Conspiracy Garden Cafe ngayong July:

1 Joey Ayala
2 Cynthia Alexander

4 Gary Granada
5 Writers Tuesday 7-9pm; Soapdish 9.30 up
6 Noel Cabangon
7 Tots Tolentino with Joey Quirino
8 Joey Ayala
9 Bayang Barrios

11 Gary Granada
12 Writers Tuesday 7-9pm
13 Noel Cabangon
14 Cooky Chua with Ria Osorio
15 Joey Ayala
16 Radioactive Sago Project

18 Gary Granada
19 Writers Tuesday 7-9pm
20 Noel Cabangon
21 Johnny Alegre’s Affinity
22 Joey Ayala
23 Bayang Barrios

25 Gary Granada
26 Writers Tuesday 7-9pm
27 Noel Cabangon
28 Cooky Chua with Ria Osorio
29 Joey Ayala
30 Cynthia Alexander

Kitakits!!!