June 30, 2005

UP AWARE's Statement on GMA confession


Gloria Macapagal-Arroyo has finally spoken; the nation remains on the brink of upheaval.

Our worst fears have been confirmed. We have a President who cheated her way into office. This has been made clear by her tacit admission that she is the female voice behind the notorious audio tapes.

Her cautious apology insults us even more. She clarifies that her only mistake was to engage in a telephone conversation with a COMELEC commissioner during the election period. What she wants us to believe is that her impropriety lay merely in inquiring about election results with the Commissioner. Her spin doctors and paid hacks have been peddling this lie.

Despite their pathetic efforts, the nation is not fooled. Mrs. Arroyo may hide behind her supposed ambiguous statements in the taped conversation. However, what she and the Commissioner were speaking about is patently clear: they were involved in a conspiracy to clinch the presidency.

This controversy has not only exposed an illegitimate and an immoral president but it also reveals the deplorable extent of the political decay that afflicts our nation. This is a country where police and military generals, senatorial and local candidates, as well as COMELEC officials, and even the President and her first family manipulate the elections. When MalacaƱang frantically divulged the audio tapes, it even came out with a fabricated version to confuse the public. Confident of their numbers in Congress, they are now prepared to stage impeachment proceedings. Such is the power that these officials wield that they can brazenly act out their half-baked plot. Neither fear nor respect for the people’s decisive will to struggle for sovereignty and democracy matter to these political scoundrels.

The generalized deterioration of the socio-economic and political conditions in our country, Arroyo’s debauchery of public office, and her loss of public trust must prompt us to seek new leaders with legitimacy and moral authority. Her new gameplan “to close this chapter and move on with the business of governing” reeks of hypocrisy and condescension.

Arroyo is the festering sore that represents the political ills that plague our nation. She has lost all moral basis to remain in power. We distrust her appeals to the “rule of law” and her cohorts’ machinations for a mock impeachment trial. Instead, we call for her immediate resignation.

Or else, the Filipino people, as always, will not think twice in booting out an illegitimate and immoral president. In Arroyo’s faithful and exclusive service to the elite of this nation, we suffer; in her corrupt and destabilizing schemes we are outraged; and in her pompous self-indulgence we are forced to raise the stakes even higher. We cannot forgive her for she obviously knows what she has done.

Sorry is not enough. Resign now!

Join the mobilization on June 30 at Plaza Miranda. Assembly at the AS lobby 10:30 – 11:30 am.

UP AWARE is a broad alliance of faculty, students, research and extension personnel, and administrative staff calling for the removal of GMA.

June 29, 2005

Hindi ko maintindihan

Sa panonood ko ng mga reaksyon ng mga tao sa pag-amin ni GMA, ang pinaka-hindi ko maintindihan ay ang reaction ng mga businessmen. Kamping kampi kasi sila kay GMA. Hindi ko talaga maisip kung ano bang napapakinabangan nila sa pag-stay ni GMA sa puwesto.

Una, sabi nila na kailangan daw tayong mag-move on na para magkaroon ng stability sa ating ekonomiya. Pero sinabi na rin mismo ni GMA na siya ang dahilan ng divisiveness sa ating lipunan. Paano natin magagawang stable ang ekonomiya kung divisive figure ang namumuno sa atin?

Pangalawa, dapat daw nating hangaan ang tapang ng pangulo sa pag-amin niya na siya ay nakipag-usap sa isang COMELEC official sa panahon ng eleksyon. Ang tanong ko naman ay ganito. Sa kanila bang mga pribadong business, hahangaan ba nila ang kanilang CEO kung ito ay aamin na ninakawan niya ang kumpanya at pagkatapos ay magso-sorry? Di ba pipilitin nila itong mag-resign, ipapahuli sa pulis at idedemanda? Sa korte, ang admission ng guilt ay nakakapagpababa lang ng sentensya at hindi nagtatanggal ng parusa sa krimeng nagawa.

Ikatlo, malaking kasayangan lang daw ang public funds na ginagastos para sa mga congressional at senate hearings. Totoo na nasasayang talaga ang oras sa mga imbestigayong ito na "in aid of legislation" kuno. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit nung sinayang ni GMA ang kaban ng bayan dahil lantaran niya itong ginamit sa sariling pakinabang para mangampanya noong eleksyon, sila ay nagbulag-bulagan at nanahimik lamang.

Ikaapat, nakakatakot daw na magkaroon ng crony capitalism pag ang pumalit ay ang opposition. Pero hindi ba't sa ilalim ng GMA administration, marami rin naman siyang crony lalo na ang mga kaibigan ng kanyang asawang si Mike Arroyo?

Speaking of Mike Arroyo, punta tayo sa ikalima. Kahanga-hanga raw ang sakripisyo na gagawin ni GMA sa pagpayag na umalis si Mike para mag-exile sa America. Pero hindi ba ang polisiya ng GMA admin ay ang pagpromote ng pag-export ng labor sa ibang bansa? Bakit hindi nila bigyan ng pugay ang sakripisyo ng mas marami nating kababayan na nahihiwalay sa pamilya dahil kinakailangan pang makipagsapalaran sa ibang bansa para magkatrabaho?

Ikaanim, bumaba raw ang piso sa dolyar dahil sa statements na ginawa kanina ni Susan Roces. Bakit si Susan ang sinisisi nila? Hindi ba't nagsimula nang bumaba ang piso noon pang Martes nang umaga pagkatapos umamin ni GMA noong Lunes nang gabi? Bakit hindi si GMA ang sisihin nila?

Ayokong maging mapanghusga sa ating mga businessman. Malaki at importante ang kanilang papel sa ating ekonomiya. Pero hindi ko maiwasang isipin na may class discrimination na nangyayari dahil sa double standards na ipinapakita nila sa kanilang inaction ngayon kumpara sa kanilang pagiging proactive noong EDSA Dos. Bakit ang isang pangulo na binaboy ang pinakaimportanteng exercise ng demokrasya ay kanilang binibigyan ng benefit of the doubt, samantalang pag "makamasa" ang gumawa ng kasalanan ay binibigyan nila agad ng judgment?

Ang interes ba ng negosyo ay mas mahalaga sa interes ng bayan?

June 28, 2005

Sorry na lang? Ganun na lang yun?

GMA SorryGMA's statement on the tapes

Mga Minamahal kong Kababayan,

For the last several weeks, the issue of the tape recordings has spun out of control. Tonight, I want to set the record straight. You deserve an explanation; from me, because you are the people I was elected to serve.

As you recall, the election canvassing process was unnecessarily slow even after the election results were already in and the votes had been counted.

I was anxious to protect my votes and during that time had conversations with many people, including a Comelec official. My intent was not to influence the outcome of the election, and it did not. As I mentioned, the election had already been decided and the votes counted. And as you remember, the outcome had been predicted by every major public opinion poll, and adjudged free, fair and decisive by international election observers, and our own Namfrel.

That said, let me tell you how I personally feel, I recognize that making any such call was a lapse in judgment. I’m sorry. I also regret taking so long to speak before you on this matter. I take full responsibility for my actions and to you and to all those good citizens who may have had their faith shaken by these events. I want to assure you that I have redoubled my efforts to serve the nation and earn your trust.

Nagagambala ako. Maliwanag na may kakulangan sa wastong pagpapasya ang nangyaring pagtawag sa telepono.//pinagsisisihan ko ito ng lubos.// Pinana’gutan ko nang lubusan ang aking mga ginawa at humuhingi ako ng tawad sa inyo, sa lahat ng mga butihing mamamayan na nabawasan ng tiwala dahil sa mga pangyayaring ito. Ibig kong tiyakin sa inyo na lalo pa akong magsisikap upang maglingkod sa bayan at matamo ang inyong tiwala.

I took office with a mandate to carry out a plan for the nation. Since that time, I have focused on making the tough but necessary decisions to make up for years of economic neglect. We passed a comprehensive fiscally responsible national budget; raised new and necessary revenues to reinvest in the people; and implemented new anti-corruption measures that have led to the highest collection of taxes in history.

Nothing should stand in the way of this work, or the next phase of my reform agenda, which includes new investments in education and social services with our new revenues; and an expansion of our successful anti-corruption and lifestyle checks.

That is why I want to close this chapter and move on with the business of governing.

I ask each and every one of you to join hands with me in a show of unity, to help forge One Philippines, where everyone is equal under the law, and where everyone has the opportunity to use their God-given talents to make a better life.

Our nation is strong and getting stronger. The progress is steady and I ask you to walk with me on this journey to rebuild our great nation. I remain your humble servant and promise you that I will fulfill my constitutional oath of office to serve the people to the best of my ability.

God Bless the Philippines.


Sorry. Ganun na lang yun? Forgive and forget? Nandaya sa eleksyon...tapos pag nag-sorry ok na?

Papayag na lang ba tayo sa pagsosorry? Panahon na para kumilos, kaibigan!!!

June 26, 2005

Mga obserbasyon sa pagsisimula ng 1st Sem 2005-2006

1. Maaga na akong nakakapag-check ng papel. Narecord ko na nga e. Maganda ito para di na ako naghahabol pag patapos na ang klase. Sana tuloy-tuloy na ito.

2. Di na ako gaanong apektado pag may bumabagsak sa exam. Mabuti kaya ito o masama? Pag sinusulat ko kasi ang grade na "50" ngayon, parang di na ako gaanong concerned kung paano makakabawi yung estudyante sa grade niyang mababa.

3. Di talaga ako bagay magturo ng 6-unit subject na tatlong oras. Sinusunod ko ang syllabus. At sa totoo lang, natatapos ko ang lecture maximum na ang dalawang oras. Ano pa kaya ang kailangan kong gawin? Sayang naman kasi ang binayad na tuition ng mga estudyante.

4. Nahihirapan akong magturo ng basic accounting. Ibang klase pala kapag introductory course ang hawak. Nasanay na kasi ako sa mga subjects na pang-fourth year. Masyado yata akong mabilis.

5. Bumabalik na ako sa dating pananamit. Ilang linggo na lang siguro ay mawawala na uli ang medyas. :p

6. Gumagana ang aking stage presence. Ang pagtuturo talaga, 30% mastery, 70% acting. Buti na lang nagkaroon ako ng training sa stage nung nasa Kontra-Gapi pa ako. :)

7. Dapat taasan ko pa ang pangarap kong mararating ng mga estudyante ko. Connected sa item number 2, parang madali ko na lang natatanggap na magkakaiba ang level of intelligence ng mga estudyante ko. Kanina ko pa pinag-iisipan ito, at sa tingin ko'y dapat balikan ko ang dating paninindigan na may talino naman ang lahat ng estudyanteng hawak ko. Walang estudyanteng "mahina." Medyo inassume ko na lang kasi na kaya nilang sumabay sa akin. Dapat maging mas sensitive nga ako kung nakakasabay nga sila o hindi.

8. Ganunpaman, namulat na ako na merong estudyanteng tamad. Maraming estudyanteng tamad. At hindi sila dapat hinahayaang maki-ride na lang. Lagot sa akin ang mga tamad na estudyante ngayong semester.

Alamin at mahalin ang musikang Pilipino


Gusto niyo bang malaman ang yaman ng musikang Pilipino? Panoorin ang Islamusik tuwing Sabado, 6 pm, sa ABC 5. At tuklasin kung ano ang totoong OPM na siyang dapat nating tangkilikin.

Buksan ang isipan, hindi dapat "Love Moves" ang musika ng ating bayan. :)

June 25, 2005

Immaterial naman

materiality - n : relevance requiring careful consideration - Wordnet 2.0

Ang materiality ay isang konsepto na tinuturo sa aming mga accountant. Ayon sa konsepto na ito, bilang mga manager ng information, dapat marunong ang mga accountant na mag-distinguish sa material at immaterial information. Ang information ay material kung ito ay may quality na kayang baguhin ang desisyon ng isang decision-maker na gagamit ng information.

For example, kung merong P1 billion na assets ang kumpanya, kailangan ko pa bang hanapin o i-account ang P1 na hindi namin makita? Malamang hindi na dapat, kasi immaterial na iyon. Kung may cash sales ng P1 million sa isang araw, kailangan ko pa bang i-report na gain pag lumabas na may sumobrang limang piso sa nakolekta ngayon araw?

Dahil sa materiality criterion, nakakapag-focus ang isang accountant sa bigger picture. Ang oras kasi ay limited lang, at dapat ginagamit ito sa mga mas paki-pakinabang na bagay. Lalong importante ito sa isang auditor, na may time constraint at nangangailangang gumamit lang ng sample sa kanyang pag-audit. Kailangan, mga material information lang ang io-audit niya dahil kung lahat ay iimbestigahan niya, hindi niya matatapos ang kanyang trabaho.

Pero ang masama, ginagamit ang materiality criterion na ito para gawing palusot sa paggawa ng mga di magagandang bagay. Halimbawa, maraming mga kumpanya ang nagbabawas ng kanilang dine-declare na taxable income sa dahilang immaterial naman ang portion na ibinabawas nila. Nandyan na ang sabihing ano ba naman ang epekto ng di niya pagbabayad ng tamang buwis samantalang may kung ilang milyong Pilipino at mga korporasyon pa naman ang magbabayad ng buwis? Immaterial naman ako.

Ginagamit rin ang materiality excuse sa kaso ng jueteng. Ano ba naman daw ang masama sa jueteng, e piso lang naman daw ang tayaan dito? Wala naman daw mabibili ang piso kasi immaterial na ito.

Ngayon, ginagamit na rin ang materiality excuse sa kaso ng pandaraya ni GMA noong eleksyon. Sabi ng mga taga-admin tulad ni Rep. Joey Salceda at ni Mike Defensor, sige, sabihin nang nandaya si GMA sa mga lugar na sinabi sa tapes, pero kahit "ibigay" pa ang boto na ito kay FPJ, si GMA pa rin naman ang mananalo kasi malaki ang lamang niya. Immaterial naman ang dami ng mga boto sa lugar na ito at hindi mababago ang resulta ng eleksyon.

Nakakalungkot at kumakalat na ang ganitong pag-iisip. Ibig sabihin ba nito, kapag may nahuli akong estudyante ko na lantarang nangongopya, hindi ko siya dapat ibagsak kung ang number of items na kinopya niya ay hindi material enough para bumagsak siya?

Wala na naman akong regalo

Ichut2Ngayong araw ay dineclare ko na walang pasok ang aking mga klase. Aattend kasi ako ng kasal ng aking mahal na kaibigan na si Ichut. Eksakto, conflict sa klase ko, pero siyempre minsan lang darating ang special moment na ito, kaya sa kasal na ako pupunta.

Nagkakilala kami ni Ichut mga dalawang taon na yatang nakakaraan. Yun yata ang first time na may nakaibigan akong bagong teacher. Hehehe. Suplado kasi ako sa mga bagong salta e. Palibhasa, isang buwan akong walang kinausap nung bago ako kaya ako naging suplado. Pero kami ni Ichut, nag-click agad. Nagkataon pa na meron kaming common class na nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo (pero sa akin naman hindi, hehehe). Kilabot nga ito ng mga male college students, may nanghihingi pa sa akin ng picture niya.

Sayang nga isang sem lang siya sa FEU. Pero di nawala ang aming communication kahit na dalawang text lang kada sem ang pinapadala namin. Ganyan talaga, mababa ang budget e. Hehehe. Kaya natuwa ako nung natanggap ko ang text na imbitado ako sa kasal. Pinaghahanap nga niya ako ng band na tutugtog sa kasal niya, pero alam niyo naman, alternative, rock, world or ethnic music lang ang mga contact ko, kaya dehins ako nakatulong. Unless ganun ang theme ng kasal niya. :p

In recent memory, ikatlong kasal na itong inattendan ko. As usual, strictly formal, kaya magsusuot na naman ako ng aking barong na multi-purpose (pang-report, pang-accreditation, pang-graduation. etc.). At as usual pa rin, wala na naman akong regalo. Ewan ko ba, madalas kasi pag bumibili ako ng regalo, ang nabibili ko ay yung gusto kong iregalo sa akin. Hehehe. Minsan tuloy di gaanong trip nung niregaluhan. Kaya wala na lang regalo para safe. Matipid pa ngayong panahon ng krisis. :p

May nagtanong tuloy sa akin, "Ikaw, kelan ka ikakasal?" Ang sagot ko naman ay malapit na. Hinihintay ko na lang umuwi (nang permanente) si lalabs Ria sa Japan. :) Excited na ako. :D

Kung may maganda lang akong boses, isang magandang kantang pangkasal na lang ireregalo ko sa aking kaibigan. Pero dahil sa hindi maganda boses ko, ilalagay ko na lang ang lyrics dito:

Sa Piling Mo
sinulat nina Ronnie at Gigi Cordero
inawit ni Bayang Barrios

Langit pag kapiling kita
Ligaya ang dulot mong tunay
Buhat ng makasama ka
Katuparan sa aking buhay
Pangarap ko noon
Ngayo'y katotohanan
Pagsintang tunay
Walang alinlangan

Yakap na kay init t'wina
Hatid ng pag-ibig na alay
Landas ng pag-asa sinta
Sa buhay ay laging patnubay
Haplos nagpapagaan
Sa kalooban
Luhang dumadaloy
Ay kaligayahan

Sa piling mo'y paraiso
Nadarama ng puso ko
Bawat galaw, bawat tanaw
Wagas na pagsuyo's ikaw
Marahil tayong dalawa
Ginuhit na maging isang
Magkaagapay habang buhay
Sa habang panahon magkapiling

Wala nang mahihiling pa
Pag-ibig ay laging makulay
Yamang kang nilikha sinta
Upang ingatan habang buhay
Haplos nagpapagaan
Sa kalooban
Luhang dumadaloy
Ay kaligayahan

Sa piling mo'y paraiso
Nadarama ng puso ko
Bawat galaw, bawat tanaw
Wagas na pagsuyo's ikaw
Marahil tayong dalawa
Ginuhit na maging isang
Magkaagapay habang buhay
Sa habang panahon magkapiling

June 24, 2005

Commitment to quality (money in) education

Malaki raw ang paniniwala ni Pang(g)ulong GMA sa quality education. Kung totoo iyon, e bakit nangyari ito?

Palace reverses CHEd on AMA nursing school (INQ7.net)

Matatanggap ko pa kung ang dahilan ng pag-reverse ng ruling ay dahil sa napatunayang mali ang memorandum ng CHEd na ipasara ang AMA nursing school sa Makati sa di nito pagsunod sa minimum requirements. Pero ang dahilang binigay ng palasyo sa pag-reverse ng ruling ay dahil sa technicality na hindi na-publish ang memorandum na ito kaya pwede namang isantabi.

Commitment to quality education? Or commitment to business people who exploit education's lucrative business proposition?

Paeng's Top 5 Comic-book Inspired Superhero Films

Pagkatapos ng kung ilang buwan, nakapanood uli ako ng sine kanina. Wala kasi kaming pasok bukas dahil sa Manila Day, tapos wala naman akong ginagawa. Nanood tuloy ako ng Batman Begins. At di naman ako nagsisi. OK ang pagkakagawa, faithful sa mature na presentation kay Batman sa komiks. Sa wakas ay pinurga na ang legacy ng Adam West na Batman TV series.

Nalungkot rin ako nung natapos na ang pelikula kasi yung paborito kong American comic book superhero, si Daredevil, ay pangit ang naging adaptation sa pelikula. Hay naku, kung nabasa niyo lang yung Daredevil na comic, lalo na yung mga kwentong sinulat nina Frank Miller, Kevin Smith at Brian Michael Bendis, dun niyo maa-appreciate kung gaano kaganda ang kwento ng character na ito. Dapat talaga patayin at ibitin nang patiwarik yung nag-adapt ng Daredevil na movie.

Tutal comic-book inspired superhero films ang pinag-uusapan natin, eto ang aking Top 5 na walang sawa kong uulit-ulitin.

Superman 25. Superman 2 - Ito ang paborito ko sa lahat ng Superman films. Ang plot nito kung saan iniwan ni Clark Kent ang kanyang superhero identity para magkaroon ng normal na buhay kasama si Lois Lane ay naging template na ilang ulit na ring ginamit sa ibang mga palabas tulad ng Darna at Spider-man 2. May makapag-portray pa kaya uli ng Superman nang tulad ni Christopher Reeve? Bad trip lang talaga rito yung ending. Ang korni ng pagkatalo sa kanyang tatlong kalaban, kainis.

rocketeer4. The Rocketeer - Bihira akong manood ng sine noong bata pa ako, pero isa ito sa mga iilan na napanood ko. Di ko nga alam kung bakit niyaya ko ang tatay ko noon na panoorin ito. Buti na lang kasi nakatiyempo kami ng simple pero "lovable" na pelikula. Ilang taon pa bago ko nalaman na inadapt pala ito sa isang comic book. Dahil sa pelikulang ito, ginusto kong lumipad. At maganda talaga si Jennifer Connelly. :p

batmanbegins3. Batman Begins - Ngayon, ito ang Batman na hinihintay ko!!! Ang sama kasi talaga ng epekto ng Batman TV show starring Adam West sa image ni Batman. Dapat si Batman, nakakatakot. At medyo psychotic. At bayolente. At sa wakas nandito na ang nakakatakot na Batman. Bitin nga lang, kainis. Gusto ko nang lumabas ang homosexual criminal na si Joker!!!

X22. X2: X-Men United - Ang pinakamalaking koleksyon ko ng comic books ay X-Men related. Kaya tuwang tuwa ako nung naging maganda ang on-screen adaptation nito nung lumabas ang X-Men noong 2000. At mas lalo pa akong natuwa nung ang sequel nito ay mas maganda pa. Naka-pattern ang kuwento nito sa "God Loves, Man Kills", isa sa mga paborito kong kuwento sa komiks. Mahusay ang ensemble acting, panira lang talaga si Halle Berry bilang Storm.

spiderman21. Spider-man 2 - The perfect comic book movie. Kuhang kuha ng pelikulang ito ang lahat ng mga elemento kung bakit si Spider-man ang isa sa pinakasikat na superhero sa komiks. Nandito yung love story. Yung mga exciting na action scenes. Yung mga down-to-earth na problema ni Peter Parker. Ang trademark na humor. At siyempre yung kakaibang level ng heroism ni Spider-man na pinakita sa scene na pinigil niya ang rumaragasang tren kahit halos mabali na ang kanyang likod. Hindi ako mahilig magbasa ng Spider-man na comic book, pero dahil sa pelikulang ito, napamahal na sa akin ang kanyang character.

June 23, 2005


Sabi ni Conrado De Quiros, ang pinakanakakatawang mga pangyayari ay nangyayari sa totoong buhay. At oo, ang pinakanakapagpatawa sa akin ngayong araw ay isang totoong balita na ONLY IN THE ARROYO ADMINISTRATION mangyayari.

May isang lalakeng nagngangalang James na lumabas para mag-akusa na minolestiya siya ni Bishop Oscar Cruz. Bakla at silahis daw si Bishop at nagkaroon rin daw ito ng anak sa iba't ibang babae. Si Bishop raw ay tumatanggap ng pera sa pagbebenta ng drugs at jueteng. Kaya si James ay nagschedule ng press con dun pa mismo sa opisina ng CBCP.

Si Bishop Cruz naman, hinintay ang pagdating ni James. Nung natanaw na niya si James, sinabi pa niya sa mga reporters na "Padaanin niyo si James." Eto namang si James, dumaan lang. Nginitian pa si Bishop at meron pang konting kaway. May konting yuko rin na parang pagbibigay-galang.


Nang nasa loob na, nagdire-diretso na sa pag-akusa si James. Binasa na niya ang kanyang speech. At tuloy tuloy ang akusasyon habang NASA TABI NIYA SI BISHOP OSCAR CRUZ na nangingiti. Nang di na makapagpigil, tinanong ni Bishop "Di mo ba ako nakikilala?" At nandilat si James sa gulat. At inabot ng ilang segundo bago siya nakasagot, na "Opo."

Ano ba namang katangahan ito?!!! HAHAHAHAHA!!!

"Saan ba ako nakadestino nung panahon na iyon?" tanong ni Bishop.

Sagot naman ni James, "Hindi ko po alam."

Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa, nang i-deliver ni James ang kanyang punchline.

"Hindi po ako pakawala ng gobyerno.",


June 20, 2005

Para sa mga mahilig mangopya

Madalas akong maglagay ng "Quote for the Day" sa aking mga handouts sa mga estudyante. Pinipilit kong ibagay sa lesson yung ilalagay kong quote, at natutuwa ako na nung ibigay ko ang aking unang quiz ngayong sem, bagay na bagay ang aking nakuhang quotation sa mga a) malakas mangopya, b) tamad mag-aral at c) umaasa lang sa kaibigan para makatapos sa college.

"What I hear, I forget.
What I see, I remember.
What I do, I understand."

- Confucius

Tandaan. Aanhin mo ang diploma, kung natapos kang walang natutunan?

June 19, 2005

Si Rizal, ang ebanghelyo, at ang katotohanan

jose-rizalNgayon ang kaarawan ng ating national hero na si Jose Rizal. At para bang itinakda na rin ng tadhana, nagkataon na ang Ebanghelyo ngayon ay akma sa naging pakikibaka ni Rizal sa kanyang buhay.

"So have no fear of them; for nothing is covered that will not be revealed, or hidden that will not be known."

Ang buong buhay ni Rizal ay naging isang pakikipaglaban para lumabas ang katotohanan. Sabi nga ni Isagani Cruz sa kanyang column kanina sa Philippine Daily Inquirer, isa sa mga passion ni Rizal ay ang freedom of expression. Buong tapang niyang nilabanan ang censorship at inilabas pa rin ang rebolusyonaryong mga ideya sa kanyang mga nobela at iba pang mga akda. At dahil sa kanyang paglaban, siya ay hinatulang mamatay at binaril sa Luneta.

Ngayon, nahaharap na naman ang Pilipinas sa isang isyu ng pagpigil sa paglabas ng katotohanan. Ang pagbibigay ng opinyong salungat sa binabandera ng administrasyon ay nila-label na destabilization at sinasampahan ng kasong sedition. Di lamang freedon of expression ang tinatanggal kundi pati na rin ang ating freedom of choice dahil di man lamang natin mapakinggan ang nilalaman ng Gloriagate tapes. Maging ang ating kalayaang magdesisyon sa sarili kung ano ang dapat at hindi dapat paniwalaan ay agad na sinusupil.

Sinabi sa ebanghelyo, lalabas at lalabas rin ang katotohanan. Pero mangyayari lamang ito kung, tulad ni Rizal, walang-takot natin itong ipaglalaban.

June 18, 2005

Mind games

Sinong papalit?

Yan ang tanong na ibinabandera ngayon ng administrasyon. Pati nga ako, nagtanong niyan. Pero napaisip ako, brainwashing lang itong nangyayari. Para lang itong yung "lesser evil" propaganda na ipinakalat noong nakaraang eleksyon.

Sabi, wala naman daw credible na pwedeng ipalit kay GMA. Ibig ba nilang sabihin, sa 80 million na Pinoy, wala na tayong makikitang mas mabuti pa kay Gloria?

Sabi nila, pag pinababa si GMA ay magiging masama na ang reputasyon natin dahil palit tayo nang palit ng leader. Ibig ba nilang sabihin, mas maganda na ang maging reputasyon natin ay isang bansang pumapayag na pamunuan ng isang pangulong hindi namin natin binoto at sa halip ay nandaya para makuha yung kanyang posisyon?

Sabi nila, pag nag-People Power na naman, baka raw tayo maging Banana Republic. E kung nagpi-People Power naman tayo para magpatanggal ng mga corrupt at criminal na official at ang goal ay para ultimately, malinis natin ang sistema, ano naman ang masama doon?

At sabi nila, kung paaalisin si GMA sa pamamagitan ng popular uprising, mangingibabaw na ang mob rule sa Pilipinas at hindi na gagalangin ang ating electoral process. E kung papayagan naman natin na ang mamuno sa atin ay isang lantarang mandaraya noong eleksyon, di ba mas malaking kabastusan ito sa electoral process?

June 17, 2005

Kumilos, Iskolar ng Bayan!!!

UP OblationIsang mensahe mula sa UP AWARE--UP Alliance Working for Arroyo's REmoval:

Enough of Lies and Deceit!
Enough of Gloria Macapagal-Arroyo!
The Continuation of Her Regime Is Untenable and Unconscionable

“Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ng buong katinuan ang mga bagay-bagay. Ang ningning ay maraya. Ating hanapin ang liwanag...”

Emilio Jacinto, 1896

We, faculty, students, research and extension personnel, and administrative staff of the University of the Philippines join the clamor of various sectors to demand the resignation, impeachment or ouster of Gloria Macapagal-Arroyo.

The appearance of the taped conversation between Gloria Macapagal-Arroyo and Comelec Commissioner Virgilio Garcillano is merely the latest indictment of the Arroyo administration and confirms the widespread view that Arroyo’s victory in the May 2004 elections was fraudulent and manipulated. Even without the admission of GMA’s spokesman that the woman on the tape is the President herself, the voice is unmistakable. It is GMA’s voice and it is GMA caught red handed in cheating in the last elections. .

But this is not the only indictment of Arroyo.

We have had enough of corruption in the Arroyo administration and within her family.

The list of scandals and corruption involving Arroyo’s official family and her relatives is long. Rolando Golez, President/CEO of the Coconut Industry Investment Fund, Winston Garcia of GSIS, Maj. Gen Carlos Garcia, former comptroller and treasurer of AFP, and Angelo Reyes Secretary of DILG have all been accused of corruption.

The jueteng scandal involved Arroyo’s immediate family with charges that First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo, Pampanga Rep. Mikey Arroyo and Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo received amounts of from P7 million to P3 million a month from jueteng collections.

We have had enough of the freeze in salaries of government employees and the continuous reduction in the budget allocation for social services while the Arroyo government dutifully prioritizes debt payments

During Arroyo’s term, government employees have not received any salary increase. The budget for education, health and housing has been reduced as percentage of the total budget. But total debt payments have increased from P274.4 billion in 2001 to P645.8 billion in 2005.

We have had enough of political repression!

Since 2001 more than 73 leaders and members of progressive organizations have been killed and since 2000, more than 20 journalists have been killed in connection with their work, making the Philippines the deadliest country in the world for the profession, according to the New York-based Committee to Protect Journalists. Arroyo’s silence and inaction with regard to these killings are unacceptable.

We have had enough of a president who does not enjoy the trust of the people!

The Ibon survey in the first quarter of 2005 indicated that 56% of survey respondents gave a failing grade to GMA while 59% said she should be replaced.

PULSE ASIA in its 1st Quarter Nationwide Survey conducted from March 3 to 16, 2005 stated, “President Gloria Macapagal-Arroyo scores an approval rating of 38% – her lowest approval rating since she assumed the presidency in January 2001” The Social Weather Survey of May 14-23, 2005 found “26% of Filipinos satisfied, and 59% dissatisfied, with the performance of Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, giving her a Net Satisfaction Rating of -33, which is a new record low for Presidents since 1986.”

We have had enough of Gloria Macapagal Arroyo!

The silence and lies of the Arroyo administration leave us no recourse but to seek the truth for ourselves and to stand up for this truth. We should reject a leadership founded on lies and deceit. As members of the University of the Philippines community -- as professors, researchers, students, and support staff members, we join the Filipino nation in condemning the lies perpetuated and the injustices committed by the Arroyo administration. Let us, instead, heed the call of Emilio Jacinto and fight for justice and freedom.

The continuation of GMA’s presidency is untenable and unconscionable. We call on representatives of patriotic and progressive organizations and individuals to come together and agree on a process of succession and a program for bringing about economic justice, freedom and democracy. We call on members of the military and police to withdraw their support from the illegitimate and corrupt regime, reject any call for a military junta and uphold civilian supremacy.

(In)justice Secretary

(In)Justice secretaryAng modelo o personification ng hustisya ay isang babaeng nakapiring na may hawak na "balance". Isa itong metaphor sa konsepto na pantay ang pagtingin ng hustisya sa akusado at sa nag-aakusa.

Nakakaawa naman tayo at nagkaroon tayo ng isang Justice Secretary na isang mata lang ang may piring. Noong 2000, kasama siya sa pagrally-rally para mapabagsak si Erap. Nanawagan na mag-people power dahil sa isang envelope na di nabuksan. Nang makaupo na si Gloria, pinaglaban na "constitutional" ang nangyaring paglipat ng kapangyarihan.

Pero ngayon, ano ito? Pag may magrereklamo laban kay Arroyo, sasampahan niya ng "inciting to sedition." Pag may nagsasabing dapat magkaroon ng people power, nagbabanta siya na huwag gagamit ng ganitong pamamaraan na di constitutional. Pag may lumantad na witness ng corruption sa gobyerno, ang witness ang kanyang paiimbestigahan, hindi yung suspect. Kung noo'y gustong pabuksan ang envelope na di alam ang laman, ngayon nama'y ayaw ipakinig ang tapes na alam na natin kung ano ang laman.

"Just-tiis" secretary Gonzales. Ang epitome ng injustice.

June 14, 2005

Laban o Bawi na naman!!!

(Tumutugtog sa background ang "Laban o Bawi: ng Sexbomb Dancers)

May kumakalat na wiretapped tape ng pag-uusap ni GMA at ni Garcillano na magpapatunay na nandaya si GMA noong eleksyon. Anong masasabi mo, Secretary Bunye? Laban o Bawi?!!!

Bunye: LABAN!!! Di kami takot aminin na si GMA nga ang nagsalita sa tape na iyan!!!

Dagdagan pa natin ang ebidensya!!! Eto na si Atty. Sammy Ong na may hawak ng "mother of all tapes" at si ISAPF Agent Doble na siya mismong nag-wiretap kay Garcillano. Anong masasabi mo, Secretary Bunye? Laban o Bawi?!!!

Bunye: Uhm...BAWI na lang! BAWI!!! Hindi pa pala kami sigurado kung si GMA nga ang nasa tape na iyan.

Bibilang ako ng lima. Ayan, sumasakay na ang oposisyon. Isa!!! Laban o Bawi?!!!

Bunye: Bawi.

Nananawagan na si ERAP ng civil disobedience. Dalawa!!! Laban o Bawi?!!!

Bunye: Bawi!

Sumasakay na rin ang mga leftist groups. Tatlo!!! Laban o Bawi?!!!

Bunye: Bawi!!!

Nandyan na rin ang mga nasa simbahan. Apat!!! Laban o Bawi?!!!

Bunye: BAWI SABI!!! BAWI!!!

Li...ano yun? Si Susan Roces sabi maging mahinahon lang daw tayo? Wala na si Atty. Sammy Ong at nagtatago na? Si Doble nasa custody na ng militar? Nag-fizzle out yung crowd sa EDSA?

Lima!!! Laban o Bawi?!!!

Bunye: LABAN uli!!! LABAN!!! We are 98% sure that it was the president's voice on the tape. What we are actually questioning is the tape's authenticity.


June 12, 2005

Kunyari malaya

Imaginary Patriot Ben CabKanina'y tumugtog kami sa Independence Day celebration ng Tierra Bella Village. Unang beses pa lang nilang sinubukang gawin ito, at maganda naman ang kanilang naiayos na programa. Mayroong choir na kumanta ng mga kantang Tagalog. Mayroong balagtasan. May inspirational speech tungkol sa mga bayani mula kay Manuel Quezon III. Mayroong demonstration ng arnis, na siya naman naming nilapatan ng musikang ethnic.

Ang June 12 ay kadalasan nating pinagdiriwang nang ganito. Ang mga music channels at mga variety shows, puro OPM ang pinapatugtog at pinapalabas. Sa mga plaza at parke, may mga mala-fiestang parada at cultural shows. May mga nagsusuot rin ng barong tagalog at baro't saya. Siguro, yung mga admin ng FEU, nagsasalita na rin muna ng Filipino para maipakita naman nila ang kanilang pagka-Pinoy. Para bang ang araw na ito ang pagkakataon natin para tayo ay magpaka-Pilipino.

Ang nakakatawa, ang ganitong practice ay nagpapakita lamang lalo na tayo ay hindi ganap na malaya. Bukas, pag natapos na ang mga pagdiriwang, babalik na naman tayo sa pagtangkilik, at mas malala pa'y pagkiling, sa mga produkto, sining, at prinsipyong banyaga. Ang ating mga mang-aawit ay babalik sa pag-cover ng mga awiting pang-Billboard. Bibitawan na naman natin ang hawak nating mga arnis at tayo'y mage-ensayo ng Tae Kwon Do, Tae Bo at Pilates. Maniniwala na naman tayo na English ay superior na language at ito lang ang katanggap-tanggap na salita pag nasa corporate setting kahit na kapwa Pilipino rin ang ating mga kausap. Huhubarin na naman natin ang ating mga barong at magsusuot ng Amerikana at necktie pagpasok sa pinagtatrabahuhan nating multi-national firm. Kakalimutan na naman natin si Rizal at magsisikap na naman tayong mag-aral ng mga kursong magsasakatuparan sa ating pangarap na makalikas sa ibang bayan.

June 12. Isang araw na kunyari Pilipino. Isang araw na kunyari mahal natin ang ating bansa. Isang araw na kunyari tayo ay malaya.

Ang larawan ay ang Imaginary Patriot ni BenCab

Simple arithmetic lang yan...

Kakasuhan raw ng DOJ na nasa ilalim ng Office of the President ang sinumang magkakalat ng transcript ng taped conversation diumano ni GMA at ni Gary/Garci. Ito raw kasi ay violation ng Anti-Wiretapping Law.

Teka lang, pag-aralan nga natin ito.



SECTION 1. It shall be unlawful for any person, not being authorized by all the parties to any private communication or spoken word, to tap any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record such communication or spoken word by using a device commonly known as a dictaphone or dictagraph or detectaphone or walkie-talkie or tape recorder, or however otherwise described:

It shall also be unlawful for any person, be he a participant or not in the act or acts penalized in the next preceding sentence, to knowingly possess any tape record, wire record, disc record, or any other such record, or copies thereof, of any communication or spoken word secured either before or after the effective date of this Act in the manner prohibited by this law; or to replay the same for any other person or persons; or to communicate the contents thereof, either verbally or in writing, or to furnish transcriptions thereof, whether complete or partial, to any other person: Provided, That the use of such record or any copies thereof as evidence in any civil, criminal investigation or trial of offenses mentioned in Section 3 hereof, shall not be covered by this prohibition.

Kung may kakasuhan ng violation ng anti-wiretapping, ang presumption ng magfa-file ng kaso o magpo-prosecute ay may wiretapping nga talagang naganap.

Kung itutuloy ng DOJ ang pag-file ng mga kaso, e di ang presumption nila ay totoong wiretapped conversation yung kumakalat na tape.

Kung presumption nila na totoo yung wiretapped conversation, e di presumption na rin nila na nag-usap nga sina GMA at Gary/Garci.

Kung presumption nga nilang nag-usap sina GMA at Gary/Garci noong eleksyon, e di parang presumption na rin nila na nandaya si GMA noong eleksyon kung ibabase natin dun sa transcript ng usapan.

Kung presumption nila na nandaya nga si GMA noong eleksyon...

June 11, 2005

Wala na bang iba?

Kasalukuyan akong nasa loob ng FEU. Sa labas, trak trak na ang pulis. Naghahandang harangin ang kung sinuman na magtatangkang magmartsa't sumugod sa Malacanang.

Noong 2001, sumugod ako sa EDSA dahil naniwala ako na walang karapatang maging pinuno ng isang bansa ang isang morally bankrupt na leader. Ang hindi ko kinonsider noon, dapat ay siniguro rin na ang papalit ay isang taong may moral ascendancy. Dito kami nagkamali. Ang pumalit kay Erap ay isa ring ganid, kung hindi man mas ganid pa. Nasayang lang ang mga pangarap noong EDSA.

Ngayon ay nasa isang vulnerable na posisyon na si GMA. Mukhang hinog na ang pagkakataon para ma-exorcise na ang Pilipinas sa kanyang masamang pamumuno. Ngunit ako ay naga-alinlangan. Paulit-ulit kasing nagtatanong ang aking isip - sino ang papalit? Si Noli na may questionable na character at competence? Ang puwersa ng oposisyon na pinatalsik na noon dahil sa pagiging morally bankrupt? Ang military junta na sabik na sabik na makabalik sa posisyon ng kapangyarihan na kanilang hinawakan noong Martial Law?

Sino ang papalit?

Wala na bang ibang mapagpipilian?

June 10, 2005


May nararamdaman ba kayong kakaiba sa hangin? Ako meron. Tumatayo ang aking mga balahibo. Sabi nila, may "gut feel" daw talaga tayong mga tao. Nararamdaman daw natin kung may nagbabadya na masamang mangyayari. At sa kasalukuyan ay mayroon akong nararamdaman.

Sunud-sunod na ang masasamang balita sa TV. Nandyan ang jueteng scandal. Ang kaliwa't kanang balita na may destabilization at coup na magaganap. Nandyan ang "taped conversation" ni GMA at ni Commissioner Garcellano, na magpapatunay diumano sa pandaraya ni GMA noong eleksyon. Samahan mo pa ng maling "political moves" ng administrasyon, na kulang na lang ay umamin sa kanilang pagkakamali.

May kakaibang katahimikan sa paligid. Noong isang linggo ko pa ito napapansin. Para tayong nasa "calm before the storm." Nararamdaman ko na may puputok na bulkan, at hindi ko gusto ang nakikita kong mga maaaring mangyari sa pagsabog nito.

Sa mga panahong ganito, napapaisip ako, may saysay pa ba ang aking itinuturo sa mga klase ko ngayon? Hindi ba't mas marami pang mas mahalagang mga bagay na dapat naming pag-usapan? Mga pagkilos na dapat pag-isipan? Mga pangambang dapat paghandaan?

Ang tahimik. Sobrang tahimik. Nakakabingi.

June 7, 2005

First(s) Day

Today is the first day of my seventh semester as a teacher. And despite my three-year experience, being a teacher does not stop from catching me by surprise. Here are some of my "firsts" today:

1) Would you believe it, it's just my first time to teach Basic Accounting. My fellow Accountancy teachers were actually wondering why I am still studying and preparing for the subject.

2) My first time to teach second year students in the first semester. They're so...meek and gentle. Now it's time to help them grow some devilish horns. Hehehe. :p

3) My first time to reach one hour in my first day of classes. I usually take only twenty minutes.

4) My first time to have a foreign student. He totally caught me off-guard when he raised his hand and said, "Sir, I can not understand Tagalog." Well, at least that means I can practice my stand-up comedy routine in English.

f) My first time to use similar lectures on different subjects. I just modified my introductory lecture in Basic Accounting by about three sentences, and to my delight, it fit as my introductory lecture in Managerial Accounting. Wow, I actually pulled it off!!! (Palusot!!!) I hope I can still pull it off tomorrow, because I'm too lazy right now to do another class preparation. :)

The work of learning

Here's another good article by Randy David.

The work of learning
By Randy David
(PDI, June 5, 2005)

I WAS happy to receive recently the assessment report on a new General Education (G.E.) course that I helped design. The course, "Sociology 10: On Being Filipino, A Sociological Exploration," has become one of the most popular courses in the G.E. social science cluster in the University of the Philippines-Diliman campus. Students consistently rated it "excellent," and the demand for additional sections has grown every semester.

Those who have taken it say the course has taught them to be reflective and to think more critically. Asked how the course can be improved, the students suggested more "visual aids" and more opportunities for class participation. These are fascinating comments because they reflect the changing conditions in which the work of learning is undertaken in our time.

Today's students are painfully aware of the amount of information they need to process in order to get a good education. Yet they also know that courses hardly leave them time to reflect on the relevance of such information to their own lives. They think more "visual aids" might help them cope better with information overload. I think we're dealing here with the distinct habits and expectations formed by a culture centered on television, billboards, computer graphics, and 3D animation.

More than half of my students in graduate seminar courses last year used PowerPoint in their reports. Such presentations certainly make note-taking easier, but I am not at all convinced they make thinking more efficient. There's something about the projected light that's hypnotizing; I think it induces fixation with the graphics rather than an interest in ideas. It activates the watching more than the listening function.

Far more than the need for greater use of visual aids, I find the students' clamor for more time to be heard in class encouraging. To me it indicates a more active engagement in the learning process. Maybe, it also represents a silent rebellion against sensory overload and against the notion that equates education with receiving rather than with sending messages.

These thoughts have come to me while reading Gerald Graff's book "Clueless in Academe: How Schooling Obscures the Life of the Mind." Graff thinks of university education as initiation into "the culture of ideas and arguments." The gatekeepers of academe, he says, have made this culture more opaque and the game of learning more difficult than it should be. The game is actually simple. Graff enumerates its three basic parts: "Listen closely to others, summarize them (their ideas) in a recognizable way, and make your own relevant argument." He calls this "argument literacy"-"the ability to listen, summarize, and respond."

Learning to listen is the starting point of intellectual discipline. It implies an awareness of the key issues in a discussion, as well as the ability to cut through the verbiage through purposive listening. Good listeners are good summarizers. They can classify ideas tossed out in an ongoing discussion almost instantaneously. They work with basic ordering schemes when processing ideas. This ability is not an instinctual endowment; it is acquired through practice and preparation. Good listeners are not only able to follow the arguments, they are also able to anticipate them because they try to identify beforehand the kind of debate or discussion they are entering.

One immediately recognizes a systematic listener behind every clear and concise summary. A rambling synthesis, on the other hand, is almost always the product of an undisciplined listener. One cannot conceal with language proficiency what is basically a disorganized train of ideas. The result would be glibness, not eloquence.

There are many who like to talk because of the advantage they have in the language being used. But their interventions are often either redundant or irrelevant because they spend more time framing the clever statements they want to make than listening to the flow of ideas. Instead of pushing the discussion forward, they retard it.

But there are others who, having followed the exchange of ideas carefully, are nonetheless unable to respond to the discussion. Sometimes the reason is their inability to connect the ideas to their own world or experiences; but often it is because they are not confident that they have understood what was said, or that they can express themselves in the same academic language. There is no cure for this except to ask, and to explain one's confusion without fear of ridicule.

One of the tricks in academe is to impress others by the exclusive use of conceptual language. Learning does involve some acquaintance with academic jargon, but it is not synonymous with its use. Whether I write for newspapers or journals, I seldom employ the vocabulary of my discipline, and the few times that I do, I try to express the same ideas on the same page in everyday language. It is no great deal to me that some of my colleagues think that what I am doing is not sociology but journalism.

In this kind of narrow academism lie precisely the impediments to university education. Instead of approaching the work of learning as a great adventure, students are led to think they must speak a different vocabulary in order to qualify as educated persons. "The point," says Graff, "is not to turn students into clones of professors but to give them access to forms of intellectual capital that have a lot of power in the world." That capital is nothing unless they can participate in the public conversation.

June 6, 2005

Unang araw na naman

Unang araw na naman sa eskuwelahan. Kinakabahan na naman ako. Ngayong semester na ito, maliban na lang kung maghimala na naman ang langit, sigurado na ako na bagong grupo na ng mga estudyante ang aking mahahawakan. Nito kasing nakaraang tatlong sem, isang set lang ang naging hawak ko sa apat na iba't ibang subjects. Pero ngayong sem, wala na silang pag-aaralang subject na pwede kong ituro, kaya sigurado na hindi na nila ako magiging teacher.

Mga bagong mukha at mukhang may bago rin akong preparation. Sanay na ako sa pangalawa, lahat naman ng sem ko laging bago ang preparation kasi hindi ako tumatanggi sa kahit anong ipaturo sa akin. Ang hindi ako sanay ay sa mga bagong mukha. Mababait kaya sila? Magiging "swak" kaya ang aking style sa kanila? Matatawa kaya sila sa aking mga jokes? Masipag kaya sila? Magsisipag kaya ako? Matututo kaya sila sa akin?

Hay naku. Makaalis na nga at makapasok na...

June 2, 2005


Bakit kaya parang ang baba ng tingin ng lipunan natin sa mga guro?

Mga dalawang buwan na ang nakakalipas, nagsulat si Neal Cruz ng article sa Philippine Daily Inquirer na pinamagatang "Professors are victims of academe inbreeding" (PDI, 04/01/2005). Sinulat ito ni Neal bilang reaction sa papel na isinulat ng UP 11 na na-misconstrue bilang pagsuporta sa VAT bill na sinusulong ng administrasyon. Ayon sa kanya:

"As a career journalist, I know that many journalism professors won't even make the grade as reporters in good broadsheets. The good journalists are too busy with their jobs to waste time teaching, so it is those who don't make the grade that are reduced to teaching. This is not only my opinion; ask any reputable working journalist and he will have the same opinion. (That is why I have rejected many offers to teach journalism.) If that is true with journalism professors, it must also be true with economics professors."

Tatlong taon na akong full-time na nasa academe, kaya nang mabasa ko itong unfair generalization sa mga professors, talagang nainis ako. Nagpadala pa nga ako ng reaction sa Philippine Daily Inquirer, hindi nga lang na-publish. Hindi ko maisip na isang respetadong manunulat ay magkakaroon ng ganito kababang pagtingin sa mga gurong malamang ay malaki rin ang naiambag sa kanyang pagkatuto ng mga bagay na nagagamit na niya ngayon sa kanyang propesyon. Totoo namang "experience is the best teacher," pero ang laking kahambugan naman na sabihin na ang mga taong piniling propesyon ay ang pagtuturo ay "those who can't make the grade."

Bakit binuksan ko na naman ang isyung ito gayong dalawang buwan na mula nang lumabas ang article na ito ni Neal Cruz? Nito kasing nakaraang linggo, lalo akong namulat sa second class treatment sa aming mga nasa academe, lalo na sa kaso naming mga nasa business school. May isa kasi akong kaibigan na lumipat mula sa academe para magtrabaho sa isang multinational company sa Ayala. Ayon sa kanya, hindi raw binigyan ng weight ang kanyang ilang taong karanasan bilang isang full-time na guro sa pagtakda ng kanyang ranking sa loob ng kumpanya. Puwede palang mangyari na pumasok ako sa isang kumpanya at itatrato akong ka-level lang ng mga estudyanteng minsan ay ako ang nagturo kasi wala namang bearing yung pagiging guro ko.

At hindi lang sa industry makikita ang second-class treatment sa mga guro. Ang nakakalungkot ay makikita rin ito mismo sa academe. Kaming mga guro ay tumatanggap ng sweldong di hamak na mas mababa sa sweldong makukuha namin kung kami ay nagtrabaho na lamang sa industry. Paano nga namang hindi mai-stereotype kaming mga guro na subpar kung ganitong subpar rin ang pag-value ng mismong mga unibersidad sa aming serbisyo?

Nalulungkot ako pag tinatanong ako kung bakit daw "nagsasayang" ako ng panahon sa pagtuturo gayong marami naman daw mas magandang oportunidad sa labas. Pagsasayang lang ba ng panahon ang pagpipilit kong ipasok sa isip ng ilang daang kabataan kada semestre ang mga kaalamang dapat gamitin nila paglabas nila ng unibersidad? Indikasyon rin ba ito na tinuturing lang natin ang pagpasok sa paaralan na pagsasayang lamang ng oras? Ang binabayaran lang ba natin sa eskuwela ay ang diplomang magiging susi sa ating pagkuha ng trabaho at hindi ang kaalamang ipinapasa sa atin ng ating mga guro?

Madalas, inaakusahan ng mga industry professionals ang mga guro na second-class dahil irrelevant naman daw kami. Ibang-iba daw ang itinuturo namin sa eskuwela kaysa sa nangyayari sa totoong buhay. Ayon nga sa sinabi ni Neal Cruz kanina, biktima daw kami ng "academe inbreeding" kaya hindi kami mulat sa mga totoong nangyayari. Ang hindi nila alam, sa pagkutya nila sa amin, ang kinukutya rin ng mga taga-industry ay ang mga sarili nila. Dahil karamihan sa aming mga guro ay nanggaling rin sa industry, at kami ay nawalan lamang ng gana sa mga "unscrupulous practices" na nangyayari sa totoong buhay. Kaya kami bumalik sa academe ay dahil gusto naming matututo ang mga bata ng tama at ng nararapat, hindi ng praktikal na naging resulta ng "culture of compromise, accommodation and promotion of self interest." Sa totoo lang, nakakalungkot isipin na sa isang tulad kong accountant, ang tanging lugar lang kung saan mapa-practice ko ang aking propesyon na hindi nakokonsensya ay sa academe.

Ano ba ang kailangang mangyari para hindi ituring na second class citizen ang katulad kong piniling maging guro? Kailangan ba kaming maging mas relevant at maging mas attuned sa mga nangyayari at pina-practice sa totoong buhay? Ano ang ibig sabihin nito? Gusto ba nilang ituro namin sa eskuwelahan kung paano mag-tax evasion? Kung paanong gumamit ng representation expense? Kung paanong tumanggap (at magbigay) ng suhol? Kung paanong mang-doktor ng libro? Kung paanong paaandarin ang padrino system? Ito ba ang "relevant" practices na gusto nilang ituro namin para patunayan na alam naman namin kung ano ang nangyayari sa "real world" at sa gayon ay hindi dapat ituring na second-class kumpara sa mga nasa industry?

May nakita akong signboard dati na nagsasabing "Teaching is the noblest profession." Pero sa kawalang pagpapahalaga at mababang tingin ng ating lipunan sa propesyon ng pagtuturo, di ko maiwasang isipin na kaming mga guro na lamang ang naniniwala sa kasabihang ito.

No more psychicpants

It's June and it's supposed to be the third year anniversary of this is psychicpants.net But it's now just an almost nondescript blank space, containing only three former entries.

I will miss this site. Other than letting me find that crazed Jologs King, which who was my former mentor in college, it also made me appreciate literature, the SexBomb Girls, Pinoy, Korean and Hongkong films, and plain old kakornihan (1980s style). Most of all, it inspired me to make an effort to make my blog a non-blog.

Ano ba talaga ang nangyari at naging past tense na ang psychicpants? Ewan ko, pero eto ang kantang tumutugtog sa isip ko kapag iniisip ko ang sagot sa tanong na ito.

by Sugarfree

Naglilinis ako ng aking kuwarto
Na punong-puno ng gamit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraan hindi na puwedeng pagpaliban


Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayon kailangan ng itapon

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon....

Ang jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon...

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kuwarto't naroon siya

Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto

Magpapaalam na sa iyo...
Magpapaalam na sa iyo...
Magpapaalam na sa iyo...
Magpapaalam na sa iyo...


June 1, 2005


Nakakatawa. Ang paborito kong palabas ngayon sa TV ay yung Lost. Tapos miyembro ako ng grupong Sangandaan.

Alam ko kung saan ko gustong pumunta. Ang problema lang, hindi pa ako pumupunta duon. Hindi ko rin alam kung saan ako dadaan kasi hindi rin ako sigurado kung nasaan na ba ako. Heto ako ngayon...nawawala.