September 28, 2005

Bagong soundtrip

Bihira akong makinig ng rap-rock, pero nitong mga nakaraang araw, ginagasgas ko ang aking CD ng Dicta License. Sa wakas, isa pang Pinoy rap-rock group na nagustuhan ko maliban kay FrancisM. Kapag rap-rock kasi, hindi naman yung music ang hinahanap ko kundi yung substance ng lyrics. At ang lyrics ng mga kanta ng Dicta License ay puno ng substance. Sana mga ganitong banda ang sumikat, hindi yung mga sumisikat ngayon na OPM bands na nagpapanggap na malalim kahit wala namang kalaman-laman ang lyrics. Hallelujah, anyone? :p

ANG ATING ARAW
by Dicta License

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

Madalas ay reklamo lang ang bukambibig
At 'di makita ang sakit na iyong pasan

May matalas ang dila kung mayroong galaw ng bisig
Paliparin ang malayang isip

Dinggin mo ang tawag ng lupang pinagmumulan
Ng kayamanang 'di mo rin pala natitikman

Kelan malilinis ang bahid ng dumi
Hindi malaman, pero pag-asa ay inaasam

Isa na namang awit na tutuhog sa marurupok na pusong lanta
Lanta sa diwa at pag-asa ng umaga

Bukas-loob silipin ang sarili
Balat, mukha, mata, dinggin ang huni

Pagkatapos ng ilang taon
Unti-unting aahon

Ang lipi ng lupa na napako sa kahapon
Walang pamagat alay kong alamat

'Di makakahon damdaming naisulat
'Di mo ba naririnig ang tinig ng lahat

Sabay-sabay lumiliyab, sisikat nang muli

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

September 27, 2005

Feeling tatay

Ewan ko ba. Bakit apektado ako pag nakikita kong bumabagsak ang mga estudyante ko? Na-compromise na ba ang professionalism na dapat i-maintain ko bilang guro?

September 26, 2005

Para sa mga "concerned" Atenista...

Kanina ay may isang one-third page ad ang mga "concerned members of the Ateneo Community" sa Philippine Daily Inquirer. Isa itong panawagan para sa "rule of law," at panahon na raw para isantabi ang politika at igalang ang naging resulta ng botohan sa kongreso patungkol sa impeachment complaint laban kay GMA. Isang paragraph ang nakatawag-pansin sa akin:

"In a Representative Democracy, Members of Congress are the direct representative of the people, it is thru the Congressmen that the people speak. Congress has spoken and has spoken firmly. The issue has been decided."

Ang tanong ko lang sa inyong mga "concerned" na Atenista, nasaan kayo nung EDSA 2? Bakit hindi niyo ipinagtanggol ang desisyon ng 11 senators na nagdesisyon na huwag buksan ang second envelope? Di ba sila ang representative ng mga tao, at mas malaki pa nga ang constituency nila dahil sila ay elected nationally? Bakit iba ang standards niyo noon?

At kung representative democracy lang naman ang pag-uusapan, hindi ba't ang issue nga rito ay kung si GMA nga ba ang representative ng sambayanang Pilipino? Hindi ba't tama lang naman na alamin natin kung si GMA nga ba talaga ang piniling representative ng mga Pilipino?

Naiinis ako sa inyong mga "concerned" members ng Ateneo community na pinapalabas niyo na power grab ang ginagawang mga pagkilos na nagbunga sa paglantad ng Hello Garci tapes. Totoo, marami ang mga oportunisitang lumiligid-ligid, ngunit marami rin ang tulad ko na gusto lang naman malaman kung si GMA ba mismo ay gumawa ng power grab noong 2004. Maaaring masyadong biased na ang aking stand at mukhang hinatulan ko na si Gloria, pero maiiwasan ko ba ito kung kitang kita naman ang lantarang pag-cover up na ginagawa ng administrasyon na ito? Kung si GMA mismo ay umamin na at nag-sorry? Ako naman ay bukas ang isip na tatanggapin na wala siyang kasalanan kung mapapatunayan niyo. E ang lahat na lang ng narinig kong argument sa inyo ay "rule of law," "inadmissible" at "no better alternative."

Kung susundin natin ang inyong argumento, kung suportahan ng kongreso ang pag-declare ng martial law ni GMA, dapat umoo na lang tayo. Representative democracy, di ba? Kung magdesisyon silang taasan pa ang kanilang pork barrel allocations tapos bawasan ang budget sa edukasyon at health, dapat umoo na lang tayo. Representative democracy, di ba? Kung sa pag-amend ng constitution, i-extend nila ang term limits, payagan ang foreign ownership sa ating mga lupa, at tanggalin ang pagbabawal sa reelection, dapat umoo na lang tayo. Representative democracy, di ba?

Teka, di ba naglabas na ng stand ang Ateneo system patungkol dito sa Gloriagate issue? E bakit naglalabas pa kayo ng sarili niyong stand at hindi na lang hayaan na ang mga representative niyo ang magsalita para sa inyo? Representative democracy, di ba?

Please forward to the people "concerned."

Preemptive calibrated response

Noong nakaraang linggo, ipinahayag ni Executive Secretary Ermita na babawiin na ang "maximum tolerance" policy ng gobyerno pagdating sa mga kilos-protesta at sa halip ay ipapatupad na ang "preemptive calibrated response." Hindi gaanong malinaw kung ano ang ibig sabihin ng polisiya na ito, pero maaarin nating suriin ang mga salitang ginamit sa pag-describe sa "response" ng gobyerno:

Mula sa Dictionary.com

Preemptive - Relating to or constituting a military strike made so as to gain the advantage when an enemy strike is believed to be imminent

Calibrated - To make corrections in; adjust


Ang intensyon ng gobyerno ay sugpuin na agad ang gagawing pagkilos ng "kaaway" bago pa man ito makapagsimula. Paano? Sa "pagpapatahimik" sa mga dissenters sa gobyerno? Sa pagbabawal ng pag-issue ng mga rally permits? Sa pagbili ng mga maiingay na oppositionists sa pamamagitan ng mga compromise agreements?

Kungsabagay, mahilig talaga ang administrasyon na ito sa preemption. Preemptive economic recovery (natapos na ang fiscal crisis kahit wala pa ang economic reforms). Preemptive election victory (Hello...Garci?). Preemptive cover-ups (Hello...Gary?). Preemptive impeachment acquittal (by technical knockout).

Naka-predicate ang polisiyang ito ng gobyerno sa assumption na sila ang nasa panig ng tama. Kaya nga may calibration - may gagawing pagtama ng isang mali. Nakakatawa, dahil noong impeachment proceedings sa congress, madalas na sinasabi ng administrasyon na "nobody has a monopoly of the truth." Ngunit kailangan rin yata silang paalalahanan na "nobody has a monopoly of what is right and what is wrong."

Napakalaking irony na ang deklarasyon na ito ay ginawa sa anibersaryo ng paggunita ng deklarasyon ng martial law tatlumpu't tatlong taon na ang nakakaraan. Napakalaking hypocrisy rin na ang isang administrasyon na nakinabang sa isang malawakang street protest na nagpatigil rin sa traffic, nagpabagsak rin sa halaga ng piso at wala ring nakuhang permit to rally ay kikilos ngayon upang mapigilan ang ganitong pagkilos.

Nitong nakaraang linggo lang, sa America, ilang daang libong tao ang pumalibot sa White House upang idemanda ang pag-atras ng mga hukbong Amerikano sa bansang Iraq. Nandun sila't mapayapang nakakapagprotesta. Akala ko pa naman, dahil idol na idol ni GMA si Big Brother Bush, ganun rin ang kanyang magiging pagtrato sa mga nagpoprotestang kapwa niya Pilipino. Ngunit hindi pala. Ang international bully na si Bush, kahit papaano, ay may kaunting konsensya pa at nakikitang ang mga rallyista ay mga kapwa Amerikano rin na nage-exercise lamang ng kanilang mga karapatan. Si Madame Gloria naman ay nakakalimot na kapwa Pilipino rin niya ang sumisigaw sa kalye, at sa halip ay tinatrato ang mga rallyista na mga kaaway na kailangang sugpuin, busalan at turuan ng leksyon BAGO pa man makapagsalita.

Nakakainis, pinatay na nga nila ang option sa kongreso, papatayin pa nila ang option sa kalsada. Kung ganito nga ang magiging polisiya ng administrasyon, siguro ay panahon na para makahanap ng alternatibong paraan ng pag-protesta na wala sa kalsada. Sabi ni Manolo, bakit hindi natin subukan ang isang sit-in rally at magprotesta sa pamamagitan ng pananatili lang sa loob ng bahay? Alangan namang pilitin tayo ng gobyerno na lumabas ng ating mga bahay. Mahirap nga lang pigilan ang tukso ng paglalakwatsa sa mga mall (hehehe). Si Conrad de Quiros naman, nagsa-suggest ng di pagbayad ng buwis. Kungsabagay, kung tatandaan natin ang mga pahayag ng BIR, hindi na raw nila priority ang pagsampa ng kaso ng tax evasion dahil hindi naman daw sila ine-evaluate sa dami ng kasong naisampa nila kundi sa dami ng buwis na nakolekta nila.

Ako, patuloy pa rin siguro ang pagsusulat ko rito sa aking tambayan. Napakalaki ng potential ng internet sa pagiging forum for dissent and for free exchange of ideas. May jurisdiction ba ang administrasyon ni GMA sa cyberspace? Kung sabihin ko ba ritong "Tinginingining, Gloria, bumaba ka riyan, isa kang salot!" puwede ba nila akong i-regulate? Hindi naman ako nakakalikha ng traffic, nakakagambala sa trabaho ng ibang tao, nakakapagpadumi ng paligid, at nakakapagpaalis ng mga foreign investors. Kung ganun, e di hindi dapat sakop ang tambayan na ito ng preemptive calibrated response policy ng gobyerno.

September 24, 2005

Ang mga pa-cute

Paeng and Ria Pa-cute


Kainis. Mukhang malaki nga ang tiyan ko.

September 23, 2005

Yet another double standard

Sabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, dapat daw i-release ng Senado si National Security Adviser Norberto Gonzales sa pagkaka-detain for contempt bilang konsiderasyon daw sa posisyong pinanghahawakan ni Gonzales sa gobyerno.

Bakit ganun? Porke may posisyon si Gonzales, dapat may special treatment na? Kapag ordinaryong mamamayan lang, ok lang na i-detain nang kahit gaano katagal? Ano ito, justice for those in power, and just-tiis for those who are not?

September 22, 2005

Curtain call

Eksaktong isang linggo nang nakakaraan ay ginanap sa University of Makati ang elimination round ng Inter-Collegiate Finance Competition. Dalawang sunod na taon nang lumalaban sa finals ang FEU kaya medyo mataas ang expectations. Pinaghandaan namin ito nang maaga, at ilang buwan rin ang preparation.

At least fourteen groups ang didiretso sa finals na gaganapin next week. Nang matapos ang elimination round, pangwalo kami sa overall standing. Pero di pa rin kami nakalusot sa finals, dahil kami ay number three lamang sa aming cluster, at ayon sa rules, top two per cluster lang ang didiretso (seven clusters x two finalists each kaya fourteen finalists). Wala naman kaming magagawa, yun ang rules ng contest.

Di ko matiis ang lungkot na nakita ko sa mukha ng aming mga contestants. Totoo na sila naman ang lumaban at sumagot, hindi ako, pero alam ko kasi na ako ang may kasalanan kung bakit di kami nakaabot sa finals. Una, hindi ko napansin sa guidelines na may current events pala sa coverage ng questions. Ikalawa, hindi ko naituro sa kanila yung foreign exchange transactions, e naalala ko na dun rin pala kami nagkaroon ng pagkukulang nung nakaraang taon. It was something I could have addressed, and I guess all I can just say right now is that I am really really sorry for the oversight.

Isang linggo na akong nagre-reflect tungkol dito sa pagko-coach na ito, na magtatatlong taon ko nang ginagawa para sa FEU. I was part of FEU-IABF's "rebuilding team," the ones who started to take the prestigious national competitions seriously, and I guess we were successful in putting FEU back into the public eye, so to speak. However, while we always come close to the top, we can not seem to get over the hump in the competitions that I personally handle, i.e. ICFC and ACPACI. Mukhang mayroon pang kulang.

I guess I am the coach FEU needed to find and prepare the road they need to tread on, but not the coach they would need to finally lead them to the "promised land." Parang kuwentong Detroit Pistons yan e. It was coach Rick Carlisle who assembled and resurrected the team that would make the Pistons serious contenders in the NBA, but they needed another coach - Larry Brown - to make them champions. I could never lead FEU to the "promised land" because I lack one essential requirement - I have never been to the "promised land." What FEU needs is someone who has been there. So it's the right time, I guess, for me to step down and to finally find the coach that can lead them there.

To Irene, Tere, Ramon, Rizal and Ryan - it was a pleasure working with you. I could never have asked for more commitment, and you have given the so-called "better schools" one hell of a fight. Pasensya na nagkamali ng instruction si coach. I hope that even though we were not able to get "up there," you have learned the discipline, teamwork and confidence that would lead you to success in the future. Thank you.

As for me...it's time to move on.

September 20, 2005

Ganito kami noon, paano na kaya ngayon?

"Bakit ganun? Si Erap na halal na presidente, nanguha lang ng pera mula sa jueteng, pinatalsik na natin. Si GMA, ginastos ang pera ng bayan, nandaya sa eleksyon, tapos pinagkanulo pa ang Pilipinas, hindi pa napapatalsik?"

Ito ang isa sa mga topic sa usapan namin kanina sa faculty room. Ang hirap kasing isipin na ilang buwan pagkatapos pumutok ng Hello Garci controversy, nandiyan pa rin sa puwesto si Gloria. Kung nakaya nating mapatalsik ang isang presidente na may popular support mula sa masang Pilipino, bakit ang pangulo na may pinakamababang trust rating sa kasaysayan, hindi natin mapababa sa puwesto? Sa totoo lang, ang blatant ng double standard na makikita sa pagkakaiba ng treatment sa ating nakaraang dalawang pangulo.

Noon, kinilalang credible witness ang manggagamit at sugarol na si Chavit Singson dahil malapit raw siya sa akusadong si Erap. Ngayon, kino-consider na tainted witness si Angelo Zuce dahil sa pagiging manggagamit niya, at si Dinky Soliman naman dahil malapit raw siya sa akusadong si Gloria.

Noon, ang mga survey na nagsabing si GMA ay nanalo sa eleksyon ay pinangalandakang credible. Ngayon, ang mga survey na nagsabing karamihan na ng masang Pilipino ang gustong mapatalsik si GMA ay tinatawag na biased.

Noon, tinanggap nang buong buo ang tsekeng may pirmang Jose Velarde kahit hindi autheticated. Ngayon, kahit in-authenticate na ng ilang eksperto ang audio CD na may katagang "Hello, Garci" ay hindi pa rin tinanggap nang buong buo dahil mayroon daw splicing (na wala naman sa conversation kundi nasa annotation lang).

Noon, ang mga kilos protesta ay tinatawag na sigaw ng bayan. Ngayon, ang mga kilos protesta ay tinatawag na destabilization plot.

Noon, pag may school na pumapayag na umattend ang kanilang mga estudyante sa rally, pinupuri sa kanilang pagpapanitili diumano ng lumiliyab na apoy ng idealismo at aktibismo. Ngayon, ang mga estudyante na pumupunta sa rally ay iminumungkahi ng Dep Ed na i-suspend ng mga eskuwelahan dahil hindi raw dapat mag-tolerate ng ganitong klaseng undisciplined behavior.

Noon, ang pagsama ng mga pari at madre sa mga rally ay tinatawag na moral and spiritual guidance. Ngayon, ang pagsama ng mga pari at madre sa mga rally ay tinatawag na violation of the separation of church and state.

Noon, ang panghihikayat sa ilang military members na sumama sa pagkilos laban kay Erap ay pagbuo ng strategic alliance. Ngayon, ang panghihikayat sa ilang military members na sumama sa pagkilos laban kay GMA ay politicizing of the military.

Noon, pinayagan ang pag-subvert ni Manny Villar ng normal procedure sa pagtransmit ng impeachment complaint sa Senado dahil kailangan sundin ang "spirit of the law." Ngayon, pinayagang patayin ang impeachment complaint dahil sa technicalities sa ngalan ng "rule of law."

Noon, ang pag-walk out sa Senate hearing ng private prosecutors ay tinatawag na delegitimizing of a flawed process. Ngayon, ang pag-walk out ng opposition sa justice committee hearing ay tinatawag na sobrang drama at overacting.

Noon, ang pagboto ng majority ng senado laban sa pagbukas ng second envelope ay tinawag na tyranny of the majority. Ngayon, ang pagboto ng majority ng congress sa pagbasura sa impeachment complaint ay tinatawag na triumph of democracy.

Noon, nagrally laban sa pagkanulo sa Pilipinas ni Erap dahil sa pagpirma niya sa Visiting Forces Agreement. Ngayon, ok lang palusutin ang pagkanulo ni Gloria sa Pilipinas kasi kinansela na naman niya ang contract sa Venable ngayong sila ay nabuking at nahuli na.

Noon, ang pagbagsak sa ekonomiya ay sinisi sa patuloy na pananatili ni Erap sa puwesto. Ngayon, ang pagbagsak ng ekonomiya ay sinisisi sa patuloy na pagdemanda sa pagbaba ni Gloria Arroyo.

Noon, may presidente tayo (na binoto ng overwhelming plurality) na pinarusahan natin dahil sa siya ay inakusahang nagkamali at nagkasala sa bayan. Ngayon, may presidente tayo (na kaduda-duda ang panalo) na hindi natin pinarusahan dahil sa nag-sorry na siya sa kanyang lapse of judgment.

Noon, ang tawag ay People Power. Ngayon, ang tawag ay Power Grab.

Double standard.

Hypocrisy at its finest.

At ngayon ay malalaman na ng buong mundo...

+63918-6521660

September 19, 2005

Long distance

Kanina ay muling bumalik ang aking lalabs na si Ria sa Japan. Sa mga nakapansin na hindi ako nakakapagpost rito sa aking tambayan, nilubos-lubos ko lang ang huling linggo bago siya umalis kaya di muna ako dumaan dito. Matagal na kasi bago siya bumalik, sa 2007 pa. Tatapusin pa niya ang kanyang master's degree.

May mga nagtatanong sa akin, bakit ko raw pinapayagan ang isang long-distance relationship? Pangatlong punta na ni Ria sa Japan, at laging extended period of time yun na hindi bababa sa isang taon. Buti raw kinakaya namin.

Ang masasabi ko lang ay ang quote for the day ng aking mahal na mga estudyante noong pangalawang alis ni lalabs:

"WHAT LOVE UNITES, EVEN DISTANCE CANNOT DIVIDE"

At tulad ng sinabi ko rin noon, AMEN to that.

September 14, 2005

Dumadaan lang muna

Mukhang inaalikabok na ang aking tambayan. Ang dami ko kasing ginagawa kaya napapabayaan ko na tuloy. Sa isang linggo, babalik ako. Kailangan lang munang tapusin ang mga dapat tapusin at unahin ang mga dapat unahin.

Sabi nga sa internet lingo, BRB!!!

September 9, 2005

Sige magkampihan kayo

Sa dami ng tsismis na nagkaroon ng secret deal sa pagitan ni GMA at ng Marcoses at pati na rin daw ang kampo ni Erap, ang masasabi ko lang ay sige, ituloy niyo lang ang kampihan na iyan. Lalakas man sila dahil sa alliance nila, at least mas nagiging malinaw kung nasaan ang "dark side". Hehehe...

Psychic Income Reposted

Following is a repost of Sir Paolo Manalo's entry about Chancellor Sergio Cao's speech during his (Cao's) investiture rites. Reminds me of some of the reasons why I can never leave teaching:

In Chancellor Sergio Cao's speech during his investiture rites this afternoon he mentioned a wealth that the UP faculty members enjoy that isn't money. It can't be money. The pay is so low (and public school teachers are taxed so high, it's robbery!) that in the past few years many faculty members have left UP in search of better opportunities in private universities and corporations and in universities and companies outside the country. For those of us who remain, we have psychic income.

This is the intellectual wealth and energy that we have that we pass on to our students that can't be paid for by real money. It exists on the level of the ideal: faculty members are supposed to improve themselves intellectually through academic excellence in their respective graduate and postgraduate programs, contributing to the growing body of knowledge in their fields through research and creative output, and most importantly imparting this knowledge to the classes they handle each semester. Sometimes, like Cao, they need to help out by taking on administrative positions for the improvement and management of the university.

Cao said that that this wealth is in the types of students that the faculty helps to graduate through proper guidance, inspiration and education. There are exceptional teachers who can do all three: they are proper guides, inspiring and experts in the courses that they teach. They are what we junior faculty aspire to be. Psychic income is what we hope to earn more of each semester. One of the ways we know we have it is when our students acknowledge it, sometimes immediately--inside the classroom when they give you that look that means they understand. Most of the time it comes later, when the student comes to visit you the following semester to say that finally, the ideas you've shared are more meaningful when applied to the course that they are currently enrolled in. Or much later, when they have graduated from the university and the lessons you've shared have their practical application in the "real world" that you will never be part of.

We teachers can also acknowledge this psychic income when we can be proud of our former students and their achievements, not because we had a direct hand in their successes, but that indirectly, we were part of an academic system that supported or challenged their development in their chosen careers, or their development as Filipino people.

Psychic income is knowledge we can share freely with our students, even if the conditions to gain that knowledge amounts to great sacrifice--mostly financial--on our part as teachers and that it is greatly appreciated by them. It is also knowledge that our students share with us--through their reactions and argumentation that our academic system encourages--and this knowledge sincerely changes us and contributes to our development as teachers.

September 7, 2005

Tuloy

Patay na ang impeachment complaint. Nakakalungkot panoorin ang "perversion of the law" na ating nasaksihan, pero hindi na rin nakakagulat ang naging resulta ng botohan.

Sabi, it's time to move on. At tama, kailangan na nating mag-move on...sa susunod na venue kung saan maipagpapatuloy natin ang paghahanap ng katotohanan, mabibigyan natin ng boses ang ating mga karaingan, at mabibigyan natin ng hustisya ang pangyuyurak na ginawa sa ating karapatang pumili ng halal na leader ng bansa.

Sa Supreme Court, sa kalsada, sa blogosphere...tuloy ang laban.

September 6, 2005

Umaga na

Hindi pa rin tapos ang botohan.

Ano na kayang mangyayari mamaya? Parang ayaw ko tuloy pumasok. Parang gusto ko ito na ang idiscuss sa classroom.

Anonymous

Mga kapatid. While I appreciate the comments, sana paki-identify lang ang inyong sarili para mas nakakaganang mag-reply. Salamat. :)

September 5, 2005

A dose of their own medicine

Hahaha!!! Ngayong gumagamit ng pro-impeachment congressmen ng technicality, nago-object naman ang administration.

Puyatan na ito!!!

Statement of Unity
Bukluran Para sa Katotohanan

We come from all walks of life, from different political, cultural, and economic persuasions, different points of view. But in diversity, we find a cause for unity. That cause for unity is our common objective to secure the truth.

We all seek the truth. We want the truth to come out. And yet every means for seeking the truth has been frustrated; every avenue for arriving at the truth has been blocked; and every opportunity to find the truth is being closed.

Gloria Macapagal-Arroyo’s response to our call for the truth has been to suppress evidence, hide her accomplices, engage in a grand cover-up, sow fear, foment distrust and use every instrument at her disposal to encourage division among our people.

We will not be divided in these critical times.

We say with one voice, Gloria Macapagal-Arroyo must go. For the good of the country, she must go. For the sake of our nation’s future, she must go. For the preservation of hope as a motive force in our national life, she must go.

We are united by the belief that this crisis must be resolved in a manner that is peaceful and democratic. Without the truth, there cannot be peace; without the truth, there is no genuine democracy. The truth must set our nation free.

Unite for the truth. Demand the truth. Defend the truth.

Kami ay ang Bukluran Para sa Katotohanan.


AKBAYAN Citizen’s Action Party
Ateneo Concerned Faculty and Youth
Bangon, Pilipinas
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Be Not Afraid
Black & White Movement
Citizens for TRUTH (Transparency, Responsibility, Unity, Trust, Hope)
Citizens for Truth, Resignation, Impeachment, or Ouster (C4T)
Coalition for National Solidarity
Counsels for the Defense of Civil Liberties (CODAL)
De La Salle
FPJP Movement
Freedom from Debt Coalition (FDC)
Interfaith Movement for Truth, Justice and Genuine Change (IFM)
Kilusan ng Makabansang Ekonomiya (KME)
Laban ng Masa
Moro National Liberation Front (MNLF)
Peoples Assembly for Genuine Alternatives to Social Apathy (PAG-ASA)
Pwersa ng Masang Pilipino (PMP)
Reporma
Union of Muslims for Morality and Truth (UMMAT)
United Opposition (UNO)
Unity for Truth and Justice
UP AWARE
UP Diliman Student Council (UPD USC)
White Ribbon Movement
Women March
Youth DARE

September 4, 2005

Katrina

Sa ilang araw kong pagmomonitor ng balita, hindi ko sukat maisip na mga scenes mula sa America ang nakikita ko sa patuloy na coverage ng aftermath ng Hurricane Katrina. I guess when it comes to Mother Nature's fury, walang first-world o third-world country. Ironic rin na pag may disaster sa ibang mga bansa, nangunguna ang U.S. sa mabilisang relief operations, pero sa kaso ngayong may disaster sa loob ng kanilang mga borders, parang ang daming sisihan, ang daming turuan at ang tagal ng pagdating ng tulong sa mga biktima.

Where's the outrage?

Habang nire-review ko ang mga mabibilis na pangyayari ng nakaraang linggo, hindi ko maiwasang itanong, "Where's the outrage?" Dahil sa garapalan ang ginawang pagkitil sa buhay ng amended impeachment complaint sa (in)justice committee, hindi lang minsan na umasa ako na magkakaroon ng malaking public display ng galit sa railroading na ginanap. Pero maliban sa mangilan-ngilang rally na pinangunahan ng mga militanteng grupo, hindi ito nag-materialize.

Pagod na kaya ang mga tao? Talaga kayang marami nang apathetic sa ating lipunan? O baka naman mangilan-ngilan lang talaga ang naniniwala na malaking pagkakamali ang nangyari sa (in)justice committee? May short memory ba talaga ang mga Pinoy? Senyales ba ito na talagang mahina ang oposisyon na kahit sa isang "black and white" na issue ay hindi nila kayang kumuha ng suporta?

Habang naglalaro ang mga tanong na ito sa aking isipan, naitanong ko sa aking sarili, ako ba mismo ay mayroon nang ginawa tungkol sa issue na ito? Naging aktibo man ako rito sa aking tambayan, aaminin ko na hindi talaga ako naging active sa labas nito. Hindi ko man lang ma-discuss ang Gloriagate sa aking mga klase at maging sa aking mga kaibigan dahil sa aking impression na parang hindi naman sila interesado. Ngunit kung sinimulan kong buksan ang issue na ito sa kanila, siguro ang ilan sa kanila ay naging interesado na at naging involved sa discussion ng nasabing issue.

Kaya siguro bago ko pa man itanong ang "Where's the outrage?" dapat siguro ay itanong ko, where is my outrage? Panahon na siguro para maging mas aktibo ako sa pag-express nito nang wala sa likod ng aking computer.

September 1, 2005

Unang pagbati

Gusto ko sanang mag-comment tungkol sa nangyari kahapon sa impeachment proceedings, pero ang dami nang nagbigay ng opinion dito at mukhang wala na akong maishe-share na bago. Kaya ishe-share ko na lang ang isang paalala sa ating lahat.

BER na.

Merry Christmas.