September 24, 2009

Creative solutions to society's problems?

To improve our employment statistics, pinalitan ang definition ng unemployed nung 2005 para maalis sa unemployed ang mga hindi active na naghahanap ng trabaho. To improve our poverty statistics, ipinako ang poverty threshold nung 2008 sa P10,000 monthly income for a family of five.

To improve our completion rates sa mga schools,ibababa sa 67% ang passing mula 75%. Ngayon naman, to improve our classroom shortage statistics, babawasan ang oras sa mga subjects sa klase.

Baka gusto na rin nilang bawasan from 3 complete meals to 2 complete meals a day ang standard para mabawasan ang nagugutom sa Pilipinas.

September 21, 2009

Haaaayyy...magtuturo na ako ng Economics

Ngayong Sabado, sisimulan ko nang ituro ang kinatatakutan kong parte ng aking syllabus. Magtuturo na ako ng Economics!

Hindi naman sa wala akong masasabing matino tungkol sa subject na ito. Ang hirap lang kasing magturo ng mainstream theory (na ngayon ay neoliberal) na medyo nadiscredit dahil sa global crisis. At ang masaklap pa diyan, review subject na pamboard exam ang tinuturo ko kaya hindi ito panahon para magbigay ng sariling mga kuro-kuro at opinyon at sa halip ay dapat ituro ang "tamang" sagot na hinihingi ng mga examiners.

Ang hirap talagang magturo kapag di ka naniniwala sa itinuturo mo.

August 24, 2009

Salamat, Mang Gary

Masaya ako at naglabas ng bagong album ang aking paboritong manunulat ng awit na si Gary Granada - ang Basurero ng Luneta. Pero malungkot din ako dahil ayon sa kanya, ito na rin ang kanyang HULING album.

Sa totoo lang, mas nangingibabaw sa akin ngayon ang lungkot. Ang laki ng impluwensiya ni Mang Gary sa pagbuo ng aking pananaw sa buhay. Ang kanyang Hierarchic Selection Theory ang isa sa aking mga guiding principles. Napakaraming aral na mapupulot sa kanyang mga awit. At paboritong paborito ko ang kanyang masterpiece na Lean: A Filipino Musical na para sa akin ay ang pinakamagandang hidden treasure ng OPM. Sayang lang, konti ang nakakapakinig.

Salamat, Mang Gary. Dahil sa iyo, naging "cool" ang maging aktibista. Ikaw ang TUNAY na National Artist.

July 5, 2009

Oo nga naman

Ako ay nagtuturo sa isang "English-speaking university" kuno. Required ang lahat ng teacher na magturo in English at required rin kami na i-require sa mga estudyante na magsalita in English. Hindi lang sa classroom iyan ha. Kahit daw sa labas ng classroom, basta nasa loob ng school premises dapat English ang gamit.

Minsan tuloy gusto kong tanungin yung presidente namin na "Mam, marunong ba kayong magsalita nang diretsong Tagalog?" Hinala ko di niya kaya.

Heniweyz, dahil sa policy na ito, kapag may mga Accounting graduate kami na medyo hirap magsalita ng English, pinapagalitan kaming mga taga-department. Kesyo hindi raw namin sinusunod ang policy, ek ek. Sabi tuloy ng isang batang prof na dati kong estudyante, bakit ba kami ang pinapagalitan? Bakit di niya pagalitang ang mga prof ng English department na puring puri niya?

Oo nga naman. Kung bumabagsak ang mga estudyante sa CPA board exam, saka kami pagalitan.

June 22, 2009

Tamang pagsasala o elitismo?

Nung accounting research class ko, isang grupo ang gumawa ng comparative analysis ng mga passing percentages ng iba't ibang licensure exams sa Pilipinas. Lumalabas sa kanilang pag-aaral ng multi-year figures na ang CPA board exam ang consistent na may pinakamababang passing percentage. Talo pa ang medical exam at ang bar exam. Sa CPA board, mataas na ang 30% national passing percentage.

Mahina ba ang accounting education sa Pilipinas kaya halos tatlo lang sa kada sampung kumukuha ng exam ang pumapasa? Naalala ko na ni-raise ng isang representative ng CHED ang puntong ito sa isang workshop ng Association of CPAs in Education na aking dinaluhan ilang taon ang nakakaraan. Sabi ng ilang mga accounting educators doon, hindi daw tamang conclusion iyon. Dapat nga daw matuwa pa ang CHED dahil talagang mahigpit ang exam ng propesyon namin kaya salang-sala ang mga nakakakuha ng lisensya. Para sa maraming CPAs sa workshop na iyon, isang source of pride pa ang kababaan ng passing percentage sa board exam.

Sa tingin ko, ang CPA licensure exam sa Pilipinas ay overkill. Ilang taon na rin akong nagtuturo at nakita ko naman na maayos ang pagtuturo sa maraming university sa U-Belt. Maraming estudyante ang kapag sinabak mo sa OJT, natutuwa ang mga employers kasi marunong at madaling makuha kung ano ang gagawin sa corporate accounting work at kahit sa audit. Nagtataka nga lang ako na itong mga estudyanteng ito, na pasado sa standards ng mga potential employers, ay di pasado sa standards ng BOA. E di ba ang standards ng BOA ay galing naman sa analysis ng needs ng industriyang pagtatrabahuhan ng mga CPA?

May isang unibersidad sa U-Belt na tinitingala ngayon sa taas ng passing percentage pero ano ba ang susi sa kanilang "achievement"? Intensive marketing strategies to get the best high school students to enroll. Battery at qualifying exam. And getting CPA exam reviewers to teach para makakapagbigay na ng tip kung paano magsagot ng multiple choice questions. My apologies to schools who get high passing percentages, pero ang tunay na nagiging labanan ngayon sa pataasan ng performance sa board exam ay hindi naman talaga sa pagalingan ng pagtuturo. Ang labanan ngayon ay sa pagalingan ng pagrerecruit at paglalagas ng estudyante. Para tumaas ang passing percentage ng eskuqwelahan, kailangang mapapagraduate lamang ng university yung mga taong sobrang taas lang ng IQ na kayang ipasa ang isang exam na hindi naman talaga nasusukat kung handa ang isang tao na maging CPA.

For the past couple of years, I have been handling a unit kung saan ako lang ang CPA. Lahat ng staff ko hindi CPA. Pero hindi ko ipagpapalit ang mga staff kong ito na magaling at maabilidad (we don't have any disallowed expense so far, kahit piso, sa aming multi-million peso project) para lang sa isang CPA kuno na alam sagutin sa exam kung ano ang diluted earnings per share pero kapag nagfi-field work na ay nakatunganga lang dahil di alam kung ano ang kanyang gagawin.

The CPA board exam is an exam that is undemocratic and elitist. Marami namang tao na kayang gawin ang ginagawa ng mga public accountant pero hindi makakuha ng lisensya dahil lang sa letseng exam na naglalaman ng maraming tanong na di naman nagagamit sa actual practice at kung saan inaakala na ang abilidad na magsagot ng one-item question na half-page ang haba ay sign ng katalinuhan. Kung gusto nilang malaman kung relevant ba ang mga tanong sa board exam, ipasagot nila ang exam sa isang CPA na nasa actual practice na. Sinubukan ko dati iyan at ang resulta ay parang gusto kong ipabawi ang lisensya ng mga nagsisagot.

Ang BOA kaya, kayang sagutan ang CPA board exam?

Dapat i-review ang CPA board exam preparation process. It is closing doors of opportunities for people who CAN DO the work required just because of a misguided principle that making the profession an exclusive club is a good thing. Is the board exam really measuring whether an individual can do the work of a public accountant? Or is it just a tool to increase the "market value" of the profession?

Tanong tanong

Ano ang mas effective na paraan ng pagtuturo ng CPA Board Exam review: takutin mo sila na mahirap ang exam o kumbinsihin mo sila na madali lang at yakang yaka ang exam?

June 21, 2009

Trapped?

Not feeling good...

Naramdaman niyo na ba yung alam mo kung ano ang gusto mo talagang gawin pero parang nalilimit ang options mo ng napasukan mong propesyon?

Damn it. I should listen to advice that I myself give to my students...kailangang lang huwag matakot tumalon...

June 17, 2009

First day of school (na naman)

Sa Sabado pa talaga ang first day of school namin kaya lang nagpunta na ako sa FEU kanina. May kukunin kasi akong mga "epektos" (hehehe) na gagamitin ko sa torture ng mga estudyante ko. Mabuti at nakuha ko naman. Naaliw rin ako nang harangin ako sa gate para i-thermal scanner. Nung pumasa ako sa kanilang pagsusuri, tinatakan ako ng passed sa aking braso, para akong karne na ipinasa sa quality control.

Ewan ko ba't pitong taon na akong nagtuturo e kinakabahan pa rin ako sa unang araw ng pasok. Sabi ng iba, hindi daw normal yun. Pero sa tingin ko, mas nakakatakot nga kung mawawala na ang kaba sa isang teacher. Gusto kong maniwala na yung kaba ko ay dahil concerned pa rin ako kung magiging epektibo ako sa klasrum o hindi. At least nandun pa rin yung sinasabi nilang "puso" sa pagtuturo.

Isang review subject ang hawak ko ngayon. Parang napapalapit ang aking "culpability" sa pagpasa o pagbagsak ng aking mga estudyante sa board exam. Hahaha!!! Sabi, dapat daw turuan ko ang mga estudyante ko ng tamang exam preparation techniques. Paano kaya yun e nung nagreview ako para sa board exam ko, nanonood pa ako ng impeachment at nakirally pa sa EDSA?

June 16, 2009

Housing complex

"Di baleng magdildil sa asin, basta may sariling bahay..."

Importante ang usapin ng pagkakaroon ng sariling bahay at lupa dito sa ating bansa kung saan napakaraming walang matirhan habang may mga panginoong may-lupa na daang ektarya ang "pag-aari". Pero katarantaduhan itong itinuturong "words of wisdom" kuno ni Manny Villar. If anything, it seems like an endorsement for property developers' practice of charging exorbitant prices for the houses they sell - BUMILI NA KAYO SA AMIN, SA SOBRANG MAHAL MAGDIDILDIL TALAGA KAYO SA ASIN!!!

Alam mo kung ano ang magandang plataporma?

Di DAPAT magdildil sa asin PARA LANG magkasariling bahay.

Natural family planning

Napaisip lang ako. Sabi ng Roman Catholic Church, agree lang daw sila sa tinatawag na natural family planning methods. Pero gaano nga ba ka-natural ang methods na ito?

Natural ba na i-withdraw ng lalaki ang kanyang ari kapag siya ay lalabasan na?

Natural ba sa babae na piliing laging makipagtalik sa mga araw lamang na hindi siya fertile? E di ba wala siyang gana sa mga panahon na iyon?

June 11, 2009

Mukhang may atat...

...naglaglag agad ng alas.

Masyado ka namang excited, Mr. Antonino. Sinisira mo ang script ng PaLaKa.

June 10, 2009

Pilipinas kong Mahal?

Nung nakaraang eleksyon, naging talk of the town ang Pampanga dahil sa kanilang "People Power." Against all odds, nailuklok nila si Among Ed Panlilio sa pagkagubernador. Kahit na kalaban nila ang mga makapangyarihan na Pineda at Lapid.

Sa susunod na eleksyon, makakaya kaya uli ng Pampanga na gumawa ng himala? Sino kaya ang maglalakas loob na tumakbo bilang Congressman upang pigilan ang pagpasok ni GMA sa House of Representatives?

Pumasok ang ideyang ito sa aking isipan nang masilip ko sa bintana sa opisina ang itinatayong istruktura sa Quirino Grandstand. Preparation yata sa Independence Day celebrations. Ang backdrop sa entablado ay isang malaking tarpaulin ng isang Philippine Flag na may nakasulat na Pilipinas kong Mahal. Ang tagal ko nang iniisip kung sino ang pasimuno ng mga poster na ito na dati nang nagkalat at tama ang hinala ko na ito ay pinaprint ng gobyerno.

Pilipinas Kong Mahal

Ano ba ang significance ng Pilipinas kong Mahal na poster? Basahin niyo.

Pilipinas kong Mahal.

Di mo pa rin makita?

Pilipinas kong Mahal.

Ulitin ko ha.

Pilipinas kong Mahal.

Di ako sumama muna sa rally kanina. Sa tingin ko, this is another case of the plotters in the administration making us look the other way.

Sa tingin ko pinasa lang ang HR 1109 para mag-rule ang Supreme Court in their favor and state that the House of Representatives can go at ConAss alone without the Senate. Kaya nga kinabahan na ako nung nagfile ng case sa SC si Oliver Lozano.

Sa tingin ko, malamang hindi gagawin ang No-El. Next year pa talaga iyan, kapag nanalo nang Congressman si GMA. Di naman kasi pwedeng maging Prime Minister ngayon si GMA kasi hindi pa siya nakaupo sa House of Representatives.

Kaya ang tunay na laban, sa aking palagay, ay tatlo. Una, dapat bantayan ang Supreme Court at ang magiging ruling nito sa HR 1109. Bantayan kung may mga secret meeting na nangyayari.

Ikalawa, maliban sa pagfocus sa national positions, dapat gumawa rin ng effort upang mabawasan ang PaLaKa sa House of Representatives. Ibig sabihin, magpatakbo ng mga kandidato sa pagka-Congressman na credible at kayang mainspire ang mga apathetic na. Bawasan ang mga oposisyon na Trapo rin naman. (Incidetally, imbes na magpatakbo ng kandidatong presidente na hindi kilala at walang track record, dapat magfocus ang partidong tulad ng Kapatiran sa pagpapalakas sa local positions. Local positions ang final stronghold ng PaLaKa.)

Ikatlo, kailangan ay magkaroon ng bagong Among Ed na ngayon naman ay tatalo sa mga Arroyo sa Pampanga. Malaking hamon, but it is time again to ask for our brothers and sisters in Pampanga to step up. (Pasensya na, kayo na uli ang inaasahan namin.) Sino kaya ang maglalakas loob na hahamon?

June 6, 2009

Published in PDI!

Computer illiterate solons unmasked
by Erwin Rafael

The inclusion of blogs and social networking sites such as Facebook in the coverage of the proposed Right of Reply (RoR) bill (“Right of reply bill to cover bloggers, texters,” Inquirer, 5/31/09) betrays our lawmakers’ lack of technological savvy. If these “honorable” congressmen are Internet-literate at all, they would know that these websites have interactive features which already provide them a venue to post their replies in real time.

In the case of some websites which moderate or do not allow viewer comments, an “aggrieved” party can easily set up his own free blog or sign up for a social networking account so that he can post his rebuttals for the whole worldwide web to see. In the interactive world of “New Media,” demanding the right of reply is a redundancy.

Then again, we have lawmakers who are so technologically inept that they do not even know what a USB is (clue: it is not a software) and wonder how somebody who is not a computer technician can transfer videos from a camera to a computer (clue: ask your teenage children how to do it). I doubt if they can create their own Blogger or Facebook account. Heck, I don’t think they even know how to open their e-mail. I have been e-mailing a lot of lawmakers for the longest time on several issues and not once have I received a reply or even a confirmed read receipt from them.

I was also amused when I read the reply of the primary sponsor of the bill to Rep. Raymond Palatino. The reply—“Primarily, this bill refers to media publications and practitioners. I would think it will be defined more on the IRR”—sounds so unsure. Maybe lawmakers should start writing laws by themselves instead of letting their lowly paid staff do the work for them so that they can be sure about the contents of the bills they sponsor.

For anybody who feels aggrieved by this opinion, you are most welcome to exercise your right of reply on my blog: http://akosipaeng.blogspot.com.

—ERWIN RAFAEL,
akosipaeng@gmail.com
----------

OK, nakaka-once a month na ako. Career na ito. Hahaha

June 5, 2009

Wala nang Facebook

Dumaan ang MIS staff namin dito at naglagay ng Firewall. Wala nang Facebook. Mukhang magiging active na naman ako sa aking tambayan.

June 4, 2009

Basang watawat

Napansin ko lang. Overlooking kami sa Luneta at nakataas ang Philippine flag kahit ang lakas ng ulan. Di ba dapat binababa ito para di mabasa? O mali ang ginagawa namin nung boy scouts pa kami?

June 3, 2009

Familiar faces

Oliver Lozano just filed a suit in the Supreme Court to question HR 1109.

Something's up.

Remember Lozano filing impeachment complaints against Gloria to kill the genuine impeachment complaints?

Sabi nga nila...fvck!

HR 1109

Medyo mahirap i-explain ang ConAss resolution ngayon na pinasa ng Congress. Bakit? Kasi BLANKET RESOLUTION siya, meaning walang inspecify dun sa resolution na ipinasa kung ano ang ipinapanukalang papalitan sa Constitution. At dahil dito, simple majority lang ang kinailangan para maipasa ang House Resolution 1109.

Ano lang ang laman ng HR 1109? Ang laman ng HR 1109 ay ang pagconvene ng Congress as a Constituent Assembly with the House of Representatives (the Lower House) and the Senate (the Upper House) voting jointly, instead of separately. Ibig sabihin, ayon sa panukalang ito, hindi hiwalay ang boto ng Senado pag may-iaapprove na amendment at ihahalo ang bilang nila sa boto ng House of Representatives na kung tama pagkaalala ko ay mga 300 plus ang members. Ibig sabihin nito, kahit bumoto ang buong Senado ng laban sa isang proposed amendment, walang epekto yun kung karamihan ng nasa House of Representatives ay kayang magproduce ng enough votes.

Ano ba ang Constituent Assembly? Sa Con Ass, ang magpopropose at magdedeliberasyon ng amendments ay ang mga members ng Congress mismo. Hindi isang separate body na iboboto ng mga tao (yun ang Constitutional Convention).

Ano ang implication nito? Ang implication nito, dahil ang Congress ay magiging ConAss, maraming mga nakapending na bills ang maiisantabi dahil kakainin ng oras sa ConAss ang oras na dapat ay gugugulin ng mga nasa Congress sa kanilang normal na trabaho. May mga nagsasabi rin na may inherent conflict of interest sa ConAss na form lalo na pagdating sa term limits kasi yung mag members ng Congress ang mismong makikinabang kung sakaling ia-amend ito.

Para sa akin, ang pinakanakakatakot na aspeto pa rin ng HR 1109 ay ang kawalan ng specifics kung ano ang ia-amend. Kung isa kang matinong tao, boboto ka ba sa isang proposal na amiyendahan ang Constitution na hindi man lang nakasaad kung ano ang aamiyendahan at kung bakit kailangang amiyendahan?

Bakit kapag ConAss kayang maging present ng maraming members ng Congress na madalas absetn?

Bakit kapag ConAss pinaglalamayan hanggang halos maghatinggabi ang session? Magkano kaya ang nagastos sa kuryente para sa aircon, ilaw at speakers, at pati na rin sa maning kinakain ng mga Congressman na batong bato at nakahanda na lang bumoto kahit ano pa ang marinig nilang mga opinyon ng nago-oppose sa resolution?

June 2, 2009

Are they really representing us?

Dalawang araw na lang ang natitirang session ng Congress. Malakas ang demand para sa extension ng CARP pero ang inuna ng House of Representatives? Ang ChaCha.

House to OK Constituent Assembly

Sabi nga nila...WTF?!!!

May 30, 2009

All they will get from me is a big middle finger

Right of reply bill to cover bloggers

At hindi lang blogs. Apparently, pati rin mga social networking sites like Facebook and Friendster.

Punyetang mga lawmakers ito. Are they really representing US? Pati ba naman mga opinyon natin pakikialaman pa? E di magbuo rin sila ng sariling blog at Facebook account at dun sila sumagot!

Ay oo nga pala. Mga bobo nga pala marami dun, baka di marunong gumamit ng computer. Ni hindi nga alam kung ano ang USB na ginagamit sa pagtransfer ng sex video mula sa camera papuntang computer.

May 29, 2009

Looking forward to the weekend

Ngayon lang ako nakaranas ng linggo na sa sobrang bad trip e gusto ko nang uminom ng beer.

May 26, 2009

Rambling

Matagal-tagal na rin akong di nagpo-post. Ewan ko ba, kasabay ng pagpaplano sa direksyon ng NGO na pinapasukan ko, napaisip rin ako kung ano nga ba ang dapat gawin ng Pilipinas to get out of the rut it is currently in (wahhh, biglang lalim naman). Habang pinag-aaralan mo kasi ang mga problema, makikita mo ang pagkakakawing-kawing ng iba't ibang isyu.

Kapag inarok mo ang ugat ng kawalan ng trabaho, papasok na ang isyu ng kakulangan ng kwalipikasyon ng mga tao dahil sa kakulangan sa edukasyon. Defective ang education ng tao kasi defective ang mismong educational system. May problema sa educational system dahil sa corruption, sa tendency natin na mag-adopt ng foreign systems na hindi naman angkop sa atin, sa kakulangan ng budget dahil mali ang priorities ng gobyerno (debt servicing, basketball courts), sa pagsurrender ng basic education sa private sector kung kaya't naging market-driven profit-oriented, sa overcapacity ng educational system dahil sa population growth, etc.

As you can see, I am already rambling here. Hehehe. Dahil sa dami ng problema sa lipunan, ang hirap talagang isipin kung saan ba dapat magsimula. Kung may sisimulan ka naman, magkakaroon ba ito ng saysay kung wala namang magsisimula sa ibang aspetong nakakawing sa isyung sinubukan mong atakehin?

Questions, questions...

May 12, 2009

Ang Pambansang Hinlalaki

Kaninang umaga, habang nagbabasa ako ng diyaryo, nakuha ang aking atensyon ng isang maliit na news item.

'Pambansang Hinlalaki' role urged for Pacman

Siyempre, kamot ulo ako agad. Binasa ko pa rin naman yung balita at naintindihan kung bakit 'Pambansang Hinlalaki' ang gustong ibansag ni Mong Palatino kay Pacquiao. Pero...yun na ba talaga ang pinakamagandang naisip na titulo ni Mong? Yun na ang kanyang creative best?

Sabi tuloy ng aking kaklase noong high-school na si Atty. Dave Machica: "Pwede ba akong maging pambansang middle finger?"

May 9, 2009

Career

Sumulat na naman ako sa Philippine Daily Inquirer. At napublish naman:

Taxes on books and drugs betray our wrong priorities

I am really starting to enjoy this. Hahaha

May 7, 2009

Inflation-indexed cap on tuition fee increases

The past couple of weeks, nagkaroon uli ako ng contact sa dalawang estudyante ko dati na nagsipaghinto sa pag-aaral. Ang good news, pareho silang babalik na sa pag-aaral. Ang bad news, hindi na nila itutuloy ang kanilang pag-aaral sa FEU. Masyado na kasing mataas ang tuition.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit sa batas natin, ang nilagay na cap sa mga tuition fee increase ay 10%. Sobrang taas ng rate na ito na halos sigurado nang lalampas ito sa inflation. Which also almost guarantees that the cost of education would rise at a faster rate than your average goods and services in the market.

Marami ngayon ang pinupuna ang mga pre-need firms na nagbenta ng educational plans na hindi na makayang i-honor ang kanilang mga obligations. Kesyo hindi daw napangalagaan ang pera. Hindi daw nilagay sa tamang investment. Ngunit kung iisipin mo, ang talagang salarin dito ay ang mga private schools na nagsamantala sa 10% cap sa tuition fee increase. Kasi, halos wala ka namang mahahanap na investment na may return na kayang tapatan ang 10% annual growth ng tuition. Talagang mapipilitan kang ilagay ang pera sa high-return pero risky investments.

Sa tingin ko, dapat na i-scrap ang 10% cap sa tuition fee increase. I believe that tuition fee increases should be capped at the inflation rate. An educational institution, kahit na private for-profit, should not be a lucrative business. It should be profitable but only to the point of being sustainable. Hindi yung mas malakas pang kumita ang school kaysa mga regular businesses.

May 5, 2009

Taxation policies expose government's misplaced priorities

It is a great irony that on the day Cielito Habito showed that countries investing in education and health are more effective in reducing poverty (Worthwhile investments in PDI, May 4, 2009), Manolo Quezon came out with a column exposing the Bureau of Customs' unfortunate decision to levy customs duties on book importations just to meet their revenue targets ("The great book blockade of 2009 in PDI, May 4, 2009). This 'book tax' just shows the administration's low regard for education. This issue reminded me also of government's decision a couple of years ago not to exempt medicines from the Value Addex Tax, showing its lack of concern for its people's health.

A government does not only exercise its taxation power to raise revenues for its operations. Taxation policy also highlights state priorities. What then can we say about a government which hastily reduces tariffs on imports that destroy local industries, purportedly in support of the doctrines of free market economics and globalization, but does not hesitate to reinterpret a decades-old tax treaty to impose a tax on imported books that can enrich the minds of its people? Already hard-pressed to promote a reading culture among its citizens, the last thing this country needs is another deterrent to book accessibility.

What then can we say about a government which trumpets championing the Cheaper Medicines Law while at the same time collecting eleven centavos out of every peso spent by a terminally ill patient on his life-prolonging medicine? Is it right to collect taxes from the sick to fund congressional junkets to Las Vegas and the printing of tarpaulins used by politicians for electioneering? Mamamatay na lang, bubuwisan pa.

An efficient public health and education system is supposed to be society's great equalizer but this government only increased the advantage of the haves over the have-nots in our society with its taxation policies. Legal doctrine says that the government's power to tax is absolute. But we must also remember that the power of government also emanates from its people. It is time that we Filipinos demand for taxation policies that, as the Constitution says, would embody our ideals and aspirations and promote the common good. I encourage everyone to flood the mailboxes and electronic inboxes of the BIR, Bureau of Customs and the Department of Finance to strongly demand for the removal of these taxes on book importations and medicine purchases.

May 4, 2009

Kailangan ba talagang nasa batas kung paano kinakanta ang Lupang Hinirang?

Natapos na naman ang isang laban ni Pacquiao at siyempre, di mawawala sa usapan ang pagkanta ng Lupang Hinirang.

Regardless of my opinion about Mr. Nievera's rendition, hindi ba't panahon na upang i-amend yung law restricting the liberties an artist can take when interpreting our national anthem?

Noong miyembro pa ako ng Kontra Gapi, isa sa mga paborito kong piyesang tinutugtog ay yung ethnic arrangement ng Lupang Hinirang. Sa kulintang tinugtog ang melody supported with various rhythms from indigenous instruments from all over the Philippines. Marami na naiyak sa version namin na iyon, pero napakalimited lang ng pagkakataon na natutugtog namin yun dahil nga sa sobrang strictness ng law about playing / singing the national anthem.

Personally, I believe that our current law is a sign of national insecurity. If one is proud of and has respect for one's country, hindi na kakailanganin ng batas ng "tamang" pagkanta sa pambansang awit. We have heard Americans sing the Star Spangled Banner in so many versions and they do not have problems about it. It is because they are secure about their national identity and their national pride.

Fruitlessly waiting for a Messiah

Tutok na tutok na naman ang mga tao kay Pacquiao. Despite the disaster happening in the Bicol region. Despite the threat of the H1N1 virus. Despite the continuous show of corruption and injustice reigning in our society.

Are we a nation of people who's waiting to be saved instead of proactively saving ourselves from the mess we are in? Meron ba tayong (reverse) Messiah complex, waiting for redemption to come from somebody else instead of coming from within us?

April 19, 2009

Government compensation, outdated na rin

Just received a message that BIR examiners, who are all CPAs, get a salary of not more than P15,000 per month.

Alam ko public service ang pagtatrabaho sa gobyerno. But it must also dignify the employees. A licensed professional does not deserve a compensation that low kahit na starting pa lang.

April 16, 2009

The reality of aid?

Halos dalawang taon na ako sa isang foreign aid-funded project at napapansin ko lang na ang daming nasasayang na pera.

Iba pa rin talaga kapag medyo maliit na project na talagang "NGO" ang dating. Sobrang ingat sa paggamit ng pera. Pero kapag ganitong "consultancy" ang dating, napakataas ng sense of entitlement ng mga tao sa perang di naman para sa kanila.

April 14, 2009

Easter

Easter period ngayon. For a lot of Christians, it's a time of hope. That despite the loss of the corporeal body, those who died will still live. Kung paano, di ko alam. Sabi nga nila, walang makakaalam.

Ngayon ang unang Easter na may kulang sa aming pamilya.

I never really gave myself time to grieve my father's death. Whether it's out of pride, machismo or an "I need to be strong for others" complex, I don't know. Or maybe I do know but I just can't get myself to admit it. But despite the lack of grief, that doesn't mean that I do not feel sad. In fact, not a day passed by that I did not think of my father.

Sa totoo lang, I am not sold completely to the idea of life after death. But in this time of Easter, I can not help but look at this blog and find myself wishing na sana, magkaroon ng update.

Sana mag-update si Tata Ernie.

April 13, 2009

Current income tax structure not progressive in substance

Dahil papalapit na ang filing ng ITRs, napasulat ako ng isang income tax related letter sa Inquirer. Sana maprint at sana may sumuporta:

More than a decade ago, an individual with an annual income of just over half a million pesos may be considered rich. Nowadays, it would be ridiculous to consider a midlevel manager earning a gross income of P50,000 a month in league with tycoons like Henry Sy and Jaime Zobel de Ayala. But that is precisely what our current Tax Code implies, since the said manager is classified, along with the billionaires in society, in the topmost income bracket for income tax purposes.

The progressive income tax system which we adopted in this country works on the principle that those with greater means or ability has greater responsibility in bearing the costs of society. It is supposed to be a just system which tempers wealth and income inequality. However, a tax system which is progressive in form is not progressive in substance if it classifies an individual who can not earn enough income to buy his own house in the same league as a rich individual who lives in a gated high-walled exclusive village in Makati. Our current income tax system is so out-of-touch with reality that a professional or a call-center agent with only three to four years of experience already qualifies for the second highest income bracket and is asked to pay an income tax rate that is just 2% away from the maximum individual income tax rate (30% vs. 32%).

The current Tax Code was legislated way back in 1997 even before the Asian financial crisis. The decrease in purchasing power of the Philippine peso and the increase in cost of living since the law was passed has definitely made the individual income tax brackets outdated. I believe it is time for legislators to reexamine and adjust the income tax brackets in our Tax Code to make it more middle-class friendly and for it to serve its progressive intent. This is not just an issue of providing economic relief. It is also an issue of economic justice.

April 9, 2009

O-T.Y. na lang palagi kapag Holy Week?

Kagabi, pagkatapos kong mag-good night sa aking mga dating estudyante na ngayon ay nagtatrabaho na sa mga auditing firms, nakatanggap ako ng mga reply na nagconfirm sa aking hinala.

May pasok na naman ang mga CPA sa mga auditing firms kahit Mahal na Araw.  At wala silang OT pay.  Meron lang silang O-T.Y. para sa kanilang pagtatrabaho sa holiday.

Naiintindihan ko na naghahabol ang mga auditing firms na matapos ang kanilang trabaho bago ang filing ng mga kumpanya ng ITR sa April 15.  Pero dahil cyclical naman ito, bakit hindi man lang makapag-ayos ng work schedule ang mga auditing firms upang mabigyan naman ang kanilang mga empleyado ng panahon na makapagpahinga at makapag-reflect ngayong HOLY WEEK?

Alam ko nasa kultura na ito ng auditing firms.  Pero ito ay isang unhealthy tradition which teaches people to value workaholism for the wrong reasons.  Sabi nga ng isang kong estudyante:

"...e2 2loy, all work & no play. kya pla kyo umalis. :) sulit sa xperience, pro d mo mmalayan wla ka ng personal lyf. buti n lng masyahn aq. kundi loka2 nko ngyn. haha"

Hindi na ba magagawan ng paraan upang hindi na maging laging O-T.Y. kapag Holy Week at iba pang mga holidays?

April 8, 2009

Tapakan ang kapal ng mukha ni Gloria

Nung isang araw, napanood ko sa balita ang pag-unveil ng isang higanteng photomosaic ni GMA sa damuhan sa Luneta sa tapat ng Quirino Grandstand.  Birthday gift daw ito para kay GMA at ito rin ay isasali daw sa Guinness Book of World Records dahil 28,000 square feet ito!

Sa totoo lang, hindi ko gusto ang dating ng photomosaic na ito.  Ang alam kong gumagawa lang ng mga ganitong bagay ay ang mga bansang nasa ilalim ng isang diktaturya kung saan dinidiyos ang heads of state.  Pero freedom of expression naman iyan e.  Kung yun ang trip nila, hindi ko na pakikialaman dahil karapatan naman nilang suportahan si GMA (kahit nakakagulo ng isip kung bakit nila gagawin yun).  Kahit sumakit ang mata ko nang matanaw ko ang photomosaic mula sa aming opisina kanina, hindi ko pipigilan ang trip nila.

Yun nga lang, nalaman ko na BUWIS na binabayad natin ang ginamit sa pagprint ng lecheng photomosaic na yun.  Pondo ng Office of the Press Secretary at DILG.  Pati ang non-public pero for public purpose sana na pondo ng PCSO at PAGCOR, ginamit.  At ipinagmamalaki pa talaga dahil nakapress release sa website ng Malacanang.  Tingnan dito:


Ano ba namang kalokohan ito na gagamitin ang pondong pampubliko para magprint ng isang birthday gift?!  Nakakakulo ng dugo lalo na't panahon ng krisis.  Mahal na Araw pa, panahon ng abstinence pero hindi man lang makaabstain sa kahayukan sa kapangyarihan.  

Kapag di pa nila inalis ang lecheng photomosaic na iyan, pupunta ako dun at TATAPAKAN ang kakapalan ng mukha ng administrasyong ito na hindi na nahiya sa paggamit ng perang hindi naman kanila sa isang vanity project.  Kung game kayo, pumunta na rin kayo sa Luneta at tapakan ang mukha ni Gloria.  Kung pwede putik putik para mas masaya.

April 7, 2009

Chiz against publicizing tax information?

Habang tumatagal, mas lalo akong nakukumbinsi sa kakulangan ng sustansya sa utak ni Chiz Escudero. Eloquence should be matched by substance, but Chiz once again let his mouth shoot off with minimal exercise of brain cells.

Tulad nang naipost ko dito nung nakaraang linggo, naisama ang Pilipinas sa listahan ng G-20 na mga tax haven o mga bansang hindi nagko-cooperate sa pagbabahagi ng tax information. Ang listahang ito ay hinanda ng Organization for Economic Cooperation and Development pagkatapos ng isang comparison ng local standards ng mga bansa sa napagkasunduang international tax standards.

Inaasahan ko na ang balitang ito ay magsisilbing wake-up call sa ating mga legislators dahil ang mga pinupunang local policies ay nag-ugat sa ilang provisions ng National Internal Revenue Code at ng Bank Secrecy Act. Ngunit sa halip na mag-propose ng solusyon, mas minabuti ni Chiz na kastiguhin ang G-20 na sinasabi niyang dapat tumingin muna sa salamin at huwag gamiting scapegoat ang mga bansang tulad ng Pilipinas sa kasulukuyang financial crisis:

G-20 leaders told to look in mirror before looking for scapegoats
B. Fernandez

GROUP of 20 (G-20) Summit leaders equally responsible for the worldwide economic crisis—as well as developing countries known to harbor tax havens—should first admit their sins before coming up with scapegoats, according to opposition Sen. Francis Escudero.

Escudero and other senators were incensed by reports that the Philippines was included in a blacklist drawn up following concerns over international tax standards raised by the Organization of Economic Cooperation and Development (OECD) during the recent G-20 summit in London.

The senators lamented that the Philippines, along with three other countries, have been included by the OECD in a blacklist of nations that have not committed to these standards, particularly on exchanging tax information.

“If they want to talk about commitment to transparency, let us start with those US banks that definitely cannot be held up as paragons of fiduciary responsibility,” Escudero stressed, noting that while they collapsed, the local banking system has remained unscathed.

Escudero added that the concerns of the OECD should have been conveyed to the Anti-Money Laundering Council (AMLC), which will then determine what action should be taken to the extent permitted by law. He said the AMLC should declassify the concerns forwarded by G-20 members, including the bill of particulars.

“If remedial-action legislation is needed to further iron-clad the anti-money laundering law, the AMLC should draw up one based on lessons learned from the actual implementation of the law, and not because a conclave of those responsible for the global economic mess, in absolving themselves of any liability, is shifting the blame to others,” the senator said.

Escudero emphasized those countries like the US cannot be an exemplar on how to conduct oversight since banks misbehaved under the very regulatory regime that they crafted. “Banking practices that contaminated the world [with] toxic debt cannot be models of discretion. It’s like making a junk vehicle the car of the year,” he added.

“The G-20 concerns should be independently verified if they have any basis at all, or if they were hurriedly inserted as a filler in their standard communiquĆ©.”

I have no love lost for the G-20. Their imperialistic tendencies specially in imposing their neoliberal economic policies on developing economies has done a lot of harm to the global economy. But there is a proper time to raise said issues. Unfortunately, Chiz once again donned his populist nationalist face to make an uninformed opinion.

Kung babasahin mo ang pahayag ni Chiz, aakalain mo na tinutukoy ng G-20 ang mga tax haven na punong dahilan ng financial crisis. Ngunit ang ganitong point-of-view ay nagpapakita lamang na hindi sinubaybayan ni Chiz ang nakaraang G-20 summit. Kung nagbasa-basa lamang si Chiz ng diyaryo at hindi lamang ng mga balitang finoforward sa email, malalaman niya na maraming mga kasunduan sa G-20 summit na may kinalaman sa financial regulation reform, sa pagreview ng Basel II standards na siyang naggogovern sa mga financial institutions, sa isang coordinated economic stimulus effort, at marami pang iba. 

Ibig sabihin, ang isyu ng tax haven ay isa lamang sa maraming isyu na kailangang i-tackle upang maging epektibo ang reform ng global financial system. Hindi minsang sinabi na ang mga nataguriang tax haven ang ugat ng krisis. Labeling the G-20's actions as finding a scapegoat is very misleading. As to Chiz's demand to the G-20 to first admit their sins, isn't the G-20 country's commitment to overhaul their financial regulation and banking systems admission enough of their complicity?

Ano ba ang kinalaman ng elimination ng tax havens sa pagsolusyon sa krisis? Ang kasalukuyang krisis ay nangangailangan ng isang aggressive na fiscal policy upang mastimulate ang demand sa ekonomiya. Ang fiscal stimulus na ito ay nangangailangan ng malaking gastos mula sa mga gobyerno. Kailangang maeliminate ang mga tax haven upang lumaki ang koleksyon ng buwis na siyang pagkukunan ng pondong gagamitin sa fiscal stimulus. Kung hindi masosolusyonan ang problemang ito, lalaki ang deficit ng mga gobyerno at maaaring hindi na lang nila ituloy ang kanilang mga stimulus at job generating programs.

Ano ba ang hinihingi ng OECD sa Pilipinas? Simple lang naman. Luwagan nang kaunti ang bank secrecy law upang mas madaling makita ng mga foreign governments ang assets ng kanilang mga citizens / corporations na maaaring nagtatago ng mga assets dito. Hinihingi rin na luwagan ang confidentiality clause tungkol sa taxpayer information (tulad ng kanilang tax paid, taxable income, etc.) na sa ngayon ay hindi maaaring makita ninuman dahil ito ang nakasaad sa ating Tax Code. Maganda rin sigurong i-note na 2004 pa lang, napagkasunduan na ang standard na ito. Pero wala namang ginawa ang legislature kung saan kasama si Chiz.

In a country which is perpetually in debt, whose budget always leads to deficit spending, and whose tax revenues are substantially lost to tax evasion practices, one would have hoped that the OECD's request for a more transparent tax information system would have been welcomed. Pero hindi. Chiz would rather play the "woe look at us 3rd world countries being bullied by the G-20" card. Hindi mo na lang maintindihan kung bakit hindi na lang niya pangunahan ang mga reporma upang maging mas transparent ang tax information system ng Pinas at nang magkaalaman na kung sino ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Minsan na nga lang magkaroon ng reasonable demand ang mga imperialist countries, saka pa kinontra!

Personally, I think tax information reform should extend not just to sharing said information to foreign authorities but also to domestic authorities under certain circumstances. Matagal ko na ring gustong malaman kung mas mataas pa ang binabayaran kong buwis kaysa sa mga pulitikong tulad ni Chiz na ayaw luwagan ang confidentiality provisions ng tax code.

April 6, 2009

Holy Week

Ngayong Holy Week, magdadagsaan na naman ang ilang milyong Pilipino sa mga beach, sa Baguio at kung saan-saan pang bakasyunan upang samantalahin ang kawalan ng pasok sa opisina. Ironic nga lang na kung kelan we are expected to practice abstinence and fasting ay saka naman natin tini-treat ang ating sarili.

April 4, 2009

Matutuwa si GMA nito...

...finally, we got recognition from the G20!

Yun nga lang, we were recognized as a tax haven. Kaya blacklisted tayo.

Hooray for the stupid bank secrecy loopholes introduced by our congressmen!!! Finally, we are earning international notoreity.

The ironic thing: notorious tax haven pala tayo while majority of us are burdened with high automatically withheld taxes and value-added tax with no corresponding quality government service.

April 2, 2009

Chip Tsao postscript

Kanina, nakasakay kami sa jeep at nakikinig sa commentary ng dalawang tambalang sikat sa FM radio. Pang-A and upper B ang market ng tambalan kaya mahilis silang mag-English. Nadiscuss nila si Chip Tsao at pinahayag nila ang kanilang disappointment / outrage sa kanyang sinulat.

After a few minutes, nagdeliver sila ng joke. Kabobohan / kakulangan ng etiquette ng isang yaya ang kanilang punchline.

Yes, the two may say that what they said was a joke. But then again, wasn't Chip Tsao also delivering a joke, na-lost lang in translation?

Mga ipokrito!

March 31, 2009

Mga tanong sa mga balitang lumalabas tungkol sa Abu Sayyaf kidnapping ng mga ICRC volunteers

Pope, ICRC head appeals to Abu Sayyaf

Instead of letting the Pope appeal to the Sulu hostage takers, why not ask a respected figure in the Islamic community to make the appeal?

----------
Troops inch closer to Abu Sayyaf lair

Sa tingin ko, ang plano ng military ay magpull-out...tapos biglang iblindside ang Abu Sayyaf. Kaya nagtataka ako kung bakit nilabas ng Philippine Daily Inquirer ang troop movement. Didn't that just jeopardize the military's blindside strategy?

----------
2 solons join Sulu kidnap negotiations

Hindi binanggit kung sino ang mga solons. Blind item?

March 30, 2009

Denounce not just Chip Tsao

Muli, maingay na naman tayong mga Pilipino sa pagkondena sa isang degrading article na isinulat ng isang foreigner tungkol sa ating lahi. Sa dami ng nag-iingay, halos nasabi na ang lahat ng dapat sabihin (at may mga nasabi rin na hindi na dapat sinabi). But I hope this expression of outrage would go beyond Mr. Chip Tsao's cheap shot.

In denouncing Mr. Chip Tsao's lack of class, let us also denounce all forms of stereotyping we Filipinos also make of other races. Mula sa pagportray sa mga Indian na mga "five-six" at sa mga Chinese na mga kuripot na laging nagmemaintain ng dalawang libro ng accounting records, let us denounce these tasteless stereotypes kung gusto nating magka-moral high ground sa issue na ito.

In denouncing racism, let us stop being racists ourselves - both against other races and and against our own race. Let us denounce laughing at so-called "Bisaya English", dark skin, curly hair and unsophisticated "baduy" get-ups.

Idenounce rin natin yung pagstereotype sa media sa mga katulong. Ilang beses na bang hiniya ang mga katulong sa ating mga pelikula, noontime shows at sitcoms? Ilang beses na nating pinagkatuwaan ang mga Inday jokes at ang mga kabobohan ni "yaya"?

At higit sa lahat, sana mabuti ang pakitungo natin sa mga sarili nating kasambahay. Pinag-uuniform niyo ba ang mga kasambahay niyo? Hiwalay ba ang kanilang pagkain sa inyong pagkain? Binabayaran niyo ba sila nang below minimum wage? Pinaghuhulog niyo ba sila sa SSS at Philhealth? Binibigyan niyo ba sila ng sick leave at vacation leave?

March 28, 2009

Faux environmentalism

Mamayang 8:30 - 9:30 nang gabi, ilang mga institusyon ang makikilahok sa Earth Hour kung saan papatayin ang ilaw nang isang oras para makabawas sa konsumo ng kuryente at sa gayon ay matulungan ring makapahinga kahit sandali lamang si Mother Earth.

Ang hindi ko lang maintindihan, ang pagpapatay ng ilaw na ito ay pangungunahan muna ng mga concerts na magka-countdown sa 8:30. Concerts kung saan mga malalaking amplifier at speakers  at ilang stage lights ang gagamitin sa mga entablado. Mga speakers at stage lights na kumokonsumo ng maraming kuryente.

Ano yun?  Joke joke joke?!

Kingmaker

My apologies to Mr. Harvey Keh. I think he is well-intentioned and his projects deserve kudos. But with his recent drive to push Gov. Ed Panlilio to run for president (even though that was not in Among Ed's plans) and his "offer" to other candidates to subject themselves into a "primary"-style selection process (which Keh's group would design and organize), I think he has slowly become a self-styled kingmaker.

Mr. Keh, we don't need a king. We need a movement. Let us not start with the reformist leader. Let us start with the reform constituency.

March 27, 2009

Yari!

Napublish ako sa Business Mirror. Di ko akalain na mapapublish ako kaya I did not go soft on SGV. Hahaha

Click here

Sana po tanggapin pa mga estudyante ko sa SGV. Hehehe

March 24, 2009

English-isms

Kasalukuyang sumasakit ang ulo ng aking misis sa pagrereview ng mga draft na papel ng kanyang mga estudyante. Dahil dito, naalala ko uli ang mga panahon na ako ay nagturo rin ng mga subjects na may paper requirement at ang pinakamalaking sakit ng ulo ko ay ang tendency ng mga estudyante na gumamit ng bigating English words pero mali-mali naman ang grammar!

Madalas sinasabi na kailangang palawakin ang vocabulary ng ating mga estudyante upang umayos ang kanilang English. Baligtad ang paniwala ko dito. Sa tingin ko, dapat ay turuan ang mga Pinoy ng kaunting basic English words lamang and then focus efforts on teaching them how to speak simple English correctly. An intelligent and articulate person makes complex ideas sound simple. An inarticulate person makes simple ideas sound complex to hide his lack of intelligence.

March 23, 2009

Sure, we need a moral leader...

Nitong nakaraang weekend, binuhay ang ideya ng pagtakbo sa pagkapangulo ni Father Ed Panlilio. Si Among Ed na siyang subject ng isang "People Power"-style na pag-angat laban sa mga trapo sa Pampanga. Si Among Ed na nagsoli ng suhol na ibinigay sa Malacanang. Si Among Ed na nagpataas sa quarry fee collection. Si Among Ed na patuloy na nangangampanya para masugpo ang jueteng sa kanyang probinsiya.

Wala naman akong problema sa pagsuporta sa mga religious leaders na tumatakbo sa mga elective positions. Sa katunayan, ang sinuportahan ko nga noong nakaraang presidential election ay si Eddie Villanueva. Ngunit bago ako makumbinsi sa ideya ng Panlilio for president, may ilang tanong na naglalaro pa sa aking isipan:

1) Ano ang history ni Father Ed sa ecumenism?
2) How will he deal with the Bangsamoro issue?
3) Ano ang gagawin niya sa mga issues na malakas ngunit contentious ang stand ng simbahan tulad ng usaping reproductive health at death penalty?
4) Ano ang kanyang plataporma sa edukasyon, ekonomiya, environment at public health?
5) Ano ang tingin niyang dapat gampanan na role ng Pilipinas sa international community?

Kapag nasagot na ang mga tanong na ito, saka ko pag-iisipan kung susuportahan ko ang ideyang ito o hindi.

Bakit nga ba hindi na lang si Grace Padaca ang patakbuhing presidente at si Among Ed ang vice para wala gaanong "baggage"?

March 19, 2009

Veterans get their benefits...but at what price?

Tulad ng maraming Pilipino, natutuwa rin ako na matatanggap na ng ating mga World War II Veterans ang matagal na nilang hinihintay na benipisyo mula sa America. Masyado na ngang huli dahil karamihan sa kanila ay namaalam na.

Ngunit di ko maiwasang isipin na mayroong isang nakakaligtaang tanong sa benefit package na ito. Ano naman ang kinalaman ng pagbibigay ng benepisyo sa mga beteranong nasa Pilipinas sa pagaahon sa ekonomiya ng US mula sa kasalukuyang recession? Bakit kasama ang benefit package na ito sa economic stimulus bill?

Masakit mang isipin, isang earmark ang benepisyong matatanggap ng ating mga beterano. Isa itong PORK BARREL. At dito ako ngayon nagaalinlangan. Kung susuportahan ko ang benefits package na matagal nang dapat tinatamasa ng ating mga beterano, ito ba ay taliwas sa matagal ko nang pagtutol sa practice ng pork barrel? Does the honorable end justify the questionable means?

March 18, 2009

Sino ang pumirma?

Sa kaguluhang dulot ng iskandalo sa Legacy Group of Companies ni Celso delos Angeles, may isang tanong na hindi nababanggit. Sino ang mga CPA na nag-audit ng financial statements ng mga kumpanya ni delos Angeles at nagbigay ng opinyon na ito ay hindi materially misstated? Sa laki ng mga lumalabas na maanomalyang transaksyon na diumano'y pinasok ng Legacy, nakakapagtaka na hindi man lang ito nakita ng mga auditor. Ganun na ba kahina ang mga auditor sa Pilipinas? O ganun sila kadaling bayaran?

March 10, 2009

ERASERHEADS para sa Node 3 ng International Space Station!

Eto trip trip lang. NASA has entered for public polling the naming of NODE 3 ng International Space Station. There are four options (Earthrise, Legacy, Serenity and Venture) but there is also a WRITE IN option. Ginamit ito nung komedyanteng si Stephen Colbert kaya mapapansin niyo Colbert yung number one write-in suggestion. Hahaha 

Now we have this knack for winning online polls sa mga beauty contest and in campaigning for the New 7 Wonders. Ngayon, tingnan natin kung mamomobilize natin ang mga Eraserheads fans to have part of the space station named Eraserheads para international talaga ang dating ng International Space Station. LOL! 

Go to this site

Write ERASERHEADS sa write-in suggestion. 400,000 plus pa lang ang bumoboto. We can vote once a day up to March 20, 2009. 

Ano masasabi niyo? Game!!! 

February 4, 2009

Foot in mouth disease

January 21, 2009 sa Philippine Star, sa article na "Pro-GMA lawmakers deny GMA to use stimulus plan for Cha-cha":

...Meanwhile, President Arroyo said the country’s economy has so far avoided the full brunt of the global economic crisis owing to its fundamental strengths that has been acknowledged by local and international financial and rating institutions.

In her speech at the annual vin d’ honneur or the traditional New Year’s toast with members of the diplomatic corps in MalacaƱang, Mrs. Arroyo said 2008 was “a year for the history books” as it was “a crisis year for two-thirds of the world.”

“In the Philippines, we avoided the full brunt of the economic downturn. We kept our sights set on navigating the treacherous waters. We kept the crisis at bay—thanks to the fiscal, economic and structural reforms we implemented in the past—even while it was unpopular to do so,” she said...


----------
AFTER 9 DAYS:  January 30, 2009, headline ng Business World:

Gov't caught unprepared
...scrambles to determine extent of job losses per industry


SAYING that recent, successive reports of job losses were “very unusual” and have
made the government “nervous,” the Labor department is meeting with industry groups today to ascertain the situation of each sector and explore measures to help laid-off workers.

“Before this year, there were 200,000 workers who lost their jobs, but there were always 200,000 others that took their place,” Labor Secretary Marianito D. Roque recounted in a public forum in Manila yesterday.

“Now, we are nervous, because the situation is different,” he admitted. “It is very unusual.”

He said the number of workers that have been retrenched since Dec. 1 has reached 19,400 as of yesterday, from a total of 15,000 reported by the Department of Labor and Employment (DoLE) at the end of last week.

DoLE also tallied 34,000 workers that have been affected by measures such as reduced work hours, forced leave and compressed workweeks, from 19,000 last week.

Mr. Roque cited as particularly worrying the rising number of factories closing. Bulk of the retrenchments occurred in the electronics sector and from companies located in Region IV-A, which hosts two of the country’s key industrial parks...


LESSONS:

* Don't take credit when credit is not due.
* Don't count your eggs until they hatch.
* Numbers don't lie.
* Politicians do.
* Kapag may magandang balita, achievement ng admin. Kapag may masamang balita, kasalanan ng iba.

January 28, 2009

This economic crisis ek ek

Pagbigyan niyo na ako kung magra-ramble ako nang kaunti. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko sa economic crisis na ito.

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
kasi
kaunti lang ang bumibili
kasi
walang pambili ang mga tao
kasi
wala silang trabaho

Teka, umikot na ako. Kung ganito ang pananaw natin sa krisis, mukhang ang solusyon ay job creation ng gobyerno sa pamamagitan ng mas malaking public spending (na magpapalaki ng deficit) o kaya ng mga bagong industriya (na hindi ko maisip kung paano mabubuhay kung wala ngang consumer spending).

Puwede rin namang ganito ang analysis:

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
pero
ayaw isakripisyo ng mga executives ang kanilang libreng pabahay, pabakasyon, pakotse at iba pang perks kahit na mataas na ang kanilang mga suweldo
kaya
sorry na lang yung mga hindi executive

Kung ganito ang pananaw natin sa krisis, ang solusyon ay ibiting patiwarik ang mga gahaman na executives, este, patawan pala sila ng mas mataas na buwis, gawing mas progressive ang income at estate taxation system, at gawin ng gobyerno ang kanyang redistributive function hindi lamang sa taxation kundi pati sa land reform. Pero siyempre, asa pa tayo e yung mga kauri ng mga executives na ito ang nakaupo sa gobyerno.

Puwede ring ganito ang analysis:

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
kasi
kaunti lang ang bumibili
kasi
natauhan na ang mga tao na luho lang pala yung binebentang produkto
kasi
wala nang perang panggastos sa luho ang mga tao
kasi
sapat na lang sa basic needs ang kita nila

Kapag ganito naman, parang nakakalungkot isipin na ang modern economy ay isang ekonomiyang lumago at nabuhay dahil sa luho. Napaka-wasteful kasi maraming surplus na production. Unsustainable kasi nakafocus sa output pero nakakaligtaan ang limitasyon ng scarce na input. Napakaunstable kasi ang economic activity ay sunud-sunuran lamang sa pabago-bagong kapritso ng mga tao. Kung ganito ang pananaw natin sa krisis, siguro dapat bigyang pansin ang pagpapalago ng mga industriyang tumutugon sa mga needs ng tao(food production, basic education and health services, basic housing). At dapat magkaroon din ng lifestyle change at turuan ang taong mabuhay ayon lamang sa pangangailangan niya.

Puwede ring ganito ang analysis:

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
kasi
kaunti lang ang bumibili
kasi
walang pambili ang mga tao
kasi
kulang ang pera nila
kasi
nasanay na sila na tinutustusan ang gastos sa pamamagitan ng utang
at ngayon
hindi sila makautang
kasi
ayaw magpautang ng mga banko
kasi
wala silang perang maipautang
kasi
yung perang ipapautang sana nila, inilagay nila sa mga financial instruments na matataas ang pinangakong return
kasi
mataas rin yung hinihinging return ng mga stockholder
kasi
di makuntento ang mga stockholders sa kasalukuyan nilang yaman
e ang problema
ang mga financial instruments na mataas ang return, mataas ang risk
kasi
yung mga financial instruments na ito, inimbento na lang ng mga investment companies sa pamamagitan ng pagpapabango ng pangalan ng mga dati nang produkto (or in financial terms, securitization)
kasi
walang gustong bumili ng instruments nila kapag mababa lang ang return
kasi
yung mga investor hindi makuntento sa sa kasalukuyan nilang yaman
e ang problema
wala naman totoong value ang mga financial instruments na inimbento
kasi
ang totoong value, nanggagaling lang sa real economy (agriculture, manufacturing and industry, services, etc)
e ang problema
hindi naman lumalago yung real economy
kasi
walang nagiinvest dito
kasi
mababa daw yung return kumpara sa mga financial instruments ng investment companies
e ang problema
nag-invest lang sila sa papel
kaya
papel na lang ang naiwan sa investment nila

Sumakit ulo ko dun ah...

January 21, 2009

Padating na

Nagsara na ang Intel ng kanilang Philippine operations.  Ang Accenture naman, nagtanggal rin ng daan-daang "redundant" daw na employees.

Do not believe the political spin by the administration about our country's strong economic fundamentals shielding us from the global financial crisis. With all the "whoring" made to our country, marketing us as a prime outsourcing destination while neglecting the other domestic-market focused industries, it's only a matter of time before we catch a cold from the Western powers' big sneeze. Nandiyan na ang mga senyales. Nagbabadya.

January 20, 2009

Huwag sayangin ang "moment"

Ngayong gabi, sa kabilang dako ng mundo, naghahanda ang isang bansa para sa isang "historic moment."  Isang sandaling sinasabi ng marami ay nagbibigay ng liwanag sa panahon ng kadiliman.  Isang sandaling puno ng pag-asang maitatama ang mga mali ng nakaraan at malalampasan ang mga pagsubok na hinaharap.

Saktong walong taon ang nakakaraan, ang mga kahenerasyon ko dito sa ating dako ng mundo ay nagkaroon rin ng sarili naming "moment."  Ngunit ngayon, ang pagbabalik-tanaw sa mga sandaling iyon ay nagbibigay na lamang ng mapapait na alaala.  Minsan, ipinagkakanulo na nga ng ibang mga nakisama.  Tinatawag na itong isang pagkakamali na dapat ihingi ng paumanhin at pang-unawa.  

Nakakalungkot.  Nasa EDSA rin ako noon.  Alam kong hindi kami nagkamali sa aming ginawa ng mga araw na iyon.  Ang pagkakamali ay nasa aming ginawa (at lalo na ang mga hindi ginawa) sa mga araw pagkatapos ng aming "moment."  Nasayang...SINAYANG ang minsan lamang dumarating na pagkakataon na makapagsulong ng positibong pagbabago.

Ngayong gabi, papanoorin ko ang pagtatakda ng responsibilidad na mamuno sa pagsasakatuparan ng pangako ng pagbabago sa isang taong nakapagbigay ng inspirasyon sa marami.  Sana, hindi nila hayaang masayang ang "moment" na ito.  Sana ay huwag matulad ang "moment" na ito sa sarili naming "moment" walong taon ang nakakalipas.