November 1, 2007

Lumakas ba ang Philippine Peso o humina ang US Dollar?

"The dollar and the yen may extend declines against the euro on speculation the Federal Reserve's second interest-rate cut in two months will keep the global economy from stalling, spurring risky bets.

The dollar sank to an all-time against the euro and Canadian dollar yesterday after the Fed lowered its target rate for overnight loans between banks by a quarter-percentage point to 4.5 percent. Stocks, oil and gold rallied, suggesting an increase in demand for riskier assets."
- mula sa Bloomberg

Ilang araw ko nang sinusundan ang balitang ito at talagang napapaisip ako. Nitong mga nakaraang buwan kasi, ilang beses na sinasabi na maganda ang ating economic performance at ang binibigay na ebidensya ay ang paglakas ng Philippine Peso laban sa US Dollar. Pero sa patuloy na pagbagsak ng US Dollar against all currencies sa buong mundo, tama bang ito ang batayan natin ng pagsabi na malakas ang ating ekonomiya? Lumalakas nga ba ang Peso o humihina lang ang US dollar?

Nakakamangha nga naman sa biglang tingin ang paglakas ng peso laban sa US Dollar na 49.132PHP:1USD nung umpisa ng taon at ngayon ay 43.675PHP:1USD na. Pero kung iko-compare mo kasi ang performance ng peso laban sa ibang currencies, hindi naman consistent ang results. Halimbawa, sa Euro, lumakas nga ang Peso ngayong taon pero hindi naman extraordinary (from 64.6037PHP:1EUR to 63.285PHP:1EUR). Sa Canadian at Australian Dollar, humina ang currency natin (from 42.344PHP:1CAD to 45.989PHP:1CAD, at from 38.705PHP:1AUD to 40.432PHP:1AUD).

Paano naman ang performance ng PHP kumpara sa currency ng ating mga kapitbahay? Sa Japanese Yen, maganda (0.413PHP:1JPY to 0.381PHP:1JPY). Againt the Hongkong Dollar, maganda din (from 6.322PHP:1HKD to 5.652PHP:1HKD) at ganun na rin yung performance ng Peso laban sa Taiwan dollar (from 1.505PHP:1NTD to 1.351PHP:1NTD), Singaporean Dollar (from 32.022PHP:1SGD to 30.237PHP:1SGD), Malaysian Ringgit (from 13.915PHP:1MYR to 13.138PHP:1MYR), South Korean Won (from 0.0529PHP:1KRW to 0.0482PHP:1KRW) at sa Indonesian Rupiah (from 0.0055PHP:1IDR to 0.0048PHP:1IDR). Pero talo tayo sa Thai Baht (from 1.371PHP:1THB to 1.394PHP:1THB).

Generally, lumakas nga ang Philippine peso laban sa ibang foreign currencies ngayong taon. Pero hindi kasing-dramatic ng ibinabandera sa mga headlines dahil nakafocus ang mga balita sa performance ng PHP laban sa USD na exaggerated ng record-breaking na pagbagsak ng USD against global currencies.

Kailangan din sigurong tanungin kung ang paglakas ng PHP ay dala ba ng pagpasok ng foreign investments, paglakas ng export industry o ng maramihang remittance ng mga OFWs?

----------

Historical exchange rate data taken from BSP. Current exchange rates from PDI.

5 comments:

manilenya said...

bagsak kamo talaga ang US dollar.

Isagani Rx, MA said...

I disagree manilenya.

I believe na sabay na nagaganap ang dalawa. Bagsak ang $ at sadyang malakas ang piso :P

Hindi natin sila kailangan pagsabungin. Hindi cause ng strength ng piso ang weakness ng $.

Ang pagbagsak ng us$ ay sa relasyon nito sa ibang currencies, hindi lamang sa piso.

Oh well, mahabang talakayan ito. Pero, nagbigay na rin ang author ng article ng hint sa kaniyang tinanong:

Kailangan din sigurong tanungin kung ang paglakas ng PHP ay dala ba ng pagpasok ng foreign investments, paglakas ng export industry o ng maramihang remittance ng mga OFWs?

Kung ano at ano man ang dahilan ng paglakas ng piso, hindi ito dahil lamang sa pagbagsak ng dolyar.

Credit sa kung sino man ang dapat tumanggap ng credit.

Paeng said...

ok.

Thank you, OFWs!

Anonymous said...

isagani rx, mali ka...ang piso kung titignan mo ay humina laban sa euro, australian, canadian at nz dollar kung ikukumpura sa 2001 at ngayon.

sobrang hina lang talaga ang us dollar

Wraithstrider said...

Peso Dollar Exchange Rate