December 31, 2004

Walastik!!!



Tumigil na ako sa pangongolekta ng komiks. Nalipat na yung budget ko sa mga Filipiniana books na tungkol sa Philippine affairs. Ganunpaman, di pa rin nawala ang interes ko sa komiks kasi mahal na mahal ko talaga ang medium na ito. At kanina, nagkataon na nakita ko ang bagong labas na revival ng Lastikman na ginawa nina Gerry Alanguilan, Arnold Arre at Edgar Tadeo.

Noong una ay nag-alinlangan ako sa pagbili kasi Mango Comics ang nag-publish. E ang pangit ng revival nila ng Darna. Pero buti na lang sumugal ako kasi ang ganda ng Lastikman komiks na ito. Sulit ang binayad ko.

Sa mga di nakakakilala kay Lastikman, isa siyang character na ginawa ng legendary na komikero na si Mars Ravelo. Pinoy version siya ni Plasticman, nakakapagstretch ng katawan at nakakaya ring magpalit ng shape. Ang original na Lastikman ay isang alien na nagcrash landing sa ating planeta. Nung gawan ito ng pelikula ni Vic Sotto two years ago, nagpalit na ng origin si Lastikman kung saan isa na siyang normal na tao na nagkaroon ng kapangyarihan dahil sa isang meteor na tumama sa rubber tree. Sa pagkakaalam ko ay ito na rin ang sinunod na origin story sa latest movie version na kinatatampukan naman ni Mark Bautista. (nagduet kaya sila ni Sarah Geronimo sa pelikula habang kumakain ng hamburger ng Jollibee?)

Ang Lastikman ni Alanguilan at Arre ay sumunod sa version ni Mars Ravelo at siya'y isa na muling alien. Iba't mas maganda ang kwento kaysa sa Mark Bautista na Lastikman na isa lamang Spider-man ripoff. Talagang nakakatawa siya, localized kasi ang humor. OK rin na Filipino siya isinulat. Karamihan kasi ng komiks na pina-publish ngayon ng mga bigtime na komikero ay English (maliban na lang sa Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsa-Zsa Zatturnah na sinulat rin sa Filipino at isa ring magandang komiks).

Sana marami sa inyong makabasa ng Lastikman. One shot lang naman siya kaya hindi ka mabibitin kung ang hanap mo lang ay isang wakasan na kwento. Medyo may kamahalan nga lang kasi P150, pero maganda ang drawing (classic Arnold Arre ba naman) at nakakatawa talaga ang script ni Alanguilan. Mayroon ding maikling history ng Lastikman at may panawagan ng pagsuporta sa mga Pinoy komiks.

Heniweyz, magpapacontest nga pala ako. Ang unang makapagpost sa comments sa baba ng unang taon kung kelan unang lumabas si Lastik Man sa komiks, may libreng kopya ng Lastikman. :)

Pag di kayo nanalo, bumili pa rin kayo, ok? Suportahan ang Pinoy komiks!!!

Wag Iboycott (Lahat)!!!

May mga panawagan sa ilang mga message boards sa internet na i-boycott daw ang Metro Manila Film Festival ngayong taon. Paano nga ba naman, naging Mother Lily Film Festival na kasi ang MMFF. Apat sa anim na kalahok ay pinroduce o kino-produce ni Mother Lily. Sa lakas ng impluwensiya niya, naimpluwensiyahan din pati yung awards night. Nanalo ang Mano Po 3 ng best picture kahit na may isang pang pelikula na napanalunan ang Best Director, Best Screenplay, Best Musical Score at Best Cinematography. Mamaya na natin pag-usapan yung totoong "best picture" ng MMFF.

Kahit na nakakadismaya ang mga pelikula ngayon sa MMFF, ayaw ko pa rin na magresort sa blanket na pag-boycott ng buong Festival. Ito kasi ang tanging panahon kung kailan may pagkakataon na magpakitang gilas ang mga local Pinoy films. Buong taon, dinodomina ng mga foreign films ang mga sinehan natin, at sa pagboycott ng MMFF, para bang sinentensyahan mo na ang local film indusry natin.

Ang mabuti pa, magboycott tayo on a per movie basis. Wag nating lahatin ang pagboycott. Kasi kahit papaano, ang MMFF ay nakakatsamba sa pagproduce ng ilan ring magagandang pelikula. Sa aking sariling karanasan, dito ko napanood ang ilan sa mga nagustuhan kong Pinoy films: Jose Rizal (maganda ang ambisyon although talo pa rin ito ng Bayaning 3rd World sa pagiging best Jose Rizal movie), Death Row (ang pinakamagandang pelikula ng GMA films), Tanging Yaman (na maganda na sana kung hindi lang nagkaroon ng mapaghimalang anghel sa dulo), Crying Ladies (Sharon Cuneta in a jologs role, san ka pa?), at Bridal Shower (dapat nanalo man lang kahit isang award!!!).

Ngayong taon, meron rin namang quality film na nakapasok. Ito ay ang Panaghoy sa Suba na pinroduce at dinirek ni Cesar Montano. Ang unang makaka-attract sa manonood nito ay ang novelty ng paggamit ng Sugbuanon imbis na Tagalog. Pero maliban pa sa novelty ng language, maganda rin ang pagkakagawa sa pelikula kahit na limited lang ang budget. Maganda ang cinematography at nakakatuwa rin ang paggamit ng isang local choir sa pagmusical score. Halatang halata na talagang pinagmamalaki ni Montano ang kanyang kinalakhang lugar kasi talagang pinakita niya ang ganda ng Bohol sa pelikulang ito. Pwedeng pwede itong gamitin ng Department of Tourism para gawing promotional material.

Ok rin ang kwento. Napakasubdued. Ngayon lang ako nakapanood ng war film na sobrang localized at naka-focus sa mga maliliit na tao na naapektuhan ng giyera. May ilang putukan at pagsabog pero incidental lang ito. Talagang napaka-isolated nila sa "main event".

Minsan nga lang dragging ang kwento, pero dala na siguro ito sa intensyon nga na gawin itong small scale at localized. May mga parte rin na medyo masyadong melodramatic ang mga linya (parang yung nationalistic speech ni Montano sa village meeting bago dumating ang mga Hapon), pero may mga portion ang script na talagang maganda. Gusto ko yung isang linya ni Montano kung saan sinabi niya na ang giyera raw ay giyera ng mga Bisaya, hindi ng mga Amerikano. Dahil kung ang giyera daw ay sa mga Amerikano, bakit daw sa Pilipinas sila naglalaban at hindi sa Amerika? Swak na swak, dapat mapanood ito ni George Bush at ni Gloria (hehehe). Ang gaganda rin ng mga symbolism, lalo na yung pagportray sa isang "naive" na Juliana Palermo (Pilipinas) na pinag-aagawan ng mayabang na Amerikano at ng Hapon.

Magaling rin ang acting. Paborito ko yung babae na nagportray na Bikay. Natuwa rin ako dahil sa wakas, nakita ko na marunong umarte yung small time Japanese actor na sa Jacky Woo. Hahaha!!! Akalain ko ba naman!!!

Ito ang dahilan kung bakit hindi ko suportado ang pag-boycott ng MMFF. Kung blanket ang pag-boycott natin, paano na yung iilang quality Pinoy films na nakalusot katulad ng Panaghoy sa Suba? Nakakalungkot nga dahil nangungulelat ito sa takilya. Mas nakakalungkot naman lalo kung may taong di nanood nito hindi dahil sa di niya ito gusto kung hindi dahil lamang sa blanket na pagboboycott...

December 29, 2004

Ang Una't Huli

Kagabi, nanood kami ni isipkamote ng isang benefit concert sa Conspiracy Bar and Garden Cafe sa 59 Visayas Avenue. Ito ay para sa pagpapaopera ng brain tumor ni Mica, ang anak ng gitarista ng bandang Color It Red na si Ariel Policarpio.

Ang daming tumugtog. Sa pagkakaalala ko ng pagkakasunod-sunod, ang tumugtog ay si Chikoy Pura ng The Jerks (na tinugtog ang request naming Sayaw sa Bubog), si Laura Austria (na macho), si Anya (na maganda ang boses), ang Twisted Halo (na masyadong marami ang naggigitara), ang Blue Jean Junkies (na wala sa tono ang gitara), ang Sundownmuse (na di ko maintindihan ang pangalan), ang The Dawn (na kumanta ng Where the Streets Have No Name ng U2), ang Sugarfree (na di tinugtog ang paborito kong Prom), Cambio (na di tinugtog ang nirequest naming Ledgeboy), ang Imago (na ginulo ng isang lasing), si Bayang Barrios (na pumirma ng album sleeve na dala ko), si Dong Abay (na magaling tumula), ang Pinwheel (na huling bandang ginulo ng lasing), ang Wunjo (na aabangan ko ang album dahil magaling), ang bagong banda ni Bing Austria (na nakapagpasayaw sa akin), si Myra Ruaro (na maganda pa rin after all these years), at ang Radioactive Sago Project (mabuhay ang Gin Pomelo!!!).

Siyempre, huling tumugtog ang Color It Red. Muntik na ngang di matuloy kasi alas dos y medya na nang madaling araw. Gusto nang matulog ng kapitbahay. Pero kumanta pa rin sila ng dalawang kanta, hindi rin matiis ang request ng audience. May hinanda na kami ni isipkamote na irerequest na mga kanta(I Need You Here, pati na Dancing and Singing), pero di na namin binigay. Buti na lang. Kasi natuklasan ko na marami palang magandang kanta ang Color It Red na hindi kasama sa kanilang unang album na Hand-Painted Sky. Pinakanatuwa ako sa kantang Una't Huli na galing sa album nilang Pop Fiction. Makabagbag-damdamin itong kinanta ni Cooky Chua at di na nga niya natapos ang kanta dahil naiyak siya habang inaalay ang awit para kay Mica.

Talagang naantig ako sa eksenang iyon. Ang lungkot.

Kanina, dahil di ko maalis sa isip ang kanta, bumili ako ng compilation album ng greatest hits ng Color It Red. At nandoon na nga ang kantang Una't Huli. Isusulat ko na lang dito yung pagkakarinig ko sa lyrics (wala kasing lyric sheet). Pero sana magkaroon kayo ng pagkakataon na marinig ang kantang DAPAT ay pinatugtog at sumikat sa radyo dahil sa sobrang kagandahan. Bumili kayo ng album nila, maganda. Suportahan ang musikang Pinoy na Pinoy. :)

Una't Huli
words and music by S. Salazar
performed by Color It Red

Nandito ako
parang tangang
napatunganga sa iyo.
Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Dampi ng labi mo
may init na
kumakalat sa ulo
dinuduyan ang paa,
lumulutang lutang
parang saranggolang putol
dahil sa halik mo -
ang una't huli.
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab lamang para sa iyo

Nandito ako
isang gagang
di mapakali sa iyo
di makalapit
at kinukubli sa hangin
ang tibok at ngiti ng puso
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab para sa iyo
na nag-aalab para sa iyo
O, ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Nandito ako
parang tangang
napatunganga sa iyo.
Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab para sa iyo
na nag-aalab para sa iyo.
O, ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Ito ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli...

December 26, 2004

Batong Pinoy

Kagabi, ang ganda ng natanggap kong regalo kay isipkamote. Ito'y ang librong Punks, Poets and Poseurs, isang collection ng mga essays ni Eric Caruncho tungkol sa Pinoy rock scene. Pinrint ito nung 1996, kainitan ng explosion ng Pinoy rock sa mainstream. Eto yung panahon na talagang namulat ako sa ganda ng OPM. Dati kasi, puro foreign acts talaga gusto ko, tulad ng Queen, Extreme at Van Halen. Nagbago lahat yan nung napakinggan ko ang Eraserheads, Rizal Underground, Yano, etc.

Nakakamiss talaga ang panahong iyon.

Habang binabasa ko yung libro (na ilang beses ko na ring nabasa noon sa National Bookstore), parang medyo na-depress ako sa estado ng rock scene ngayon sa Pinas. Sabi ng ilang mga estudyante ko, masyado daw akong nagho-hold on sa mga alaala ng kabataan ko kaya nirereject ko yung kung anumang magandang qualities ng mga nae-enjoy nila ngayon. Marahil may katotohanan nga yung sinabi nila. Mahirap naman talagang tanggalin yung nostalgia factor. Pero yung Pinoy rock kasi ngayon, parang kulang sa substance. Parang wala yung "revolutionary fire" na dala ng mga banda noon...

Noong sumabog ang Pinoy rock noong early to mid-90s, grabe yung excitement sa ere. Eto na't may "bago" kang naririnig - mga bagong mukha na may mga bagong tunog at may mga bagong mensahe. Walang formula. Para siyang isang statement laban sa mainstream music, na bago ang pagsabog ng rock ay dinodomina ng mga Billboard chart-toppers. May drive na magbuo ng isang distinct na tunog at mensahe na Pinoy.

Kumbaga, sinasadya man o hindi ng mga musikero noon, may ingredient ng "nationalism" na naassociate sa musika ng panahong iyon. Ang Original Philippine Music ay naging synonymous sa Pinoy rock music. Dahil sa phenomenon na ito kaya siguro nakasabay noon sa pagsikat ng mga banda ang mga protest / nationalist musicians tulad ng Buklod, Patatag, The Jerks, Grupong Pendong at mga soloista tulad nina Gary Granada at Jess Santiago na bigla na lang nagkaroon ng pagkakataon na magenjoy ng shelf space sa mga record bars. Di man sumikat, pero nagkaroon naman sila ng konting mainstream exposure.

Ngayon, ang Pinoy rock ay parang walang direksyon. Walang pagnanasa na umangat at maging iba. Sumusunod na sa formula. Napaka-ironic nga, kung kelan pa naman may sumikat na kantang "Pinoy Ako" ng bandang Bamboo (na napaka-plastic ng dating, pero saka na natin pag-usapan yan), saka naman sila hindi madistinguish sa ibang musika sa airwaves.

Sana magkaroon uli ng rennaisance ang Pinoy rock. Oo, sabihin na natin na marami pa ring mga banda, nakakabenta pa rin sila ng maraming albums at nakakapuno pa rin sila ng mga concert. Pero kulang sa lalim. Kulang sa empowerment. Kulang sa relevance.

December 25, 2004

Maligayang Pasko!!!

"Pasko na naman, o kay tulin ng araw..."

Eto ako sa bahay, nakaburo na naman sa tapat ng computer. As usual, wala uli akong pinamimigay na regalo ngayong Pasko. Am I being a Grinch? Do I hate Christmas?

Hindi naman. Sa totoo lang, gustong gusto ko ngang nagpapasko. Parang lahat ng tao, bumabait. Lahat nagmamahalan. Lahat nagpapatawaran ng kasalanan at nagkakabati. Lahat nagiging thoughtful at nagbibigayan ng regalo.

Pero ito na rin siguro yung dahilan kung bakit minsan naiirita ako. Bakit kailangan pang mag-Pasko para maging mabait ang mga tao?

Kailangan pang magpasko para magkaroon ng ceasefire ang NPA at ang militar. Kailangan pang mag-Pasko para magbaba ng presyo ang mga shopping malls dahil meron daw Christmas sale. Kailangan pang mag-Pasko para may ibigay na mataas na sweldo (Christmas bonus daw). Kailangan pang mag-Pasko para maprioritize ang naghihingalong local movies over foreign movies from Hollywood.

Kailangan pang mag-Pasko para magkabati ang mga nag-aaway na pulitiko at para mag-chikahan sa kanilang mgha private sosyalan party.

Kailangan pa ring mag-Pasko para magtulong-tulong ang lahat upang magkaroon ng mga charity projects na tutulong sa mahihirap. Christmas daw is a time of gift-giving kaya lahat namimigay. Noon lang yata nila napapansin na sobra-sobra pala ang pagmamay-ari nila at di naman pala nila kailangan ng sobrang kayamanan.

Oo nga pala. Nag-roll back ng presyo ang mga oil companies. Christmas gift daw.

Marami nagsasabi sa akin, nasisira ko raw ang "spirit of Christmas" dahil sa tendency ko na hindi sumabay sa bigayan ng mga regalo. Napaka-anti social ko daw.

Pero yun nga ba ang "spirit of Christmas"? Ang magbigay ng regalo na pag normal na araw e di mo naman iisiping ibigay? Ang umalala ng mga tao na pag normal na araw e di mo naman aalalahanin? Ang "magmahal" ng mga tao na pag normal na araw e di mo naman mamahalin?

Pasko na. Sabi sa kanta, ito nga ang "tanging araw na ating pinakamimithi". Yan ang hirap, nagbibigay kasi tayo ng araw kung kelan tayo magiging mabait. Kung kelan tayo magiging mapagbigay. Kung kelan tayo matutututong magmahal. Sana wala na lang tayong araw na pinakamimithi. Sana araw-araw, minimithi natin na maging mabait, mapagmahal at mapagbigay. Hindi yung nirereserve lang natin ang magandang side natin kapag Pasko lang.

"At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan..."

Merry X-mas sa lahat. At oo, wala pa rin akong ibibigay na regalo ngayong Pasko. Kasi di naman ako naghihintay ng Pasko para mamigay ng regalo. :p

December 24, 2004

No hope in this Jungle

Over at this is psychicpants.net, Mr. Jolography made mention about my comments concerning Bob Ong's new book, Ang Alamat ng Gubat. It is true that I found the book fun to read. His writing style may be ridiculed by "literary critics", but its down-to-earth "internet influenced" style easily connects with today's youth. I should know. His books have always been surefire hits when I give them away to my students.

Bob also has a very good sense of the ills plaguing our poor nation. His allegories would be very familiar to the hearts of many Filipinos.

But like what Jolography said, I did find the book a bit lacking because it stopped at exposing the problem without offering a solution. It's not that I am looking for a didactic ending to Bob's book. However, I wish that Bob would at least have offered hope that our problems can be solved.

I am of the thinking that a lot of Pinoys are apathetic nowadays not because they are unaware of our problems, but rather because they have already lost hope. They've taken the widespread corruption as a norm - an institutionalized societal malaise that we just have to live with. Pinoys now dream of escaping to other countries in order to leave this seemingly hopeless place. Actually, if we follow our government's rhetoric, it's now heroic to abandon the country just as long as you send dollars back to your kamag-anak. OFWs are our "bagong bayani". Because of our pathetic excuse for a government, the OFW remittances and the consumer spending on these remittances are the only things propping up our economy.

I have been asked so many times by my students as to whether the Philippines still has a bright future. Are there things about our country that we should still be proud of? And as usual, I offer them hope. I tell them of stories of great selfless Pinoys who still silently work to improve Philippine society despite the seeming unsurmountable task and the lack of support. I tell them of great thinkers who debate over our society's problems and the conclusions and recommendations that they reach after their debates. I tell them of successful efforts by dedicated heroes who in their small ways cure some of the problems we are experiencing.

Jolography proposed that Bob Ong may have just followed Rizal's example when he wrote Noli me Tangere. That in order to cure the contry's affliction, he would recreate a faithful reproduction of the present condition, exposing the sick "to the steps of the temple so that each one who would come to invoke the Divine, would propose a cure for them."

Indeed, the current affliction of the Philippine society has been faithfully reproduced by Bob Ong just like how Rizal did more than a hundred years back. The difference, though, is that with Rizal, his hero ended up dead for his failed attempt to fight the system. With Bob Ong, his hero did not end up dead, but rather ended up an apathetic fool. Isn't that a big difference?

How I wish that Bob Ong would have told his young impressionable readers that the sun may still rise once again in the Gubat. How I wish that Bob, even without consciously meaning to, would not have offered apathy as a way out of this mess. How I wish that Bob would have chosen to kill and martyr a fighting fictional hero, rather than killing the hope of his reader who would end up depressed - outraged at the ills of society, but helpless for not knowing what he can do about it.

December 20, 2004

Announcement: Punta Kayong Conspiracy Mamayang Gabi!!!

Anong petsa? NGAYON NA!!! December 20, 2004, Lunes

Anong oras? 8 pm to sawa.



Saan naman? Sa Conspiracy Garden Cafe sa Visayas Ave. tapat ng Shell Station

Anong meron? Isang benefit concert para sa mga nasalanta ng bagyo sa Quezon. P100 lang ang entrance at talagang all-star ang set ng performers.

Sinu-sino ba tutugtog? Eto pa lang yung alam ko: Dong Abay, Cynthia Alexander, Johnny Alegre, Noli Aurillo, Joey Ayala, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cooky Chua, Mon David, Susan Fernandez, Gary Granada, Paolo Santos, Pido, Ria Villena, Chikoy Pura, Tots Tolentino. O di ba nakakabilib yung line-up?

Talaga bang P100 lang ang entrance? Oo, at pupunta yan sa mga nasalanta ng bagyo. Mura lang din ang beer dito, P32 lang at mura AT MASARAP angpagkain. :D

Pupunta ka ba? Aba siyempre!!! Kahit may flight ako papuntang Cebu sa December 21 nang alas-singko nang umaga!!!

Punta na kayo at magenjoy tayo sa panonood ng the best OPM artists sa Pilipinas!!! Tulungan ang mga biktima ng illegal (at legal) logging.

Pikpiripikpik (Isang POst na Pamasko)

Ang sarap talagang magtrabaho sa isang iskul. Mayroong Christmas break. Kahit papaano, nabibigyan ako ng panahon para makapagmuni-muni. Paborito ko kasing gawin pag Pasko ay pag-isipan kung ano ang nagawa ko nitong nakaraang taon. Ano ba ang nagawa kong maganda at ano ba ang kailangan pang baguhin? Ang hirap kasing mag-isip ng ganitong mga bagay kapag normal na araw lang. Punong puno ng ingay, ng problema, ng trabaho. Mabuti ito, may dalawang linggo para matahimik ang isip. May panahon para tumingin nang paloob at bigyan naman ng pansin ang sarili...

Ngayong Christmas break, marami yatang nainis sa aking estudyante kasi nagbigay ako ng assignment. Tatanggalan ko raw sila ng bakasyon. Marahil nga, pero para kasi sa akin, pagbalanse lang naman ng oras iyan. Lagi kong naaalala yung mga panahon na nasa college pa ako, mga limang papers at reports yata ang sinasubmit kada linggo. Walang pakialam ang mga propesor ko kung Christmas break o kung anupamang bakasyon ang meron. Yun ang environment na kinalakhan ko, walang pahinga.

Pero di ako napapagod noon. Marahil ito'y dahil ako'y namulat sa orientation na ang pag-aaral, ine-enjoy. Hindi siya pasakit o pabigat. At dahil ganito ang aking outlook, masarap tuloy matuto. Hindi tuloy ako nagrereklamo sa akhit anong requiremtn ang ibato sa akin ng mga teacher.

Sana imbis na mainis ang mga estudyante ko, makahanap ako ng paraan para ma-inspire sila na harapin ang challenge na pinepresenta ko. Sa totoo lang, hirap ako ngayong sem. Parang may "nawala" sa aking personality. Sabi kasi dati, isa raw strength ko bilang guro ay ang kakayanan kong ma-inspire ang estudyante na mag-exert ng efort. Pero simula pa noong nakaraang sem, parang di ko na kayang makapag-inspire ng mga estudyante to go and be their best. Siguro sobrang familiarity sa aking mga estudyante na ilag sem ko nang hawak? Katamaran sa aking parte na rin at ayaw ko nang mag-exert ng effort? O napapagod lang ako?

Heniweyz, pag tinatanong ako kung ano ang hiling ko ngayong Pasko, ang sinasabi ko ay makatulog lang ako nang maayos nang tatlong araw, ok na. Para kasing pagod na pagod na rin ako at kailangan nang bumawi ng aking katawan, utak at puso na kung anu ano ang dinaanan nitong nakaraang taon. At mula noong Biyernes hanggang ngayong Linggo, nakatulog nga ako nang maayos. Lalo na kahapon, halos isang araw akong tulog!!! Dahil nakuha ko na ang tatlong araw na tulog, ibig sabihin ba ay natupad na ang aking Christmas wish? Hindi na kaya pwedeng mag-wish ng iba? Hahaha!!!

December 19, 2004

Burado na naman...

Nagreformat na naman ako ngayong gabi. Napasukan na kami ng Spyware...

Nakakabwisit na ito. Ano ba kasi nakukuhang kasiyahan ng gumagawa ng mga spyware at viruses? Punyemas kayong lahat!!! Grrrrr...

December 14, 2004

AKO ANG NAUNA!!!

Ang Petsa: Dec. 12, 2004

Ang Okasyon: Anniversary ng Nanay at Tatay ko

Ang Oras: 11 am

Ang Lugar: Powerbooks Greenbelt, Makati City

Pinapasyal ko lang ang kapatid ko sa aking paborito (nang) tambayan sa Ayala. Nang may mapansin kaming bagong stock ng libro na kalalabas lang at nakatambak sa gilid...

Alamat ng Gubat...ang bagong libro ni Friendster Bob Ong!!!

HAHAHAHAHA!!! Ayun sa nasa counter, ako daw ang unang unang bumili ng libro sa Powerbooks Greenbelt. E sa buong Pilipinas, ako rin kaya ang nauna? MWAHAHAHAHAHA!!!

Ibang klase pa rin talaga ang pagsulat ni pareng Bob. Oo, di siya mananalo ng Palnca, dahil iisnabin siya ng mga "expert" na mga hukom na "maalam" sa kung ano ang "tunay" na literature. Lalait-laitin rin siya ng mga "enlightened" na naguubos ng pera sa Purpose-Driven Life, mga libro ni Paolo Coelho at Og Mandino, at ganun na rin ang Rich Dad, Poor Dad series. Pero aangat pa rin ang kanyang panulat na nakakakonek sa "masang Pilipino" dahil sa kanyang writing style na nahasa sa matagal nang pagsusulat sa Internet at nagsasalita sa wikang madaling maintindihan dahil ginagamit sa pangaraw-araw.

Si Bob Ong ang bagong mukha ng Pinoy literature...

Sa Alamat ng Gubat, muling ipinamalas ni Bob Ong ang kanyang malalim na pagkakaintindi sa mga problema ng gubat na ginagalawan natin. Ngunit tulad ng kanyang librong Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, parang mayroon na namang kulang. Sapagkat pagkatapos ng ating pagmulat, ano na ang dapat ihain na solusyon?

Paanong tatapusin ang paulit-ulit na alamat ng gubat?

Da King is dead...

...long live Da King.

Siya ay kilala ng ilan bilang idolo ng masa. Ang action King. King of Philippine Movies. Ang opposition candidate na tinalo ni Gloria Macapagal-Arroyo. Pero para sa akin, siya pa rin si Flavio, ang Panday.

Ngayon, wala na ang Panday. Sumakabilang buhay na siya. At dun sa kabilang dako, muling itutuloy ang walang katapusang pakikipagtuos ng dakilang Panday laban sa kasamaan ni Lizardo, ang mapaniil na diktador.

Nawa'y magtagumpay ang kabutihan sa susunod na buhay...

Mabuhay ang Panday!!!

Nilinis na Alaala...

Na-infiltrate ng Spyware ang computer ko...

Oo. Bad trip. Unti-unting bumagal ang computer ko tapos maya-maya ay lumalaki ang nacoconsume na space. Napakarami na rin ng naipadalang bytes palabas ng computer papunta sa kung saan. At ayaw na ring bumukas ang mga pinupuntahan kong web pages at pati na rin ang aking mga files.

Sinubukan kong iligtas ang mga mahahalagang files sa computer. Ibe-burn ko sana sa CD. Pero sumasama sa bine-burn kong file ang SPyware. Matinding Spyware ito. Grabe.

Kaya ginawa ko ang kinakailangan. Nireformat ko ang aking computer.

Oo, reformat ng computer...

Kaya lahat ng files ko wala na. Lahat ng alala ng pinaghirapang MBA, research papers at case studies, wala na. Strama paper ko wala na. Kopya ko ng mga grades, wala na. Lahat ng lectures, handouts, quizzes at exams na na-compile ko nitong mga nakaraang taon, wala na. Lahat ng memo at announcements bilang Program Coordinator at SC Adviser, wala na. Lahat ng aking ginawang review sa komiks, wala na. Lahat ng reviewers na nagawa ko para sa ICFC at ACPACI, wala na.

Lahat ng episode ng GTO na nakastore sa computer, wala na. Pati na rin yung Waterboys.

Lahat ng tula ng aking kapatid, wala na.

Wala na ang mga digital picture namin ng aking lalabs.

Kay lungkot isipin na lahat ng iyan ay nawala. Pero ganyan talaga ang buhay. Kailangan lang talaga tayong magpaalam sa mga bagay, kahit na yung mga pinaghirapan at pinagpuyatan natin.

Time to move on. Nilinis na ang computer. Kailangang punuin ko na uli...

December 12, 2004

Maganda na sana...

Kanina ang outreach ng IABF-SC along with Theta Kappa Roh. Ngayon lang ako pupunta sa isang relief operation, kahit na sa donation area lang at di talaga sa lugar ng mga nasalanta.

Pagdating namin sa lugar na tumatanggap ng donation, nabilib ako. Ang daming donations. At walang tigil ang pagdating!!! Marami-rami ring volunteer, at nakakatuwa may mga bata. Girl scouts!!!

Tuwang tuwa rin ako sa mga sinamahan kong officers at iba pang estudyante kasi dapat, magdadala lang naman kami ng donations. Pero instinctively, dumiretso na sila dun sa lugar, nakibuhat, naki-pack at tumulong. Hindi pa rin siguro nawawala ang spirit ng "bayanihan".

Tapos, unti-unti naging bad trip ang araw...

May pinalabas sa aking sako ng rejects, mga damit na wala na talagang pakinabang. Parang basahan na. Nilabas ko. Hinanap ko kung nasaan yung stock ng mga rejects.

Ang taas...talagang mataas. Gabundok...

Tarantadong kawanggawa yan. Magdodonate ka ng halos basahan na damit? Grabeng insulto naman yun...

Tapos, may dumating na isang jeep ng madodonate. Nagpuntahan yung contingent namin para kunin yung mga donations nila. Tapos, ni hindi kami tinulungan!!! Kami na ang kumuha ng lahat ng relief goods. Bumaba lang sila ng sasakyan para magpapicture tapos umalis agad. Nyek!!! Ano yun, publicity?

Tapos habang binubuksan ang mga donations, may katawa-tawang mga nakuha:

1) May nakuha kaming hair dryer. Hair dryer?!!! Aanhin ng mga nawalan ng bahay sa baha ang hair dryer? Kungsabagay, magpapatuyo siguro sila ng buhok dahil nalublob sila sa baha. Hay naku...

2) Meron ding antenna ng TV. Indoor pa. Dios mio, e nasan yung TV?

3) Merong VHS tape. Chinese yung nakasulat sa label. Pinaghinalaan namin na porno yata yung laman...

4) May nagdonate ng sumbrero na pam-beach. Alam mo yun, yung pang fashion show. Hayayay na talaga...

Pero ang pinakabad trip ako ay nung malapit na kaming umalis. Magtatanghali na nuon, may mga nag-uwian na muna kaya medyo mahirap yung pasahan ng sako ng damit kasi konti na lang kami. Tapos may nagdatingan na contingent ng _____ _____ College. Ang dami!!! Tuwang tuwa ako may tutulong na, marami pa namang lalake. Tapos, dinaanan lang nila yung linya namin, pinapasa ko na yung sako tapos di sinalo. Bakit dumaan lang? Kasi nagsidiretso sila dun sa mga Lucky Me Supreme na libreng supply para sa volunteer at binanatan agad. Biruin mo, kadarating pa lang tapos binanatan na yung libreng pagkain bago tumulong...

Kainis!!! OK na sana, ramdam na ramdam ko na ang spirit of volunteerism, tapos may sisira lang ng araw ko. Hay naku...

December 12 na...

...28th wedding anniversary na nina Mama't Papa.

Lluuuffffeeeeetttt!!! Ang saya naman...

Kainan na naman ito. :)

December 11, 2004

Sangandaan

Sa mga taong nagtataka kung bakit minsan nawawala ako lalo na kapag Linggo:

Ang Sangandaan ay isang grupo ng magkakaibigan na naglalayong ibahagi ang ganda ng kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtanghal ng musika, sayaw at iba pang uri ng katutubong sining tulad ng arnis. Mula sa mga tradisyunal na musika at sayaw ng Katimugang Pilipinas hanggang sa mga orihinal na katha, hango at batay sa mga katutubong tunog at ritmo ang sining ng Sangandaan. Kasabay ng pagtatanghal at paglilikha, patuloy ang pag-aaral ng grupo ng tradisyunal na musika, sayaw at martial arts(arnis) upang mas lalong mapagyaman ang kaalamang maaaring ibahagi sa sinumang nagnanais makibahagi.

Pormal na napangalanan ang Sangandaan noong ika-11 ng Mayo, 2001. Nakapagtanghal na ang grupo sa mga parke/pasyalan, kainan at kapihan, piyesta, paaralan hanggang sa kasalan. Nakapagturo na rin ang grupo ng sayaw at musika sa mga mag-aaral na nagnais na ibahagi ang katutubong sining sa kanilang paaralan. Bukod sa pagtatanghal at pagtuturo, nakikipag-ugnayan din ang grupo sa iba pang mga musikero, mananayaw, arnisador at iba pang alagad ng sining upang kapwa mas mapalawak ang kani-kaniyang kaalaman at kamalayan.

Bagama’t maaring mangahulugan ng pag-hihiwalay ang sangandaan, nangangahulugan din ito ng pagtatagpo. Nawa’y magkita-kita tayo sa isang sangandaan at mapagyabong natin ang ating karanasan at pakikipagugnayan sa isa’t isa. Sa ating paghihiwalay nawa’y may maiwang magandang ala-ala ang isang pagtatagpo, gaano man kasandali, sa sangandaan.


Anim pa kami sa picture na iyan (Clockwise, left to right: Reg, Joi, Mariel, Paeng, Flor at ang aking lalabs na si Ria). Ngayon, apat na lang kami, at mas nabawasan pa dahil si Ria ay nasa Japan na. Kailan kaya kaming mabubuo muli?

Sana makatugtog kami uli...

December 9, 2004

Na-late si Paeng...

...dahil malamig ang simoy ng hangin!!! Parang Pasko na. Masarap matulog!!!

Kungsabagay, yun naman ang Christmas wish ko. Makatulog nang maayos na walang iniisip na problema o trabaho...

Pero siyempre hindi pa matutupad yun. Sa X-mas break, 1) tatapusin namin yung feasibility study na ang tagal na naming di ginagawa, at 2) gagawa ako ng marketing plan sa loob ng limang araw para pwedeng maging example ng aking mga estudyante.

Magagawa ko ba yun? E mas masarap yatang matulog. Zzzzzzzzzz...

December 4, 2004

Bwisit!!!

Dumaan ang kayraming bagyo. Ang daming nasalanta. Maraming buhay ang naapektuhan. At naglabasan rin ang mga kabwisitan na maya't maya ipinapalabas sa TV.

Sabi ng mga opisyal sa Quezon, wala naman daw illegal logging sa probinsya nila. Pero sa aerial footage, kita mo na pagkarami-raming troso ang lumulutang. Mga troso rin ang nagsitama sa mga bahay kaya kahit bato ang tinitirhan mo, masisira. Kung walang illegal logging, saan galing yung mga troso? Ganun ba karami ang pinapayagan niyong ipaputol 'legally"?

Bwisit!!!

Sabi naman sa Nueva Ecija, hindi naman daw mga loggers ang problema. Mga kaingineros daw na ang daming sinusunog na punongkahoy. Hebigat, men. Kaya may sangkatutak na troso na lumulutang ay dahil sa mga nangangaingin? E sa pagkakaalala ko, abo yung natitira pagkatapos ng pagsunog, hindi troso!!! Hay naku!!!

Bwisit!!!

Mga sundalong nagsisigawa ng relief operations, inambush ng NPA. Paliwanag ni Ka Roger, hindi naman daw nang-ambush ang NPA kasi yung mga sundalong yun, nagsasagawa ng counterinsurgency operations.

Teka muna, counterinsurgency operations sa kalagitnaan ng bagyo? Sundalo yung umatake, pero sampu yung namatay sa kanila at isa lang ang napatay na NPA. So kapanipaniwala ba ang pinagsasabi ni Ka Roger?

Pero may kaduda-duda rin sa sinabi ng military. Kasi nadulas ang spokesperson ng Nolcom:

"Monta said the unit, composed of 19 soldiers led by Puyao, broke off from a relief distribution mission in Bulacan to check reports on the presence of rebels in Barangay Pasong Bangkal in San Rafael."

So talagang hinanting nila ang mga NPA at hindi sila yung inambush?

Ano ba yan? Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Ang dami nang nasasalanta, nagbabarilan pa rin sila!!!

Bwist!!!

Eto, wala nang kinalaman ang bagyo. Sabi ni Gloria, umangat daw ang ekonomiya ng Pilipinas by 6.3%. Sinukat ito sa growth ng ating GDP (nominal). Ang galing, 'no?

E ang inflation rate ay 7.1%.

Nyek!!! E di ba ang pinasimpleng computation ng nominal GDP ay Gross Domestic output x Price? E kung ang Price ay tumaas nga ng 7.1%, ibig sabihin...

Hay naku. Kaya pala di ko naramdaman!!!

Bwisit talaga!!!

Midnight bloggers

Lagi na lang hatinggabi o lagpas pa ang pag-update ko ng blog. Parang si psychicpants, lagi na lang hatinggabi rin ang update.

Kaya siguro ako pumapayat.

Masarap lang kasing magsulat kapag gabing gabi na. I can not seem to get any writing properly done when I am still fully awake during daytime. Maganda yung mahilo-hilo na nang konti sa puyat, dumadaloy ang creative juices at medyo nakababa na ang barriers.

Tapos meron pang kapangyarihan ang buwan. Masyadong nabibigyan ng masamang kahulugan ang salitang "lunacy", pero sa totoo lang, we could always use a dose of lunacy for us to express ourselves fully.

Tingnan niyo ang post na ito. Walang kwenta. Kasi pagod na pagod na ako, hatinggabi na. at gigising pa ako nang 6 nang umaga. Siyet...

December 2, 2004

Malalim (?)

Nitong mga nakaraang araw, ilang beses na akong sinabihan na malalim daw ako. Bakit kaya?

Di ba pag sinabi mong malalim, parang di maarok? Mahirap patawanin. May sariling mundo. Puro jargon magsalita. Mahirap maintindihan. Seryoso.

Malalim nga ba ako?

Siguro gusto ko lang talagang isipin kung bakit ako narito sa mundo. Siguro gusto ko lang malaman, ano ba ang aking dapat gawin, ano ang ginagawa ko at ano ang nagawa ko na. Siguro gusto ko lang malaman kung ano ang tama o mali (kung meron man). Siguro gusto ko lang maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko dahil yun lang naman ang paraan para malaman ko ang mga sagot: sa pagmamasid, sa pagdama at sa pag-iisip.

Di ba ang hirap namang isipin na nabubuhay lang tayo para mag-aral, magtrabaho at magkaroon ng karanasan? Di ba tayo ay nag-aaral, nagtatrabaho at nagkakaroon ng karanasan para magkaroon ng pakinabang ang buhay?

Kung yun nga ang ibig sabihin ng malalim, sige, malalim na nga ako. Pero di ba't dapat naman talagang tayong lahat ay mag-isip ng ganitong mga bagay? Dahil ang lungkot naman kung ang buhay natin ay parang pagsunod lang sa nakagawian na, pagsang-ayon lang sa natuklasan na, at pagsasabuhay lang ng kung ano ang idinidikta sa atin na dapat nating maging buhay.

Mayroong best-selling na libro ngayon, yung Purpose-Driven Life. Best-selling siguro siya dahil maraming mga tao na di alam kung saan pupunta at kung ano ang kanilang misyon. May nagregalo rin sa akin nito, pero di ko binasa. Hindi sa minamaliit ko ang libro, pero di ko lang trip kasi para siyang isang short-cut. Mas masaya siguro kung matutuklasan ko ang aking "purpose" sa aking sariling paglalakbay, hindi dahil sa sinabi sa akin ng isang manunulat na ito ang purpose ko. Sa tingin ko, dapat tayong lahat ang sumusulat ng ating sariling mga libro.

Ang pangit naman na pag natapos na ang libro natin, ang mababasa lang ay: Paeng - ipinanganak, nag-aral, grumadweyt, nagtrabaho, nag-asawa, nagkaroon ng anak, namatay. Parang robot na sumunod lang sa isang program, dumaan lamang sa isang predictable na cycle..

Parang hindi nabuhay.

Hindi. Hindi ako malalim. Gusto kong maniwala na ako ay nabubuhay. At ginagawan / hinahanapan ko lang ng saysay ang buhay ko.

Na-print sa Inquirer!!!

Maganda ang gising sa umaga. Lumabas ang aking sulat sa isyu ngayon ng Philippine Daily Inquirer. :D

Cunanan's concern for UP (PDI, 12/02/04)

Editor's Note: Published on page A16 of the December 2, 2004 issue of the Philippine Daily Inquirer

IT WAS irksome reading Belinda Olivares-Cunanan’s opinion on the deadlock in the election for a new president of the University of the Philippines (PDI, 11/22/04). Her argument that past UP presidents would never have gotten their position had there been no intervention from past Philippine presidents was mere grasping at straws—a classic case of trying to win an argument not by merit but by mudslinging.

Why would Edgardo Espiritu have been an ideal UP president for our times? Because he was a banker who made waves in the private sector but did nothing of consequence as a member of President Joseph Estrada’s Cabinet? What did he do as finance secretary when UP started to experience massive budget cuts?

On the other hand, Emerlinda Roman has proven to be one of the leading business educators in the country. Through her pioneering researches -- published and unpublished -- she has shown a firm grasp of current management issues, negating the argument that Espiritu is the better choice because of his new way of thinking. I would bet that Roman is even more conversant about new management theories and paradigms than Espiritu.

Cunanan’s “concern” for UP’s decrepit buildings and underpaid faculty may sound touching. But instead of sharing her opinion on the UP presidency, she should have asked her good friend, President Gloria Macapagal-Arroyo, to realign our national budget and priorities in favor of education. Then she would have done UP a big service.

-ERWIN RAFAEL
1578-C 8th St. Fabie Estate
Paco, Manila 1007


Kailangan ko ba itong ilagay sa scrapbook? Hahaha!!!

Is this a sign?!!!

Wala na namang pasok.

Lahat ng klase ko ngayong semester ay Monday-Thursday ang skedyul. Ewan ko ba kung kamalasan o sadyang coincidence lang, pero lagi na lang walang pasok ang klase ko!!! Ngayong sem, tatlong beses ko pa lang ma-meet ang aking Marketing Management class at dalawang beses naman ang CSYSANDS.

Ang hirap makuha yung pacing ng pagtuturo pag ganito. Mas mahirap kasi ngayon ko pa lang ituturo ang mga subjects na ito. Wala nang natututunan ang aking mga estudyante...

Pero isipin natin na kunyari, naniniwala tayo na "everything happens for a reason". Ano naman kaya ang maaaring dahilan kung bakit lagi akong nawawalan ng klase?

1) Siguro binibigyan pa ako ng time na magprepare nang mas maayos para sa klase ko?

2) Baka may mas importante pa akong maituturo sa labas ng classroom habang walang klase?

3) Baka kailangan kong matest kung paano mag-adjust sa ganitong klaseng sitwasyon?

What the hell. I never believed in "everything happens for a reason" anyway. Walang pasok kasi may bagyo, may contest, may strike ng jeep o kaya nama'y dineclare ni Gloria. Yun lang yun. Period.

Ngayon panahon na para matulog uli... :D

December 1, 2004

Nang Ipikit Ko Ang Aking Mga Mata...

Isa sa pinakamahirap na matutunan na bagay sa mundo ay ang umamin na ika'y nagkamali. Madalas, magaling tayong maghanap ng dahilan o masisisi. Basta hindi tayo ang may kasalanan. Laging hindi tayo. Laging si ano, si ganun, si ganito...

Ngayong schoolyear na ito, pinakamalaking problemang dala-dala ko ang Yearbook project ng IABF Student Council. Pumirma kami ng kontrata, akala ko ok na. Yun pala, kailangan pang ipa-approve sa management. Malapit na kaming mapenalize dahil di kami makakolekta. Sa ngayon nga, 15 days na lang ay may deadline na kami na magremit ng around P700,000. Wala pa kaming hawak ni isang piso.

Ang dami kong sinisi sa gulong napasukan namin. Kesyo hinaharang ng Dean ng Student Affairs. Kesyo may pinapaborang printer kaya ayaw i-approve. Kesyo ang kapal ng mukha ng FEU na kinuwestiyon ang presyo ng yearbook gayong ang admin naman walang pakundangan sa pagtaas ng tuition. Kesyo pinag-iinitan kami kasi mga pasaway kami at may pulitika...

Kahapon lang, napag-isip isip ko, ako naman talaga may kasalanan dito.

Alam ko namang lahat ng project ng Student Council, may approval dapat ng admin. Pero pumirma pa rin ako at napasubo ang aking ina-advise na Student Council.

Kung di ako pumirma at dumaan sana sa tamang proseso, e di wala sanang problema.

Eto ako ngayon, tanggap ko na na ako ang talagang nagkamali. Kaya dapat, ako na ang gumawa ng paraan para maituwid ang pagkakamali ko.

Matagal ko rin tiningnan ang Dean ng Student Affairs na isang "kaaway" pagdating sa isyu na ito. Pero nung inisip ko, ginawa lang niya ang trabaho niya. At ako ang hindi gumawa nang maayos sa trabaho ko. Kailangan kong tanggalin ang lahat ng biases sa utak ko. Kaya kanina, sumulat ako sa kanya.

Good day. When the IABF-SC sought my advice regarding the IABF Yearbook, I gave them the go-signal to proceed with the project without your and Dean Cabulay’s approval because I mistakenly assumed that the policies here regarding such a project were the same as the policies in the university where I came from. Thus, we proceeded with the printer selection process and the formation of the editorial board. On September 7, 2004, Marla Brigitte Galvan, Ryan Christoffer Usita and I entered into a contract with Repro Professional Printers (hereinafter referred to as Repro) who was selected as the printer for the IABF Yearbook.

It was only after the contract signing that I was made aware of my wrong advice to the students and that the said project needed approval from the administration. I tried to put the contract’s execution on hold until the said approval, but Repro has already fulfilled a part of the contract when they printed the promotional magazines and solicitation materials for the Yearbook in accordance with our agreement. Putting the contract on hold after partial execution of the contract would be in bad faith on the part of IABF-SC.

I advised the IABF-SC to pass a proposal subject to Dean Cabulay and your approval in accordance with our agreement during our emergency meeting regarding the different Institute yearbooks. The IABF-SC postponed collection of payments from the students / subscribers pending the approval of the project.

Per contract, we are to deposit 50% of the projected collections (P700,000) today, November 30, 2004. I already negotiated an extension of the deadline to December 15, 2004, seeing the improbability to fulfill our end of the contract.

As IABF-SC adviser, I am wholly to blame for this mess the IABF-SC has entered into because of my wrong advice. For that, I would like to apologize. I would like to ask then for your assistance on getting the approval that we need so that we can start collections for us to meet the December 15 deadline. I don’t want the IABF-SC, specifically the officers who are signatories of the contract, to suffer the penalty to be imposed if we fail to perform our end of the contract.

I sincerely implore for your understanding. Thank you.

Nagkausap na kami kanina. Magdiskusyon daw kami sa Huwebes nang umaga. At bakasakali, kung papalarin, makakakolekta na kami ng pera next week. Sana matuloy na nga.

Di pa ayos ang lahat. Malaki pa rin ang problema. Pero natuwa ako dahil kahit papaano, may nakikita na akong solusyon na maaaring mapatupad. Sa pagkakataong ito, hindi ko kinailangang buksan ang aking mata para sa kasagutan. Kinailangan kong pumikit, dahil minsan, ang sagot pala'y makikita sa ating mga sarili.

Ngayon napapaisip ako. Ganun din kaya ang dapat nating maging attitude pagdating sa pagsolusyon ng maraming mga problema sa ating lipunan? Hindi kaya't ang problema, at gayun na rin ang solusyon, ay nasa ating mga sarili mismo?

November 29, 2004

Oo nga pala...

Nakakaisang taon na pala ang kamote at ang kanyang sinisintang kamote rin.

Walanghiya, bakit nung college ako bawal pang magkagirlfriend hangga't di pa malapit ang graduation?

Punning With The Jologs: Another Eat...Bulaga! Post

Katatapos ko lang manood ng documentary ng GMA-7 para sa silver anniversary ng Eat...Bulaga! Oo na, Eat...Bulaga! na naman ang topic ko. Pero kailangan ko lang talagang makwento ito.

Balak ko naman talaga kasing panoorin ang docu na ito, ako pa e lagi akong nanonood ng Eat...Bulaga! basta may pagkakataon. Mas nagkaroon pa ako ng motivation na manood kasi ang aking dakilang propesor na si Jolography ay nag-text sa akin:

Hey prendz, sum1 pretending to be me will appear in the eat bulaga docu that airs this sunday night on gma after daddy didodu. :p

Wow. May 30 seconds of fame na naman ang jologs!!! Siyempre special talaga sa aming mga recluse ang lumabas sa TV. Naalala ko pa nung lumabas ako sa Magandang Gabi, Bayan na tumutugtog ng Lupang Hinirang sa kulintang habang nakapaa, nakashorts at hume-headbang. Grabe, nirecord pa iyon ng nanay ko sa isang VHS tape!!!

Tapos kaninang hapon, sumama ako sa aking mga ka-banda sa Sangandaan para tumugtog sa praktis/lessons ng isang grupong sumasayaw ng Tausug dance na pangalay. Tapos, akalain ko ba naman na yung isa sa mga member ng dance troupe ang siyang nagproduce ng docu ng Eat...Bulaga!. Wow!!! What a coincidence. Dahil kanina ko lang nakilala, ginamit kong pang-small talk yung appearance ni Jolography. Sabi ni Ms. producer, "Nakakatawa nga iyang si (bleep), pinapalagay pa niya na 'writer of Jolography', ang sabi ko naman naku (bleep), wala namang nakakaalam kung ano yung Jolography!"

Hahaha!!!

At eto, napanood ko na nga ang docu special. At syempre pinakahihintay ko ang appearance ng aking jologs na prof. Syet!!! Camera shy siya. Parang nakatanaw siya sa malayo pero nararamdaman ko na nakatingin ang kanyang peripheral vision sa camera. Conscious?

Ang ganda na sana ng kanyang 30 second spot. Napaka-intellectual na ng dating nang kanyang sabihin na may kakaibang power talaga ang Eat...Bulaga! na pasikatin ang mga taong dati ay nasa background lang. Galing! (clapclapclap) Malalim ang dating pero madali namang ma-gets.

Tapos bigla na lang bumanat si jolograpahy na ang Eat...Bulaga! ay magaling sa punning. Na ang salitang Eat...Bulaga! pa lang ay isa nang pun.

Dead air...

What the hell? Punning? Pun? Ano yun? May nakakaintindi ba nun?

Jologs viewer #1: Ano sabi niya? 'Paning'?

Jologs viewer #2: Oo yata! Yung Eat...Bulaga! daw magaling sa 'paning'. Baka sinabi niya funny, mali lang rinig natin.

Jologs viewer #1: Baka nga. Funny nga naman sina Tito, Vic at Joey. At yung salitang Eat...Bulaga! pa lang, fun na. Tama, funny nga.

Jologs viewer #2: Siguro kapampangan siya. Yung p niya nagiging f at yung f niya nagiging p. Tsaka balita ko, maraming taga-UP na kapampangan.

Jologs viewer #1: Baka nga. Kapampangan nga...

November 28, 2004

Ang Hari ng Tanghali

Kahapon ipinalabas ang unang parte ng silver anniversary ng longest-running variety show on Philippine TV - ang Eat...Bulaga! Sa isang medium na sobrang apektado ng pabago-bagong taste ng mga manonood, nanatiling hari ng tanghaliang Pinoy ang Eat...Bulaga! sa halos tatlong dekada. At mukhang wala pa ring hudyat na magbabago ang ganitong trend, lalo na't lalamya-lamya ang panlaban ng pinakamalakas nilang karibal, na halos buwan-buwan nagrereformat dahil di malaman kung paano tatalunin ang brainchild nina Tito, Vic at Joey.

Dati, may pagka-elitista ang attitude ko sa Eat...Bulaga! Sa isip ko ay puno ng panglalait. Ano ba namang klaseng show ito? Ang jologs! Politically incorrect! Ang pangit ng mga production numbers, ang cheap! Yan ang tingin ko sa show na ito dati.

Pero mga tatlong taon ang nakakaraan, nagkaroon ng mahabang panahon na nasa bahay lang ako. Yun yung mahigit tatlong buwan pagkaalis ko sa SGV na nagstay lang ako sa bahay habang hinihintay ang reply ng mga kumpanyang inapplyan ko ng trabaho. Dahil homebody, sunod lang ako sa pinapanood sa bahay namin, at yun na nga. Eat...Bulaga! kada tanghali. At duon ko nasimulang ma-appreciate ang show. Nakakatawa pala talaga siya. Educational din, lalo na yung mga natututunan ko na trivia sa elimination round sa Laban o Bawi at sa Stop the Clock. Nakakapagbigay rin siya ng pag-asa sa kanyang sari-saring papremyo sa E.B. Fone Home at sa jackpot portion ng Laban o Bawi. At marami pala talagang madidiscover na talented Pinoys dito tulad ng mga Birit Queen at ang mga hari ng Rap-public of the Philippines.

Noon ako napaisip na aminin ko man o hindi, matagal ko na rin palang sinusubaybayan ang Eat...Bulaga! Naalala ko pa na dito nagkaroon ng contest ng palakihan ng mapapalobong bubble gum sa contest na inisponsor ng Bazooka bubble gum. Na naiinggit ako noon sa mga magagaling magyoyo sa contest na inisponsor naman ng Coke at Sprite. Na sangkatutak na Little Miss Philippines na ang napanood namin. Na nagsubok kaming bumuo ng bandang gumagamit lang ng human body parts para sa instrumento, ala Banda Rito, Banda Roon. Na ang show na ito ang naging dahilan kung bakit kami natutong manood ng Ok ka Fairy ko at ng TVJ.

Dahil nga rin pala sa show na ito, meron na rin pala akong Tough Hits Vol. 1 nina Tito, Vic and Joey.

Totoo, mababaw lang ang show na ito. Politically incorrect din dahil sa iba't ibang jokes at okrayan tungkol sa kabaklaan, laki ng ilong, pangit na damit, etc. Pero parang sinasabi ng Eat...Bulaga! na sa ating napakahirap na buhay sa Pilipinas, di ba dapat tumigil muna tayo kahit sandali sa isang araw at magkatuwaan lang? Para kang umuwi sa bahay tapos pinagtripan ka ng mga kamag-anak mo. Tama, katuwaan lang, walang pikunan!!!

25 years. Grabe, kasingedad ko na, matanda lang ako nang 9 months. Ang Eat...Bulaga! ay isa nang institusyong Pinoy, isang "pamilya" na ating babalik-balikan tuwing tanghalian. Ngayon alam niyo na kung bakit pag wala naman akong turo, hapon o gabi na lang ako nagpapakita sa FEU. Siyempre, kailangan kong makita ang Eat...Bulaga! family. Lalo na ang kyut na kyut na Sexbomb Dancers (get get awwwww!!!).

Oo nga pala. Mamayang gabi ang special documentary ng GMA 7 na dedicated sa Eat...Bulaga! Sa mga interesadong malaman kung sino yung aking propesor na si Jolography na number one fan ng Sexbomb at Eat...Bulaga! sa academic circle, hanapin niyo lang yung iinterviewhin na mukhang alien na nerd na parang di lalaban kapag binugbog mo. Siya yun...

November 27, 2004

This Just In...

I just took one of those online personality tests and guess what came out as my temperament?

YOUR TEMPERAMENT IS IDEALIST

Idealists, as a temperament, are passionately concerned with personal growth and development. Idealists strive to discover who they are and how they can become their best possible self -- always this quest for self-knowledge and self-improvement drives their imagination. And they want to help others make the journey. Idealists are naturally drawn to working with people, and whether in education or counseling, in social services or personnel work, in journalism or the ministry, they are gifted at helping others find their way in life, often inspiring them to grow as individuals and to fulfill their potentials.

Idealists are sure that friendly cooperation is the best way for people to achieve their goals. Conflict and confrontation upset them because they seem to put up angry barriers between people. Idealists dream of creating harmonious, even caring personal relations, and they have a unique talent for helping people get along with each other and work together for the good of all. Such interpersonal harmony might be a romantic ideal, but then Idealists are incurable romantics who prefer to focus on what might be, rather than what is. The real, practical world is only a starting place for Idealists; they believe that life is filled with possibilities waiting to be realized, rich with meanings calling out to be understood. This idea of a mystical or spiritual dimension to life, the "not visible" or the "not yet" that can only be known through intuition or by a leap of faith, is far more important to Idealists than the world of material things.

Highly ethical in their actions, Idealists hold themselves to a strict standard of personal integrity. They must be true to themselves and to others, and they can be quite hard on themselves when they are dishonest, or when they are false or insincere. More often, however, Idealists are the very soul of kindness. Particularly in their personal relationships, Idealists are without question filled with love and good will. They believe in giving of themselves to help others; they cherish a few warm, sensitive friendships; they strive for a special rapport with their children; and in marriage they wish to find a "soulmate," someone with whom they can bond emotionally and spiritually, sharing their deepest feelings and their complex inner worlds.

Idealists are rare, making up between 20 and 25 percent of the population. But their ability to inspire people with their enthusiasm and their idealism has given them influence far beyond their numbers.

The Four types of Idealists are:

Healers (INFP) | Counselors (INFJ) | Champions (ENFP) | Teachers (ENFJ)

Which one are you?

Purchase your AdvisorTeam Classic Temperament Report™ now!


Well, of course I am not purchasing!!! But I guess this confirms that I am still that idealistic fool Dean Cabulay hired six semesters ago.

"Do you think you can maintain your idealism?"

"Absolutely, Sir."

Amen to that.

November 26, 2004

Magkaiba o magkaisa?

Ano ba talaga ang characteristics ng mga nagiging matagal na pag-iibigan? Sabi kailangan daw compatible kayo. "Birds of the same feather flock together". Kailangan daw pareho kayo ng katripan, ng pangarap sa buhay. Kung hindi, mag-aaway lang kayo.

Pero meron namang nagsasabi na "Opposites attract". Na ang pag-ibig daw ay pagpuno sa kakulangan ng isa't isa (parang nabasa ko sa After Eden ni Arnold Arre). Boring naman daw kasi pag kayo ay magkatulad. Para ka lang nain-love sa sarili mo.

Siguro wala naman talagang formula. May kilala naman kasi akong mga tao na magkalayo ang personality pero sila. At meron din namang di mo na mapaghiwalay pero sila din. Na-bring up ko lang naman ang isyung ito kasi nakikinig na naman ako sa mga kanta ni Mang Gary. Sa mga pinost ko dito dati, aakalain mo na sinusulat ni Mang Gary ay mga socially relevant songs lang, pero siya rin ang isa sa pinakamagaling magsulat ng love songs. At may dalawang kanta siyang sinulat na nagrereflect sa dalawang side ng compatibility question. Sana marinig ko uling kantahin ito ni Gary nang live:

PAG-IBIG LANG
from the album "Kahit Ako'y Mahirap

Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa
Ika'y apoy, ako ay tubig
Duda ko'y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba

Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika'y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay siya kong una
Madali mo'y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag

At pag tayo'y nag-uusap
Parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong

Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y
Masaya't may kaagapay
O kaya baka naman pag-ibig lang

IISA
from the album "Gary Granada Live!"

Minsa'y nasanay na nang nasanay
Sa konting konswelong aliw
Sa dinamidaming pasikutsikot ng buhay
Napakadaling mabaliw

Kung ikaw ay nanlalamig
Ako ay nakikinig at nakakaintindi
At sa hibang na daigdig
Ay mayron kang kakampi

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa

At kung ang karamihan ng buhay
Pakikipagsapalaran
Nakataya ang pag-ibig kong tunay
Sa lahat ng labanan

Kahit ano'ng daratnan
Hindi pagsisisihan, ako ay naririto
Sa kadulu-duluhan
Handang sumama sa iyo

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa

Buhay mo at buhay ko'y...iisa

Love Lost, Love Found

Mag-iisang buwan na ang bagong semester, at sa aking pakikibalita, nalaman ko na dalawang pares na kilala kong magsing-irog ay nabuwag na. Isa nang "old item", sabi nga sa English...

Sabi ng iba, ang tsismoso ko naman daw. Sa totoo lang, di naman ako nakikibalita sa ganitong mga bagay dahil sa tsismis lang. Madalas kasi, lumalabas lang ang ganitong isyu dahil may napapansin akong kakaiba. May nakikita akong mga nalulungkot. May nabibitawan akong salita na hindi dapat, nadudulas tuloy...

Mapalad talaga ako pagdating sa larangan ng pag-ibig. Biruin mo, best friend ko ang aking nakatuluyan. At sigurado akong kami na ni Ria. Maswerte talaga ako...

Minsan lang masyado akong nagiging idealistic at ine-expect ko na lahat ng makikita kong nagiging "item" ay papalarin ding tulad ko. Tuwang-tuwa nga ako kapag may nagiging magboyfriend/girlfriend kasi alam ko ang sayang nararamdaman ng nag-iibigan. Pero may mga relasyon talagang di nagtatagal. Sa kung anong dahilan, di ko na malalaman...

Marahil di pa talaga nila naunawaan ang tunay na pagmamahal? O kulang pa siguro angpagkakakilala sa isa't isa? Marahil kailangan wag ko na lang din isipin, baka magkaroon pa ng bahid ng panghuhusga ang aking mga komento, kahit di ko naman gustuhin. Pero nakakalungkot lang talagang makita ang isang pag-ibig na natatapos.

Pero masaya din ako nitong nakaraang buwan dahil may nakita rin akong isang tao na nakahanap ng pagmamahal. Matagal ko nang sinusubaybayan ang taong ito at tuwang-tuwa ako dahil binuksan niya ang kanyang mga mata. Nandyan lang pala sa kanyang tabi. Hahaha!!! Sana palarin sila...

Sa mga taong nagkahiwalay...sana lagi niyong isipin ang masasayang ala-ala ng pagmamahal.

HUWAG KANG MANGAKO NG KAILANPAMAN
from the album "The Better of Gary Granada"

Huwag kang mangako ng kailanpaman
At baka di ko mapapantayan
Huwag kang mangako ng habangbuhay
At baka di mo ako mahintay

Huwag kang mangusap ng kailanpaman
Kahit magdusa't daigdig ma'y pasan
Di kailangang matinik na landas
Upang patunayang pagsuyo'y wagas

Sana nga bukas tulad ngayon
Ang ating pagsasama
Sana paglipas ng panahon
Di ka mag-iiba, ngunit

Huwag mong sabihin ang kailanpaman
Tama na sa aking ibiging minsan
Huwag mong sabihing gaano katagal
Tama na'ng gaano mo ako kamahal

Sana nga bukas tulad ngayon
Ang ating pagsasama
Sana paglipas ng panahon
Di ka mag-iiba, ngunit

Huwag kang mangako ng kailanpaman
At baka di ko matutumbasan
At kung ang ating landas magsanga
Malayang damdamin ang magpapasya

United Nations(?)

Habang nagbabasa ako ng libro ni Walden Bello about Globalization, WTO, GATT at ang Bretton Woods institutions, napaisip ako kung saan ako maaaring humanap ng trabaho after three years.

Sa United Nations!!!

Pero saang department naman ako papasok? Sa UNESCO ba? Sa UNCTAD? sa UNDP? Sa ILO?

At ano namang trabaho?

Depende siguro sa kung ano (finally) ang pagdedesisyunan kong gawin sa next two years. CFA ba o ipupursue ko na ang Sociology?

Ang hirap namang mag-decide...

November 23, 2004

Why do we teach? What do we teach?

Maraming nagtatanong sa akin, bakit hindi ako sa UP nagsubok na magturo? Bakit daw ako nasa FEU? Madalas kong sinasabi na ako ay pumupunta kung saan ako kailangan. Di naman ako kailangan (pa) sa UP, marami nang magagaling magturo duon. Panahon na para lumabas naman ang benefits na tinatamasa ng mga UP students sa ibang unibersidad.

Ngunit sa totoo lang, grabe ang inspirasyong nakukuha ko sa mga propesor sa UP. Duon ko nabuo ang aking imahe ng isang ideal na teacher. Grabe ang kanilang sakripisyo, pinapalagpas ang sangkatutak na opportunities na yumaman para lamang mahubog ang magiging pag-iisip ng mga future leaders ng ating bansa. Malaki ang kanilang tiwala sa mga estudyante, dala ng paniniwalang ang estudyante ay matututo hindi sa pamamagitan ng spoonfeeding kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng responsibilidad sa estudyante kung paano niya gagamitin ang kanyang oras at talino.

Malayo pa bago ko maabot ang level ng mga bayaning guro ng UP.

Kahapon, naideklara na bagong UP president si UP Diliman Chancellor Emerlinda Roman. Si Tita Emer ay nagtuturo pa noon sa College of Business Administration nung nag-aaral pa ako, pero sa graduate school na yata siya nuon. Masaya dahil nanaig ang integrity over political pressures, pagkatapos ng pangingialam ng Malacanang sa seleksyon ng UP president. Congrats kay Tita Emer!!!

Nalaman ko ang balitang ito kay jolography, isa ring dakilang propesor sa UP (LOL!). At dahil sa balitang hatid ni Jolography, nabasa ko ang isang sulat ni Dr. Sergio Cao, ang faculty regent, na siya ngayong nagbibigay ng inspirasyon sa akin na magpunyagi pa sa aking napiling propesyon. Sana ma-inspire din kayo.

Chancellor Emerlinda Roman is UP's First Woman President

I am sure you have heard the good news that the BOR yesterday broke the tie between Chancellor Roman and Ambassador Edgardo Espiritu by a vote of 7-5 in favor of Dr. Roman. She will be UP's first woman president!

In this last update on the search for the next UP President, I would like to share with you my statement addressed to fellow members of the Board of Regents given to them before the vote yesterday.

WHAT WE TEACH OUR STUDENTS

I am happy teaching in the University of the Philippines despite the low salary. Like me, there are many others who have made the choice to spend the best years of their lives teaching in UP helping educate and train the country's future leaders, refusing tempting opportunities outside the University.

Why do we teach? Why do we teach in the University of the Philippines? What do we teach our students? Yes, we teach them mathematics, economics, philosophy, history, biology, engineering, computer technology. But we teach them so much more...

We teach them to become responsible and productive members of society. We teach them love of country and respect for their fellowmen. We teach them to be honest especially if they become government officials, business and industry leaders, people of power and influence; and to always seek and defend the truth.

We teach them that honor and "palabra de honor" are non-negotiable; "na ang utang ay binabayaran at ang utang na loob ay hindi sinisingil."

We teach them to value friendship but that friendship sometimes must be set aside for principled decision and informed choice.

We teach them to respect and uphold the law, accepted codes and codes of conduct; that even the simple "red light" on traffic lights really means "stop."

But we teach our students our fields of expertise inside the classroom. That is the easy part. Values education, however, is more effectively done outside the classroom. So how then do we teach values?

We teach them by our examples and actions. Our students look at us for signals that determine how they transact business, how they deal with other people higher or lower than them in status, how they deal with the government and its representatives, and how to make a choice.

And today, November 22, 2004, we the UP Board of Regents, will give our students and future generations a lesson in making a choice.

We as a Search Committee agreed on a set of selection criteria to guide us in our choice for UP President. Let us therefore choose wisely and according to those criteria. Let not history say that we made a wrong choice of the UP Centennial President. Of the two nominees, let us choose the one whose academic experience and personal integrity will lift UP to higher grounds, whose Presidency will be good for the University and its future.

I close with a paraphrase of the Prophet Joshua in the Old Testament:

"Choose ye therefore today whose interest you will serve. As for me and my house, we will serve the best interest of the University of the Philippines."(Joshua 24:15, paraphrased)



Signed: Sergio S. Cao, Faculty Regent, Nov. 22, 2004


Hinagpis Para Kay Luisita

Matagal din akong di nakapagsulat dito sa aking tambayan dahil ang dami kong ginagawa. Ngunit ang balita ngayong linggo tungkol sa trahedya sa Hacienda Luisita ay sadyang nakakabagabag. Ang Hacienda Luisita, simbolo ng isa sa dalawang malaking kapalpakan ng rehimeng Cory Aquino, ay muling bumulaga na naman sa pambansang kaisipan. At tulad ng dati, muling ipinakita ng sinumpang lupain na ito ang malalim na problema sa lipunang Pilipino.

Isang malaking irony na ang Hacienda Luisita ay minsang pinamahalaan ng isang ginagalang na nationalist na si Ninoy Aquino. Kung paniniwalaan natin ang mga personal accounts ni Teodoro Benigno (The Philippine Star, Nov. 19, 2004), binalak ni Ninoy na gawing centerpiece ng kanyang land reform program ang Hacienda, na kanyang ipapabenta sana sa kanyang maybahay na si Cory bago ang kanyang balak na pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, namatay si Ninoy sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. At sa kanyang kamatayan, naglaho na rin ang mga planong gawing modelo ng makabuluhang reporma ang Hacienda.

Sa halip, ang Hacienda ay naging modelo ng huwad na reporma sa ilalim ng CARP sa panahon ni Cory Aquino. Dahil sa kanyang pagpapahalaga sa pampamilya at pansariling interes, sinayang ni Cory ang pagkakataong makapagsulong ng isang tunay na reporma sa pamamagitan ng pagpasinaya ng isang land reform law na kulang sa ngipin, maraming butas, at higit sa lahat, malulusutan ng Haciendang nanatili pa rin sa pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Sa ilalim ng CARP, ang Hacienda ay naging isang "korporasyon", kung saan 30% ng shares ay naging "pag-aari" ng mga magsasakang "mabibiyayaan" ng land reform. Pagkatapos ng stock distribution sa mga magsasaka, ang pamilya Cojuangco ang nagkaroon ng control sa mga lupang ito na kanilang patuloy na ginagamit sa kanilang malaking negosyo. (Para sa mas malalim na diskusyon sa Hacienda Lusista at CARP, basahin ang The Anti-Development State ni Walden Bello).

Mariing ipinagtatanggol ngayon nina Noynoy Aquino at iba pang kaanak at kaibigan ang mga pangyayari sa Luisita. Sabi nila, ang dapat daw sisihin ay ang mga maka-kaliwang grupo na siyang nag-udyok sa mga manggagawa na magpiket at magwelga. Ang mga grupo rin daw na iyon ang mga provocateur na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo. Hindi naman daw ang pulis at ang militar ang nagsimula. Una raw nagpaputok ang mga maka-kaliwa. Ang maka-kaliwang "nanghihimasok" lamang dahil hindi naman sila mga trabahador sa Hacienda.

May tao bang magkakaroon ng lakas na loob na lumaban sa pinakamalakas na pamilya sa kanilang lugar kung wala siyang tunay na hinaing at walang matinding hirap na nararanasan? May maglalakas-loob ba na ibuwis ang kabuhayan ng sarili at ng kanyang pamilya dahil lamang sa simpleng pang-uudyok?

Kung ang mga makakaliwang grupo ang nagsimula ng gulo...bakit walang nasaktang pulis at militar? Bakit labing-apat ang namatay kung warning shot lang naman ang pinaputok? Bakit gumamit pa ng baril kung crowd dispersal lang naman, e meron namang truncheon at tear gas?

Bakit walang karapatang manghimasok ang mga Party-List representatives sa mga isyu ng kanilang mga constituent na masang Pinoy, samantalang si Noynoy Aquino, may karapatang manghimasok sa mga national issue na hindi naman maaapektuhan ang kanyang distrito?

Bakit nangyayari ang mga bagay na ganito sa isang demokrasya kung saan ang kagalingan ng nakakarami ang dapat na nasusunod?

Bakit ang kakaunting mayayaman na may-ari ay pinoprotektahan ng ating militar at kapulisan, samantalang ang karamihan na mga mahihirap na walang makain dahil karampot lamang ang sweldo, ay sinasaktan, binabaril at pinapatay?

Bakit ang 70% ng lupa ay pag-aari ng iisang pamilya lang, samantalang daan-daang pamilya ang naghahati sa tira-tirang 30%?

Demokrasya ba ito o oligarkiya?

Kailan kaya babaliktad ang tatsulok?

Tatsulok
ng Buklod

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, huwag nang magpagabi
Baka pagkamalan pa't ma-salvage ka d'yan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Lumilikas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating luntiang bukid ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok
Katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok

Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

November 20, 2004

Ano kami...tanga?!!!

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Gloria:

"The fiscal crisis is now over..."

Clap clap clap...

...

...

...

Ulol!!!

Ano kami, tanga?!!! Tatlong buwan pagkatapos mong magdeclare na may fiscal crisis, sasabihin mong nakabawi na tayo dahil lang may pinasang batas ang Kongreso na hindi pa nga naiimplement ni hindi pa rin naipapasa sa bicameral?!!! Sinong niloloko mo?

Kungsabagay, ano nga ba ang fiscal crisis? Yun yung kapag sobrang laki ng expenditures kaysa revenues ng gobyerno, di ba? E sa sobrang laki ng ginastos mo sa eleksyon na public funds, ibig mo bang sabihin nabawi na natin yun?

O baka naman nagpapabango ka lang kasi kinakawawa na tayo ng mga international credit rating agencies. At di ka na makautang para mapagtakpan yung laki ng nagastos mo sa eleksyon...

Bwisit. Lesser evil pala. Pwe!!!

November 14, 2004

Ang Isip Kamote

Isang excerpt mula sa post ng aking kapatid na si Nanoy, ang Mahiwagang Kamote:

Sadyang nakakalungkot. Sa mga panahong iyon, parang nagdalawang-isip ako kung nasa Unibersidad ng Pilipinas nga ba ako. Sinasabing kami daw ang pangunahing magtataguyod ng kinabukasan ng Pilipinas, pero heto kami, nag-aaral dahil kailangan? Kami ang kinabukasan ng Pilipinas, ngunit heto kami, nag-aaral para makakuha ng karangalan?

Tama ang sinabi ng propesor naming si Joven Descanzo, na ang ibig sabihin ng "edukasyon" sa kasalukuyan ay ang matapos ang lahat ng requirements, magkaroon ng diploma, at makapagtrabaho. Hindi na mahalaga kung may natutunan o wala. Hindi na mahalaga kung gamitin o hindi ang mga natutunan.


Para sa kabuuan ng kanyang post, pumunta lamang dito.

I'm so proud of you, brother!!! Malayo ang mararating mo nyan. :)

OK ba ang plugging ko? :p

November 12, 2004

True(r) to life story...

What a bunch of crap. I just watched (although I did not really watch, I was eating dinner) tonight's episode of MAGPAKAILANMAN, which happened to feature Anton Diva, aka Anthony Ragaza, who was a schoolmate of mine in Paco Catholic School. He was a batch mate of my brother, who studied one year ahead of me. The supposedly true story of Anton was full of crap...

His (Her) father hated him (her)? Bullshit!

He (she) was a closet gay before college? C'mon, you're making me laugh!

He (she) graduated with top honors? What a joke!!!

Well, I guess this just shot down primetime TV's credibility when it comes to true-to-life stories.

I hope nobody makes a TV adaptation of my life. What would happen? Would I suddenly have a fling with another woman to make my lovelife more interesting for the Filipino audience? Would I suddenly look so geeky with big glasses and I would have a tortured past where dumb classmates would bully me?

Would I suddenly be a summa cum laude graduate?

And more importantly...who would play me?

Sa totoo lang, kahit sinong artista ok lang. Basta walang bigote...

November 11, 2004

A Different Classroom Education

Kanina, natuloy na ang kinakatakutang resectioning ng aking mga estudyante. At binigyan ko sila ng opportunity para mag-decide para sa sarili nila...

At parang maraming nangyari sa kanilang discussion. Yun nga lang, wala silang naabot na desisyon. Kasi, mukhang nagkaroon ng deadlock. Ng walkout (?). May (mga) umiyak rin yata...

In the end, the ball went back to my hands. Although the final decision was not entirely of my own making.

Heniweyz, bakit ba ipinasa ko pa sa aking mga estudyante yung desisyon? May nagkasamaan pa tuloy ng loob.

Naghuhugas ba ako ng kamay at ayokong gumawa ng sariling desisyon?

Hindi. Sa totoo lang, may sarili na akong solusyon na i-implement sana. Pero gusto kong may matutunan ang mga estudyante ko sa pagkakataong ito. Kung ako ang gagawa ng desisyon para sa kanila, malaking aral ang mawawala...

Anong aral ba ang gusto kong matutunan nila?

Ako na lang muna siguro ang makakaalam nun. Ang inaasahan ko lang, pag tinanaw muli ng aking mga estudyante ang experience na ito, maiisip nila saan ba ako nagkamali? Ano ba ang ipinaglaban ko? Tama ba ang inasal ko (bago, habang at pagkatapos ng diskusyon)? At higit sa lahat...

Sa pag-iisip ko ng solusyon, inisip ko ba kung anong solusyon ang tama...o kung anong solusyon ang papabor sa akin?

Matalino ang aking lalabs!!!

May mga nagtatanong sa akin, ano raw ba ang trabaho ng aking ria labs. Sabi ko, teacher din siya tulad ko. Nagtuturo siya sa UP. E ano naman daw ang tinuturo? Sabi ko, linguistics...

Lingusitics? Ano yun?

Pag ganun na ang tanong sa akin, mahirap nang sumagot kasi ang hirap namang sabihing nagtuturo siya tungkol sa pag-aaral ng wika. Kaya kung interesado kayo kung ano ang expertise ni lalabs, eto ang isang post kung saan makikita niyo kung ano ang pinag-uusapan namin habang nakasakay kami ng jeep pauwi ng bahay:

/l/ at /r/

ayus ba? magcomment naman kayo at lagi niyo na ring dalawin ang kanyang blog. :p hahaha!!! OK ba kong mag-pluging, lalabs? hahaha!!!

November 10, 2004

Lonely at the Top

Bakit ba parang di ako ganung makangiti ngayon?

Sometimes, I have to make and implement decisions that are unpopular but is ultimately correct. Ang problema lang, pinepersonal kasi ako, lalo na kapag kakilala ko ang naaapektuhan ng desisyon. Para siguro sa marami, mahirap lang sigurong paghiwalayin talaga ang personal sa trabaho.

It really gets lonely at the top. I am lonely here at the top. But life needs to go on, ang there's much work that needs to be done.

November 7, 2004

Dis(section)

This post is inspired by a comment one of my students made in my previous post. It's something I have always been puzzled about when I entered FEU - the students' preocupation with who their classmates are going to be when they choose their section.

I never had a lifelong clasmate while I was studying. Even way back in my elementary days, I can remember only one person who happened to always be one of my classmates from Kindergarten to Grade 6. And that's not even a conscious decision on our part. I never had a common classmate for all my four years in high school.

When I was in college, I was part of a small barkada of five persons during my first four semesters. We happened to have the same "taste" in time preferences I guess, which is why we happened to be classmates for most of our subjects for two years. Although it's just "most", not "all" subjects, since I have already shown early signs of "independence" when I decided to enroll in a different section in Social Science II, Speech and my English elective (Romanticism!!! Why the hell would a BAA student want to enroll in a Romanticism class?).

By my third year, I never cared one bit what section my friends would enroll in. I came to enrollment unmindful of when my friends would come to get their schedules. That never meant that we won't be as rowdy when we see each other in the halls of my college. Our friendship stayed intact and we are still the BAboys, the gagos and tarantados who wear shorts and slippers when attending classes in the "sosyal" College of Business Administration.

Actually, I am very thankful that I was quite independent in my enrollment decisions. If I never struck out on my own, I would never have found time to be involved with the ethnic music group KONTRA-GAPI and life would have been wholly different for me. If I never struck out on my own, I would never have enrolled in a Panitikang Pilipino class which allowed me to meet the great author, Bienvenido Lumbera. If I never struck out on my own, I would never have known Jolography and all of my crazy classmates in CW 180. If I never struck out on my own, I would never have known Mr. Pineda and Mam Echanis, two "terror" teachers who have been instrumental in making me competent in Finance which happened to be my favorite subject to teach today. If I never struck out on my own, I would never have taken my feasibility study a full semester earlier than expected, which would have deprived me of my most fulfilling academic achievement in college.

If I never struck out on my own, I would never have known that Malabon gets flooded even when there's no rain. Or that the zigzag roads in the mountains going to Mariveles are more challenging than the ones in Baguio.

Most importanly, though, if I never struck out on my own, I would only have had a very limited circle of friends. There's not one student in my batch that has never been my classmate. And I'm very thankful for that. I actually got to know my best friend in college only in my fourth year.

Now this is not a criticism against the FEU students, most of whom I think really put their friends' decisions in mind when they choose their schedules. I guess we just happened to have different mindsets, me being born out of a culture where building one's capacity to work on his own is very much encouraged, while they are born out of a culture where tight-knit friendship and group camaraderie is of high value.

Still, I think students would have a richer experience if they get to know more people instead of comfortably being with their barkadas all the time. It's good to learn how to deal and work with different types of people, which would pretty much be the norm after graduation. It would also let them deepen their sense of friendship because it would be tested by their lack of time spent together. It also opens up more opportunities to experience new things, as the mind is not shackled by the limits unconsciously set by being with the barkada. There would also be a lack of "animosity" between different sections who would tend to treat non-classmates as a bunch of "others".

Most importanly, though, the Graduation Yearbook would be much more enjoyable to read if everybody is more than just a familiar face. :)

Randy David once wrote about "imagined communities" in the Philippine setting. While there may be a higher sense of individualism in other countries, Filipinos tend to imagine their communities a bit smaller than people in other countries. Which is why Pinoys tend to look after the welfare of their families, instead of their communities. Why Pinoys tend to be regionalistic, instead of nationalistic. I guess a lot of my students tend to imagine their communities within the bounds of their assigned section in the classroom. How I wish their "imagined communities" would extend to their batch. Or to their course. Or to their institute. Or to their university. Or to the greater community.

November 6, 2004

Sama ng loob

Tinawagan ako ngayon ng aming sekretarya. Sinabihan na ang dami daw nag-aabang na mage-enroll, anong oraw pa raw ba ako papasok.

Pagod na pagod na ako. Dalawang linggo na akong ganito. Di ko alam kung sasama ang loob ko sa ibang adviser na madalas ako na lang ang iniiwan sa ere. O kaya maiinis ako sa mga estudyante na nagpapakadelinkwente tapos ngayon ang tagal tagal tuloy nilang mag-enroll, nagagalit pa sila sa amin...

Pero alam ko na di dapat sumama ang loob ko at naiisip ko lang ito dahil gusto ko lang magpahinga...Gusto ko lang magpahinga...

November 2, 2004

Ang Unang Araw (na naman)

Ika-anim na semestre ko nang nagtuturo, pero hindi pa rin nawawala ang aking nerbiyos sa unang araw ng pasukan. Marahil ito ay dahil mga bagong mukha na naman ang aking makikita. Mga bagong pakikisamahan na naman na hindi ko alam kung makakayang sumakay sa aking mga ka-tripan at kung maiintindihan ang aking mga sinasabi.

Ito ang saya ng pagiging teacher. Bawat semestre, dumadaan ako sa "reinvention". Yung ginagawa ko dati, hindi ako sigurado kung magiging kasing-successful kung gagawin ko uli ngayon. Kahit na ilang beses pa nilang i-emphasize sa accreditation process ang standardization ng syllabus, curriculum, reading lists at maging ng mga teaching techniques, hindi ko talaga maiwasang mag-customize. Ang pinag-uusapan kasi natin dito ay mga tao, hindi mga robot. Lahat ay may kanya-kanyang pagkakaiba, kaya iba't ibang approach ang kailangang gamitin.

Mababait kaya ang aking mga tuturuan ngayon? Ano kaya ang kailangan kong gawin para maintindihan nila ang aking mga ituturo? Ano kaya ang dahilan kung bakit sila nag-aaral? Maging interesado kaya sila sa mga "extracurricular learnings" na sinusubukan kong ipasok sa aking mga turo?

Ang umpisa ng semestre ay panahon din para makapagmuni-muni ako sa aking ginawa sa nakaraang limang buwan. Ang 1st Semester SY 2004-2005 talaga ang aking pinakamasamang semestre ng pagtuturo. Dito kasi nagsimulang isipin ko ang aking makukuha, imbes na isipin kung ano ang aking maibibigay. Nagsimula nang pumasok sa utak ko ang career at achievement, at medyo nakalimutan ko ang aking misyon. Ang pagtuturo kasi ay hindi isang trabaho kundi isang vocation. Ang aking madalas na pag-aabsent at ang aking "career oriented", imbes na "principle oriented", na pagtuturo ay hindi naging mabuting halimbawa sa aking mga estudyante.

Ngayong semestre, kailangan i-reformulate ko ang aking lesson plan. Gusto kong maintegrate muli sa aking mga turo ang mga prinsipyo na sa tingin ko'y kailangan dalhin ng mga kabataan ngayon. Naging focused kasi ako sa pagdevelop ng skills na kailangang dalhin ng mga estudyante ko pagdating sa trabaho. Nakalimutan ko na tayo ay narito sa mundo para mabuhay, hindi para magtrabaho. Siguro dahil na rin ito sa aking naging disposisyon last sem na mapausad ang aking career, manalo ng mga interschool contests at manalo ng mga awards. Nakalimutan ko na kaya ako nagtuturo ay upang makagawa ng mga hakbang para magkaroon ng mabuting pagbabago sa ating lipunan.

Mayroon din akong bagong misyon ngayong sem na sana magkaroon ng katuparan. Inspired ito ng isang essay ni Randy David na binasa ko kagabi. Sabi niya, ang mali sa ating university system ay ang pagiging obssessed nito sa preservation of knowledge. Ang mga university ay para nang mga factory na nagma-mass produce ng isang "standard" na estudyante na kakailanganin ng mga kumpanyang naghahanap ng mga trabahador. Dahil sa ganitong patakbo ng mga pamantasan, naiipit tayo sa status quo. Wala nang nag-iisip, tayo ay nagiging mga tagasunod na lamang. Dapat maibalik ang attitude sa ating mga kabataan na sila ay mga "agents of change" at malaki ang maitutulong nila para maibangon ang ating lipunan. Kailangan ay may "attitude of learning", hindi lamang "attitude of knowing". May "mindset of creation", di lamang "mindset of preservation".

Maganda sana ang balak ko noong nakaraang sem. Pagsulatin ng sangkatutak na mga research papers ang aking mga estudyante. Pero natakot ako. Hindi dahil sa tingin ko'y hindi nila kaya, kundi dahil pakiramdam ko ay nakakaaistorbo lang ako lalo na't nahihirapan rin sila sa ibang subjects. Mali talaga ang aking pag-iisip. Panahon nang wag akong matakot na ipagawa sa aking mga estudyante ang mga mahihirap na bagay na alam ko naman ay malaki ang maitutulong sa kanila. Siguro mas importanteng isipin ko na lang kung paano ko maipapaintindi sa kanila na may kabuluhan ang kanilang gagawin.

Bagong sem na naman bukas. Isang panibagong simula. Muli, may bagong pagkakataon na naman para pasiglahin ang misyong aking sinimulan mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Sana maging tunay na makabuluhan ang sem na ito...

November 1, 2004

Bo(bo) Tube

Ngayong medyo napahinga ako nang konti, medyo napadami rin ang oras ko para manood ng TV. Pero imbis na matuwa ako, nainis lang ako. Pinatay ko na ang "boob tube" at nagbasa na lang ng libro.

Madalas akong manood ng TV dati. Lagi nga lang panggabi. Para akong nasa heaven noon kapag napapanood ko yung mga favorite kong shows tulad ng I-Witness, Probe Team, Public Forum, Inside Story, etc.

Alam ko na palabas pa rin naman ang ilan sa mga shows na ito, pero dahil sa sobrang tutok sa mga walang katapusang teledramas at di-nakakatawang comedies, masyado nang ginagabi ang mga ganitong palabas at ako'y nakakatulog na bago ko pa man makita ang opening segment.

Nakakainis manood ng TV ngayon kahit na may Cable TV. Mali pala. Nakakainis manood lalo na pag nakikita ko yung mga palabas sa Cable TV. Sabi pa naman ng mga elitista at mga intelektwal kuno na sa Cable TV na lang daw manood kung gustong takasan ang wala raw kwentang palabas sa mga local channel.

Pero ano ito? Fear Factor? Siguro marami sa inyo ang natutuwa dito, pero sa totoo lang, ako hindi. Hindi siya nakakadiri. Hindi ako nasusuka pag napapanood ko ito. Pero naiinis lang ako't may mga taong pumapayag na bumaba sa ganitong level para lang makakuha ng pera. At marami namang tumatangkilik sa ganitong klaseng palabas.

Naiinis rin ako sa Max X sa AXN. Tuwang tuwa ito sa pagpapakita ng mga taong naaaksidente, nasasaktan, namamatay, sumasabog, etc. Entertainment at the expense of others' misfortunes. Buti pa yung America's Funniest Videos, kasabay mong tumatawa yung subject ng camera. E sa Max X, bali bali na yung buto nung subject, pinagkakatuwaan pa.

Meron pa yung mga Ultimate Fighting Championship at kung anu-ano pang "mixed martial arts" kuno na sports shows (kung sports man yun). Mahilig naman akong manood ng mga contact sports tulad ng boxing, arnis at taekwondo. Pero ibang klase ang UFC dahil ang mga producers nito ay nag-aakala na ang contact o fighting sports ay isa lamang display ng machismo. Wala na ang honor at dignity sa ganitong klaseng mga laban. "You are my adversary, but you are not my enemy," sabi nga sa isang ad para sa Olympics. Pero sa UFC, parang ang gustong sabihin e "You are my enemy and I will eat you alive." Walang kwenta.

Tapos may palabas pa na Young, Posh and Loaded. Walang kakwenta-kwentang palabas. Tang ina, nabubuhayan ang aking pagsigaw para sa redistributive justice. ARRRGGGHHH!!!

Tapos ang dami pang walang kwentang talk show. Nandyan yung morning show ni Kris Aquino. Nakakairita at nakakainis yung parang nagpapanggap sila na alam na alam nila ang tamang gagawin para gumanda't sumaya ang buhay. Pati rin yung kasabay na show sa kabila, yung Sis. Akala naman ng mga producers ng show na porke nagko-quote sina Janice at Gelli ng mga "words of wisdom" e wise na agad ang dating ng show nila na napakababaw naman. Siyempre, lahat naman ng ito ay nag-usbong dun sa talk show ng reyna ng kaplastikan, kababawan at yung kaawa-awang dependence sa mga self-help at inspirational books - Oprah. Hindi ako naiinspire sa panonood ng show na ito. Naaawa ako dahil sa mga taong kailangang manood nito para lang malaman kung ano ang dapat gawin nila sa buhay.

Ahhh...hindi ko pa rin nasasabi kung ano yung pinakaayaw kong palabas. Ano nga ba? E di siyempre yung bwisit na For Love Or Money. At bullsiyet, umabot pa pala ito ng Season 3!!! Words fail me...

Minsan lang ako natuwa sa panonood ko ngayon. Yun ay nang manood ako ng Eat...Bulaga!!! Ngayon, sabihin naman na napaka-hipokrito ko't nilait-lait ko ang napakaraming show pero nanonood pala ako ng isang "jologs" na palabas. Pero nakakatuwang manood ng Eat...Bulaga!!! dahil kahit na politically incorrect siya, kahit kailan ay hindi siya nag-pretend na isa siyang malalim na palabas. Ang tanging objective lang niya ay makapagpatawa at magbigay ng konting distraction sa masasamang balitang araw-araw na lang natin nasasagap. At siyempre, sino bang di maaaliw sa mga Sexbomb Dancers? (At bakit mo sinasabing bastos sila? Yung mga taong nababastusan sa kanila, mga bastos ang pag-iisip.)

Sabi nila, kailangan daw proteksyonan ang mga manonood sa mga masasamang impluwensiya na maaaring mapulot nila sa mga palabas sa TV. Sa tingin ko naman ay baligtad. Ang napapanood natin sa TV ay impluwensiya ng mga manonood. Dahil kung walang manonood, bakit naman patuloy na dadami't magtatagal ang ganitong mga palabas? At yun ang malungkot. Kung ang mga palabas sa TV ay repleksyon ng mga ninanais ng mga manonood nito...ano na lang ang ipinapahiwatig nito sa estado ng ating lipunan?

Nakakainis. Panahon na para patayin ang bo(bo) tube...