December 31, 2005

Patapos na ang 2005

Ano bang significance nito?

WALA.

Naiintindihan ko pa yung pagdiriwang ng birthday dahil nagpapasalamat kang humahaba ang buhay mo. Pero yung pag-celebrate natin nang sabay-sabay ng January 1, anong silbi nun? Isa lang naman siyang arbitrary na pagdivide ng ating mga araw para magrepresent ng isang revolution ng Earth paikot sa Sun.

Hindi naman natin kailangan ang January 1 para makapag-reflect sa mga dumaan nating karanasan. Hindi naman natin kailangan ang January 1 para magkaroon ng mga personal resolutions. Kasi puwede naman nating gawin yun kahit kailan natin gustong gawin. Kung mas maaga at mas madalas nga nating gagawin, mas maganda pa. Hindi yung hinihintay pa ang New Year.

Kaya ganito lagi ang bagong taon sa akin. Painternet-internet. Patulog-tulog. Pakain-kain. Panood-nood. Pasoundtrip-soundtrip.

Bakasyon.

YUN LANG.



(Suplado ba? Masama lang yata loob ko kasi kahit kailan, hindi pa ako nakapagpaputok. Inggit!!!)

December 30, 2005

Wala akong maisulat tungkol kay Rizal

Ngayon ang Araw ng Kabayanihan ni Rizal. Isang buong araw na akong nag-iisip kung ano ang aking maisusulat tungkol sa ating pambansang bayani. Isang araw na rin akong nagpapaulit-ulit na nagbabasa ng The Philippines A Century Thence Hence (salamat kay Manolo sa link) para makakuha ng inspirasyon.

rizal bulag


Lintik...hindi naman pala magaling manghula si Rizal.

Sabi nga ng Eraserheads:

"Kung ano tayo noon
Ay ganoon pa rin ngayon
Umiikot ang mundo at hindi humihinto
Ngunit ang kalagayan mo ay
Hindi nagbabago
Hindi nagbabago
Hindi nagbabago

WALANG NAGBAGO!!!"

December 29, 2005

Project #3 para sa 2006

Gawin ang aking parte para sa pag-achieve ng Millennium Development Goals.

Logo RockEd


Ano ba ang MDGs?

Goal 1. Eradicate extreme poverty and hunger
Goal 2. Achieve universal primary education
Goal 3. Promote gender equality and empower women
Goal 4. Reduce child mortality
Goal 5. Improve maternal health
Goal 6: Combat HIV/AIDS, malaria and other diseases
Goal 7: Ensure environmental sustainability
Goal 8: Develop a global partnership for development

More information on how you can do your part in the Millennium Campaign and RockEd websites.

December 27, 2005

Ang Soundtrip ni Paeng - 2005

Ang taong 2005 para sa OPM, sa unang tingin, ay nakakadismaya. Naghari sa airwaves ang mga Pinoy artists na hindi naman original ang kinakanta, tulad nina Nina at M.Y.M.P. - isang regression sa development ng tinatawag na Original Philippine Music. Nandiyan rin ang mga pog-rock bands tulad ng Cueshe, Hale at Orange and Lemons na inuusad diumano ang Pinoy music by, ironically, sounding like foreigners. At siyempre, nagsulputan rin ang kahiya-hiyang issue ng plagiarism ng mga local acts ng mga kanta ng mga foreign artists, tulad ng Orange and Lemons sa The Care para sa kantang Pinoy Ako, ng Session Road sa Superdrag para sa kantang Leaving you, at ng Cueshe sa Silverchair para sa kantang Stay.

Pero may magagandang developments rin naman sa Philippine music scene. Una, kahit na puro revival at medyo pangit ang mga kanta, na-dominate naman ng local acts ang mainstream. Ikalawa, nadadalas na ang pagkuha sa mga local acts para magdevelop ng full-blown soundtrack sa TV shows (Panday, Spirits, Encantadia, atbp.) at sa pelikula (Pinoy Blonde, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, atbp.). Ikatlo, malakas pa rin naman ang underground scene na siyang nagdadala ng apoy ng pag-asa para sa pag-develop ng OPM. Ikaapat, lumalakas ang consciousness ng mga artists sa pagprotekta ng kanilang intellectual property rights, kaya marami nang mga album ngayon ang independent release o kaya nama'y copyrighted na sa kanilang pangalan.

Ang sumusunod ay ang aking Top 10 OPM sound trip para sa 2005. Ang kasama lang dito ay ang mga na-release nang 2005, kaya kahit na ang ALON ni Bayang Barrios ang aking pinakagasgas na CD ngayong taon, hindi ito kasali dahil December 2004 siya ni-release. Hindi rin kasali yung TAKE 2 ng Imago at IN LOVING MEMORY OF THE FEARLESS EXPLOITS OF THE BOLO BRIGADE ng Twisted Halo kasi kahit na ngayong taon lang sila na wide release, na-independent release na ito noong nakaraang taon.

Eto na ang aking listahan. Sana, mapakinggan niyo sila. Suportahan ang tunay na OPM:

10) Kiko Machine, KIKO MACHINE

Nahirapan akong mag-isip rito kasi hindi ako makapagdesisyon kung ano ang mas maganda, eto o yung HALINA SA PAROKYA? Parokya ni Edgar kasi ang hari ng pinakanakakatawang kanta ngayong taon, ang Ordertaker. Pero sa overall quality, mas matinding laugh trip ang "feeling pirated DVD" na KIKO MACHINE. Huwag kayong matatakot kung nakokornihan kayo sa Kiko Machine komiks sa Philippine Daily Inquirer. Eto, hindi korni. Pero siyempre, hindi pa rin nito mapapantayan ang experience ng panonood sa kanila ng live, with Spider-Dan in costume and all.

9) Paramita, TALA

Isa sa mga sleeper hits ng 2005, ang TALA ang teenage angst album ng 2005. Matinding pumukaw sa damdamin ang mga melancholic na lyrics ni Ria Bautista, na siyang lead vocals at drummer ng banda. Sabi ng kapatid ko, malamang maging big break nila ang kanilang second album tulad ng nangyari sa Sugarfree sa DRAMACHINE. Sa tingin ko, hindi malayong mangyari yun, lalo na't nagkakaroon na sila ng following dahil sa kantang Hiling.

8) Dong Abay, SAMPOL

Dong Abay in the raw. Sa album na ito, ang kasama lang ni Dong Abay ay ang kanyang gitara. Karamihan ng mga kanta rito ay kanyang mga tula na binibigkas ala Spoken Word dati pag nakikilahok siya sa mga poetry reading. As usual, wala pa ring tatalo kay Dong Abay sa pagsulat ng in-your-face angsty lyrics, kahit na mas subtle na siya ngayon kumpara sa kanyang mga araw bilang Yano. Ang album na ito ay SAMPOL lang naman ng bagong Dong Abay, pagkatapos ng kanyang mainstream days sa Yano at Pan, at nasasabik tuloy ako sa kanyang magiging unang full length indie album.

7) Pedicab, TUGISH TAKISH

Paano mo gagawing katuwa-tuwa ang walang kakwenta-kwentang bagay? E di gawin mong disco, 70s style!!! Huwag nang intindihin ang lyrics dahil sadyang walang dapat intindihin sa lyrics nila. Sabayan ang TUGISH TAKISH ng drums at sumayaw ka kahit di marunong sumayaw (tulad ko). Sumakay ka na lang sa Pedicab.

6) Dicta License, PAGHILOM

Hindi ko talaga trip ang Pinoy rap kasi madalas, ito ay masyadong nagpapaka-"gangsta" style. Pero paminsan-minsan, tulad nung FREEMAN days ni FrancisM, may mga rap acts na nakukuha ang aking atensyon, at isa na nga rito ang Dicta License. Nagsimula ang bandang ito na parang Rage Against The Machine ripoffs, pero malayo na ang narating nila at nakapag-develop na ngayon ng sariling tunog. Maganda rin ang kanilang mga lyrics na angsty pero optimistic.

5) Gary Granada, SA PAGITAN NG NGAYON AT KAILANMAN

Muling nagkaroon ng wide release ang isa sa pinaka-prolific na songwriters sa Pilipinas. Halos kalahati ng mga kanta rito ay mga lumang kanta na niya, pero ok na rin kasi karamihan ng kanyang mga lumang kanta ay hindi available in CD format. Magagaling rin ang kanyang mga bagong release, tulad ng "Pampalipas ng Sama ng Loob" na isa sa pinaka-honest na kantang pampanakip-butas. Pero ang paborito ko rito ay ang kanyang Tagalog translation ng kantang "That's All." Hindi ko alam na may makakagawa pa pala ng mas magandang version nito, pero that's Gary Granada for you.

4) Johnny Alegre, AFFINITY

Kung hindi ako nagkakamali, ito ang unang full-length instrumental jazz release ng mga Filipino artists. At walang halong pag-patronize, pero talagang world class ang naging production nina Johnny Alegre, Tots Tolentino, Elhmir Saison, Colby de la Calzada at Koko Bermejo. Kung gusto niyo ng isang proof na kayang makipagsabayan ng mga Pinoy sa kanilang foreign counterparts, pakinggan niyo ang album na ito. Highly recommended maging sa mga hindi pa na-expose sa jazz music.

3) Cynthia Alexander, COMET'S TAIL

Pagkatapos ng apat na taon, nakapaglabas muli ng album ang musical genius na si Cynthia Alexander. Ngayon, nareinvent na naman niya ang kanyang musika na malaki na ang naging impluwensiya ng Indian music. Medyo matagal bago mag-sink in ang ganda ng musika sa album na ito, pero kapag na-internalize mo na...lakas tama!!! Paborito ko rito ang Mantra, na sa di ko maipaliwanag na kadahilanan ay paborito kong pinapakinggan bago ako mag-aral.

2) Joey Ayala atbp., MGA AWIT NG MAGDARAGAT

Ngayong Disyembre lang narelease ang album na ito na isang pagbibigay-pugay sa mga magdaragat (fisherfolk) at sa mismong karagatan. Si Joey Ayala ang nagsulat ng lahat ng lyrics, at sinamahan siya ng isang all-star cast (Cynthia Alexander, Onie Badiang, Noel Cabangon, atbp.) sa paglapat ng tono at pag-interpret. Ito na yata ang pinakamagandang album ni Joey Ayala mula nang i-release niya ang MGA AWIT NG TANOD LUPA.

At eto na, ang pinakamagandang OPM release ngayong taon ayon sa akin!!!

Itchyworms sa NoonTime Show


1) Itchyworms, NOONTIME SHOW

Hindi ko talaga inakala na magiging ganito kaganda ang magiging bagong album ng Itchyworms. Totoong isa sa mga paborito kong kanta noon ang Antipara, pero hindi ko inakala na makakayang gumawa ng apat na ugok na ito ng isang album na seryoso, nakakatawa at nakakaiyak at the same time. Bihira ang isang concept album na walang patapon, pero ito ay isang magandang halimbawa na posible pala itong mangyari. Pero siyempre, dahil sila ay isang banda, mao-overlook na naman sila ng mga award-giving bodies. Dahil mukha silang nakakatawa, mai-stereotype rin sila ng MTV at MYX at ang mga nanonood rito ay hindi mapapansin na napapakinggan na nila ang ilan sa magagandang awit ng kalungkutan ngayong taon (Buwan, Love Team, atbp.). Dahil di sila kaguwapuhan, mas maraming mabebentang album ang mga bandang Hale, Cueshe at Bamboo na may mga miyembrong artistahin dahil mas madalas silang ipapalabas sa TV at ipapatugtog sa radyo. Kungsabagay, ang Philippine mainstream music scene ay pinapatakbo ng mga entertainment producers na parang isang Pinoy noontime show. At ayon nga sa Itchyworms:

"Sa libu-libong nakatunganga
Kami lang ang inyong pag-asa
Tumutok na bawat tanghali
'Wag na wag na kayong babawi

Sumunod na lang sa uso
E ano kung hindi bagay sa 'yo?
Sambahin ang mga artista
Sundan ang bawat kilos nila

Gasgasin mga lumang plaka
Hanggang dito na lang ang masa
Ganito dapat pumorma
Para magmukhang artista

Ganito dapat ang kulay
Para umunlad ang buhay
Ganito dapat pag banda
Pagkanta may epal na artista

Hanggang dito na lang ba ang masa?"


Hanggang dito na nga lang ba? Sana naman hindi.

December 26, 2005

Para kay Bob...

...salamat sa pagsagot sa tanong.

Alam mo, nakuha ko na rin yung sagot nang isang araw, nagkita kami ni Tong. Hindi ko agad siya nakilala at napansin ko lang nang makita kong may isang nilalang na parang ang saya-saya gayung nasa kainitan na noon ng pagkakagulo sa gubat. Tinanong ko siya, "Ano ba ang tinitira mo't nakangisi ka lang lagi diyan?" Sabi niya, "Eto, gusto mo?" At inabutan niya ako ng paborito niyang puso ng saging.

"Naku, huwag ka nang kakain niyan. Masisira lang niyan ang katawan mo, lalo na ang iyong puso't isipan," sabi ko. Tinawanan niya ako. "Ang lalim mo naman, men!!! Lumalabas na naman ang ugali mong ayaw sumunod sa uso. Easy ka lang, pare ko!!! Kungsabagay, hindi naman masamang maging different..."

Doon ko lang napansin na nagkalat na pala yung puso ng saging at mukhang ito na ang bagong craze kasabay ng pagsikat ng virgin coconut oil. Iba't ibang luto pa ang naiisip sa puso ng saging. May nilaga. May adobo. Minsan naman isinasangkap sa ibang putahe.

Mali pala ang intelligence report mo. O marahil mas tamang sabihin na luma na pala ang intelligence report mo. Dahil hindi na sa kasukalan ng gubat lamang makikita ang puso ng saging. Ngayon, ito ay nasa mga plantasyon na, mass produced for popular consumption. Parang yung mga Asianovela dati, special na special nung Meteor Garden pa lang ang ipinapalabas. Pero ngayon, kada lipat mo ng UHF channel kapag primetime ay puro singkit na mata ang makikita mo.

Noon ko naisipang magsimula ng information campaign laban sa pagkain ng puso ng saging. At kahit na nagkakaroon lang ako ng success rate na dalawang converts kada buwan, tama ka na wala kay Tong o sa iba pang hayop sa gubat ang sagot.

Ito ay nasa ating mga hindi kumakain ng puso ng saging.

Free Taste

Gusto niyo bang makatikim ng libreng Stainless Longganisa?

E di sumali na sa Bob Ong Stainless Longganisa Contest na inihahatid sa inyo ng number one jologs sa buong bansa.

Ang mensahe mula kay Jolography:
----------
Ikaw ba'y fan ni Bob Ong?

Ako, fan ako ni Bob Ong!

Alam mo bang may bago siyang libro?

Ako, alam ko. Meron na nga ako, eh. Stainless Longganisa ang pamagat at gustung-gusto ko siya kaya nga bumili ako ng mga extrang kopya.

Gusto niyo bang makuha ang extra copies ko ng Stainless Longganisa ni Bob Ong?

Sali na sa aking "Who Ba si Bob Ong?" Contest.

Madali lang. Magpadala dito (sa http://paolomanalo.blogspot.com) ng napakaigsing sanaysay (hindi lalampas ng 300 salita) na sasagot sa tanong na: "Who Ba si Bob Ong?"

Ako, hanggang ngayon hindi ko pa talaga siya kilala dahiil di pa kami nagkikita nang personal. Di rin ako sigurado kung totoong pangalan ang Bob Ong. Sabi ng best friend ko, malamang hindi. Pero dahil ikaw ay masugid na tagasubaybay ng mga libro ni Bob Ong, siguro may idea ka kung sino siya. Huwag umiling-iling, paganahin ang imahinasyon: "Who Ba si Bob Ong?"

Pero madali din akong kausap, at pwedeng-pwede nating palitan ang tanong na "Who Ba...?" sa "How Ba...?" o sa "Why Ba...?" Masyado naman yatang madali ang "Where Ba...?" kaya disqualified na ang tanong na ito. Pero kung gusto niyo naman, pwede ring "Ikaw Ba si Bob Ong?"

Samahan ng inyong pangalan at e-mail address para kayo masabihan kung sakaling manalo kayo sa contest na ito. Nga pala, ang contest na ito ay hindi unahan. Kung gusto niyo nun, mangarera kayo. Ito'y pagalingan magkwento, at pagkakataon niyong ikwento ang taong nagpahilig sa inyong ng mga kwentong chalk at iba pang mga "Baliktad na Aklat at Alamat ni Hudas."

Pwedeng isulat ang sanaysay sa Filipino, English o Taglish...huwag lang sa "Thigalog" ng mga Amerikano: "Meyshedong meyhirep entyendeyhin."

Kahit sino dito pwedeng sumali, kahit wala ka sa Filipinas, basta nasa planet Earth ka at abot ng kartero ang address mo, ok na ok. Pero dalawang (2) contestants lang ang pwedeng manalo, kasi dalawa lang ang extra copies ko ng Stainless Longganisa.

Deadline nito ay December 31, 2005.

Ang contest na ito ay walang connection sa Visual Print Enterprises, Bob Ong Books o si Bob Ong. Hindi po ako si Bob Ong!

Bilis na, sulat na.

----------

O bilis, sali na!!!

December 25, 2005

Christmas

It's Christmas morning.

Sabi nila, nawala na ang essence ng Pasko. Naging isang secular celebration na at hindi na umiikot ang pagdiriwang sa pinag-ugatan ng salitang Christmas. Oo nga naman. Tingnan mo na lang ang kabalintunaan na inaalala kuno ng mundo ang pagsilang ng tagapagligtas sa isang sabsaban sa pamamagitan ng pagpapasasa sa luho.

Ako naman, patuloy pa rin ang pagbati ko ng "Maligayang Pasko." Kahit na sa totoo lang, nawala na sa akin ang kahulugan ng Pasko "the day the music died."

Sana marinig kong muli ang musika ng Pasko.

Merry Christmas.

December 23, 2005

Project #2 para sa 2006

Tuluyan nang i-commit ang sarili sa paglipat ng specialization mula sa Managerial Accounting papuntang Financial Accounting. Kaya kailangan ko ng sandata:

Wiley IFRS 2006


Sana may magregalo sa akin nito. Hehehe. :p

December 22, 2005

Project #1 para sa 2006

Kukumpletuhin ko yung Beatles albums. Bibili ako ng isa kada buwan. At magsisimula ako sa huling album nila.

Let It Be


Yun nga lang, meron kaya sa Pilipinas ng White Album, yung Hey Jude, at yung Rarities?

I Wish I Could Understand Poetry

Isa sa mga frustrations ko ay ang kakulangan ng intrinsic appreciation sa poetry. DI lang miminsan na pagkatapos kong magbasa ng tula, bigla na lang nasasabi ko...

"Ano daw?"

Sa totoo lang, parang may gut feel naman ako pagdating sa tula. Madalas pag meron akong na-enjoy basahin, pag kinonfirm ko dun sa mga nakaka-appreciate ay sinasabi nila na maganda naman ang tulang kinatuwaan ko. At naa-identify ko rin naman kung ano ang mediocre at pangit na tula.

Maraming beses lang talaga ay di ko siya naiintindihan.

Nakakainggit lang talaga pag nakakapanood ako ng poetry reading. Habang nagpapalakpakan ang mga audience, ako naman ay nag-iisip:

"Ano ba itong mundong wari'y ipinagkait sa akin?"

December 20, 2005

Hindi Tama

Kaninang hapon, nakatanggap ako ng text message mula sa isang estudyanteng mukhang magda-drop sa aking subject ngayong semester. Magko-conflict kasi sa aking klase ang kanyang magiging trabaho, na kailangan niya talagang pasukan para may pantustos ng kanyang pag-aaral.

Dumarami na ang kasong tulad nito na na-encounter ko lalo na nitong nakaraang dalawang schoolyear. Ang mga sitwasyong ganito kung saan napipilitang maghinto ang isang estudyante dahil lamang sa wala siyang pambayad ng tuition ay talagang nakakapagpainit ng ulo ko. Ilang beses na akong gumawa ng paraan para sa mga estudyante kong napasok na rin sa ganitong sitwasyon, pero ngayon ay parang wala na akong magawa kasi mukhang na-exhaust ko na ang resources at connections ko.

Napakalaking irony na nung umaga, nakatanggap ako ng text na na-feature daw sa dalawang local magazines ang FEU bilang most profitable university sa bansa. Kalulusot lang ng unibersidad sa Level III accreditation at sa ISO Certification. Panibagong dahilan na naman para isulong nila ang maximum tuition fee increase na 10% kahit na nangunguna na sila sa buong bansa sa pagkakamal ng sandamakmak na kita mula sa edukasyon.

Bakit kailangang dumaan ang mga estudyante sa ganitong problema? Lalo na ang mga estudyante ng isang unibersidad na itinatag specifically para sa purpose na magkaroon ng magandang edukasyon ang mga middle class?

Hindi ito tama. Sa panahong naghihirap ang mga tao at napipilitang maghigpit ng sinturon para lang makatawid sa pang-araw araw na pangangailangan, hindi makatarungan na pinagkakakitaan na parang isang normal business ang isang basic right tulad ng edukasyon. Hindi tama na kino-compromise ang original mission ng dakilang founder ng FEU para lang makahanap ng pagkakakitan ng pera.

Gaano ba kalaki ang perang kinikita ng FEU? Eto, tingnan niyo.

Isang bagay lang ang hinihintay ko at pag nangyari yun...humanda sila.

December 19, 2005

In The Land Of The Lesser Evil

Noong nakaraang Hulyo, tinanong ako kung hanggang kailan na lang tatagal si lesser evil GMA sa kanyang illegal occupation sa MalacaƱang. Sabi ko, hindi niya matatapos ang taon na ito at tiyak na mapapaalis siya sa puwesto.

Nagkamali ako.

Na-underestimate ko ang sticking power ni Ate Glue. Matindi pala ang kapit niya sa mga trapong takam na takam sa panghabambuhay na posisyon na makukuha lang nila through Cha-cha. Sa sobrang kakapalan nila ng mukha, sila mismo ang nagsasabi na hindi malinis ang kanilang mga kamay (evil rin sila, in other words) at yun ang kanilang ginagamit na argumento para sa pagpapalit kuno ng sistema na sila-sila rin naman ang maglalaro at makikinabang.

Pero ang hindi ko inaasahan ay mukhang na-overestimate ko ang magiging reaksyon ng publiko sa isyung ito. Nang makita kong mag-fizzle out ang crowd noong July 8, ang kainitan ng Gloriagate scandal, sinabi ko na may pag-asa pa rin naman na mapapaalis si Gloria, kulang pa lang siguro ang apoy. Nagdaan ang kasuka-sukang sipsipan-fest na SONA. Nagkagaguhan sa impeachment. Nagkabombahan dahil sa CPR. Nagkabastusan dahil sa EO 464. Pero nagkamali ako dahil wala pa rin ang matinding public outrage na magpapaalis sa pekeng pangulo.

Totoong lumalabas naman ang sentimiyento ng mga tao kay GMA sa kahiya-hiyang approval / satisfaction ratings na nakukuha niya. Lumalabas rin ito sa mga text jokes na ginagago ang administrasyong di na nirerespeto. Lumabas rin ito sa pagsikat ng mga tinatawag na Gloriagate bloggers. Pero hindi ito nagmanifest sa isang paraan na makakayang magpabagsak ng rehimeng Gloria tulad nang nangyari noong EDSA 1 at EDSA 2.

Isa sa mga argumento kung bakit wala pa ring nagiging malaking pagkilos para mapabagsak si GMA ay dahil sa kawalan diumano ng credible alternative kay GMA. Ito yung paboritong argumento ng administrasyon. Sabi nila, lahat naman kami mga gago, mga kampon ni Satanas, kaya palitan mo man kami, di pa rin magbabago ang impiyernong kinasasadlakan natin. Sino ipapalit niyo? Si Susan na isa lamang diumanong griping widow? Si Eddie na may kaso naman daw ng estafa at isa lamang daw ambisyosong religious leader? Si Abat na nagse-second childhood na raw? Si Erap na pinatalsik na natin sa EDSA dati? Si Ping na isang human rights violator? Maging yung kakampi nilang si Noli ginagago nila sa pagsulong ng kanilang lesser evil argument.

Isa pang dahilan sa kakulangan ng public outrage ay ang sinasabing public apathy. Nagsawa na raw ang mga tao na makialam at iniintindi na lang ang sarili nilang buhay. Nakakalungkot na ang mga tao ay sobrang concerned sa kapalaran ng kanilang paboritong Pinoy Big Brother contestant na sila'y nag-uubos ng celfone load para rito, pero parang wala silang pakialam at naghuhugas kamay pa nga sa magiging kapalaran ng bansa. Kanina nga, muntik ko nang itapon ang diyaryo sa disgusto sa isang sulat ng isang Anton Sy sa Philippine Daily Inquirer kung saan isinisisi niya ang kanyang pagiging apathetic sa mga kolumnistang tulad ni Conrad De Quiros na wala na raw ginawa kundi mamuna nang mamuna sa pamahalaan ng Pilipinas. Kahiya-hiya na pati sa pagiging apathetic, naghuhugas kamay itong taong ito. Sabi niya, all talk no action raw si Conrad, pero maganda at naeexpose ni Conrad kahit papaano ang mga depekto ng ating gobyerno. E si Mr. Sy na apathetic, ano ba ang ginawa niya para sa ikabubuti ng Pilipinas?

Ang pinakamalaking dismaya ko siguro sa buong isyu ng Gloriagate na ito ay ang pagmanifest ng moral relativism ng maraming Pilipino. Hindi ako fundamentalist, pero hindi ba malinaw naman ang tama at mali sa isyung ito? Sabi nga ng isang grupo, Black and White naman ang pinag-uusapan natin dito. Walang shades of gray.

Nakakatawa na ilang religious Catholics ay nagbayad pa ng print ad para ikondena ang pagpuna sa kanilang minamahal na Archbishop Capalla, pero wala silang "konsensya" para ikondena in public ang pandaraya sa eleksyon, ang graft and corruption at ang human rights violations ng kanilang paboritong pangulo. Nakakainis na kumakalat ang Macchiavellian school of thought na "the ends justify the means" tulad ng mababasa mo sa isang sulat ng isang nagngangalang Phillip Casey na nagsabing "I don't care whether she cheated or not, but had she really cheated, well, glory to her: she saved the country from still greater shame by doing so!" Pero ito ba ang tinatawag niyang salvation? Gloria from hell, not from heaven?

Sa totoo lang, nadismaya rin ako kay Manolo nang kanyang sabihin na "the real case against the President is not what happened before May 2004 or shortly after, but rather the cover-up and reckless disregard for our national institutions she's exhibited since June of this year." Kasalanan ang mag-cover up ng mga scandal at mangrailroad ng mga truth-seeking processes, pero hindi kasalanan sa isang demokrasya ang mandaya at gumamit ng public funds para manalo ng eleksyon? Bakit ganun? Selective lang ba ang pagiging black and white natin? Nadismaya rin ako sa stand ng aking naging teacher minsan na si Solita Monsod. Sabi niya, kahit naman daw hindi mandaya si GMA, nanalo pa rin siya sa nakaraang eleksyon kaya hindi na dapat pagtalunan ito. Sayang, ma'am, 1.5 lang kasi ako nung estudyante niyo ako. Sana pala nandaya ako nun para maka-1.0 na. Wala namang risk kasi kahit nahuli niyo ako, di niyo naman ako ibabagsak kasi 1.5 pa rin ang grade ko pag di ako nandaya.

May nagsasabi sa akin na mag-give in na lang ako sa public apathy at mag-move on katulad ng ginagawa ng nakararami. Wala nang ibang choice but to stick with the lesser evil. Pero mahirap itong gawin, lalo na para sa akin na isang teacher na naghuhubog ng kabataang minsa'y makikilahok sa pagpapatakbo ng ating bayan. Habang ang mga political analyst ay pinapanood ang mga pangyayari na parang isang laro ng chess at namamangha (o natatawa) sa strategy ng ating mga political forces, ako naman ay di natutuwa dahil ang isyung ito ay hindi dapat ina-approach mula sa isang detached observer perspective kundi mula sa isang principled perspective.

Hahayaan lang natin na ang mga nandaraya sa eleksyon, ang defining exercise ng isang democratic system, ay nananatili sa puwesto? Hahayaan lang natin na ang nagmimisappropriate ng mga public funds na pinaghirapan nating pagtrabahuhan ay patuloy pa ring nagko-commit ng graft and corruption para mapanatili ang kanyang sarili sa puwesto, tulad ng kanyang ginawa para sa kanyang reelection noon? Hahayaan lang natin na ang dissent ay binubusalan, at ang mga avenues para makapaghain ng hinaing at makahanap ng katotohanan ay hinaharangan? And we call ourselves a democracy?

Tang ina kasi talaga itong mga pinaglaban ang lesser evil. Kumakampi kasi kayo sa masama. Patuloy pa rin tuloy tayong nananatili sa kahariang impiyerno.

December 17, 2005

Nagtitipid

Ngayon ay aattend ako ng kasal ng isa sa aking matatalik na kaibigan noong college kung saan ako ay mag-aabay. Nakakahiya naman kung wala akong ireregalo, pero medyo hirap talaga sa pera ngayon. Kaya di ako nakabili.

Ako rin pala ay umattend ng Christmas party kahapon. Ang daming prizes!!! Hiniling ko nga kahapon na may matanggap akong magandang regalo. Natupad naman ang wish ko. Ang saya saya ko...kasi pambalot na lang ang kulang ko para sa okasyon mamaya. :p

Cheap. :)

December 16, 2005

Abangan!!!

Mula sa isang Friendster message mula kay Friendster Bob Ong:

Paengster, nasa bookstore na next week ang ikalima kong libro. Stainless Longganisa. (Ambilis ng 2005, parang kelan lang buena mano ka sa Alamat ng Gubat.)

Kung matatandaan mo, sinabi ko dating sasagutin ko ang tanong mo tungkol sa Alamat ng Gubat. Hindi kita kinalimutan. Sinagot ko yun sa bagong libro. Pero hindi ako naghahamon ng suntukan. (Hehe!) Kinowt (root: quote) lang kita bilang representasyon ng MARAMI pang tao na may tanong din na gaya ng sayo. (Don't panic!)

Sige po, Sir Idol! Sumulat lang ako bilang pasintabi sa pagkakagamit ng tanong mo sa bago kong libro.

Magandang araw, masayang pagtuturo, at regards kay "Lalabs(!)", sa Conspiracy, mga estudyante, at mga ledger mo dyan at worksheets!


-BO

stainless longanisa

December 13, 2005

Ang Tambayan ni Paeng



Isang linggo na halos mula nang ipagdiwang ng Conspiracy Garden Cafe ang kanilang ikalawang taong anibersaryo. Nakakatuwa dahil nakatagal nang dalawang taon ang eksperimento ng isang grupo ng alternative musicians na magtayo ng isang music bar kung saan mamamayagpag ang progresibong musika at pagpapalitan ng ideya. Ito na nga ang aking naging "tambayan" at madalas, dito ko gustong isinasama ang aking mga kaibigan pag may "night out."

Nakakalungkot nga lang kasi hindi pa rin nakakakuha ng malaking audience ang Conspiracy. Inaasahan ko kasi na pagdating ng ganitong panahon, dalawang taon pagkatapos ng kanilang pagbubukas, lalaki na ang patronage base niya. Pero napapansin ko na parepareho lang ang nakikita kong nanonood at tumatangkilik sa mga artists at sa katunayan ay may ibang mga dating regular na di na gaanong bumabalik.

Masasabi naman na isa sila sa may pinakamagandang lineup ng performers sa mga music bars sa Metro Manila. Johnny Alegre's Affinity, Cynthia Alexander, Joey Ayala, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cooky Chua, Florante, Gary Granada, Juan Pablo Dream, Orange and Lemons, Ria Osorio, Paramita, Chikoy Pura, Radioactive Sago Project, Lynn Sherman, Sing India, Ria Villena ...saan ka pa? At gabi-gabi ganyan ang kalidad ng performers, talagang ang mga leading proponents ng alternative music scene.

Pero yun na rin siguro ang problema. Dahil alternative music at culture ang pinoproject ng lugar, nagiging limited rin ang kaniyang market. Alam naman natin ang estado ng alternative music sa kasalukuyang OPM. Habang patuloy ang paglikha ng magandang musika ng alternative music scene, patuloy pa rin ang pamamayagpag sa mainstream ng mga 1) revival experts, 2) novelty singers at 3) corporate backed artists (meaning, Warner, Star and Sony-backed artists). Sa totoo lang, kung mabubuksan lang ang isipan ng karamihan sa atin, makikita natin na ang yaman pala ng musikang Pilipino. At darating ang panahon na ang alternative ay hindi na magiging alternative.

Yun nga lang, kelan pa kaya yun?

Kaya kung ikaw ay nagbabasa nito, subukan mo namang dumaan sa Conspiracy Garden Cafe sa 59 Visayas Avenue Quezon City. Support and enjoy good Filipino music. Hehehe. OK na bang plugging ito?

Natitira pang iskedyul ng Disyembre
14 Noel Cabangon
15 TBA
16 Joey Ayala
17 Sarado para sa exclusive function
18 Sarado
19 Juan Pablo Dream
20 Conspi Writer's Night / Sugar Hiccup (walanghiya, buhay pa pala sila!)
21 Noel Cabangon
22 Sarado dahil may exclusive function
23 Cynthia Alexander
24 Sarado dahil araw bago magPasko
25 Sarado dahil Pasko
26 Sarado dahil araw pagkatapos ng Pasko
27 Conspi Writer's Night / Orange and Lemons
28 TBA
29 Women's Night (Nityalila, Matilda, atbp.)
30-31 Sarado para sa Bagong Taon

December 11, 2005

Maling PaSEAlamat

Isang linggo na mula nang mapanalunan natin ang kaunaunahan nating overall championship sa SEA Games. Kakaibang galing ang ipinakita ng atletang pinoy, at malaking tulong talaga ang naibigay ng suporta ng mga nanood at nag-cheer para sa Philippine team.

Kaya lang, nadismaya lang ako na medyo nagamit ang SEA Games para sa PR campaign ng pekeng pangulo. Nandiyan yung ipagmalaki niya ang sports program ng kaniyang gobyerno. Nandiyan yung ipagmalaki ang mga cash prizes na ibibigay sa mga atleta. Nandiyan yung ipagmalaki ang suporta ni First Gentleman na parang godfather daw ng Philippine sports.

Di ba ang problema nga ng mga atleta natin ay hindi maayos ang sports program ng ating gobyerno? Di ba matagal nang nagrereklamo ang ating mga atleta sa bulok na facilities, mababang allowance at kawalan ng training opportunities sa mga international meets? Di ba ang problema nga ay nahahaluan ng politika ang ating sports dahil sa sistema ng political appointments sa mga NSAs at iba pang sports-related governing bodies?

Di ba hindi na dapat ipinagmamalaki ang cash incentives na ibinibigay sa mga atleta kasi DAPAT lang naman talaga may cash incentives sila? Di ba marami ngang mga dating atleta na nagbigay ng karangalan sa ating bansa na ngayo'y pinababayaan na lang mamatay sa hirap dahil sa kawalan ng financial incentives?

Di ba hindi naman dapat umaasa ang mga atleta kay First Gentleman kung matino lang naman ang naging patakbo ng gobyerno sa ating sports program? Di ba lalabas na magkakaroon pa tuloy tayo ng utang na loob kay Mike Arroyo when, in the first place, hindi naman kakailanganin ang tulong niya kung maayos lang ang mga naging priorities ng kanyang asawa? Di ba ito ay classical symptom ng padrino system na kaya tayo natututong umasa sa mga "tulong" ng mga politiko ay dahil hindi naman nila ginagawa nang matino ang kanilang trabaho?

Anong dapat ipagpasalamat sa gobyernong nakikisakay lang sa hirap at pagod ng ating mga atleta?

Kyoto?!!!

Sabi ni lalabs, ito raw ay kuha sa kanyang pamamasyal sa Kyoto:

Ria maple leaf


Asus!!! Mukhang pamilyar yan. Sa Baguio lang yata kinunan yan e!!!

Hehehe. Merry (early) Christmas, labs. Mwah!!!

December 7, 2005

UltraelectromagneticJAM postscript

Habang pinapakinggan ko ang UltraelectromagneticJAM na album, natitiyak ko na maraming mga tao ang humihiling na sana magreunion muli ang Eraserheads. Di ko rin sila masisisi, dahil sa maraming tao ay naging magandang alaala talaga ang mga kanta ng sariling "Fab Four" ng Philippine music.

Pero para sa akin, ayoko na silang mabuong muli. Masaya na ang mga alaala na iniwan ng banda ng aking henerasyon. Kung sila ay magrereunion, nandiyan na naman kasi ang mga "fans" na hahanapin nang hahanapin ang Eraserheads na nasa kanilang alaala. Hindi iniintindi na ang musika ng Eraserheads ay naggo-grow at sadyang nagbabago sa agos ng panahon.

"Ilang taon na rin ang lumipas,
mga kulay ng mundo ay kumupas.
Marami na rin ang mga pagbabago.
Di maiiwasan, pagkat tayo ay tao lamang.
Mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo?"
*

Di ba ang mga "fans" naman talaga ang unang nang-iwan sa Eraserheads? Pagkatapos ng success ng Cutterpillow, hindi na muling nakabenta ng triple platinum ang banda. Noong 1998 (o 1997?) NU Rock Awards, pinalakpakan pa ng mga manonood ang pagkatalo nila sa Best Album para sa Sticker Happy. Unang beses nilang matalo sa category na iyon ng Rock Awards. Sa kanilang album launch ng Natin99, wala halos nanood (kung ikukumpara sa pagpuno nila ng Sunken Garden nung kanilang kasikatan).

Paano ba naman, hindi na kasi sila kumakanta ng Pare Ko. Hindi na kasi sila kumakanta ng Toyang. Ang mga "fans," gustong iyon at iyon pa rin ang kakantahin nila. Hindi naiintindihan na hindi na ito ang bandang nagpupunta sa Tindahan ni Aling Nena. Ang naging tingin na sa kanila ay isang Pop Machine na maglalabas na lang ng mga kantang gusto't nirerequest nila.

"Pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumama."
*

Sa totoo lang, karamihan ng mga humihiling na magreunion ang Eraserheads ay hanggang Sticker Happy lang sila sinubaybayan. Karamihan, ni hindi pa narinig ang Natin99 at ang Carbon Stereoxide. Karamihan, hindi man lang nakikinig ng mga post-Eraserheads projects tulad ng < S >andwich, Cambio, Pedicab, Surfernando, Mongols at Pupil.

Sa Alapaap, tinanong nila, "gusto mo bang sumama?" Sayang at iilan lang ang nagsabi ng oo. Nakakalungkot kasi ang layo na ng narating ng kani-kaniyang musika.

"Huwag mong hayaang ganito,
bigyan ang sarili ng respeto."
*

Mabuti nang wala na ang Eraserheads ngayon. Kahit paano, nagagawa nila ang musikang gusto nilang tugtugin. Paminsan-minsan, hinahanap ko pa rin ang musika ng Eraserheads, pero mas masayang subaybayan kung saan nila tayo dadalhin ngayon sa kanilang walang katapusang pag-explore ng kani-kaniyang creative genius. Sana nga lang, mas marami pa ang sa kanila'y sumama. Hindi lang kasi alam ng marami kung ano ang kanilang nami-miss.

Kina Ely, Raims, Buddy at Marcus, "you can just take me away and I won't let go..."**

Salamat sa hanggang ngayo'y walang pa ring humpay na ligaya!!!

* mula sa Para sa Masa ng Eraserheads
** mula sa Ledgeboy ng Cambio

December 6, 2005

SEAlamat

SEA Games LogoNgayong tapos na ang SEA Games, tiyak na maraming parangal na matatanggap ang mga atletang nagbigay ng malaking karangalan sa ating bansa. Marami ring pasasalamat na matatanggap ang mga organizers, sponsors at volunteers na tumulong sa pagtatagumpay ng ating pag-host ng biennial meet na ito.

At dahil naman sa marami nang nagpapasalamat sa mga taong ito, pasasalamatan ko naman ang dalawang grupo na baka malimutang mapasalamatan ng marami.

Una, salamat sa ABC 5 sa isang matagumpay na TV coverage ng makasaysayang event na ito. Tapos na ang panahon na kailangang pagtiyagaan ang mga government stations para lang makapanood ng ganitong palaro. Salamat at ang kinuha niyong mga anchor ay well-informed at alam ang kanilang mga sinasabi. Salamat sa expansive na coverage ng iba't ibang events. At salamat sa desisyon ninyong ipre-empt ang lahat ng inyong palabas maliban sa Big News at Sentro maihatid lang buong araw ang pinakahuling pangyayari sa SEA Games.

Ikalawa, salamat sa Rivermaya sa paggawa ng isang napakagandang theme song na tunay na nahuli ang adhikain ng atletang Pinoy. Sulong, laban, Pilipino! POSIBLE!

Pinoy kamo?

Isang malaking kabalintunaan na ang kantang "Pinoy Ako" ay hindi tunog Pinoy. Kabalintunaan rin na ang kumanta nito ay isang banda na kulang na lang ay magpapalit ng citizenship sa sobrang panggagaya (at minsa'y pangri-ripoff pa) ng style sa mga Brit pop bands.

Kabalintunaan din na ito ay theme song ng isang palabas na hindi naman original Pinoy kundi isang foreign franchise. At mas kabalintunaan din kasi ang Pinoy, kilala sa gracious hospitality, pero yung show na may Pinoy na label at may Pinoy na theme song, nagsisipaan ng mga kasama sa bahay para manalo ng malaking kaban ng pera.

Ibang iba ang Pinoy?

E bakit parang gaya-gaya?

Pinoy ako, Pinoy tayo?

Pinoy kuno.

December 4, 2005

Walang masabi

Ilang linggo na akong walang pinopost na substantive tungkol sa political situation ng bansa. Sa totoo lang, wala na kasi akong masabing bago.

Ano pa ba ang kailangang sabihin? Narinig na natin ang Hello...Garci?! tapes. Nakita na natin ang tinangkang cover up, mula unang araw pa lang, nang ilabas ng MalacaƱang ang pekeng "original" na version ng tape. Nasampal na tayo sa pag-insulto ni GMA sa ating talino sa kanyang "I am sorry" speech. Naging saksi tayo sa "rule of law" kuno ng majority sa pagharang nila ng impeachment. Nakita na natin ang sari-saring mga rally na nagsimula ng apoy na kamalas-malasa'y hindi na lumaki dahil sa nakakawalang gana ang ilang oportunista na nakikisawsaw sa isyu. Para rin tayong nabuhusan (o nakanyon) ng malamig na tubig nang ating ma-realize na tayo ay nabubuhay na sa isang bansang puwede mo lang sabihin ang nais ng gobyerno na sabihin mo at puwede ka lang magsumbong ng katiwalian kung taga-oposisyon ang isusumbong mo.

Kung meron mang dapat pag-usapan ngayon, iyon ay bakit hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin natin ito? Dapat matagal na itong natapos. Dapat matagal na itong naresolba. Dapat wala nang mga Gloriagate bloggers kasi dapat natapos na ang Gloriagate issue.

Ngayong linggo, tetestigo na si Virgilio Garcillano sa kamara at maraming nag-aabang sa kanyang sasabihin. Ngayon lang ako nakakita ng sobrang laking interes sa sasabihin ng isang sinungaling. Ako, hindi na ako makikinig sa sasabihin niya, kasi isa na lang naman dapat ang sinasabi ngayon.

Resign.

Kailangan pa bang imemorize yan?

December 2, 2005

Walang pahinga

Kapag Lunes-Huwebes, matindi ang pagod na aking nararamdaman. 7.5 hours kasi ang turo ko sa mga araw na ito, tapos mayroon pang span na 4.5 hours na dirediretso. Tatlong preparation pa. Kaya pag natapos na ang aking araw pagdating nang alas-sais nang gabi, ako ay pagod na pagod. Sa aking literal na description nga, nanginginig na ang kalamnan.

Kaya kagabi, napagdesisyunan kong matulog naman nang maaga. Para makapagpahinga naman ako. Mas mahirap pa kasi 9 am ang pasok ko sa susunod na araw, kaya dapat ay nakapag-recharge na ako umaga pa lang.

Pero walanghiya. Paggising ko kanina, mas matinding pagod pa ang pakiramdam ko. Bakit?

Nanaginip ba naman akong nagtuturo ako!!!

Ano ba yan? Walang pahinga. Haaaaayyyyy...

November 30, 2005

Theory Y

Bago ako dumiretso sa subject ng aking post na ito...ibang klase talaga pag nagsusulat ako ng related sa Eraserheads. Walanghiya, naging hit!!! Parang di na yata ako magsusulat tungkol sa politika sa tambayan ko tutal nilalangaw naman ang mga post ko tungkol dun. LOL!!!

Heniweyz, lumipas na naman ang isang day off, at ibig sabihin ay nag-aral na naman ako para sa magiging turo sa susunod na dalawang sessions. Sumakit pa nga ang aking braso sa kapipindot ng calculator. Habang ako ay nag-aaral, nag-iisip rin ako kung paano kong idedeliver ang aking ituturo bukas. Para bang may rehearsal na sa aking utak.

Sa aking pag-iisip, inevaluate ko kung kamusta na ba ang aking turo ngayong semester. Hindi kasi ako gaanong satisfied kasi sa naging resulta ng aking first quiz, dahil ang average na naging grade ay below 2.0. Supposedly, and grade na 2.0 ay nagrerepresent sa average. Masyado bang mahirap ang naging quiz ko? O hindi ko lang siguro naituro nang maayos?

May nagsabi sa akin na baka mahina lang o tamad ang mga estudyante ko. Pero naniniwala kasi ako sa Theory Y e. I guess I just have to find a way to motivate my students to study more and to perform better.

Theory Y. Mula simula pa ng aking career bilang guro, ikaw na ang pinanghawakan ko. Do not fail me. Hehehe.

November 28, 2005

Nyek!

I never left RP, says Garcillano

Ibig sabihin nagsinungaling ang Singaporean authorities nang kanilang sabihin na pumunta nga sa kanilang bansa si Garci sa isang connecting flight paputang Europe? Ano naman mapapala ng Singapore kung magbibigay sila ng maling information?

Hello...Garci?!!! Ano akala mo sa amin, tanga?

November 27, 2005

Not yet found

Taon na ang inaabot sa paghahanap ko sa aking best friend nung high school.

Hindi miminsan na sinubukan kong i-search siya sa Friendster at kahit sa Google. Pero wala talaga.

Sabi nila, makakaya mong hanapin ang lahat ng bagay sa world wide web. Saang sulok ng cyberspace ko kaya siya matatagpuan?

Sana dumating ang araw na positive na ang maging result ng aking search.

November 25, 2005

Magsusulat ako ng libro...

...sana matuloy.

Tungkol saan?

Secret...

Basta ito ang aking most hated subject. Ngayon mahal ko na. How much things change. :p

Sana di mausog!!!

November 24, 2005

Garci, umamin na

Lalabas na raw si Garci para kasuhan ang mga congressman na nagparinig ng Hello...Garci tapes ng violation ng anti-wiretapping law.

E di parang inamin na rin niya na na-wiretap nga siya at talagang nangyari nga ang usapan nila ni Ma'am?

Sa wakas, may susubaybayan na naman tayong kuwento ngayong Christmas season.

(Ano kayang sinabi ni Congressman Pichay nung matanggap niya ang tawag ni Garcillano? "Hello...Garci?!!!")

Kung si lalabs may IPOD...

FC_200V...ako naman ay may bagong calculator.

At hindi lang basta basta calculator yan. FINANCIAL CALCULATOR yan. Ilang tanghalian rin ang di ko kinain para diyan. Hehehe.

Ngayon, puwede na akong magcompute ng effective interest rate, IRR, NPV, amortization payments, break-even point, etc. na wala nang sinusulat sa papel at hindi pa lalampas nang 30 seconds.

Yun nga lang, sumasakit na ulo ko sa pagbabasa ng manual. Medyo komplikado e, hi-tech!!! :-p

Kuwentong lugaw

Sa sobrang hectic ng aking schedule nitong mga nakaraang araw, natuwa ako dahil nakauwi ako nang may araw pa kahapon. Nanibago nga ako dahil iba pala talaga ang itsura ng aking dinadaanan kapag maliwanag pa.

Dahil minsan lang mangyari ito, sinadya ko na dumaan sa lugawan na lagi naming kinakainan noong high school kami. Taon na rin ang inabot mula nung ako ay huling kumain doon.

Natuwa naman ako dahil inabutan ko pa itong bukas. Pero malas...kinse pesos na lang ang pera ko!!! Sa may FEU kasi, bente pesos na ang "standard" na presyo ng lugaw. Nung high school kami (circa 1994-1995), anim na piso lang ang lugaw na may laman. Nagtanong na lang muna tuloy ako kung magkano na ang lugaw, nakakahiya namang umorder na kulang ang pera.

"Dose po."

Dose?

Biruin mo, sampung taon na ang lumipas, dumoble pa lang ang presyo ng aking paboritong lugaw na may laman!!! Ang pamasahe, 150% na ang tinaas (tatlong piso noon, P7.50 na ngayon). Ang tuition sa FEU, kada apat na taon dumodoble. Pero ang lugaw sa aking paboritong lugawan, dose pesos pa lang. Kasya naman pala ang perang naiiwan sa aking bulsa...

Kaya napabili rin ako ng aking matagal nang hinahanap-hanap na lugaw na may laman. Ang dami ng isang serving. Kung sa mga lugawan sa university belt ay papipiliin ka kung anong laman ang isasama sa lugaw (taba, isaw, tuwalya o puso), dito ay hindi na itinatanong kasi isinasama na lahat. Ang dami rin ng supply ng patis, kaya heaven na heaven para sa aking addict sa maalat na pagkain. Sayang nga lang, kulang ang pera ko para pambili ng tokwa.

Hindi pa rin nagbago ang lugawan dahil maliban sa masarap na at mura pa (at ice cold ang tubig), masaya pa ang mga nangyayari sa paligid-ligid. Halimbawa, ang dalawang nagtitinda ay naulinigan kong nag-uusap tungkol sa pagbili ng toothbrush:

Tindero: Bili mo naman ako ng toothbrush.

Tindera: Mamaya, bumili ka dun sa may botika.

Tindero: Saan...Dun sa may Emmaflor?

Tindera: Hindi! Yung dun sa pagtawid...

Tindero: Ah, yung nagtitinda ng gamot?

Tindera: Oo, yung nagtitinda ng gamot.

Habang napapaisip ako kung anong klaseng botika ba yung Emmaflor na mukhang hindi ito nagtitinda ng gamot, napansin ko namang iritang irita na ang katabi kong bata. Yung kasama niya kasing bata ay sobrang bagal kumain. Nung dumating ako, tapos nang kumain yung naiiritang bata. Nang matapos na akong kumain, ni hindi pa nangangalahati yung isang bata.

Nanggatong pa ang tindero. "Aabutan ka na ng giyera diyan!"

Habang napapaisip na naman ako sa malabong hirit ng tindero (anong giyera?), napangiti ako. Sa panahong nagugulo ang utak ko sa kaiisip sa economic crisis, political crisis, midlife crisis, on-the-job crisis, at kung anu-ano pang crisis, ang simpleng kasiyahan pala ay matatagpuan lang sa isang dating tambayang nagtitinda ng mura, masarap at maalat na lugaw.

Customer na dumating pagkatapos ko: Ate, lugaw nga.

Tindera: Ay...ubos na!

Ang saya saya!!!

November 20, 2005

...

Sabi nila, a teacher gets better with age. At naniniwala ako diyan. Habang mas dumarami ang estudyanteng nagdadaan sa akin, napapansin ko na bumubuti ang aking pagtuturo. Experience is the best teacher, ika nga, basta updated rin naman dapat sa mga pagbabago sa paligid.

Yun nga lang, may mga gabi na napapaisip ako na sana, yung mga estudyante ko noon ay ngayon ko naging estudyante. Para mas marami silang natutunan sa akin. Para mas maayos naging turo ko sa kanila.

Pero siyempre, tapos na yun.

November 15, 2005

Doing 5 things at once

Wala tuloy panahon tumambay...

Bakit dumarating ang mga ganitong panahon? Grrrr...

November 14, 2005

UltraelectromagneticJAM

Sa November 29, sa UP Theater, iho-hold ang album launch ng Ultraelectromagneticjam, ang Eraserheads tribute album na pinroduce ng Jam 88.3 in coordination with Sony and BMG.

Matagal na akong naghihintay na magkaroon ng tribute album para sa Eraserheads dahil ang laki talaga ng naging contribution nila sa OPM. Pero habang nakikita ko ang lineup ng artists at ang kanilang mga kakantahin, nadidismaya ako. Ang magic ng Eraserheads ay ginawa nilang popular ang alternative na tunog. E bakit naman pinuno ng mga pop artists na pakyut ang tribute album na ito?

LOOKS GOOD
Syempre meron namang redeeming qualities ang album na ito:

Alkohol ng Radioactive Sago Project - astig ito. Can't wait hearing Lourd De Veyra's monotonous poetry and improvisation mixing with the Lemon - Marcus composition.

Spoliarium ng Imago - bagay na bagay, with Aia de Leon's ethereal voice.

Maling Akala ng Brownman Revival - siyempre narinig na naman natin ito at alam natin na ok na ok. Bago pa man ito nirelease na single, napaindak na ako sa kantang ito sa UP Fair noong 2004.

Superproxy ni FrancisM - sana remix version, at hindi full band, para mas kaiba. Kung magbabanda man, sana kasing-astig nung mga panahon na sina Noel Mendez pa yung kasama ni FrancisM sa tugtog.

Huwag Kang Matakot ng Orange ang Lemons - sa wakas, may kantang galing sa Natin99. Perfect fit pa ang banda sa kanta.

Tikman ang Langit ng Sugarfree - kumain tuloy ako sa Burger Machine nung isang araw.

Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko pa narinig, tiyak na the best single in this album. Kung sino man nakaisip nito, henyo ka!!!

LOOKS HO-HUM
Overdrive ni Barbie Alamalbis - teka, promotional effort ba ito ng Warner Music para sumikat ang kanilang stable of artists?

Pare Ko ng Sponge Cola - ok lang. Hindi bagay yung kanta sa kakanta.

Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP - para ka lang nag-request sa kahit anong banda sa Padi's Point pag ganito. Ok lang siguro...

Torpedo ni Isha - ah...sino ito?

LOOKS BAD
With a Smile ng South Border - anong nangyayari pag finufuse ang isang classic love song ng isang classic na Pinoy rock band at isang R&B band? Just think of 214 as revived by Luke Mijares. Oh, Lord, why oh why?!!!

Magasin ni Paolo Santos - siyet, ok naman si Paolo santos wag lang sa kantang ito. Parang hindi ko kakayaning seryosohin.

Alapaap ng 6CycleMind - no comment.

Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang nauubusan ng hininga.

WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE
Hard To Believe ng Cueshe - putang-ina. Ang taong nag-isip na maglagay ng mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na show band naman talaga na hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheads tribute ay hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng musika ng Eraserheads. It's so hard to believe!!!

November 9, 2005

The unintelligent intelligence

Halos sumakit ang tiyan ko sa katatawa habang binabasa ang mga articles na ito sa Philippine Daily Inquirer:

Haste makes humiliation

Miriam a better spy than whole ISAFP, PNP

Haayyyy naku. This government needs a serious boost in intelligence, in the figurative and literal sense.

Feeling sikat

Kahapon ay natanggap ko ang aking latest issue ng I-Report ng PCIJ. Ang issue ngayon ay tungkol sa Pinoy Polotical Humor.

Nagulat ako nung nandun na ako sa article na "Where Has All The Laughter Gone" ni Katrina Stuart Santiago. Kasi, lumabas yung url ng aking Tambayan!!! Wow, ma-mention ang aking blog sa I-Report!!!

The funny blogs I've found are mostly nonpolitical, if not altogether apolitical. There's the http://akosipaeng.blogspot.com by a Pinoy who seems to always write about his world as if he's seeing it for the first time..."

Ang saya naman. Hehehe. Publicity rin yan. Pero may problema ako...

Funny?

Nonpolitical?

Seems to always write about his world as if he's seeing it for the first time?

Kailangan ko na yata talagang mag-Johari's window kasi hindi ko alam na ganyan pala dating ng tambayan ko. :p

November 6, 2005

Maisyuhan rin kaya ako ng TRO?

Noong November 4, 2005, inisyuhan ng Quezon City RTC ng temporary restraning order ang PCIJ para tanggalin nila sa kanilang web site ang kanilang post noong August 12 tungkol kay Jonathan Tiongco.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng court intervention sa isang blog content sa Pilipinas. Isa sa mga isyu na binring up nina Manolo at Edwin Lacierda ay ang violation ng principle na ang TRO ay ini-issue upang pigilan ang isang action na hindi pa ginagawa o hindi pa natatapos gawin. Sa kasong ito, ang post ng PCIJ ay nai-post na, kaya tapos na yung action. Paano pa iyun mare-restrain? E kahit naman burahin ng PCIJ ang post na iyon, ito ay naka-cache na sa Google at iba pang search engine. Sila rin ba ay dapat subject rin ng restraining order dahil sa kanilang "continual action" ng pagdisplay ng post in question?

Kayo ako ngayon ay napapaisip. Magiging subject rin ba ako ng TRO kung halimbawa ay i-post ko ang sinasabing blog entry dito sa aking Tambayan? (Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pinagpuputok ng butsi ng asawa ni Tiongco, gayung nakabase naman ang post ng PCIJ sa dossier ng PNP na isang public document.)

Eto po yung entry in question, para inyong mabasa.

----------
From the PCIJ Blog:

Mike Defensor’s expert
August 12, 2005 @ 6:00 pm

WHEN Sec. Mike Defensor introduced his audio expert, Jonathan Tiongco, to the media this morning, he took pains emphasizing that it was Tiongco who had vehemently opposed the appointment of Angelo Reyes to the Department of the Interior and Local Government.

By pointing this out, Defensor wanted it known that no one could accuse Tiongco of being a mercenary; the guy had, in fact, objected to a key Cabinet appointment made by President Gloria Macapagal-Arroyo, and he is credible. He is a sound engineer schooled in Japan with some 12 years of experience in digital audio engineering.

But a dossier from the Philippine National Police (PNP) shows Tiongco has a checkered past as it lists a string of criminal cases against him, ranging from grave threats to murder.

And for anti-crime advocate Tessie Ang-See, Tiongco’s credibility is suspect. Ang-See told PCIJ that in March 2004, Tiongco approached her to ask for her support in the cases against Reyes, who was then anti-kidnapping czar. Reyes was the subject of criminal and administrative cases filed in the Ombudsman for, among others, illegal detention, multiple murder, kidnapping, and grave coercion. These charges stemmed from the kidnappings in late 2003 of two Chinese-Filipinos: two-year-old Gian Jethro Chua and corporate executive Betty Chua Sy.

To convince her, Ang-See said, Tiongco showed a photograph of Gian Jethro’s kidnapper who he claimed was a close-in bodyguard of Reyes. He also gave her a video of the crime scene where a bank robber was killed, alleging that it was a rubout and that Reyes had a hand in it. The purpose, Ang See said, was to show Reyes’s alleged involvement in kidnapping and robbery cases.

But when Ang-See had these independently examined, she was told that these were altered. Ang-See said no to Tiongco’s request for her to support the cases against Reyes.

After she refused, Ang-See said, Tiongco began sending her threats through SMS. This was also the time, according to Ang-See, when she was included as one of the respondents in the supplemental case filed against Reyes regarding the case of kidnap victim Sy. (That case has since been dismissed.)

Early this year, when the Commission on Appointments was deliberating on Reyes’s DILG appointment, some members of the body also expressed doubts about Tiongco’s credibility. Sen. Dick Gordon said the CA had gathered documents showing Tiongco’s string of criminal cases and his opposition to Reyes’s appointment should simply be thrown out.

According to the PNP dossier, Jonathan Mallorca Tiongco, 35, had 11 criminal cases either pending in or resolved by various courts in Iloilo, Pampanga, and different cities in Metro Manila as of 2003. The cases include murder and frustrated murder, homicide, illegal possession of firearm, carnapping, grave threat, and estafa.

Six of the cases were dismissed by the courts either for lack of interest on the part of the complainants or after Tiongco secured a settlement. He was acquitted in one case; one case was archived after police failed to locate Tiongco. As of 2003, three cases were still being heard.

Tiongco was born in Jaro, Iloilo and has known addresses in Fairview, Quezon City and San Fernando, Pampanga. He has four children, two each with his two spouses. The police know him to have several aliases: Jaytee, JT, Jeff, Jonathan Monarca Tiongco, and John Thomas Mendoza Tiongco.

The following is the PNP’s summary of Tiongco’s criminal cases:

1. Homicide, Pasay City, 1997. Tiongco was accused of shooting a barangay tanod who had responded to an altercation between the suspect and another man.
Status: Ongoing trial.

2. Multiple attempted murder, Iloilo City, 1996. Tiongco was charged with shooting three men. Police say one of the three men was a barangay captain who had interceded on behalf of a family with whom Tiongco’s own family were involved in a land dispute.
Status: Ongoing trial.

3. Murder, three counts, and frustrated murder, Iloilo City, 1994. Tiongco and his co-accused were charged with shooting four individuals, killing three of them. He was finally arrested in 2002.
Status: Tiongco was acquitted.

4. Violation of R.A. 6539 (Anti-carnapping Law), Angeles City, Pampanga, 2001. Tiongco and two companions were apprehended by city police while in possession of a car not registered in any of their names. A month earlier the theft was reported to the police.
Status: Dismissed.

5. Violation of the gun ban provisions of the Omnibus Election Code, San Fernando, Pampanga, 2001. Tiongco was arrested after brandishing a handgun in an altercation with the complainant while the gun ban was in force during the election period.
Status: Ongoing trial.

6. Violation of PD 1866 (Illegal possession of firearm and ammunition), San Fernando, Pampanga, 2001. This charge stemmed from the same incident described in #5, for which he was sued for violating the election gun ban.
Status: Dismissed.

7. Grave threat, San Fernando, Pampanga, 2001. This charge involved the same incident in #5.
Status: Settled, then dismissed.

8. Violation of PD 1866 (Illegal possession of firearm and ammunition), Iloilo City. The dossier does not have details of this case.
Status: Dismissed.

9. Grave threat, Pasay City, 1997. This involved the same incident in #1.
Status: Dimissed.

10. Violation of BP 22 (Bouncing checks law), San Juan, Metro Manila, 1992.
Status: Archived after Tiongco was not found by the police.

11. Swindling/Estafa, Makati City, 1993. Tiongco was accused of failing to remit some P54,800 in company funds.
Status: Settled, then dismissed.

Rally

May interesting na reaction si Mallorn Puno sa aking post na "Rallyista...nakapasok ng Mendiola?" Sabi niya:

"Sir, di ba ang punto ng pagrarally ang makapag-propaganda sa pinakamaraming tao possible? Kung papasimple lang kami at dederecho sa Mendiola, nasayang ang opportunity na makapagpahayag at mang-agit ng mga tao na madadaanan.

Para sa akin, may dalawang audience ang isang rally: ang subject ng rally (na kadalasan ay ang administrasyong namumuno) at ang third party - ang masa - na nakikinig. Totoo na ang pasimpleng pagpunta sa Mendiola at pagsagawa ng lightning rally ay hindi makakapang-agit ng mga tao na madadaanan. Ngunit tiyak na mapo-provoke nito ang administrasyon na kumilos, at dahil sa magiging reaksyunaryo ang kanilang tugon dahil sa "surprise factor," maaaring may magawa silang di inaasahan na magiging laman ng balita sa mga mainstream media outlets. At sa pamamagitan nun, maaabot mo rin ang masa na nakatutok sa media araw-araw.

Ang gusto ko talagang bigyan ng reaction ay ang propaganda function ng rally na sinasabi ni Mallorn. Matagal ko nang pinag-iisipan kung gaano pa ba kaepektibo ang mga rally bilang isang propaganda mechanism. Naaalala ko noong Marso, nagkaroon ng isang rally sa tapat ng Japan Embassy ang grupong AKBAYAN. Valid ang kanilang binuksang issue, pero ang mga tao sa paligid ay deadma lamang sa mga nangyayari.

Sa mga rally sa may Welcome Rotonda noong kainitan ng Hello...Garci? scandal, hindi naman nagkakaroon ng critical mass kasi ang nakukumbinsi lamang sumama ay ang mga taong kapareho na rin naman ng paniniwala ng mga rallyista. Para bang birds of the same feather flock together. Ang masama nga lang, ang kailangan kasing makumbinsing maging involved ay ang birds of a different feather.

Ngayon, ako ay isang adviser ng isang student publication. Nang ibigay namin ang editorial exams, nalungkot ako kasi lahat ng kumuha ng exam na ito ay hindi paborable ang tingin sa mga protesta laban sa administrasyon. Ang tingin nila ay inaabuso na ang karapatang magpahayag at mag-assembly at kailangang maging responsable naman ang nage-exercise ng karapatan na ito. Totoo na maaaring ang reaksyon ng mga estudyante na ito ay reflective ng kanilang political leanings, o kaya ay maaari ring may sense of apathy na sila sa mga social issues. Pero di maikakaila na nagba-backfire ang gawain ng mga rallyista dahil sa naa-agit ang mga tao laban sa kanila, imbis na laban sa subject ng kanilang protesta. At minsan ay hindi mo rin masisisi ang mga taong nagagalit sa mga rallyista kasi parang walang "integrity" ang mga rally na nakikita nila.

Nandiyan yung makita mong payagan na makilahok ang mga questionable na personalities sa isang rally para lang makapagparami ng tao. Naalala ko nung minsang tugtugin ni Joey Ayala yung "Magkabilaan" sa Conspiracy. Sinabi niyang buti pa nung panahon na isulat niya ang kantang iyon, malinaw kung nasaan ang panig ng mabuti at masama. Pero ngayon, paano kang gaganahang sumama sa rally kung saan kasama mong nagpoprotesta si Imee Marcos? Si Ernie Maceda? Ang mga Ejercito at iba pang kampon ni Erap? Si Ronald Lumbao? Si Ping Lacson? Bakit pinapayagan ng mga rallyista na humalo ang mga taong ito sa kanila gayung simbolo sila ng mga mali (corruption, human rights violations, etc.) sa ating lipunan? Does the end of ousting GMA justify an alliance with these people?

Di rin maikakaila na maraming mga tao ang naiistorbo sa mga rally. Para sa akin na masasabi kong mulat, walang problema sa akin kung maipit ako sa traffic na nagagawa ng isang rally. Pero di ko maiaalis sa aking isip ang mga reklamo ng mga driver ng taxi na nasakyan ko na hindi nila naabot ang boundary nila dahil naipit sila sa traffic na nagawa ng rally. O kaya ay yung mga minimum wage workers na na-late o napilitang mag-absent at hindi tuloy kinita ang kakarampot nilang suweldo. O kaya ay yung estudyanteng pinaghirapan ng magulang na pag-aralin tapos bumagsak sa exam kasi hindi siya nakarating sa tamang oras dahil sa mabigat na traffic.

Nandiyan rin yung makita mo ang inconsistency sa mga isinisigaw ng mga nagra-rally at sa kanilang ginagawa, intensyonal man o hindi. Halimbawa, may mga environmental protection group na nag-iiwan ng maraming kalat pagkatapos ng mga rally nila. May mga human rights advocates na nanghahampas ng tubo sa mga riot police na hindi naman siyang tunay na kalaban dahil ang tunay na kalaban ay ang administrasyon. Nandiyan rin yung makita mong nagpe-prayer rally ang mga kilalang atheists. Ako ay naniniwala sa ecumenism, pero kung ikaw ay lantaran at kilalang hindi naniniwala sa Diyos, huwag ka nang sumama sa mga misa at pagdarasal. Nagiging questionable tuloy ang motibo ng buong exercise.

Hindi ako laban sa pagra-rally. Pero sa tingin ko, dapat ay pag-isipang mabuti ng mga organizers nito kung nagiging epektibo pa ba sila sa pag-achieve ng kanilang mga objectives sa pamamagitan ng traditional na form ng exercise na ito. Paano mo makukumbinsi ang mga tao sa panahong ito na sumama sa pakikibaka? Ano ang dapat baguhin para magkaroon ng integrity uli ang mga rally? May iba pa bang channels na maaaring mas epektibong propaganda mechanism? (Sa totoo lang, dapat ay magbago na rin ang wika ng mga rally. Halimbawa, ang salitang propaganda ay may sobrang negatibo nang connotation.)

Nagbabago ang panahon. Nagbabago rin ang audience. At kahit na hindi nagbabago ang ipinaglalaban, dapat siguro ay magbago na rin ang mga pamamaraan ng paglaban upang umayon sa kasalukuyang pangangailangan.

November 3, 2005

Paano naman si Jonathan?

What's wrong with all this Julius Babao "revelation" of GMA?

It's that almost everybody conveniently forgets that a certain Jonathan Tiongco is involved. And that Jonathan Tiongco is that shady audio expert whom Mike Defensor consulted in his "authentication" of the Hello...Garci? tapes.

Pansinin niyo naman si DJ JAMTRAX!!!

November 1, 2005

Kakaibang November 1

Bata pa lang ako, memorable na para sa akin ang November 1. Dahil ba sa kami ay dumadalaw sa mga sementeryo?

Hindi. Sa totoo lang, wala naman kaming dinadalaw sa sementeryo mula't mula pa (at sana nama'y matagal pa bago magkaroon). Kaya memorable ang November 1 para sa akin ay dahil sa CHRISTMAS SHOPPING!!!

Tama, ginagawa ng pamilyang Rafael ang Christmas shopping tuwing November 1. Masaya kasing maglibot sa mga mall kapag ganitong araw. Walang gaanong tao. Walang kaagaw sa mga pagpipilian. Walang traffic. Malalamig rin ang ulo ng mga nagtitinda kasi relax na relax lang sila. At dahil maaga pa, mababa pa ang presyo ng mga bilihin at hindi pa nasasamantala ng mga nagtitinda ang Christmas rush.

Kaya ngayong taon, nagulat ako nang umuwi ako nung Sabado at nalaman kong nag-Christmas shopping na pala noon ang aking mga kapamilya. Maliban sa hindi nila ako naisama sa pamimili, nagulat ako kasi October 26 pa lang ay namili na sila, at nataon pa na Sabado kung kelan maraming tao. Bakit naman nakipagsiksikan ang aking mga kapamilya upang mamili nang maaga imbis na hintayin ang November 1 kung kelan ang luwag ng mga malls at shopping centers?

Naisip ko na ang sagot. Kakaiba nga pala ang November 1 ngayon.

Mabuti na ang maagap.

What's wrong with this picture?

How ironic...

Save our reefs

Greenpeace to be fined as its ship damages RP coral reef

Dun na ako sa underdog

I really hate students who are so full of themselves.

I really hate it when such students belittle other students whose hearts are in the right place.

Huwag kayong pakakasiguro, bilog ang bola. Baka kainin niyo ang mga pinagsasabi niyo balang araw.

Kung ako ay papipiliin mo sa pagitan ng matalinong mayabang at ng nagpupursiging masipag, alam mo na kung sino ang kakampihan ko.

Kaya siguro aalis na ako sa FEU sa susunod na schoolyear. Magpapalamig muna ako ng ulo.

October 30, 2005

So that's where those dollars are

Ayon sa aking mga kaibigan na may mga kamag-anak na OFW, may bago raw "institusyon" abroad na nago-offer ng serbisyo sa mga OFW na nagpapadala ng kanilang dolyar sa mga kamag-anak sa Pilipinas. Ang institusyon daw na ito ay tumatanggap ng dollars, at pagkatapos ay kokontakin ang kanilang "affiliate" dito sa Pilipinas upang ipadala nang direkta sa recipient dito ang peso equivalent ng dollar na "ipinadala" nung OFW.

Marami na raw OFW ang naga-avail ng serbisyo ng institusyong ito dahil a) naiiwasan na ang requirement sa batas na kailangang dumaan ang kanilang pera sa banko kung saan magkakaroon pa ng bank charges at mababa ang buying rate, at b) door-to-door ang delivery ng pera. Siyempre, nava-violate ng "institusyon" na ito ang Anti-Money Laundering Act.

At sino naman ang nagpapatakbo ng institusyon na ito? Ayon sa mga OFW mismo, ito raw ay si pareng Mike.

Self-exile pala, ha? Baka naman hands-on management.

Walkout na naman

Sabi ni Father Bonafe kanina sa misa, "Ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa Diyos." Verse daw iyan sa Bibliya.

Ganun?

Dapat pala, walang lumaban sa mga Kastila na sumakop sa atin. O kaya dun sa mga Amerikano o sa mga Hapon. Dapat pala, hindi natin pinatalsik si Marcos sa kapangyarihan. Dapat di natin pinababa si Erap.

I-extend na natin ang argumento. Kung paglaban sa Diyos ang paglaban sa pamahalaan, makasalanan pala yung mga lumaban noong French Revolution. Mga itinakda ng Diyos pala sina Napoleon, Hitler, Saddam at dapat hindi nilalabanan.

Kapag nakakita pala tayo ng corrupt government official, dapat pala ay huwag na nating kasuhan dahil itinakda siya ng Diyos. Kapag nakakita pala tayo ng mga abusadong military officer na gumagawa ng human rights violations, dapat magbulagbulagan na lang tayo dahil itinakda siya ng Diyos. Kapag ang isang kandidato pala gumamit ng kaban ng bayan sa kanyang kampanya at binastos ang boto ng mga taong nabubuhay sa isang demokrasya, dapat tayong manahimik dahil itinakda siya ng Diyos.

Sabi ni Father, kawawa naman daw si Bishop Bacani, Father Faraon at Father Robert Reyes dahil sila ay nagamit ng mga pulitiko sa pagmimisa sa Saint Michael.

Kawawa ka naman, Father. Gusto mo ikaw na lang magmisa dun? Pero baka sabihin naman nagpapagamit ka kay Gloria.

At ang lumalaban sa pamahalaan ay muli na namang nag-walk out.

Sana napapakinggan

Mga isang linggong nakakaraan, isinama ko ang ilan sa aking mga estudyante sa Conspiracy para mapanood si Bayang Barrios. Ngunit hindi lang exposure kay Mam Bayang ang nangyari kasi habang naghihintay kaming magsimula ang set, napakinggan rin nila ang mga awitin nina Cooky Chua at Gary Granada na tumutugtog sa background.

Masaya ako kasi na-appreciate nila at nagustuhan ang musika ng mga Conspirators. Sa susunod, sana maisama ko sila sa mga set nina Joey Ayala, Noel Cabangon, Cynthia Alexander, Gary Granada at iba pang mga musikero na nagtataguyod ng tunay na makabuluhan at magandang musikang Pilipino ngunit hindi naman napapakinggan.

Kung pagbabasehan ko ang reaksyon ng mga estudyanteng naisasama ko sa ganitong paglabas-labas, nagugustuhan naman nila ang ganung klaseng musika. Hindi lang din nila maintindihan, bakit nun lang nila narinig ang mga awiting ito?

Ewan ko ba. Bakit ba kasi sumisikat ang well-packaged pero wala naman sa tono na artist na si Nina? (Soul Siren, e hindi naman soul yung kinakanta) Bakit sinasabing future ng OPM ang MYMP at si Nina e hindi naman ORIGINAL ang kinakanta nila, at madalas ay hindi pa nga PILIPINO? Paano naging OPM yun?

Nang magkaroon ng resurgence ang mga Pinoy na banda, akala ko ay yun na ang hudyat ng isang bagong araw na sisikat para sa Pinoy music. Parang nung panahon ng pagpasok ng Eraserheads at ng iba pang 90s Pinoy bands sa musical consciousness ng mga Pilipino. Pero ano itong mga nagsipagsikatan mula sa resurgence ng rock? Hale, na hindi na marunong kumanta nang maayos kapag live, tapos iisa lang ang tunog ng mga kanta. Bamboo, na kumakanta sa pagiging NoyPi gayung ang mga member nito ay kay daling tumatakas sa America kapag nagkakaproblema dito. Cueshe, na pinagmamalaking sila ang number one band sa Cebu (NOT!), gayong nangongopya lang ng tono ng mga kanta sa Silverchair, tapos nagfo-frontman ng guwaping na nagpanoselift kahit na isang vocalist lang naman ang kanilang kailangan kasi gusto nilang maka-attract ng girls.

At habang nagpapakasasa ang mga bandang ito sa kanilang kasikatan dahil sa kanilang magaling na "packaging," nananatili pa ring limited ang audience ng magagaling na banda tulad ng Imago, Dicta License, Paramita, Bridge, Twisted Halo, Radioactive Sago Project, Itchyworms, Cambio, Wunjo, Fuseboxx, Monsterbot, Pedicab, Happy Meals, Brownbeat, Juan Pablo Dream, Junior Kilat, Urbandub, etc. Kung tutuusin, kahit nga yung mga medyo sikat na na banda tulad ng Sugarfree at < S >andwich, limited pa rin ang audience kung ikukumpara sa Hale at Cueshe.

Minsan tuloy, gusto kong magmay-ari ng isang radio station. At puro tugtog ng mga deserving Lokal artists na tunay na nagsusulong ng OPM ang aking ie-airplay. Tapos hahaluan ng mga lumang kanta ng pop music greats nung 70s / 80s (Apo, Basil Valdez, etc.). Tapos hahaluan din ng mga kanta ng mga malulupit na bandang Pinoy na wala na ngayon. Tapos may portion para sa indigenous Philippine music. Tapos may airplay para sa underground music (Pol Galang, Jess Santiago).

Hay naku. Kay sarap mangarap.

October 27, 2005

Basura

Nakakasama ng loob na ang daming magagandang palabas sa Philippine TV na hindi pinapansin, tapos napakaraming mga nagpapagago at nagpapauto sa walang kakwenta-kwentang palabas tulad ng basura na Pinoy Big Brother.

Tunay na buhay my ass.

October 26, 2005

Hindi ba't nakakainis...

...kapag ikaw ay nasa isang university, isang institute of higher learning, tapos ang library para sa 25,000 students ay pinagkasya sa iisang floor lamang ng isang building, tapos nakikita mo na mayroong dalawang covered na state-of-the-art na gym, isang outdoor rubberized basketball court at dalawang outdoor volleyball court?

Mag-basketball na lamang tayo, wag na tayong mag-aral.

October 24, 2005

Review

Ano bang pinagkakaabalahan ngayon ni Sir Paeng?

Eto, nagre-review para sa October 2006 CPA Board exam.

Nyek!!! E di ba pasado na ako?

Wala lang. Sabi nga ni Eugene, ito na yata ang sinyales na mukhang bumalik na ang interes ko sa accounting. Kaya eto, ang dami kong biniling reviewer at ang dami na namang pinag-aaralan. At nag-volunteer pa ako na ituro ang pinakaayokong subject sa buong buhay-estudyante ko - ang Financial / Intermediate Accounting.

Oo nga pala. Mayroon akong dating estudyante na nagtuturo na rin sa FEU at may sarili na ring tambayan. Sa susunod na taon, siya na ang papalit sa akin sa pagiging teacher ng managerial accounting sa mga B.S. Accountancy students. Propesor Allan, pakilala ka naman. :p

October 21, 2005

Rallyista...nakapasok ng Mendiola?

Kanina ay may malaking rally ng mga militante sa Morayta. Naging magulo ang umpisa ng rally, nagkasugatan pa nga nang magkasalubong ang mga pulis at ang mga rallyista sa kanto ng Morayta at Recto.

Ngunit ganunpaman, nakilahok pa rin ako sa rally. OK ang mga speech, pero minsan nakakasawa na kasi ilang taon ko na ring naririnig yung mga sinasabi nila. The best pa rin yung parte ng pagcha-chant. Nag-abang ako dun sa parte ng mga hanay ng pulis kasi akala ko magkakaroon ng dispersal, pero di naman natuloy. Nakakatawa nga kasi may mga nandun sa rally na na-frustrate dahil sa hindi nagkagulo at walang "cannonization." May topak talaga ang mga tao.

Nang matapos ang programa, inakala ko na tutulak ang mga rallyista sa Mendiola kasi sumisigaw na sila ng "Mendiola, angkinin, angkinin!" Pero di naman sila tumuloy. Napaisip tuloy ako, mahirap ba talagang pumunta ng Mendiola? Tinopak naman ako kaya naisipan kong lumakad papunta sa rebulto ni Chino Roces.

Nilagay ko ang GMA RESIGN na papel sa loob ng aking bag at mula sa gitna ng rally area ay tumulak pa-Mendiola. Hindi naman ako hinarang ng mga pulis. Dumaan lang ako dun sa gilid ng barikada. Napaisip ako, ang dali namang simplehan ng mga ito. Tapos tuloy tuloy lang ako. Ang dami pa palang pulis sa kabuuan ng Recto. Nang umabot na ako sa bukana ng Mendiola, marami na namang pulis at may pink fences pa. May daanan namang masikip dun sa gilid. Dun ako dumaan. Akala ko, may mag-iinspect ang aking bag, pero wala. Dire-diretso pa rin ako. Nung panahon na iyun, nagtaka na ako kasi parang sobrang dali namang pasukin ang Mendiola.

Kaya umarte ako suspiciously. Hinintuan ko ang rebulto ni Chino Roces at tinitigan. Wala pa ring sumita. Sa gitna ng Mendiola ako naglakad, hindi sa sidewalk. Wala pa ring sumisita. Umabot ako sa gate ng Malacanang na pahinto hinto at tumititig sa kawalan para magmukhang may gagawing masama. Wala pa ring sumisita.

Kaya ayun, pakalat kalat ako sa kahabaan ng Mendiola at ina-approach ang mga kilalang personalities. Umabot ako nang dalawang metro lamang ang layo mula kay Gen. Querol. Si Mayor Lito Atienza, nag-"excuse me" pa nung dumaan sa likod ko. Tapos dumating si PNP Chief Lomibao at nakalapit ako nang mga isang metro. Nakunan pa raw ako sa TV kasi nandun ako sa likod nung mga nasugatang pulis habang ina-awardan ni Lomibao ng medal.

Tapos dumating na si GMA. Akala ko, sosobrang higpit na ang security. Wala naman kasi akong PRESS ID kaya akala ko palalayuin ako. Tapos meron pang daan daang PSG na nakapalibot. Pero hindi. Ewan ko kung nakunan sa TV camera, pero nasa tabi ako nung widescreen kung saan pinanood ni GMA ang na-videotape na "karahasang" nangyari sa rally sa Morayta. Kayang kaya ko nang abutin si GMA sa sobrang lapit ko. May sumita lang sa akin nung bigla kong pinasok ang kamay ko sa aking bag. Sabi ng isang PSG, "Anong kinukuha mo diyan?" "Papel lang po," ang sagot ko. Ilalabas ko na sana yung papel na GMA RESIGN, kaya lang paalis na si GMA.

Ang mga rallyista naman pala ay walang kadiska-diskarte. They fight force with force. Pero kung magpapasimple lang pala sila, ang dali dali namang pumasok sa Mendiola tapos biglang mag-lightning rally. Dapat talaga, fight force with guile. Pero minsan kasi, gusto rin ng mga militante na napipigilan sa isang violent dispersal. Para meron namang photo opportunity.

Basta ako, nakapasok ako ng Mendiola kahit galing ako sa rally. At ano kayang nangyari sa aking GMA RESIGN paraphernalia? Ayun, sinabit ko sa pink fences sabay takbo. :)

Notes:
* Dun sa rally, yung mga taga-probinsiyang katabi ko ay nafufrustrate kung bakit daw hindi lumalabas ang mga taga-Maynila sa mga bahay nila para magprotesta. Parang napaka-ironic kung iko-contrast mo sa statement ni GMA na Manila-centric phenomenon lang daw ang mga protesta laban sa gobyerno.
* Mukhang malaki ang kinita ng mga nangongolekta ng recyclable bottles at tin cans sa rally na ito.
* Nakita ko si Jove, pero dahil mahiyain ako, hindi ko siya malapitan. Jove, kung nababasa mo ito, tingnan mo naman kung na-capture ako sa camera niyo para may ebidensya naman ako na nandun ako. Naka-white shirt ako na may collar tapos may backpack. Hehehe.
* Ang apelyido ng pulis na may hawak ng handycam ay Isip. Karamihan ng mga nasugatang pulis ay galing sa Valenzuela.
* Marami palang sniper sa taas ng mga building pag dumarating si GMA. Katakot.

Walang kupas

probe


Pagdating sa news and public affairs programs, wala pa ring tatalo sa galing ng Probe Team. Talagang pinagpuyatan ko ang panonood ng kanilang episode kagabi kung saan inexpose ang election fraud na nangyari sa Lanao noong 2004 presidential elections. Ang ganda ng pagkakagawa ng kanilang feature: substantiated, balanced at madaling kumonek sa nanonood. Probe na Probe talaga ang dating.

Sana napapalabas ito nang mas maaga para mas maraming mga mata ang nabubuksan.

October 20, 2005

Isang kabalintunaan...

Chino Roces


...na si Chino Roces ay patuloy na nagpoprotesta sa isang lugar na hindi itinuturing na freedom park.

Memories

If I could only write a trip down nostalgia lane like this:

SOUNDTRIP SEVENTIES

Ngunit Parang Taong Bumigkas
Kung Iyan Man
Parang Ice Cream Na Bilad
Pa-Inggles-Inggles Pa
Bawat Kahapon ay Daig Nitong Bawat Ngayon
Puro Sarap
Sa Aking Pagpanaw
Sa Plaza Mag-Tumbling-Tumbling
Lumakad Sanang Pabalik ang Panahon

Ang galing talaga ni Sir Paolo. Kelan naman ang eighties?

Susulat rin sana ako ng memoirs, pero may problema. Dahil sa aking mahinang memorya, ang pinakamaagang alaala na natatandaan ko ay nung Grade 5 na. At ang naaalala ko lang dun ay may episode ng "Correctional" kung saan chinap-chop ng isang nabaliw na ina ang kanyang baby tapos pinakain sa kanyang asawang may kabit.

October 19, 2005

Anim na taon!!!

Maganda talaga si lalabsNgayon ang aming ika-anim na taon na anibersaryo ng natatanging Diosa.

Akalain ko ba namang may tatagal sa akin nang anim na taon? Huwaw...

Kami nga pala ay isang example ng long-distance relationship. Sa anim na taon na iyan, tatlong taon ang hindi kami magkasama. Technically nga, dalawang October 19 lang ang na-celebrate rito sa Pinas kasi yung unang anniv, kami ay nasa eroplano galing U.S. (wehehehe, yabang!!!)

Kaya yung mga tinginingining na maaarte diyan na "hindi raw kaya" dahil "mahirap" ang long distance, mga ugok kayo. Ang aarte niyo!!!

Hehehe. Kahit sa ganitong klaseng post, agit pa rin ako. :)

Hay naku, lalabs Ria. Salamat salamat salamat!!! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!

(OK yung picture ano? Ganyan ang lalabs ko e. Kahit naliligaw na sa parang, nakangiti pa rin basta may camera)

October 18, 2005

Anong side ba talaga sila?

Si Secretary Gonzales ba at ang kanyang anak na si Congressman Gonzales ay deep-penetration agents ng opposition? Kasi tuwing magsasalita sila, lalong dumadami ang nakakaaway ng gobyerno ni GMA.

Ang sarap pakinggan na ine-espouse na ni Congressman Gonzales ang authoritarianism at inaamin na authoritarian na ang pinatutunguhan ng Arroyo government. Lumalabas na ang kanilang tunay na kulay (na kung tutuusin, dati nang nakalabas).

----------

Ah, the joy of watching Strictly Politics. It's really one of the most enlightening shows in Philippine television. Gaano kaya katindi ang pagpipigil ni Pia Hontiveros na tanungin kay Congressman kung bakit kailangang ma-water cannon ang kanyang kapatid sa Mendiola? :)

Bittersweet victory

Sa wakas, pagkatapos ang apatnapung taon, muling nakabalik sa tuktok ng CPA Board Exam ang FEU. Congratulations kay Eman Guelas!!! Galing mo talaga, bata!!! Pati na rin kay Paul Banal na nag-#16. Painom naman kayo. At siyempre, congratulations sa lahat ng mga bagong CPAs. :)

Kaya nga lang, hindi ko maalis ang lungkot na aking nararamdaman dahil marami rin akong mga anak na hindi pumasa. Habang iniisa-isa ko ang mga pangalan, naninikip ang aking dibdib tuwing may pangalan akong hindi "che-checkan." Mukhang may pagkukulang pa kami sa kanila.

Sana, mas maraming pumasa sa susunod na board exam. Ito ang aming misyon sa susunod na batch.

October 16, 2005

Walkout

Lumabas ako ng simbahan kanina sa kalagitnaan ng misa.

I never ever imagined that I would hear the lesser evil argument being SUPPORTED inside the church.

"Ang tao, imperpekto! Kaya ang pipiliin natin, the least imperfect!"

And I never imagined that the Gospel about giving to Caesar what is due to Caesar, and to God what is due to God could be used to justify the calibrated pre-emptive response policy.

"Ang sabi ni Jesus, sundin mo rin ang batas ng tao...alam nang bawal mag-rally sa Mendiola, nagmartsa-martsa pa."

Bad trip ka Father. Sobrang bad trip ka talaga.

October 15, 2005

Mahirap na rin palang magsimba sa San Sebastian...

Basang basa


...mababasa ka rin.


Photo courtesy of Philippine Daily Inquirer

October 14, 2005

Mahirap na palang magsimba sa St. Jude ngayon...

Basa


...baka mabasa ka.


Photo courtesy of Philippine Star

Ang Mga Jologs

Noon Time Show


Sa wakas, naglabas na naman ng full-length album ang aking paboritong jologs band na sobrang korni - ang Itchyworms!!! Pumila na at tangkilikin ang Noontime Show!!!

At ngayon, eto na ang lyrics ng aking kasalukuyang paboritong soundtrip:

Beer
sinulat ni J. Nicolas

Nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
at nag-iisa

Nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sa 'kin
nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer
ayaw pang mamatay

Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ako kaya ngayon

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
puso kong nahihirapan

Bawat patak,
anong sarap
Ano ba talagang
mas gusto ko?

Ang beer na 'to
o ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
kahit tambutso

Kukuha ko ng beer at ipapakulo
sa kaldero't lalanghapin
ang usok nito
Lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isiping
nag-iisa na ako

Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ako kaya ngayon

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
puso kong nahihirapan

Bawat patak,
anong sarap
Ano ba talagang
mas gusto ko?

Ang beer na 'to
o ang pag-ibig mo?

Tanong tanong

Sa wakas, nagkaroon na ako ng panahong tumambay. Kasalukuyang may tanong na umiikot sa aking isipan:

Kung mahigit kalahati ng klase ang bumabagsak sa exam, hindi ba yung guro na ang may problema at hindi na yung estudyante?

October 10, 2005

Nasaan na si Paeng?

Eto, natatambakan ng papel.

Ang daming che-checkan!!!

October 5, 2005

Pwede bang retroactive?

Ayon sa ipapasang anti-terrorism bill sa Congress, considered na terrorist act ang pagra-rally na nakakalikha diumano ng economic destabilization. Sana retroactive ang bill na ito, para ang mga sumulat at sumuporta sa batas na ito ay naikulong rin nung panahon na sila naman ang nagpapabagsak ng piso dahil sa kanilang mga rally.

Sana pag may inannounce na policy ang gobyerno na nakalikha ng unrest sa market (tulad ng E-VAT law, etc.), i-consider ring terrorist act. Para patas naman.

Evaluation ko ng performance ko ngayong sem

Pasang-awa.

Ang masama pa dun, akala ko, ok ang naging performance ko ngayong sem. Pero in hindsight, ang dami ko talagang mali.

Masyado na yata akong napaniwala ng "hype" tungkol sa akin. Panahon na para umatras at dumistansya para hindi ako mabulagan.

Kahinahinala

Ang malaking balita kahapon: pinapaaresto ni DOJ Secretary sa NBI si Bro. Eddie Villanueva. Kaugnay ito ng arrest warrant na inissue dahil sa estafa case na isinampa laban sa religious leader ng pinsan ni Mike Arroyo na si Benito Araneta.

Nang mabasa ko ang balitang ito, napaisip ako:

1) Ang DOJ ba talaga ang nagi-issue ng order na i-serve ang warrant of arrest sa mga kasong estafa? Ibig sabihin, nung may nagsampa ng kaso ng estafa laban kay Anabel Rama, DOJ rin ang nag-utos na ipatupad ito?

2) E di ba si Mike Velarde, may kaso rin ng estafa? Mas malala pa nga kasi hindi lang iisa ang kaso niya. Siya ba ay aarestuhin din?

3) Kung April 5 ang totoong date nung lumabas yung arrest warrant, bakit ngayon lang ipinapatupad?

4) Kung talagang seryoso silang arestuhin si Vilanueva, bakit hindi pa nila arestuhin ngayon na? Bakit hindi nila pinuntahan nung nag-press conference?

Gusto ko rin palang mag-react sa nakakatangang pahayag ng legal counsel ni Mike Arroyo:

Jesus Santos, lawyer of the First Gentleman, said Villanueva must be "hallucinating" when he insisted that his client had a hand in the case.

"What has the First Gentleman got to do with the arrest warrant? He's not here anymore so what political harassment is he talking about?" said Santos.


Hindi ba alam ni Santos na nage-exist na ang telepono? Ang cellular phone? Ang internet? Ang MGA GALAMAY?

October 4, 2005

Hmmmm...

How can they accuse people of destabilization if the government and the economy is not stable in the first place?

October 3, 2005

Regalo para kay Brenda


baril para kay brenda


Sige na, gamitin mo na...

Brenda, (nagpa)sabog na naman

BrendaNoong Sabado, pinasabog sa media ni Brenda, pinuno ng partidong PRANING (People Rooting for Addicts, Neurotics and Idiots in the National Government), ang assassination plot laban sa kaniyang pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon sa kanyang hearsay of a hearsay evidence, ang plot na ito ay pamumunuan raw nina Senate President Franklin Drilon at former president Corazon Aquino.

Ang assassination ay dapat raw matupad bago mag-October 15. Ayon sa aming deep-penetration agent, kinsenas raw kasi ang suweldo ng mga nirentahang mamamatay-tao, at ayon sa prinsipyo ng "no-work no-pay," hindi nila makukuha ang kanilang suweldo kung walang matatapos na "trabaho" bago ang nasabing petsa.

Sa kaugnay na balita, si Just-tiis Secretary ay naulinigang nagsabi ng "That's incredible!!! nang marinig ang mga pahayag ni Brenda. Gayunpaman, iniutos pa rin ng kalihim sa National Bureau of Investigation ang isang malawakang imbestigasyon sa nasabing assassination plot. "Your investigation should spare no one regardless of social or political status," ani Gonzales.

Kung bakit ang mga akusasyong ito ay binigyang halaga ni Gonzales gayung ang mga dating kasong nakabase rin sa hearsay tulad ng Juentengate scandal ay di niya pinag-aksayan ng panahon, sinabi ng aming anonymous but impeccable source sa loob ng departamento na ang totoong dahilan ay nais lamang malaman ng kalihim kung ano ba ang gamot na tinitira ni Brenda. "Akala talaga ni Papa Raul na siya na ang kikilalaning reyna elena ng mga manlilikha ng kuwentong pantasya (destabilization category) sa Pilipinas. Pero, NO! Taob ang beauty niya kay Brenda. To the highest level talaga ang lola mo!"

Ayon sa isang advanced intelligence report na aming na-intercept (hindi wiretap), ang sikreto raw sa kapraningan ni Brenda ay ang mahigit sampung pusang nakatira sa loob ng kaniyang bahay sa Quezon City. "Amoy pusa talaga. Pati sa damit namin, kumakapit ang amoy. Grabe! Meow!"

Pusang gala. Kaya naman pala.

Pinay OFW sa Espanya, nagsuicide (?)

Dineklara kahapon ng mga awtoridad sa Espanya na suicide, at hindi isang foul play, ang naganap kaugnay ng pagkamatay ng isang Pilipinang OFW na natagpuang naliligo sa sariling dugo dahil sa laslas sa kanyang leeg sa loob ng loft na kaniyang tinitirhan.

Parang ngayon lang ako nakarinig ng taong nagpakamatay sa pamamagitan ng paggilit ng kanyang sariling leeg. Anong susunod?

Pinay, pinugutan ang sariling ulo! Patay!

Mutiple stab wound victim found to have committed suicide.

Lalakeng naghuhurumentado, tinadtad ng bala ang sarili gamit ang armalite!

October 2, 2005

Apathy

Pinatay ang impeachment complaint dahil sa technicality. Ang mga puno ng mga militanteng grupo, isa-isang pinapatay. Pumasok ang gobyerno sa isang kaduda-dudang kontrata para i-lobby sa U.S. government na pondohan / suportahan ang pagpalit ng charter ng Pilipinas. Ipinatupad ang preemptive calibrated response kapalit ng maximum tolerance policy. Inilabas ang Executive Order 464.

Napanood sa TV, napakinggan sa radyo at nabasa sa diyaryo ang mga balita. Pinagkwentuhan sa opisina / eskuwelahan ang mga issue. Nagreklamo sa hirap ng buhay. Minura ang gobyerno. Sinabi sa isang nagse-survey ang dissatisfaction kay GMA.

Pero anong ginawa pagkatapos?

WALA.

Nilalaglag ang sarili

Sabi ng isang collague ko na hindi matanggap na pinetisyon siya ng mga estudyante:

"Ang estudyante, kung talagang magaling siya, mage-excel dapat kahit na hindi pa magaling ang teacher!"

Ows?

Naaawa ako sa kanyang justification. Parang pinulaan pa niya ang sarili niya sa sinabi niya.

September 28, 2005

Bagong soundtrip

Bihira akong makinig ng rap-rock, pero nitong mga nakaraang araw, ginagasgas ko ang aking CD ng Dicta License. Sa wakas, isa pang Pinoy rap-rock group na nagustuhan ko maliban kay FrancisM. Kapag rap-rock kasi, hindi naman yung music ang hinahanap ko kundi yung substance ng lyrics. At ang lyrics ng mga kanta ng Dicta License ay puno ng substance. Sana mga ganitong banda ang sumikat, hindi yung mga sumisikat ngayon na OPM bands na nagpapanggap na malalim kahit wala namang kalaman-laman ang lyrics. Hallelujah, anyone? :p

ANG ATING ARAW
by Dicta License

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

Madalas ay reklamo lang ang bukambibig
At 'di makita ang sakit na iyong pasan

May matalas ang dila kung mayroong galaw ng bisig
Paliparin ang malayang isip

Dinggin mo ang tawag ng lupang pinagmumulan
Ng kayamanang 'di mo rin pala natitikman

Kelan malilinis ang bahid ng dumi
Hindi malaman, pero pag-asa ay inaasam

Isa na namang awit na tutuhog sa marurupok na pusong lanta
Lanta sa diwa at pag-asa ng umaga

Bukas-loob silipin ang sarili
Balat, mukha, mata, dinggin ang huni

Pagkatapos ng ilang taon
Unti-unting aahon

Ang lipi ng lupa na napako sa kahapon
Walang pamagat alay kong alamat

'Di makakahon damdaming naisulat
'Di mo ba naririnig ang tinig ng lahat

Sabay-sabay lumiliyab, sisikat nang muli

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

September 27, 2005

Feeling tatay

Ewan ko ba. Bakit apektado ako pag nakikita kong bumabagsak ang mga estudyante ko? Na-compromise na ba ang professionalism na dapat i-maintain ko bilang guro?