January 29, 2005

Sabi nga ni Gary Granada...

"...madugo ito. Blood-VAT ito."

Nakakairita nang makinig ng balita tungkol sa bagong Value Added Tax law amendment na naipasa na sa House at hinihintay na lang maipasa sa Senado. Ang bagong amendment ay magtataas ng VAT rate mula 10% hanggang 12%. Sabi ni GMA, isa raw itong priority measure kung gusto nating maisalba ang ekonomiya. Kailangan daw tayong magtulong-tulong na magsakripisyo para sa ating bansa.

Bakit naman bigla na lang nagkaroon ng concern itong si GMA sa ating bansa? Bakit ba nasa ganitong kalagayan ang Pilipinas? Di ba dahil na rin sa kanya? Inamin naman niya ito nang nagdeklara siya na hindi na siya tatakbo na presidente ng Pilipinas. Mababanaag sa kanyang declaration noon na tanggap niya na hindi makakausad ang Pilipinas kung siya pa rin ang mamumuno nito.

Pero tumakbo pa rin siya. At malala pa dun, gumamit pa siya ng sangkatutak na perang pampubliko na galing rin sa ating mga buwis para mangampanya. Makikita ito sa mga PGMA advertisements ng PCSO, sa mga PGMA T-shirts ng mga "nabigyan ni PGMA ng trabaho", at sa mga PGMA billboards na bigla na lang nagsulputan noong eleksyon. Bago mag-eleksyon, pinagmamalaki ni GMA na bumabawi't lumalakas ang ekonomiya. Pagkatapos ng eleksyon, biglang nagkaroon ng fiscal crisis. Siyempre, magkakaroon talaga ng fiscal crisis sa sobrang laki ng public funds na ginastos niya noong eleksyon.

At ngayon, ipapasa niya sa taumbayan ang responsibilidad para ibangon ang ekonomiya. Para nga naman mabawi't mapagtakpan ang lahat ng nagastos niya noong eleksyon.

Sabi ni presidential spokesperson Bunye, hindi raw tataas ang mga presyo ng bilihin dahil sa VAT. Minsan tuloy nagtataka ako kung totoo bang nag-aral ng Economics si GMA. Ang VAT ay isang indirect tax. Ang ibig sabihin, ang VAT ay maaaring ipasa sa bumibili ng produkto. Kaya sa dakong huli, ang aako ng VAT ay ang end consumer. Tayo yun, mga kids. Tataas ang presyo ng binibili natin kasi sigurado namang ipapasa ito sa atin ng mga kapitalistang businessman na tiyak na walang balak na akuin ang pagbabayad ng buwis na ito dahil ayaw naman nilang mabawasan ang kanilang yaman na hindi pa raw sapat para sa kanila.

Walang inflation na mangyayari? Gaguhan ba ito, Mr. Bunye? O hindi ka nag-aral ng Transfer and Business Taxes noong college?

May isa pang argumento. Minimal lang daw at immaterial ang epekto ng VAT kaya di natin mararamdaman. Kungsabagay, kayang kaya naman nilang sabihin yan kasi sa sobrang dami ng yaman ng ating mga kongresista at mga senador, chicken nga lang naman sa kanila yung dagdag na 2%. Kung may dagdag man sila na gagastusin, mas malaki naman ang madadagdag sa maaari nilang kurakutin. (hindi naman pala immaterial ang 2%)

Nakakatawa rin yung full-page ad ng isang sikat na businessman sa isang broadsheet. Tinututulan niya ang pagsama sa petroleum products sa VAT kasi kawawa naman daw ang publko. OK na sana, akala ko concerned talaga. Yun nga lang, sinabi rin niya na ok lang daw kung magkaroon ng VAT ang basic commodity na tulad ng sardinas kasi maliit lang daw epekto nito at kayang kaya ng ating mahihirap na kababayan. Dun mo tuloy mahahalata na itong si Mr. Businessman, malamang maraming kotse at malamang hindi kumakain ng sardinas.

May tinutulak rin ang administrasyon na panukala na tanggalin ang exemption ng mga libro sa VAT. Ang galing talaga ng mga lawmakers natin, kay talino. Sa panahon na pataas nang pataas ang presyo ng kalidad na edukasyon, may balak pang pataasin ang presyo ng mga libro na sa ngayon pa nga lang ay wala na halos bumibili. Siguro nga naman, sinusuportahan ng gobyerno yung photocopying industry.

Gusto rin tanggalin ng administration ang exemption ng mga diyaryo sa VAT. Tutal nga naman, dapat patayin na ang newspaper industry dahil ito na lang naman ang medium na may vocal pang mga kritiko laban sa gobyerno. Nababayaran naman kasi ang nasa broadcast media. Kaya dapat, ipromote na ang pro-admin na broadcast media at patayin na lang ang print media.

Pero siyempre, hindi tatanggalin ang VAT exemption sa mga kaibigan ng gobyerno. Ang mga malalaking Independent Power Producers, na nagpapasa na nga ng sangkatutak na charges sa mga consumer kahit na wala na silang sinusupply na kuryente sa publiko, ay exempted pa rin sa pagbabayad ng VAT. Walanghiya, nakinabang na nga ang mga IPP dahil sa mga anomalous contracts nila, may privilege pa silang ma-exempt sa VAT.

Regressive yata talaga ang sistema ng taxation sa Pinas. Yung mga mahihirap, mas malaking porsyento ng kanilang kinikita ang napupunta sa buwis kaysa sa mga mayayaman.

Sa kasalukuyan, wala pa raw kalahati sa dapat na koleksyon sa VAT ang nakokolekta talaga ng gobyerno. Sa mangyayaring pagtaas ng VAT rate, ang mga tamang magbayad ng buwis ang siya pa ring pinapaako ng gobyerno sa responsibilidad na isalba ang ekonomiya. Wala na silang pakialam sa mga di nagbabayad ng tama. Tutal, malaki ang kinikita ng mga opisyal ng gobyerno sa mga regalo sa kanila ng mga tax evaders. Baka mabawasan pa ang kickback nila pag nagalit si tax evader, kawawa nga naman sila. Mababawasan ang kanilang luho.

Huwag tayong magpadala sa apela ng administrasyong GMA na ang pagsuporta sa karagdagang VAT ay pagtulong sa ikaliligtas ng Pilipinas. Kung gusto nating maligtas ang Pilipinas, kailangang i-demand natin sa administrasyon na kolektahin nang tama ang buwis at magkaroon ng tamang implementasyon ang kasalukuyan nang mga batas ng pagbubuwis. I-demand natin na ang perang nakokolekta sa mga buwis ay gastusin sa tamang paraan at hindi sa pansariling kasakiman. I-demand natin na ayusin ang mga prioridad sa gastos ng gobyerno, lalo na ang pagpapahalaga sa sektor ng edukasyon na hindi dapat pinag-iinitan at bagkus ay dapat pa nga'y inaalagaan.

Hindi tayo ang may kasalanan sa nakakahiyang estado ng ating ekonomiya. Sila ang may kasalanan. Silang mga ganid sa kapangyarihan na naghahangad pa ng mga dagdag na buwis dahil di pa sapat ang pondo upang mabusog ang kanilang mala-buwayang kasakiman. Huwag nating hayaang gamitin na naman tayo para sa interes ng iilan. Labanan ang dagdag na VAT!!!

January 20, 2005

EDSA ng Pangakong Napako


I was there with the crowd, believing with all my youthful idealism that finally, we, the Filipino peole, have voiced out our disgust over blatant corruption in the government.

In my myopic mindset, I failed to foresee that we would ultimately become unwitting accomplices to installing an equally (if not moreso) corrupt official in the office.

Tang ina, di ba ang sinigaw ko noon ay magbitaw si Erap?! Di ko naman sinigaw na gusto ko si Gloria ang pumalit!!! Hindi ikaw ang pinaglaban ko nung EDSA DOS, Gloria. Pilipinas ang pinaglaban ko noon. Manggagamit kang hayup ka!!!

Apat na taon na mula nang mag-EDSA DOS. Mas lumala pa ang Pilipinas.

At ngayon, may "mandate" na ang pandak. "Mandate" na binili gamit ang buwis na binayad ko. "Mandate" na nakuha dahil sa pang-uuto gamit ang "lesser evil" argument...

May nagpa-uto naman. Di na natuto. Bullshit...

January 15, 2005

Nginiiigggg!!!

Usong uso ngayon ang Pinoy horror stories. Pinakamabentang libro yung True Philippine Ghost Stories, tapos pinakamalaking kinita sa takilya nitong nakaraang taon ay horror din. Sikat na sikat rin siyempre yung horror shows sa TV.

Yung kaibigan kong si psychicpants ay magaling rin palang manakot. Mayroon siyang isang kwento na dati ko pa nabasa, pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Basahin niyo... :(

January 10, 2005

Ang Sweet Naman...

Rebolusyon!!!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad napansin ito sa aking e-mail, pero nasa inbox ko pala ang isang speech na dineliver ni F. Sionil Jose, isa sa pinakamagaling na manunulat ng ating bansa. Sana ay basahin ninyo ito at pag-isipan ang mensaheng nais niyang ipaabot sa atin.

Revolution and UP
Hindsight by F. Sionil Jose

(Speech delivered by the author at the University of the Philippines, Diliman, on Nov. 23, 2004)

What is an old man like myself doing here,talking about revolution? Hindsight is the lowest form of wisdom. I can tell you what it was like when your campus was nothing but cogon waste, when all those trees that line your streets were just saplings.

I can tell you, also, why we were left behind by all our neighbors when in the Fifties and the Sixties we were the richest, most progressive country in the region, when Seoul and Tokyo were ravaged by war; Kuala Lumpur and Jakarta were mere kampongs; when Bangkok was a sleepy town crisscrossed by canals. I never was in China till 1979, but I know in the Forties that country was always threatened by famine.

It had a population then of only half a billion. Now, with more than a billion people, famine is no longer a threat, although hunger still lurks in some of its distant regions.

Hunger has always been with some of us, too, but not as much as it is now when so many poor Filipinos eat only once a day. Altanghap, I wonder how many of you know what that word means.

So then, why are we poor? Why do our women flee to foreign cities to work as housemaids, as prostitutes?

We are poor because we have lost our ethical moorings, this in spite of those massive religious rallies of El Shaddai, those neo-gothic churches of the Iglesia ni Kristo sprouting all over the country, in spite of the nearly 400 years of Catholic evangelization.

How can we build an ethical society? We must remember that so-called values are neutral – that so much depends on how people use them. James Fallows' thesis on our damaged culture, which many of us understand, is neither permanent nor inherent.

Ramon Magsaysay infused public life in the Fifties with discipline and morality, Arsenio Lacson as mayor of Manila cleaned up City Hall. Even today, shining examples of honesty among in our public officials exist, but they are few and far between and they are not institutionalized.

And it is precisely here where the university comes in with its courses in the humanities. Of all the arts, only literature teaches us ethics. Literature presents us with problems, complex equations that deal with the human spirit and how often the choice between right and wrong is made. In this process, we are compelled to use our conscience, to validate the choices we make, and render the meaning, the pith of our existence.

The university then is the real cathedral of a nation, and its humanities, particularly its literature department, the altar. But how many of our teachers know this crucial function of literature, how many teachers themselves possess this sense of worth and mission?

To know ourselves, to make good and proper use of our consciences, we must know our own history. So few of us do, in fact, we nurture no sense of the past.

If our teachers know our history, if they soak it in their bones, then it follows that they also impart this very same marrow to their students.

If this is so, how come that when Bongbong Marcos visited Diliman sometime ago, he was mobbed by students who wanted his autograph? How come that in La Salle, business students cited Marcos as the best President this country ever had?

Not too long ago, I spoke before freshmen at the Ateneo and was told that since so many practice bribery, it must be right, or how could anyone get things done if palms are not greased?

In this university are professors who served Marcos. Have they ever been asked what their role was?

We are poor because we are not moral. Can this immorality as evidenced by widespread corruption be quantified? Yes, about P23 billion a year is lost, according to NGO estimates.

We are poor because we have no sense of history, and therefore, no sense of nation. The nationalism that was preached to my generation by Claro M. Recto and Lorenzo Tañada was phony; how they could have convinced so many intellectuals is in itself the failure of those intellectuals to analyze that inward, socially meaningless nationalism.

Recto and Tañada opposed agrarian reform, the single most important political act that could have lifted this country then from poverty and released the peasantry from its centuries-old bondage.

We are poor because our elite from way back had no sense of nation – they collaborated with whoever ruled – the Spaniards, the Japanese, the Americans and in recent times, Marcos. Our elite imbibed the values of the colonizer.

And worst of all, these wealthy Filipinos did not modernize this country – they sent abroad their wealth distilled from the blood and sweat of our poor. The rich Chinese to China, to Taiwan, to Hong Kong, the rich mestizos to Europe, and the rich Indios like Marcos to Switzerland and the United States – money that could have developed this nation.

How do we end this shameless domestic colonialism? The ballot failed; the bullet then? How else but through the cleansing power of revolution. Make no mistake about it – revolution means the transfer of power from the decadent upper classes to the lower classes.

Revolution is class war whose objective is justice and freedom.

Who will form the vanguard of change? Who else but the very people who will benefit from it.

Listen, when I was researching for my novel Poon at the New York Public Library, I came across photographs of our soldiers of the 1896 revolution felled in their trenches by American guns. I looked closely and found that most of them were barefoot. They were peasants.

The peasant is the truest nationalist. He works the land with his hands, he knows instinctively what the term Motherland means. He loves this earth, even worships it. The Ilocano farmer calls it Apo Daga.

But never romanticize the poor. Once, a group of PhDs lamented the futility of their efforts in organizing and motivating them. When the elections came that year, the poor sold their votes, or voted for Erap.

Understand why they are often lazy, contemptible, fawning, cheating and stealing. Imagine yourself not having a centavo in your pocket now, and you don't know if you will eat tonight. There is nothing honorable about poverty – it is totally dehumanizing and degrading. But once the very poor are roused from their stupor, they become the bravest, the most steadfast. Remember those Watawat ng Lahi followers felled by Constabulary guns on Taft Ave. in 1965? They believed that with their faith they were invincible.

It is with such faith and righteousness that our peasants rebelled in living memory, the Colorums in 1931, the Sakdals in 1935, and the Huks in 1949-53.

The Moro rebellion, the New People's Army – the cadres of both are from our very poor, just like it was in 1896. And now, here is the most tragic contradiction in our country. Our Armed Forces – its officers corps – many come from the lower classes, too; they got to their exalted positions through public examinations and entry to the Philippine Military Academy. Our Armed Forces enlisted men – most of them come from the very poor.

When the poor kill the poor, who profits?

The Ideology of the Revolution

Revolution starts in the mind and heart. It alters attitudes to enable us to think beyond ourselves, family and ethnicity to encompass the whole nation. If the communists win, and I don't think they ever will, they will rule just as badly because they are Filipinos unable to go beyond barnacled habits of mind, hostage as they always are to friends and family and to towering egos. The same egos aborted the revolution in 1896, the EDSA revolution in 1986, and now, we see the same egos wrecking havoc on the Communist Party. We see these egos eroding our already rotten political system.

The core belief that should guide us in redeeming our unhappy country is in our history, in our peasantry. It is not in textbooks, in foreign intellectual idols, in Marx. And what is this ideology which Bonifacio believed in? Which those barefoot soldiers killed by the Americans believed in? Pedro Calosa, the peasant leader who led the Colorum uprising in Tayug, Pangasinan in 1931, said it is this: "God resides in every man. God created earth, water and air for all men. It is against God's laws for one family or one group to own them."

God and country; translate this belief into your own words and there you have it in its simplest terms the creed with which the unfulfilled revolution of 1896 was based, and which should be the same creed that should forge unity among us.

Who will lead the revolution?

Certainly, not the masa, but one from the masa who understands them, who will not betray them the way our leaders betrayed the masa. Estrada is the most shameful example of that leadership that betrayed.

The leaders of the revolution could be in this university who have the education, but who are not shackled by alien concepts, or the attitudes of superiority that destroy leadership. Such leaders, like Ho Chi Minh, must lead by sterling example, with integrity, courage, compassion and willingness to sacrifice, who know that when the revolution is won, it is time to change from conspirators to even better administrators, remembering that they have become conservative, that they must now work even harder to produce better and cheaper products. And this massive work of modernization can be achieved in one generation. The Koreans, Taiwanese and the Japanese did it. It is not the Confucian ethic that enabled them to do this, they understood simply the logic of government which is service and that of commerce which is profit.

By what right do I have to urge revolution upon our people who will suffer it? What right do I have to urge the young to sacrifice, the poor to get even poorer, if they embrace the revolutionary creed?

I have no such right, nor will I call it such. I call it duty, duty, duty. Duty for all of us rooted in our soil, who believe that our destiny is freedom.

Not everyone can bear arms, or have the physical strength to stand up, to shout loudly about the injustices that prevail around us.

Those who cannot do these, who cannot be part of this radical movement, must not help those who enslave us.

Do not give them legitimacy as so many gavelegitimacy to Marcos. Recognize, identify our enemies and oppose them with all your means. This will then test integrity, commitment.

Nobody need tell us the exorbitant cost of revolution, the lives that will be lost, senselessly even as when Pol Pot massacred thousands of his own countrymen in Cambodia. We who lived through the Japanese Occupation know what hunger, fear, and flight mean.

Joseph Conrad, Albert Camus and Jose Rizal – writers I admire deeply, all warned against revolution because it breeds tyrants, because it does not always bring change. But look around us, at the thousands of Filipinos who are debased and hungry, who are denied justice. Be shamed if you don't act. And as Salud Algabre, the Sakdal general said in 1935, "No rebellion fails. Each is a step in the right direction."

Revolution need not even have to be bloody. How many lives were lost at Edsa 1? Not even 20. So Cory goes around telling the world that she had restored democracy in the Philippines. Sure enough, we now have free elections, free speech, free assembly but these are the empty shells of democratic institutions because the real essence of democracy does not exist here. And that real essence is in the stomach – as when the taxi driver in Tokyo eats the same sashimi as the Japanese emperor, or the bus driver in Washington who can eat the same steak as President Bush in the White House. Contrast these with that jobless Cavite laborer whose two children died because he fed them with garbage. No, Cory Aquino's Edsa revolution could not even have our garbage properly collected. Worse, 19 farmer demonstrators were killed near Malacañang because she refused to see them. True to her oligarchic class, she declared a revolutionary government without doing anything revolutionary; instead, she turned Edsa 1 into a restoration of the old oligarchy. So today, we are reaping the results of her negligence, ignorance and folly.

Yet, even capitalism can be very helpful. South Korea is a very good example of how capital was formed by corruption, and how a singleminded general lifted that nation from the ashes of the Korean War, into the thriving modern economy which Korea is today.

Remember the slogans of American capitalism – a chicken in every pot, a Ford in every garage. Money is like fertilizer – to do any good it must be spread around. Those robber barons at the turn of the 19th century were rapacious, they exploited their workers, but they built industries, railroads, banks, the sinews of American capitalism. And the most important thing – they kept their money home to develop America.

Unlike our rich Chinese, our rich meztizos and the likes of Marcos who sent their money abroad to keep us poor. They are the enemy.

It has been said again and again that we are, indeed, a young nation compared with other Asian countries whose august civilizations date back to 2,000 years or more. Indeed, so are the Filipinos who shaped this nation – those who led the revolution against Spain – they were all young, like you are, in their 20s or early 30s. Rizal was 34 when he was martyred.

How then do we keep young without having to grow old only to see the fire in our minds and hearts die? How does the nation's leading university maintain its vitality, its youth against the ravages of consumerism, of globalism?

How else but to keep the mind ever healthy, ever alive by empowering it with those ideas that nurture change and revolution itself, by ingesting the technological age so that we can use technology for realizing our ideals.

How else but to embrace the ideas that make us doubt technology, society, even revolution itself, but never, never about who we are, what we should do and hope to be.

We cannot be beholden to any other nation. Jose Maria Sison doomed his revolution when he turned to China for assistance; he ignored the "objective reality" – the latent anti-Chinese feeling among Filipinos, in fact among all Southeast Asians who fear a Chinese hegemony.

We must mold our own destiny, infusing it with the strength of a sovereign people. The Americans, the English, French, Russians, Cubans, Chinese, Vietnamese – all achieved their unique revolutions. We must have our very own, defined only by us.

How to build it, direct it, use it for the betterment of our lives, the flowering of liberty – I see all these as the major function of the university which, after all, shapes our leaders. I pray that UP will graduate the best doctors, the best engineers, the best teachers, the best bureaucrats. The revolution needs them all. But most of all, let this university of the people produce the ultimate modernizer, the heroic nationalist revolutionary – we need him most of all.

gitara, lapis, atbp.

Noong nakaraang buwan ay nagproduce ng album ang Philippine Business for Social Progress na ang title ay gitara, lapis, atbp. Ito ay isang joint album nina Joey Ayala at Noel Cabangon na ang tema ay tungkol sa education at sa kabataan ng Mindanao. Nitong nakaraang linggo ay nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na bumili ng sarili kong kopya ng album. Tulad ng inaasahan ay natuwa ako sa aking napakinggan.

May tig-anim na kanta sa album na ito sina Joey at Noel. Nakakatuwa nga ang pag-ayos kasi salitan sila, parang may sagutan ng kanta. Maganda ang pagkakapili ng mga kanta dahil angkop talaga ang mga mensahe nito sa tema ng album. Sa mga kanta ni Noel, ang paborito ko ay ang "Awit ni Gabriel" at "Kapayapaan sa mga Bata". Iba talagang magdala ng emosyon ang boses ni Noel, na mas magaling pa lalo kapag napapakinggan sa isang live performance. Sa mga kanta ni Joey naman, talagang nagustuhan ko yung "Kung Kaya Mong Isipin" na isa nang classic mula sa kanyang Lumad sa Siyudad na album. Maganda rin ang kanyang "ethnic rock" composition para sa album na ito na "Classroom 101". Dapat siguro ipang-soundtrack ito sa isang documentary film tungkol sa kondisyon ng mga mag-aaral sa Mindanao.

Mangilan-ngilan lang talaga ang makakapantay sa galing ng dalawang kompositor na ito sa pagsulat ng socially relevant na kanta na may "melodic hook" kaya nakakarelate pa rin sila sa ordinaryong makikinig (tulad na rin nina Gary Granada at Jess Santiago). Ang hiling ko lang siguro ay nagkaroon sana sila ng kanta kung saan sila ay nag-jamming. Sa kantang "Classroom 101" ay nagback-up vocals naman si Noel kay Joey, pero mas maganda pa rin kung may kantang nag-duet sila't pareho silang frontman. Marahil sa susunod na collaboration album na lang. (Maganda siguro kung magkakaroon ng Conspiracy album, na kinabibilangan nina Joey, Noel, Gary, Bayang, Cynthia, Cooky at iba pang artists ng Conspiracy bar. Hahaha!!! Wishful thinking ba? Pero mala mo...)

Hindi ako sigurado kung ilan dito ang bago at ilan ang lumang kanta (kasi isa lang ang sigurado akong bago - yung Classroom 101). Pero bago rin naman ang areglo ng mga luma nilang komposisyon kaya parang bago na rin. Mas kapansin-pansin sa album ang bagong rendition ng mga kanta ni Joey dahil ito ay nirecord niya sa kanyang "folk acoustic" style, imbes na sa dating "bagong lumad" arrangement. Kahit na hinahanap-hanap ko pa rin ang ethnic flavor ng dating Joey Ayala, nagustuhan ko pa rin naman ang kinalabasan ng mga bagong arrangement na ito dahil para lang akong nakikinig sa kanya nang live sa Conspiracy. May konti pa rin namang ethnic touch dahil sa paggamit ni Joey ng ilang Mindanao-rooted percussion instruments sa background. Napaisip nga lang ako nang konti sa bagong areglo ng kantang "Mindanao" dahil sa pagkakarinig ko ay parang gangsa, na isang Cordilleran instrument, ang ginamit imbes na agong na mas angkop sa kanta dahil ito'y galing sa Mindanao.

Ang album ay nagkakahalagang P300 at ang proceeds sa pagbenta ng isang kopya ay gagamitin upang mapondohan ang isang buwang pangangailangang pang-eskuwelahan ng isang bata sa isang public school sa ARMM. Ang mga album na may ganitong noble intention ay dapat nakakakuha ng malaking distribution, ngunit nakakalungkot na hindi ganito ang siste sa ating local music industry. Ganunpaman, sana'y marami sa atin ang sumuporta sa album na ito na mabibili sa Conspiracy bar sa Visayas Ave, sa UP Shopping Center at sa opisina ng PBSP sa Intramuros. Malamang ay marami pang ibang lugar kung saan binebenta ang album pero di ko pa alam. Kung may nakakaalam, maaaring pakipost dun sa comments sa baba.

Sa mga gusto rin palang magkaroon ng kopya, pwedeng kayong magpabili sa akin kasi madalas naman ako sa Conspiracy. Pakie-mail lang ako sa akosipaeng@gmail.com para mapag-usapan kung ang "mechanics". Maganda nga pala itong pangregalo dahil maliban sa makakapagpasaya ka sa reregaluhan mo, may mapapasaya ka ring isang bata na makakapag-aral dahil sa pagbili mo ng album. Kaya sa mga kaibigan kong magbe-birthday, alam niyo na kung ano ang ireregalo ko sa inyo. :)

Classroom 101
ni Joey Ayala

di ko yata maintindihan
kung paano ka natutong
magbasa sa dilim
anong tawag sa subject na yan?
walang kuryente 101

nagulat ako nang masaksihan
ang galing mo sa pagsulat
sa patak ng ulan
anong tawag sa subject na yan?
butas ang bubong 101

dito sa klasroom mo
na iisa ang libro
habang kayo'y tatlumpong
nagbabasa

dito sa klasroom mo
gumagawa ng paraan
laban sa kamangmangan
kamangmangan

ika'y bullet proof student
may bulletproof titser
bulletproof pencil
pulletproof paper
sa bulletproof klasroom
na mag bulletproof curriculum
di tinatablan

gumawa ng paraan
gumawa ng paraan
gumawa gumawa
gumawa ng paraan

heto na, heto na ang lesson plan
na nakasanayan
ng kabataan
anong tawag sa subject na yan?
gumawa ng paraan 101

asan na asana ang mga salaping
inilaan pantayo
ng mga eskwelahan
anong tawag sa subject na yan?
pangungurakot 101

kaya sa klasroom mo
iisa ang libro
habang kayo'y tatlumpong
nagbabasa

dito sa klasroom mo
gumagawa ng paraan
laban sa kamangmangan
ng kapwa mo

ika'y bullet proof student
may bulletproof titser
bulletproof pencil
pulletproof paper
sa bulletproof klasroom
na mag bulletproof curriculum
di tinatablan

gumawa ng paraan
gumawa ng paraan
gumawa gumawa
gumawa ng paraan

gumawa ng paraan
gumawa ng paraan
gumawa gumawa
gumawa ng paraan

January 5, 2005

Nakakainis...

...nasa isang seminar ako ngayon. Demonstration at tutorial ng SPSS. OK lang naman, matututo ako ng isang software na pwedeng magamit sa research. e wala naman ako matutunan. imbis kasi na hayaang magturo lang nang magturo yung tutor, kung anu-ano pa ang tinatanong na wala sa flow ng lecture. nakakabato tuloy, napapaisip tuloy ako na sana tinuloy ko na lang yung make-up class ko...

hay naku. mas mahirap talaga kapag ang mga estudyante ay mga teacher. mas matitigas ang ulo!!! HAHAHA!!!

January 4, 2005

Adik!!!

Hulaan niyo kung nasaan na naman ako nang mag-isa kagabi?





...kailangan yata tumira na ako sa Visayas Ave!!!

Hahaha!!! E nabalitaan ko kasi na si Gary Granada ang tutugtog sa Conspiracy. E matagal ko nang di napanood na magfull set si Mang Gary, lagi lang yung maramihang artists tapos tatlo hanggang limang kanta lang. Tapos madalas pa niyang nakakalimutan na ang mga lyrics niya't chords. Pero kinutuban ako na iba't maganda ang mangyayari ngayong gabi...

At tama nga!!! Balik na uli sa dati si Mang Gary. Ok na uli pagkanta niya at naaalala na niya kahit papaano ang marami sa kanta niya. Hahaha!!! At ok talagang panoorin ang kanyang palabas kasi nakakatawa.

Mas ok pa kasi may meeting ang mga may-ari ng Conspiracy bar, kaya nandun sa lugar sina Mike Villegas, Angelo Villegas, Bayang Barrios, Joey Ayala, Cynthia Alexander, atbp. Si Noel Cabangon nakantiyawan pang kumanta pagkatapos siyang "alayan" ng love song ni Mang Gary na ang title ay "Noel". At ang as usual na nakainom na si Cooky Chua ay nakikanta din at ang kulit kulit habang nakashowcase pa rin ang kanyang di nagbabagong magandang mukha. Hayayay...

Sana marami pa akong mga kaibigan na makapanood ng mga ganitong palabas. Oo nga, adik ako sa Conspiracy, pero kung ganito naman kasi kagagaling ang mga artists at songwriters, maganda naman ang dahilan ng aking addiction.

Next week, Wednesday naman ako pupunta. Noel Cabangon!!! Sana may maitabi akong pera. Bawasan muna siguro ang pagkain. Hahaha!!!

January 2, 2005

Libre ang Mangarap

(Ang post na ito ay medyo inspired ng bagong post ni isipkamote. Ang kaibahan nga lang, long-term mangarap ang kamote. Ako one year lang. Napapagalitan ako ng ibang tao kasi madalas ay sumusunod lang talaga ako kung saan ako dadalhin ng mga pangyayari.)

Ngayon ay ikalawang hatinggabi na ng bagong taong 2005. Kadalasan, pag umpisa ng taon, nagse-set tayo ng mga goals. Ang bagong taon kasi ay simbolo ng panibagong simula, panahon para makabawi't maiayos muli ang ating buhay. Kaya ngayon, makikiuso ako at magse-set ng mga goals na aking aabutin ngayong 2005.

Eto ang aking mga pinapangarap na ma-accomplish sa 2005. Siyempre, maliban pa ito sa mga wish natin na world peace, equal opportunities, equal rights, redistributive justice, etc. :D

1) Makapunta sa Japan at mabisita ang aking lalabs na si Ria. Eto ay mangyayari mid-April at magtatagal ako dun ng isang buwan mahigit. Gagamitin ko rin ang oras dun para makapagisip-isip at makapagsulat-sulat. Ibig sabihin nito, kailangang marenew ko ang passport ko ngayong January at makakuha naman ako ng Visa sa February. Kailangan ko rin sigurong masabihan na si Dean para makapaghanap na ng bagong magiging coordinator dahil tiyak na mapapabayaan ko ang trabaho. Pangit naman kapag OIC lang, parang nambibitin lang ako ng ibang tao.

2) Maiayos ang training ng FEU team na ipapadala sa ICFC at ACPACI competition next schoolyear para sa wakas ay makapasok na ang FEU sa Top 3 at makuha na ang respeto ng ibang schools. Kawawa naman ang college namin, lagi na lang minamaliit ng ibang tao kahit na marami-rami na ang achievements. Para sa kapakanan ng school at ng mga estudyante na rin, kailangan maging matunog ang pangalan ng FEU sa mga big-time na competition. Ibig sabihin nito, kailangang magsimula na ang training sa mid-January pa lang ngayong taon. Kailangan buo ko na ang team next week.

3) Masimulan na ang paglipat sa field ng sociology. Ang tagal ko nang gustong umalis sa field ng business at lumipat sa social sciences. Mas nandun talaga ang interes ko. Kailangang makapag-enroll ako sa MA Sociology program ng UP Diliman sa 1st Sem ng SY 2005-2006. Ibig sabihin, 2nd week ng January ay pupunta ako sa UP para mag-inquire (uli) kung paano pumasok sa program.

4) Matutong magsulat ng maayos na article. Medyo napa-praktis naman ako sa pagsusulat dito sa aking web site, pero medyo kalat pa ang aking pagsusulat. Wala pang direksyon at kulang sa sining. Hindi naman sa naghahangad ako na manalo ng award, pero at least ay maging coherent naman ang aking mga article at hindi lang yung "bahala na" style ng pagsusulat. Kailangan sigurong gawin yung mga exercise sa libro about Creative Non-Fiction. Sana ay may ma-publish akong article sa Youngblood ngayong taon. :D

5) Makatulong sa pagpapalawak ng awareness sa mga obra ng mga paborito kong alagad ng sining Pilipino. Ang daming magagaling na Pinoy artists na hindi naa-appreciate ng mga tao. Ang kanilang musika ay di napapakinggan, ang kanilang mga nasulat ay di nababasa, ang kanilang mga pelikula't dokumentaryo ay di napapanood. Kailangan makahanap ako ng paraan para kahit papaano'y maabot nila ang mas malaking audience para kumalat ang kanilang mensahe.

6) Makabalik sa mundo ng pagtugtog. Hay naku. Sinubukan ko ito noong nakaraang taon pero laging nabibitin. Lagi akong natatambakan ng trabaho sa opisina. Kailangan mabakante ko na talaga ang Linggo para kahit paano'y makakapagpraktis ako kasama ang Sangandaan. Sana makatugtog uli kami sa Likha Diwa regularly at sana ay makatugtog sa Conspiracy kahit dalawang beses lang ngayong taon. Hehehe.

7) Masimulan ang script sa matagal ko nang project na comic book. Ano ba ito? Apat na taon nang nasa isip ko ang isang kwento na gusto ko sanang maging komiks. Siguro sisimulan kong magsulat ng script pag nasa Japan na ako.

8) Makapagsulat ng dalawang makabuluhan at mapapakinabangang research. Hindi yung research na makakatulong lang sa pagpapayaman ng isang institution tulad ng FEU. Gusto ko yung may social issues na matatamaan, tapos magagamit sa policy making. Parang ala-Walden Bello type na research paper. Ano kaya magandang topic? Kailangan makapagsulat na ako ng proposal by March.

9) Makahanap na ng suitable na kumpanya, ahensiya, eskuwelahan o cause-oriented group na lilipatan ko pagkatapos ng stint ko sa FEU. Magreresearch na ako kung ano ang best available option na swak sa mga prinsipyo ko at sa mga gusto kong i-push na advocacy.

10) Makabuo ng isang online community para sa FEU students (ala Peyups, USTexchange, atenista, etc.) Marami nang internet savvy na mga estudyante ang FEU. Pero wala pa ring kwenta ang aming web site. Magbubuo ako ng isang online community na magiging tambayan ng mga Tamaraw sa internet. Project ko ito bandang October.

Ayan. Sampu lang muna. Maaaring magbago, maaaring madagdagan. Pero itong sampu ang basic. Sana matupad nga ang mga pangarap na ito.

January 1, 2005

Bagong Taon Na...

Bagong taon na. Happy New Year na...

Bakit ba nasa internet ako ngayon?

Madalas pag New Year, nagkakaroon tayo ng mga resolutions. Ako, wala akong resolutions ngayon. Kasi (as usual) ayoko nang nakikiuso. Hehehe. Basta babaguhin ko na lang kung ano kailangang baguhin, di naman kailangan mag-New Year para magbago...

Ang dami nangyari nitong nakaraang taon. Nagkaroon ng kampanya. gumastos si Gloria ng public funs sa pangangampanya. Umattend ako ng mga miting de avance. Namatay si FPJ. Pumasa kapatid ko sa UP. Lumipad ang aking lalabs na si Ria sa Japan. Nagcelebrate kami ng ikalimang anibersaryo. Natapos ko ang aking MBA. Nag-coach ako ng dalawang teams para sa competition. Ginawa akong coordinator. Tumugtog na naman ako paminsan minsan kasama ng Sangandaan. Naging active ako sa aking tambayan. Tumigil ako sa pagbili ng komiks. Nag-ubos ako ng pera sa libro. Nag-enjoy sa aking mga estudyante. Naasar sa aking mga estudyante. Dumami ang friends. Dumami rin ang nakabangga.

Langya, pakiramdam ko ang laki ng itinanda ko ngayong taon.

Ano naman kaya ang mangyayari sa susunod na taon?

Exciting sana... :)