November 14, 2005

UltraelectromagneticJAM

Sa November 29, sa UP Theater, iho-hold ang album launch ng Ultraelectromagneticjam, ang Eraserheads tribute album na pinroduce ng Jam 88.3 in coordination with Sony and BMG.

Matagal na akong naghihintay na magkaroon ng tribute album para sa Eraserheads dahil ang laki talaga ng naging contribution nila sa OPM. Pero habang nakikita ko ang lineup ng artists at ang kanilang mga kakantahin, nadidismaya ako. Ang magic ng Eraserheads ay ginawa nilang popular ang alternative na tunog. E bakit naman pinuno ng mga pop artists na pakyut ang tribute album na ito?

LOOKS GOOD
Syempre meron namang redeeming qualities ang album na ito:

Alkohol ng Radioactive Sago Project - astig ito. Can't wait hearing Lourd De Veyra's monotonous poetry and improvisation mixing with the Lemon - Marcus composition.

Spoliarium ng Imago - bagay na bagay, with Aia de Leon's ethereal voice.

Maling Akala ng Brownman Revival - siyempre narinig na naman natin ito at alam natin na ok na ok. Bago pa man ito nirelease na single, napaindak na ako sa kantang ito sa UP Fair noong 2004.

Superproxy ni FrancisM - sana remix version, at hindi full band, para mas kaiba. Kung magbabanda man, sana kasing-astig nung mga panahon na sina Noel Mendez pa yung kasama ni FrancisM sa tugtog.

Huwag Kang Matakot ng Orange ang Lemons - sa wakas, may kantang galing sa Natin99. Perfect fit pa ang banda sa kanta.

Tikman ang Langit ng Sugarfree - kumain tuloy ako sa Burger Machine nung isang araw.

Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko pa narinig, tiyak na the best single in this album. Kung sino man nakaisip nito, henyo ka!!!

LOOKS HO-HUM
Overdrive ni Barbie Alamalbis - teka, promotional effort ba ito ng Warner Music para sumikat ang kanilang stable of artists?

Pare Ko ng Sponge Cola - ok lang. Hindi bagay yung kanta sa kakanta.

Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP - para ka lang nag-request sa kahit anong banda sa Padi's Point pag ganito. Ok lang siguro...

Torpedo ni Isha - ah...sino ito?

LOOKS BAD
With a Smile ng South Border - anong nangyayari pag finufuse ang isang classic love song ng isang classic na Pinoy rock band at isang R&B band? Just think of 214 as revived by Luke Mijares. Oh, Lord, why oh why?!!!

Magasin ni Paolo Santos - siyet, ok naman si Paolo santos wag lang sa kantang ito. Parang hindi ko kakayaning seryosohin.

Alapaap ng 6CycleMind - no comment.

Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang nauubusan ng hininga.

WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE
Hard To Believe ng Cueshe - putang-ina. Ang taong nag-isip na maglagay ng mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na show band naman talaga na hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheads tribute ay hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng musika ng Eraserheads. It's so hard to believe!!!

72 comments:

number cruncher said...

overdrive & barbie? hmm, di nga bagay...

magasin & paolo santos??? anlabo!!!

roamee said...

siguradong panalo yung rico j. version ng huling el bimbo!

redcap008 said...

southborder...... mymp..... paolo santos...... langya parang nagrevive lang ng kanta..... Tapos cueshe......patay tayo dyan, buti walang video yun kundi puro pa cute nanaman cla.... im expecting the likes of mojofly, hale and other greater pinoy alternative bands, astig din sna kung kahit mga kasabayan nila dati may contribution din sa album na to [rivermaya n bamboo].

redcap008 said...

sana may volume 2, d kasi kasya lahat ng hits ng eheads sa isang album, and besides their hits marami pa clang magagandang kanta na d sumikat, sna may partisipasyon din yung mga present bands ng members ng eheads

Anonymous said...

siyet..FINALLY!!!!

hehe tagaaaaal ko na hinhnty to. sana nmn di ako mdisappoint gaya ng nangyari dun s 'maling akala' (maganda ung revival pero...wlang p ring sinabi sa orig)

hmm Alapaap sounds promising nmn. bagay s 6cycleMind nd i am looking forward to MYMP's rendition ng HMNISA. but southborder? Cueshe????? dear god...

missyosigirl said...

no... not paolo santos doing magasin =s

looking forward to rico j's huling el bimbo :)

Anonymous said...

I want to hear Bamboo do Magasin, astig yun!

lagim214 said...

salamat paeng (tama ba?) sa post mo na ito. marami akasi akong tanong tungkol sa JAM na ito, at nasagot mo ata lahat.

kung tutuusin naman, magaling ang south border. althoguh im not a fan, hmm, nag po-prog rak sila. lol.

pero. BAKALA NAMAN EHHH!! CUESHE!!?!?! lol, "kwesh"?!

hindi pwede bamboo sa magasin. lol.

Anonymous said...

wow! i am so excited i am counting seconds, minutes, hours! uhaw na uhaw na ako sa eraserheads sounds. pero pano ba makakuha ng ticket sa launch? pls help!

Paeng said...

paano makakuha ng ticket? sa JAM office lang daw sa Srata200 sa Ortigas nakakabili.

narinig ko na ang ilang mga kanta, halos every hour may pinapatugtog na isang cut sa Jam 88.3. ang saya ng kasi yung Rico J. El Bimbo ang una kong narinig. Di ako natuwa dun sa Alapaap ng 6-Cycle Mind. yung With A Smile...puwede na. Pero pop na pop pa rin. Hehehe.

Yung Para Sa Masa na "all-star," angat na angat si Ebe. akala mo si Ely yung kumakanta. LOL!

sino ba yang anonymous na nagsasabing Bamboo on Magasin? Wahahaha!!! ang kailangan na kakanta niyan, yung kayang ideliver yung punchline ng kanta. Hindi bagay sa banda na feeling malalim na hindi naman malalim dahil hindi marunong magsulat ng lyrics. Hehehe...

mauve angelus said...

PUTANGINANG CUESHE YAN. DAPAT MAMATAY SILA!!!

aldrin_only said...

I heard Rivermayas version of Magasin... Asteeeg... Mas masaya sana kung Bamboo din ang gagawa...

Anonymous said...

ERASERHEADS IS THE GREATEST OPM BAND WE HAD EVER SEEN...

DAPAT BAGAY NAMAN UNG MGA BAND NA KAKANTA NG KANTA NILA.TSK TSK...

brad said...

sana naman mga pinoy rock din yung tutugtog sa mga music ng eheads.lalo n yung ilang ka batchmate nila nung mga panahon n yun.like yano or pan,the youth,rizal underground,alamid,rivermaya,the teeth,basta yung 90's era.kung saan bumulusok yung pinoy alternative.parang d na nila binigyan ng respeto yung grupo.wag nlng yung eraserheads yung mga taong nakinig nlng at sumubaybay sa mga awitin ng eheads.sino b nakaisip nito at magsama b naman ng mga pop artist?PASAWAY KAYO!!!!!

Anonymous said...

This is my choice for UltraelectromagneticJam...

With A Smile...Hale
Huwag Mo ng Itanong...Rivermaya
Superproxy...FrancisM
Tikman...Pupil
Huling El Bimbo...Sugarfree
Hard To Believe...Alamid
Overdrive...Sandwich
Ligaya...ItchyWorms
Alapaap...The Youth
Magasin...Parokya ni Edgar
Huwag Kang Matakot...OnL
Torpedo...Pedicab

Anonymous said...

tagal ko hinintay to sa jam. may 2 tikets nako, first day pa lang bumili nako pero i decided na ibenta na lang today kasi na-realize ko di ko ma-accept yung ibang bands na kasama like 6cycleshit, spongeshit, cueshit and southborder. nung hawak ko na yung cd naisip ko sayang lang money saka time ko para panoorin mga to. iba talaga dating ng music ng eheads, ok naman tong concept na naisip ng jam pero sana nga naging mapili sana sila sa mga kasamang banda. yung mga na-mention kong bands, except for southborder e walang karapatan maisali sa tribute, much more di deserve magkaroon ng mga album. yung iba swak na swak like o&lemons, sugarfree, radioactive, francis m, rico j. sana nga may mga naisama na contemporary nila non like rivermaya, parokya, color it red, true faith o kaya mga banda ngayon like itchyworms, twisted halo, o sheila and the insects. wish ko lang sana di mapektuhan legacy ng eheads dahil sa tribute na to. spongeshit, 6cycleshit, cueshit. tangina daming mas magaling at deserving na banda kesa sa mga to, salamat.

ruthie said...

hohum.. reply sa nagsabing spongeshit cueshit:

idol mo ba ang o&l? e ripped off naman yung pbb song nila a.. pakinggan naman natin ng mabuti o. cueshit, i agree. pacute band. ripped off din yung stay. spongecola, i have to disagree. magagaling silang tumugtog. in fairness nga masmalinis pa silang mag-live kesa sa hale. At hindi ripped off yung mga kanta. southborder naman.. no comment.

Anonymous said...

wala dapat gumagawa ng tribute album ng eraserheads. sila lang makakakanta ng mga kanta nila.

Anonymous said...

kakabili ko lang ng cd at sad ako dahil hindi ako nakabili ng ticket, sold out na. sayang!!!!!!!! wish ko lang magkaroon pa ng susunod na cd tapos ang pakantahin naman nila RIVERMAYA, MOJOFLY, BAMBOO, SIDE A (bakit hindi, southborder na may version ng with a smile). eto ang mga komento ko sa mga ilan:
-->alapaap - tinanggal yung drums, eh yun nga ang signature ng kantang yun.
-->tikman - one reason bakit ako nagsisi at hindi ako nagkaroon ng ticket. astig...they msang it like it's their own.
-->ligaya, torpedo - para sa akin hindi talaga puwedeng kantahin ito ng babae, pero okey lang siguro.
-->huwag kang matakot - ganda ng pagkanta nila dito hah, sanay na sanay sa rip off, hehehe
-->with a smile - new beat! that's cool! that's chillin'! but i have to say, sanay din sila sa pagrevive ng kanta and they made it like their own. reminds me of rainbow!
-->huwag mo nang itanong - hay nako, wag mo na talagang itanong, expected ko guitars lang, like how they revived the songs especially for you, every little thing, etc. i'm so disappointed.
-->ang huling el bimbo - cool! bagay kay rico j. parang lifestory niya, parang sa generation niya talaga nangyari (uso na ba nun ang el bimbo?)
-->Pare ko, hard to believe - intro pa lang, kumunot na ang noo ko...yun lang
-->alcohol - sabi na nga ba dictation na naman po.
-->para sa masa - nakakagulat naman yung rap...solemn na sana eh.
-->superproxyy2k6 - reminds me of bamboo's halleluiah

yung ibang songs...no comment.
from jane

kilcher said...

stupid cueshe. they literally massacred hard to believe. amp.

Anonymous said...

putang ina baket sinama ang Cueshe???
cue-SHET talaga!!!

Anonymous said...

Isha's take on Torpedo is pretty cool... an interesting twist for a jazz artist to cover an e'heads song. kinda like Tori Amos singing it ;-)

chakadolls said...

sobrang mahal ko ang eheads..
nakakabadtrip yung ibang napili na artists..

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
alaric said...

Potang inang shet bat dinamay ung cueshe,6cycle at southboarder taena balak ko pa nmn sana bumili ng orig. copy pro panget ng line up nung artist =(

elyliashortygobs2buenadia said...

I DISAGREE WITH ALL OF U SAYING CUESHET SHOULD HAVE NOT BEEN INCLUDED IN THE TRIBUTE,THEY DESTROYED THE SONG.IT'S REALLY hard to believe THAT THEY ARE INCLUDED AND ALSO FOR SOME ARTIST,EHEADS TO MGA PARE.,BAT NYO BINABOY?BUT IM VERY HAPPY THAT EVEN THE NOT SO GOOD BANDS HAVE BEEN AFFECTED WITH THE GREATNESS OF THE BEST BAND I HAVE EVER LISTENED TO IN MY ENTIRE LIFE.

elyliashortygobs2buenadia said...

i agree with u guys that cueshet should have not been included in the tribute.

Anonymous said...

dehins ko nga alam kung paano i-pronounce ang cueshe e. di ko sila-masikmura, seryoso... si kitchie nadal sa ligaya? parang di bagay, isipin niyo lang. yung persona sa kanta ay nanliligaw. therefore, obvious naman siguro na lalaki ang persona. sabay babae ang magre-revive ng kanta? ewan ko lang... pero ito lang talaga wish ko: sana magka-reunion ang eheads! potah, papatay ako para makapanood ng reunion nila!

Anonymous said...

sana mabaa ng cueshe ang blog na ito, tapos makikita natin ang mga muka nila pagkatapos. asteegeedeeg yun.

darwin said...

cueshe? pambihira...
sony-bmg kasi e.

arghhh...

sayang, peborit ko p naman yung hard2beieve & with a smile.

di bale... skip nyo na lang. hehehe...

Anonymous said...

i love all the songs except some of those who made their own rendition....

sayang naman ung naging slots nung iba sana iba na lang ung kumanta...

i really enjoy the revival that 6 cycle mind, francis m., rico j. puno, radio active sago project and orange and lemons....

EHEADS RULEZ

swaksabajet said...

sana sinama sa album yung "tindahan ni aling nena," tapos ang parokya ni edgar ang kakanta nun. ayus yun. tapos idamay na rin ang kantang "kalayaan." ewan ko sino babagay dun.

Nabili ko na ang album e. Ito lang ang masasabi ko sa mga kanta:

Spoliarium - angas ng version nito! aprubado ako rito!

Alapaap - so so lang, matitiis...

Overdrive - ewan ko ba rito. pwede na siguro.

Ang Huling El Bimbo - sakto si rico j. puno rito! kung tutuusin, mas bagay ata sa kanya ang kanta kesa sa eheads mismo e. no disrespect sa eheads. fan pa rin nila ako.

Hard to Believe - bad trip talaga ang cueshe. they effing butchered a perfectly good song! napaka-one-hit-wonder ng "banda" na ito, sabay sila ang nasali sa revival? kilos-protesta na ito!

Tikman - pwede! as in, mga peeps!

Torpe - okay, sino ba talaga si isha? okay kasi siya kumanta e. kaya lang dehins bagay sa kanya ang kanta.

Para sa Masa - okay na sana, pero bakit pa kailangan na pagbigyan si francis magalona??? pumanget tuloy ang kanta sa bandang huli...

Pare Ko - kung dehins ko lang kaibigan ang mga kumanta nito e. tsk tsk...

Alkohol - okay ito mga kabron! bigyan natin ang radioactive sago project ng isang kampay!

With a Smile - okay naman ito e. bakit ba may nagrereklamo sa cover ng south border? ang iba diyan, masyado naman kayong mga purist. nagpaka-magnanimous na nga ang south border e.

Ligaya - di talaga bagay kay nadal. nagawa niya pang tumawa habang kinakanta niya ito. stoner chic kasi e.

Huwag Kang Matakot - pwede na ang orange and lemons dito. but only just...

Maling Akala - putris naman! brownman revival?? never ako naging fan ng itong mga bob marley wannabes. binigyan pa nila ako ng isang rason para ikamuhi ko sila. buwishet!

Superproxy 2k6 - matitiis...

Magasin - nde para kay paolo santos ito. seryoso. magaling siya, pero nde talaga hiyang ang kantang ito para sa kaniya.

Huwag Mo nang Itanong - gets na gets na MYMP ang kumanta e. huwag na nga tanungin kung sino kumanta nito. walang originality ang banda na ito, kahit kelan. puro revival lang ba ang alam ng banda na ito???

tama ang iba, sana talaga pinakanta dito ang hale, rivermaya, side a, parokya, itchyworms, teeth, yano at the youth (isama na rin ang hagibis, laftrip sila e). wala na rin sana ang mga feeling john mayer (too late, si paolo santos nasabit). mas maangas sana ang album na ito. pero buti na lang nde sina regine velasquez, aegis, ang salbakutah, si april boy regino at si sarah geronimo ang mga pinakanta dito, awa ng diyos... but cueshe? unforgiveable.

Anonymous said...

ukinanam... unang una.. inggit lang kayo! tangina the best rendition dito eh ang CUESHE, dapat nga ginawa na lang ng BMG-SONY eh binayaran si ely na pumayag na i-cover sila ng buong buo ng CUESHE... the best song in the album eh Hard to Believe....
INGGIT LANG KAYO!!!

Anonymous said...

okay talaga si rico j.Nadala naman ni Paolo Santos yung Magasin ah!

MrDJ said...

Isama sa hukay ng Cueshe si Paolo Santos!

cosmokix said...

FrancisM's Superproxy 2k6 Rocks!

UTANG na LOOB! busalan nyo nga ang KWISHI na yan. They are not worthy.

Anonymous said...

Need your comments! Actually, kahit ako inis din sa Cueshe kasi pa-cute talaga pag live.

pero sonically speaking, okay sila. i even like their rendition of the Eheads song.

ang tanong ko, bakit ang dami ninyong galit sa kanila? whats the reason behind that... aside from being pa-cute... and how can you comment on their album?

Anonymous said...

walang kwenta cueshe!!! pangiit! okei lang naman ung k kitchie, barbie, mymp at 6 cycle mind... =>

colleen said...

i heard the album na. and i want it badly!! actually natuwa ako dun sa album..ganda ung version ng imago ng spoliarium..and ung wag mo ng itanong mymp version..ok nmn ung ligaya ni kitchie eh..ung torpedo ni isha, uhm, ok lang naman..kulit din ng version ni rico j. puno ng huling el bimbo! bgay in fairness..and alcohol sounds so radioactive sago project-ish! haha..un lang ang mabbgyan ko ng comment..hehe..^_^

colleen said...

agree ako dun sa isang nagcomment! bagay ang ligaya sa itchyworms..hehehe

colleen said...

para kayang binaboy ng cueshe ang eraserheads sa pagkanta nila...??

colleen said...

paolo santos=magasin..err..in a scale of 1-10 eh..masasabi kong 2 un..shiyet

colleen said...

i agree hindi bgay yung pare ko sa sponge cola.

colleen said...

sana sinama sa album yung "tindahan ni aling nena," tapos ang parokya ni edgar ang kakanta nun. ayus yun. -uunga eh

Anonymous said...

ayos lng nman ung mga kanta dpat sinali kmi ung bago kong banda PUPIL....mas mganda sana.. bayaan nio sa isa pa version ng Jam sasali kami.. at ung mga nagrerequest ng aming reunion wag kayong mag-aala malpit na un... bkit ba galit kayo sa cueshe' para sa kin ayos lng nman sila at ung hard to believe nilang kanta..
At sana bumili kayo ng aming album Beautiful Machines
-Ely Buendia of Pupil-

Anonymous said...

ung producer ang mablame dyan! jam kasi mahilig sa showband! sana N>U> na lang ang nag compile ng album, i guez they hav the authority n real pinoy rock muzic!

Magnifico said...

Sana nga may volume two...para matapatan niya yung Eraserheads Anthology...whoo Rico J. Puno astig...

LEi said...

not so bad an album.
OffT:
was that really ely buendia who posted two comments above? mahilig din pala siya sa mag-text.

Anonymous said...

AMF!! naman niyang WITH A SMILE ng SOUTH BORDER!! ano ito BOY BAND!!! di ako maka smile nung narinig ko ito!!! kung HALE sana mapag tiya-tiyagaan ko itong pakinggan!! wala talaga RnB na BOY BAND ang labas ng WITH A SMILE!!!

Anonymous said...

tsaka!! ano nga ba ang ginagawa dito ni Francis M???

Anonymous said...

Yung sa Orange and lemon naman ano ito soundtrack ng PINOY BIG BROTHER!! kung pede rin sana ma EVICT na sila dun!!

zidane said...

i find this hate against Cueshe quite unfounded. Also against South Border. i dare say that they're 2 of the best cuts in the album and they gave refreshing versions to the Eheads songs. Sugarfree, Imago and O&L are the other noteworthy bands. Others just went thru the motions like singing with a minus-one tape.i haven't seen this Cueshe group whether on TV or live but judging solely on their song, they're one of the highlights.

Samantha said...

sana ndi nlng cnama yung mga ampuchang trying hard na cueshit and spongeshit at yung mga kakosa nila. sana mga hardcore 90's bands nlng or mga shiela &the insects, pan, et.al. disheartening na ang proliferation ng mga mangkrak! SUNUGIN na ang CUESHE!!!!

Anonymous said...

ultraelectro magnetic jam!!!1

tenkz kay chelina!!!

gift nea sken eh!!!

ummmm... kei nmn ung album...

pinakaastig:
spongecola
imago
sugarfree
6 cycle pa pla

pinakashit!!!:
south border
tsaka paolo santos

maayos tlga xa...
promiz!!!

Anonymous said...

wat a crap? bkit nila nr2vieve mga kanta ng legendary "eHEADS, cncra nila ung kanta.. akala nila naka2tawa naka2panginit ng ulo.. i'm sure umsok mga tenga mga nakarnig ng album.. d b naka2lungkot ang pangya2ring ito.. ang msa2bi ko lang sa mga wannabe banda.. "bawal magpangap?"

Anonymous said...

The idea of the tribute is so cool...
Wala ako masabi sa may pakana nitong album na to... pero dun sa pumili sa Cueshe, TANGINA MO NA LANG! Tinawag niyo pang tribute kung ang tutugtog ng classic eh plastic!

Sticker said...

Ei guys, maging fair naman tau sa iba. We shud thank them for sharing their part pra makabuo ng album to comemorize Eheads in their contribution to our music scene. Saludo ako sa mga bandang kasama d2. Sana may Ultraelectromagneticjam II pang susunod.

m3 said...

nice to hear the songs revived..may astig..meron din naman..."di bale na lang"..pero EHEADS songs yan e...parang kahit anong gawin nila...brings back old times when pure pa and the start of the new generation of Philippine Rock....pero sana lang panay alternative artist ang bumanat...LONG LIVE PINOY RAK!!!

beabeabea said...

Kakaiba talaga to. Pero maganda naman yung album. Hindi ko lang talaga gusto yung sa Cueshe. Pero wala naman akong against sa Cueshe. I like them kaso pa-cute talaga sila. Achaka hindi naman nila kailangang magpakarakista kung di naman nila kaya. Hay. Sana meron pang pangalawa. Achaka dapat sinama man lang ang Parokya at Rivermaya. O kaya yung Hale. Hindi naman ganun kasama yung kay Paolo santos. Pero tama, parang ang hirap seryosohin. Natawa nga ako nung napakinggan ko yun. Achaka yung sa Spongecola.. napaka kunyotic. Pero fan pa rin naman ako ng Spongecola.

Pero ang the best, fan ako ng eheads! Astig cla tol.

Anonymous said...

mga pare maganda naman ung pare ko ng sponge cola ah....narinig ko xa ng live sa mall tour ng sponge.....nagtayuan lng ung balahibo ko nung narinig ko sa radio ung with a smile para kong masusuka.....ok naman ang southborder pero hindi pang eheads ung sa knila pati cueshe...hindi nga ata kilala ni ruben si ely eh....pop ung tunog ng cueshe khit sabihin pa nilang rock sila....tapos hndi bagay kay paolo santos ung magasin ( one of my fave ).......LONG LIVE EHEADS AND SPONGE COLA!!!!!!!

Anonymous said...

hmmm sana nilagay ang yano sa line up. astig dn un eh. :)

alapaap: pwede na rin. mganda ung part na dapat eh pa pa pa pa pero ang gnwa nila aeh ginitarahan nila. cool.

magasin: tsk tsk ndi bagay kay paolo santos masama sa ganito eh.

spoliarium: ayus na ayus tong version ng imago. :)

overdrive: ndi pulido magsalita si barbie eh, maarte ugn pagkakabigkas ng "drive" pero ok na rin ung kabuuan.

with a smile: tsk tsk isa pa to, dpat kumuha nlng sila gn ibang banda eh. bkt south border pa!!! :(

tikman: nicely done by sugarfree

ligaya: tsk tsk ndi bagay.pati si kitchie natawa dun sa 2nd stanza eh.

torpedo: i dnt know her but she sang well :)

superproxy: malufet to.

huwag kang matakot: bagay sa banda ung kanta.nice orange & lemons

pare ko: pangit kumanta ni yael d2. malutong lang magmura eh.

huwag mo nang itanong: pwede na rin. mellow nmn ung original eh.

hard to believe: kung problema mo ung pagiging pa cute ng banda eh wag mo na lang tignan ung kumakanta. ok naman ung pagkakanta nila kung pakikinggan mo na lang.

alkohol: im not sure kung magkaiba lang tau ng trip ng kanta oh di lang ako marunong kumilatis.kanta nga eh tapos tutulain mo.may mga mura pang putang ina sa hulihan pero sa ngalan ng e-heads ay tatanggapin na rin ito.

ang huling el bimbo: nkkaaliw si rico j. kaya ito sinama siguro kasi idol dn ng eheads to dati. :)

para sa masa: pinapangit ng rap eh :(

maling akala: nice reggae version. :)


actually magagaling nmn ung mga pinili nila kaso ung kantang napunta sa kanila eh (ung iba swak, ung iba eh mapagtitiisan, at ung iba eh contradicting). sana lang isinama d2 ung "bogchi hokbu" at ung "shake yer head"

Anonymous said...

i believe ung mga inis na inis eh ung mga purist rakista tlga.

cguro binigay yan sa ibat ibang artist (well syempre para kantahin) pero i think para haluan dn ng sarili nilang mga style na kung tawagin. para may diversity nmn dba.

Konazz said...

Kailan ba ulit babalik yung eraserheads sa mundo ng music? Gus2 ko ulit sila makita.

Konazz said...

E2 po yung email add ko kung gus2 nyo mag reply sakin^^
jovitdelacruz@yahoo.com

othan said...

with a smile-southborder... yuck!!!!!!!!!
pare ko-spongecola ... magaling lang magmura
hard to believe-cueshit ... huh?! shiyett!
hmnisa-mymp... ok na rin pero mas gusto ko ung original
magasin-paolo santos... just imagine its someone else...

Anonymous said...

mas maganda sana kung ang kinanta ni rico j. puno yung KALIWETE, kasi andun sha mismo eh, hehe.

Anonymous said...

sa totoo lang....parang gusto ko rin yung cover ng spongecola.......at hindi yan aalisin ng eheads.....kabanda ni ely si yanny yuzon eh....anyway......i won't bash any bands in this tribute album....even cueshe.........all the artists included in this tribute album tried to do their best..........nakakainis rin minsan sinasabi niyo CUESHIT,CUESHIT,CUESHIT all over again....when you guys don't even have any information to support your bashing on them.......anyway...good album....peace=)

fatfingur said...

Actually ok na sana yung Ultraelectromagnetic Jam na album eh, yun nga lang talaga nandun yung CUESHET! and sino ba sa isha?

Anonymous said...

ang tagal na nang mai-release ang album na ito pero ngayon lang ako nagkaroon ng panahon na magsearch sa web ng reviews about it. at ayun! nakita ko blogsite mo! pa-comment ha!

agree ako sa karamihan, i really hate cueshe! shit sila! binaboy nila ang hard to believe, it's really hard to believe na sila pa ang napili to sing the song! no offense sa mga fans ng cueshe, pero i really hate them, lalo na 'yung jay! at isa pang comment, e bakit si kitchie 'yung kumanta ng ligaya, obvious naman na lalaki ang persona supposedly ng kumakanta nun. watdahek!

Anonymous said...

god knows how i love eraserheads band but,im so disappointed sa narinig ko mabuti pang nakinig na lang ako ng iba nilang kanta na walang nag revive cueshiit,sponge cola letste,kithie nadala,mymp magrevive na lang kayo ng iba princessjanet_03@yahoo.com friendster po yan

Anonymous said...

jani to,.
ganda ng UJam album kaso walang nagrevive ng sembreak..sana ngcontribute din ang kamikazee,cover nila ung tindahan ni aling nena!tska cover ng parokya ang toyang.,

Anonymous said...

ang ikinalulungkot ko lang walang contri yung Parokya ni Edgar, imagine how fun it will be if they will do one song from Eheads hits.

give it a fair shot, don't hate the musicians(nga ba?) here for giving their style to the Eheads hits, judge them na lang if their renditions would be a hit or not had it been their original... and let them sulk if they won't even hear a request because they did a bad job.

pero utang na loob sa mga nde nakakaunawa sa radioactive sago, bkit niyo tinatanong kung bakit tinula??? nakakaiyak kayo.