November 1, 2005

Kakaibang November 1

Bata pa lang ako, memorable na para sa akin ang November 1. Dahil ba sa kami ay dumadalaw sa mga sementeryo?

Hindi. Sa totoo lang, wala naman kaming dinadalaw sa sementeryo mula't mula pa (at sana nama'y matagal pa bago magkaroon). Kaya memorable ang November 1 para sa akin ay dahil sa CHRISTMAS SHOPPING!!!

Tama, ginagawa ng pamilyang Rafael ang Christmas shopping tuwing November 1. Masaya kasing maglibot sa mga mall kapag ganitong araw. Walang gaanong tao. Walang kaagaw sa mga pagpipilian. Walang traffic. Malalamig rin ang ulo ng mga nagtitinda kasi relax na relax lang sila. At dahil maaga pa, mababa pa ang presyo ng mga bilihin at hindi pa nasasamantala ng mga nagtitinda ang Christmas rush.

Kaya ngayong taon, nagulat ako nang umuwi ako nung Sabado at nalaman kong nag-Christmas shopping na pala noon ang aking mga kapamilya. Maliban sa hindi nila ako naisama sa pamimili, nagulat ako kasi October 26 pa lang ay namili na sila, at nataon pa na Sabado kung kelan maraming tao. Bakit naman nakipagsiksikan ang aking mga kapamilya upang mamili nang maaga imbis na hintayin ang November 1 kung kelan ang luwag ng mga malls at shopping centers?

Naisip ko na ang sagot. Kakaiba nga pala ang November 1 ngayon.

Mabuti na ang maagap.

1 comment:

denver said...

hahahaha!! tama ka jan, bago na namang parusa sa taong bayan yang VAT nila...tsk tsk tsk...di na nga tumaas sahod ko heto na may bago na namang iisipin sa budget...aaahhhh!!