October 19, 2005

Anim na taon!!!

Maganda talaga si lalabsNgayon ang aming ika-anim na taon na anibersaryo ng natatanging Diosa.

Akalain ko ba namang may tatagal sa akin nang anim na taon? Huwaw...

Kami nga pala ay isang example ng long-distance relationship. Sa anim na taon na iyan, tatlong taon ang hindi kami magkasama. Technically nga, dalawang October 19 lang ang na-celebrate rito sa Pinas kasi yung unang anniv, kami ay nasa eroplano galing U.S. (wehehehe, yabang!!!)

Kaya yung mga tinginingining na maaarte diyan na "hindi raw kaya" dahil "mahirap" ang long distance, mga ugok kayo. Ang aarte niyo!!!

Hehehe. Kahit sa ganitong klaseng post, agit pa rin ako. :)

Hay naku, lalabs Ria. Salamat salamat salamat!!! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!

(OK yung picture ano? Ganyan ang lalabs ko e. Kahit naliligaw na sa parang, nakangiti pa rin basta may camera)

3 comments:

handyfemme said...

Ang astig ng kuha ni Ria-sensei diyan, hehe! Isang pagbati sa inyong dalawa. Ako din may ka-LDR, sana magtagal din kami tulad ninyo. :)

Angela
http://angelasolis.ph

paolomanalo said...

I hate you both! =)
(Taga-Department of Inggitstics ang hirit na ito. hehe)

Congrats!

Mahirap ang malayo, mas mahirap ang malabo.

Anonymous said...

gratz! saya saya niyo naman :)
kelan kasal? imbitado kami ah! ^_^