December 6, 2005

Pinoy kamo?

Isang malaking kabalintunaan na ang kantang "Pinoy Ako" ay hindi tunog Pinoy. Kabalintunaan rin na ang kumanta nito ay isang banda na kulang na lang ay magpapalit ng citizenship sa sobrang panggagaya (at minsa'y pangri-ripoff pa) ng style sa mga Brit pop bands.

Kabalintunaan din na ito ay theme song ng isang palabas na hindi naman original Pinoy kundi isang foreign franchise. At mas kabalintunaan din kasi ang Pinoy, kilala sa gracious hospitality, pero yung show na may Pinoy na label at may Pinoy na theme song, nagsisipaan ng mga kasama sa bahay para manalo ng malaking kaban ng pera.

Ibang iba ang Pinoy?

E bakit parang gaya-gaya?

Pinoy ako, Pinoy tayo?

Pinoy kuno.

9 comments:

Anonymous said...

hehe tama kayo dyan! isang malaking kalokohan ang palabas na iyan na pinagkakagastusan ng mga Pilipino ng kuryente...

Anonymous said...

sabi sa sermon sa misa last sunday.kalokohan yang palabas na yan.sb ng pari "ang tunay na big brother ay hindi yang dyogi na yan kundi ang panginoon".kalokohan nga naman...

Anonymous said...

oo nga naman, mahirap kasi talagang idescribe kung ano ba talaga ang tunay na pinoy pagdating sa kulay at panlasa, i guess malakas talaga ang impluwensya ng western country sa tin, mahirap tanggapin kaso talagang totoo. matanong ko lang po, ano po ba talaga ang tunay na pinoy?

Paeng said...

^ mahirap ngang sagutin yan, kasi sa dinami dami ng foreign influences natin, mahirap na rin talagang masabi kung ano ba ang talagang Pinoy na tunog.

pero tiyak ako, ang Pinoy na tunog ay walang British accent. hindi nagpe-pretend na The Smiths sila o kaya ay si Morrissey. hindi rin kopyang kopya ang melody, ang guitar riffs at musika ng Chandelier ng The Cares.

tres said...

saang parokya ba nagmimisa yang pari na naniniwala na kalokohan nga ang palabas na yun. ung pari kasi sa pinagsisimbahan ko, yun na lang ang update ng show ang intro nya sa homily. hindi na nga ako umaattend kung sya ang celebrant. maiinis lang ako.

ivynag deeyowzah said...

paeng, magandang tanong ang nasa itaas na comment. hindi mo maikakaila na yan na ang pinoy ngayon...
ipinapakita ng kanta ang kulturang Pinoy ng kasalukuyan. masakit mang isipin...
para sa akin, hamon ito sa mga Pilipino ngayon... y okong maging ganito tayo forever...

Anonymous said...

kahit anu isipin nyo pinoy kayo, wag lang sobrang insecure. kung di mo masakyan; makisakay ka na lang kaya. kung di mo masikmura ay wag mo na lang pansinin kasi yan ang tinatawag na insecurities right,

Anonymous said...

if you can't win, don't play; coz losing is not an option. so kung di nyo kayang makipagsabayan kung ano ang nakikita nyo you must keep your mouth shot, or else you must stay no coment.

totoy of pasay said...

kung gusto ninyo, i mean sa mga taong gusto gumaya just go ahead, walang ng maraming salita,kasi maraming tapos gagayahin din naman so nagpapakahiya lang sa kanilang sarili db, db, db