September 28, 2005

Bagong soundtrip

Bihira akong makinig ng rap-rock, pero nitong mga nakaraang araw, ginagasgas ko ang aking CD ng Dicta License. Sa wakas, isa pang Pinoy rap-rock group na nagustuhan ko maliban kay FrancisM. Kapag rap-rock kasi, hindi naman yung music ang hinahanap ko kundi yung substance ng lyrics. At ang lyrics ng mga kanta ng Dicta License ay puno ng substance. Sana mga ganitong banda ang sumikat, hindi yung mga sumisikat ngayon na OPM bands na nagpapanggap na malalim kahit wala namang kalaman-laman ang lyrics. Hallelujah, anyone? :p

ANG ATING ARAW
by Dicta License

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

Madalas ay reklamo lang ang bukambibig
At 'di makita ang sakit na iyong pasan

May matalas ang dila kung mayroong galaw ng bisig
Paliparin ang malayang isip

Dinggin mo ang tawag ng lupang pinagmumulan
Ng kayamanang 'di mo rin pala natitikman

Kelan malilinis ang bahid ng dumi
Hindi malaman, pero pag-asa ay inaasam

Isa na namang awit na tutuhog sa marurupok na pusong lanta
Lanta sa diwa at pag-asa ng umaga

Bukas-loob silipin ang sarili
Balat, mukha, mata, dinggin ang huni

Pagkatapos ng ilang taon
Unti-unting aahon

Ang lipi ng lupa na napako sa kahapon
Walang pamagat alay kong alamat

'Di makakahon damdaming naisulat
'Di mo ba naririnig ang tinig ng lahat

Sabay-sabay lumiliyab, sisikat nang muli

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

6 comments:

marc said...

hi. pacomment ha. dati ayaw ko sa dicta dahil masyadong RATM-like iyung tunog, eh fan ako ng RATM. ngayon mukhang pakikinggan ko uli sila dahil mukha ngang promising sila ayon sa post mo.

Paeng said...

hindi na rin sila tunog RATM. may Pinoy dating na e. subukan mong pakinggan muna yung Ang Ating Araw na unang single. :)

inah said...

wla kng cd nun pero narinig k ung "Ang ating araw" ng dicta license kc ngdownload me. s ngyon un p lng naririnig kong kanat nila..at oo super galing talaga! sabi nung mga kakilala k eh maganda rw ung cd nila. hahaha ngulat nga tlaga me kc may mga ganito prin pla.

hoy nene! said...

hi! napadpad lang po dito. :)

pinapakinggan ko rin ngayon yung paghilom. astig nga siya. :) pero di rin maiwasan yung comparison sa RATM diba? do you think it's a good or a bad thing?

nica said...

hey there!

you're right! maganda ang dating ng Dicta License because of the meaning of their songs..medyo plus nlang ung rhythym nila..

fave ko rin sila eh..actually, i'm planning to buy their CD narin, pag may pera na ulit! ^^

haha! keep it up dude!
^__^

Anonymous said...

ang LuPet ng dating ng dicta mga brO...aLa ng mkktalo sa laman ng kanilang lyrics...you should listen sa ibang kanta pa nila!!highly recommended!!!!!