October 30, 2005

Sana napapakinggan

Mga isang linggong nakakaraan, isinama ko ang ilan sa aking mga estudyante sa Conspiracy para mapanood si Bayang Barrios. Ngunit hindi lang exposure kay Mam Bayang ang nangyari kasi habang naghihintay kaming magsimula ang set, napakinggan rin nila ang mga awitin nina Cooky Chua at Gary Granada na tumutugtog sa background.

Masaya ako kasi na-appreciate nila at nagustuhan ang musika ng mga Conspirators. Sa susunod, sana maisama ko sila sa mga set nina Joey Ayala, Noel Cabangon, Cynthia Alexander, Gary Granada at iba pang mga musikero na nagtataguyod ng tunay na makabuluhan at magandang musikang Pilipino ngunit hindi naman napapakinggan.

Kung pagbabasehan ko ang reaksyon ng mga estudyanteng naisasama ko sa ganitong paglabas-labas, nagugustuhan naman nila ang ganung klaseng musika. Hindi lang din nila maintindihan, bakit nun lang nila narinig ang mga awiting ito?

Ewan ko ba. Bakit ba kasi sumisikat ang well-packaged pero wala naman sa tono na artist na si Nina? (Soul Siren, e hindi naman soul yung kinakanta) Bakit sinasabing future ng OPM ang MYMP at si Nina e hindi naman ORIGINAL ang kinakanta nila, at madalas ay hindi pa nga PILIPINO? Paano naging OPM yun?

Nang magkaroon ng resurgence ang mga Pinoy na banda, akala ko ay yun na ang hudyat ng isang bagong araw na sisikat para sa Pinoy music. Parang nung panahon ng pagpasok ng Eraserheads at ng iba pang 90s Pinoy bands sa musical consciousness ng mga Pilipino. Pero ano itong mga nagsipagsikatan mula sa resurgence ng rock? Hale, na hindi na marunong kumanta nang maayos kapag live, tapos iisa lang ang tunog ng mga kanta. Bamboo, na kumakanta sa pagiging NoyPi gayung ang mga member nito ay kay daling tumatakas sa America kapag nagkakaproblema dito. Cueshe, na pinagmamalaking sila ang number one band sa Cebu (NOT!), gayong nangongopya lang ng tono ng mga kanta sa Silverchair, tapos nagfo-frontman ng guwaping na nagpanoselift kahit na isang vocalist lang naman ang kanilang kailangan kasi gusto nilang maka-attract ng girls.

At habang nagpapakasasa ang mga bandang ito sa kanilang kasikatan dahil sa kanilang magaling na "packaging," nananatili pa ring limited ang audience ng magagaling na banda tulad ng Imago, Dicta License, Paramita, Bridge, Twisted Halo, Radioactive Sago Project, Itchyworms, Cambio, Wunjo, Fuseboxx, Monsterbot, Pedicab, Happy Meals, Brownbeat, Juan Pablo Dream, Junior Kilat, Urbandub, etc. Kung tutuusin, kahit nga yung mga medyo sikat na na banda tulad ng Sugarfree at < S >andwich, limited pa rin ang audience kung ikukumpara sa Hale at Cueshe.

Minsan tuloy, gusto kong magmay-ari ng isang radio station. At puro tugtog ng mga deserving Lokal artists na tunay na nagsusulong ng OPM ang aking ie-airplay. Tapos hahaluan ng mga lumang kanta ng pop music greats nung 70s / 80s (Apo, Basil Valdez, etc.). Tapos hahaluan din ng mga kanta ng mga malulupit na bandang Pinoy na wala na ngayon. Tapos may portion para sa indigenous Philippine music. Tapos may airplay para sa underground music (Pol Galang, Jess Santiago).

Hay naku. Kay sarap mangarap.

7 comments:

Anonymous said...

sige magcontribute ako diyan.. :) -tanny

riadiosa said...

magkano ba kailangan natin dyan? pwede ba akong maging-DJ?

inah said...

late na comment ko pero basta comment parin.. sige sir, tapos tutulong ako sa pagpromote ng radio station niyo.. dba ang saya siguro nun....sarap at ganda pakinggan!

nate said...

sa marketing at promotion lang naman yan, tipong boyband formula. Kahit na wala naman art talaga o galing sa musika kapag sinamahan ng magandang promotion, multiple airplay sa radio, tiyak na sisikat.

maaring mag-umpisa sa internet radio sa pamamagitan ng pagbo-broadcast nito kahit na walang subscrition sa anumang sattelite radio.

Kailangan mo lang ng i-convert ang buong collection mo sa 2 klaseng bitrate, maaring 28kbps, 56kbps o 128kbps para sa mga broadband users. Kailangan mo lang ng radio software, magandang hosting site at broadband connection ay maari mo na umpisahan ang iyong internet radio.

siempre, kailangan din ng promotion at legalities para sa rights na magbroadcast.

vanguard said...

sana mabasa mo: volunteer DJ mo ko , Manong Paeng . . long live "Tambayan ni Paeng. blog"

weng said...

hello! late n rin itong comment ko, kc ngayon lng ako npadaan sa "tambayan" na ito... DJ po b kelangan nyo? sali ako... gus2 ko rin kc ung ideya n isang radio station n puro OPM ang 2nog. ung mga banda n alam nating mas may lalim ang musika pero ndi ganoon napapansin. hay... sana ganun ang mangyari!!!

Anonymous said...

bussiness po ang recording industry kung di po sila kikita kay bayang barrios at mga nasabi mong mga musikero malulugi po sila at mawawalan ng hanapbuhay ang mga nasasakupan ng mga ito.ang masasabi ko lang kung talagang mga tunay na musikero sila gumawa sila ng mga kanta na magugustuhan ng nakkaraming pinoy sila ang bababa at di mgmmataas dahil di mo naman mappilit ang sinuman na gustuhin ang mga musikang gusto mo.