December 7, 2005

UltraelectromagneticJAM postscript

Habang pinapakinggan ko ang UltraelectromagneticJAM na album, natitiyak ko na maraming mga tao ang humihiling na sana magreunion muli ang Eraserheads. Di ko rin sila masisisi, dahil sa maraming tao ay naging magandang alaala talaga ang mga kanta ng sariling "Fab Four" ng Philippine music.

Pero para sa akin, ayoko na silang mabuong muli. Masaya na ang mga alaala na iniwan ng banda ng aking henerasyon. Kung sila ay magrereunion, nandiyan na naman kasi ang mga "fans" na hahanapin nang hahanapin ang Eraserheads na nasa kanilang alaala. Hindi iniintindi na ang musika ng Eraserheads ay naggo-grow at sadyang nagbabago sa agos ng panahon.

"Ilang taon na rin ang lumipas,
mga kulay ng mundo ay kumupas.
Marami na rin ang mga pagbabago.
Di maiiwasan, pagkat tayo ay tao lamang.
Mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo?"
*

Di ba ang mga "fans" naman talaga ang unang nang-iwan sa Eraserheads? Pagkatapos ng success ng Cutterpillow, hindi na muling nakabenta ng triple platinum ang banda. Noong 1998 (o 1997?) NU Rock Awards, pinalakpakan pa ng mga manonood ang pagkatalo nila sa Best Album para sa Sticker Happy. Unang beses nilang matalo sa category na iyon ng Rock Awards. Sa kanilang album launch ng Natin99, wala halos nanood (kung ikukumpara sa pagpuno nila ng Sunken Garden nung kanilang kasikatan).

Paano ba naman, hindi na kasi sila kumakanta ng Pare Ko. Hindi na kasi sila kumakanta ng Toyang. Ang mga "fans," gustong iyon at iyon pa rin ang kakantahin nila. Hindi naiintindihan na hindi na ito ang bandang nagpupunta sa Tindahan ni Aling Nena. Ang naging tingin na sa kanila ay isang Pop Machine na maglalabas na lang ng mga kantang gusto't nirerequest nila.

"Pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumama."
*

Sa totoo lang, karamihan ng mga humihiling na magreunion ang Eraserheads ay hanggang Sticker Happy lang sila sinubaybayan. Karamihan, ni hindi pa narinig ang Natin99 at ang Carbon Stereoxide. Karamihan, hindi man lang nakikinig ng mga post-Eraserheads projects tulad ng < S >andwich, Cambio, Pedicab, Surfernando, Mongols at Pupil.

Sa Alapaap, tinanong nila, "gusto mo bang sumama?" Sayang at iilan lang ang nagsabi ng oo. Nakakalungkot kasi ang layo na ng narating ng kani-kaniyang musika.

"Huwag mong hayaang ganito,
bigyan ang sarili ng respeto."
*

Mabuti nang wala na ang Eraserheads ngayon. Kahit paano, nagagawa nila ang musikang gusto nilang tugtugin. Paminsan-minsan, hinahanap ko pa rin ang musika ng Eraserheads, pero mas masayang subaybayan kung saan nila tayo dadalhin ngayon sa kanilang walang katapusang pag-explore ng kani-kaniyang creative genius. Sana nga lang, mas marami pa ang sa kanila'y sumama. Hindi lang kasi alam ng marami kung ano ang kanilang nami-miss.

Kina Ely, Raims, Buddy at Marcus, "you can just take me away and I won't let go..."**

Salamat sa hanggang ngayo'y walang pa ring humpay na ligaya!!!

* mula sa Para sa Masa ng Eraserheads
** mula sa Ledgeboy ng Cambio

19 comments:

riadiosa said...

hanggang sticker happy lang yata ako. nawalan ako ng pambili ng tape. naubos sa pagpapaxerox ng jap buks. =(
pero meron ka naman nyan kaya pahiram na lng =)

venjo said...

Eraser heads ata ang example ng qoute ko na "DI KO KAYANG TALUNIN ANG SARILI KO", di ba? kasi di na nila kayang sapawan ng magandang tugtugin yong mga una nilang kanta kung sakali mang mabuo sila ulit...

pero tugtugin pa rin nila ang nasa top list ng collection ko....

sherwinito said...

ang hirap sa pinoy audiences, hindi sila marunong sumabay sa mga artist. Minsan kung ano lang ang gusto hanggang duon na lamang.

Anonymous said...

kung sino ka man mabuhay ka!!!!!!!!!!! purihin ang bandang sabay na nagpaiyak at nagpatawa sa masa ng sabay...............itaguyod ang bandila ng banda ng pinoy..lalo na ng eheads.........mabuhay kayung lahat!!!!!!!!!!!!!!rock on,rock on,peace out!!! asteeeeegggg!!
--rakiztah.diyez

Ulan said...

sa eheads pa din ako! hehe.. we may never know the reason why ely left, we just have to accept his decision as a human [just being himself] and be thankful for at least once we've known a band called eraserheads who shared their superb music with us that even became a part of our lives... ayos ka parekoy!

ana banana said...

Kilabutan ako sa entry mo tsong..panalo ka..at panalo sa puso ko ang eheads...nakakaiyak yung entry mo..namiss ko tuloy sila lalo...

markku said...

Wow, nice entry, thought-provoking analysis, galing. :)

darwin buena said...

pre tama ka...
nung mga huling taon kasi ng eheads, mas naging teknikal sila at mas nagprogress yung music nila. siguro hndi lang talaga yun ang gusto ng pinoy audience. tignan mo yung album ng rivermaya na between the stars & waves, hndi rin gaanong bumenta kung hindi pa ni-repackage at nilagyan ng 'liwanag sa dilim'. you can't please everybody naman e. siguro kung maisipan man ng eheads na gumawa ng album, siguro dapat new versions ng old songs nila pero hndi naman ibig sabihin nun, buo na uli sila. sana magkaroon sila ng malupit na reunion album. pero isa lang. okey na yung isa lang. tyak kikita yon. wag na nating i-expect na magkaroon ulit ng eheads. meron na silang ibang priorities (like new bands)! pero sana pagbigyan tayo ng isang album, o kahit isang kanta lang. gusto kong makarinig ng old songs, same artist, brand new sound.

MoonPhoenix said...

*Hands down* to your post. Brought some sense into me remembering how most of my E-heads barkada back in high school / early college has dropped their interest in the band post Cutterpillow. Surreal...

The exited as Legends. I'd rather have them stay that way. If ever there would be a reunion, I hope it'll be one night only performances of their old songs to a used-to-be-high-school audience.

Anonymous said...

it's hard to accept, but we have to face it, this band have given us something to play into our thoughts!
"lahat ng bagay ay mayrong hangganan..."

cheers ERASERHEADS!

Anonymous said...

tama ka sa entry mo
tunay kang eheads fanatic
na hanggang sa huli ay nagbigay
pugay sa
alaala ng eheads
nung ckat paksi
eheads
ate ko palang yung
nag rorock on
kasi nug time na yun>>
7 palang ako eh...
di ko pa masyado alam e heads..
but ate ko baliw na baliw sa eheads!!
kaya sobrang nanghinayang xa
nung nawalang bigla yung eheads..
add nyu ko friendster..>
whatsername_fucker@rakista.com
mabuhay ang mga patay!!
sana pati narin bandang eheads
pero hanggang tribute na nga lang talaga ang eheads..
kasi na pa mana nalkasi sa mga banda ngayun ang husay ng sinimulan nina ely.
adios mga rakista,
ipagpatuloy

Anonymous said...

tama ka sa entry mo
tunay kang eheads fanatic
na hanggang sa huli ay nagbigay
pugay sa
alaala ng eheads
nung ckat paksi
eheads
ate ko palang yung
nag rorock on
kasi nug time na yun>>
7 palang ako eh...
di ko pa masyado alam e heads..
but ate ko baliw na baliw sa eheads!!
kaya sobrang nanghinayang xa
nung nawalang bigla yung eheads..
add nyu ko friendster..>
whatsername_fucker@rakista.com
mabuhay ang mga patay!!
sana pati narin bandang eheads
pero hanggang tribute na nga lang talaga ang eheads..
kasi na pa mana nalkasi sa mga banda ngayun ang husay ng sinimulan nina ely.
adios mga rakista,
ipagpatuloy

ryan_abengoza said...

sa lahat na nag pugay sa bandang eheads>>
sumasaludo rin ako sainyuo>>
dahil ang bandang eheads ang dahilan kung bakit madaming pinoy ang
nahilig sa alrenative pinoy music
fav4 nga sila...


-whatsername_fucker@rakista.com-
add nyu ko friendster mga rakista^

keempee said...

great writeup. tama yung analysis mo. i gues s the good thing about their disbandment is that they were able to leave as legends.

pero a bit of anecdote. i also posted this in another blog. back in 2001, when rap metal was the in-thing, the crowd was all agog for cheese and greyhoundz and their likes. pero when eheads came on stage to sing alapaap, magasin and another song, anyone and everyone could see the greatness of their music as they were able to transform the sunken garden into a giant sing-along.

a few weeks after that UP fair, they disbanded. but several years after, they still enjoy a heavy playlist in a lot of people's music player. up to now, their old songs are being used for commercials pa nga eh.

they bring back a lot of happy memories. sana kahit isang reunion lang!

Anonymous said...

Naalala ko pa yung classmate/barkada noon na pinarinig nya sa amin yung Pare ko (POP-U Version) sa parking lot ng campus namin, tinanong nya ko kung nadinig ko na yun, that was before i-release yung ultra, mga 1st quarter ng 1993 and naalala ko nung una kong narinig yung ligaya sa radio, sabi nung barkda ko e yun yung kumanta ng pare ko dun sa demo tape na pinarinig nya sa akin, so bumili kmi ng tape ng ultra, tapos nun nag tayo kmi ng band. 'twas sembreak '93 when we started jamming to perform in our campus in manila, soundtrack namin sa van when travelling yun, halos mabura na yung tape kase paulit-ulit e, miss those moments. after a year (1994, circus days) they visited our campus promoting jamboree, their 1st major concert, nagpa autograph pa nga ako e, nagtanong pa nga sa akin si marcus about a gadget na nakalimutan ko na kase nga teknikal yung name parang "intergalactic cyber effect" atchuchu chu, pero sabi ko sorry kase 'distortion' and 'chorus' (gadgets) lang ang meron ako :)yun yung gagamitin nila for their next album (cutterpillow)& they gave us some encouraging words, my regret was I never saw them play when they returned to our fair, kase we are at backstage, kasali kami sa battle of the bands nun, which we got the top prize! anyways, sila yung nag pave ng way sa mga banda tulad namin, we actually got a record deal after, nung 1996, summer na release yung kanta namin sa radio stations,(but not hot enough as eheads) nagkaroon din kami ng chance na makasama sila sa shows also with other popular bands then. I't was a great experience, though. Disbanded na din kmi, but we still keep in touch often pa din.

Thanks So Much Eraserheads sa lahat!

Eraserheads are Dead.
Longlive ERASERHEADS!

supladang_rakista said...

i really like your comments

supladang_rakista said...

i wish makita kita sa personal

Anonymous said...

lupit ng entry mo dude! mabuhay ka! naalala ko tuloy yung days na talagang adik na adik ako sa EHEADS. sad to say hanggang StickerHappy lang din ako.
Anywayz kakamiss talaga yung EHEADS, sana nga mapagbigyan pa nila tayo ng minsan pa to re-unite.

Mabuhay ang ERASERHEADS!

randolf ungab said...

1st k0ng narinig ung songs ng eheads that was cutterpillow na album nila,13 yrs old pa ata ako nun.nung pmnta kmi sa bohol w/ my family my cousin has d ultra and circus album pala.nagus2han ko ung 3 albums nla.dahil sa wla akong pera nung tym na un binili ko muna ung cutterpillow.after few weks bnili ko na ung ultra n circus.so my 3 albums na ko ng eheads.hanggang 2loy2 ng ang mga albums nla,hanggang sa carbon kmpleto ako.yr 1999 1st ko na met ang eheads sa dvo,signing w/ autograph,subrang saya ko nun.kahit sa panaginit d ko inisip na madsband cla.songs kc ng eheads ang nagpahilig sakin sa musica kc nun naiingayan ako sa music.im 24 na ngaun,11 yrs na pala ako na sumusuporta kta ely,raimund,buddy n marcus.add nyo nlang ako sa friendster randolf_1022@yahoo.com