December 20, 2005

Hindi Tama

Kaninang hapon, nakatanggap ako ng text message mula sa isang estudyanteng mukhang magda-drop sa aking subject ngayong semester. Magko-conflict kasi sa aking klase ang kanyang magiging trabaho, na kailangan niya talagang pasukan para may pantustos ng kanyang pag-aaral.

Dumarami na ang kasong tulad nito na na-encounter ko lalo na nitong nakaraang dalawang schoolyear. Ang mga sitwasyong ganito kung saan napipilitang maghinto ang isang estudyante dahil lamang sa wala siyang pambayad ng tuition ay talagang nakakapagpainit ng ulo ko. Ilang beses na akong gumawa ng paraan para sa mga estudyante kong napasok na rin sa ganitong sitwasyon, pero ngayon ay parang wala na akong magawa kasi mukhang na-exhaust ko na ang resources at connections ko.

Napakalaking irony na nung umaga, nakatanggap ako ng text na na-feature daw sa dalawang local magazines ang FEU bilang most profitable university sa bansa. Kalulusot lang ng unibersidad sa Level III accreditation at sa ISO Certification. Panibagong dahilan na naman para isulong nila ang maximum tuition fee increase na 10% kahit na nangunguna na sila sa buong bansa sa pagkakamal ng sandamakmak na kita mula sa edukasyon.

Bakit kailangang dumaan ang mga estudyante sa ganitong problema? Lalo na ang mga estudyante ng isang unibersidad na itinatag specifically para sa purpose na magkaroon ng magandang edukasyon ang mga middle class?

Hindi ito tama. Sa panahong naghihirap ang mga tao at napipilitang maghigpit ng sinturon para lang makatawid sa pang-araw araw na pangangailangan, hindi makatarungan na pinagkakakitaan na parang isang normal business ang isang basic right tulad ng edukasyon. Hindi tama na kino-compromise ang original mission ng dakilang founder ng FEU para lang makahanap ng pagkakakitan ng pera.

Gaano ba kalaki ang perang kinikita ng FEU? Eto, tingnan niyo.

Isang bagay lang ang hinihintay ko at pag nangyari yun...humanda sila.

10 comments:

zhy said...

hi...nver thought n may ganyan p plang article ngaun...tipong kayang i express ung nararapat malamn ng publiko...hindi pagkagutom ang suliranin nang ating bansa,kundi ang di sapat na kakayahan ng matang makita ang tunay na estado ng bawat nilalang sa ating bansa,di sapat na kakayahan ng taingang marinig ang bulong na panaghoy na nagmumula sa naghuhumiyaw na damdamin ng bawat estudyanteng nagnanais makapagtapos ng pag aaral...di tuloy natin massisisi kung bakit may mga anak na di maiwasang magkasala sa magulang...masakit daw marinig kung sasabihin sa iyo ng anak mo..."bkit k bumuo ng pamilya na di mo kayang tustusan?nang anak na di kayang papag aralin..sino ba talaga ang dapat managot sa ganitong usapin..di bale kung ang lahat ng prof. ay tulad nio na nababahala sa sitwasyon ng estudyante..pero pano nman ung iba na kapakanan ng pamilya ang pumupuno sa kanilang isipan,,,amg daming usapin...sa pilipinas..mga tanong na kahit hindi ako apektado kung tutuusin...ewan ko ba..pero napapaisip aq,,..ano na po bang nangyayari sa mga ganoong estudyante na tumitigil para lang makapag ipon daw??ng pangtuition..nakakaipon pa poba kung makikisapi pa ang kapamilya?..actually wlanman tlagang mahalaga sa gnwa kong to...napaisip lang ako...npadaan..umaasa n sna..s susunod...kuwento nman ng mga umunlad na estudyante nio ang mababasa nila...

zhy2... said...

pwede sa atin...khit may kapangalan...ka apelyido...ka sama...ka kuwentuhan...ka away...sana...may katulad nio din...na tatakbong presidente..manunungkulan...kc po...kung ang paninindigan,paniniwala nio..ay mananatiling ganyan...naniniwala ako na ...magiging maayos ang bansa natin lalo...kc po...kung ang nasasakupan ninyo ay binubuo nman ng mga estudyanteng hirap sa pagababayad ng tuition sigurado ko uunlad tau...

...........kc po..alam nila kung paano kitain ang pera...
...kung gaano kahirap...magkaroon nito...at kung gaano kasarap gastusin ang SARILING PERA...hindi galing sa iba...u know what i mean..kung isa sila sa ganito..maiintidihan nila ito..kung hindi..it only means....infant pa silang maiituturing..basta.pasko na........

Anonymous said...

di po ba kaya nila tinawag na Fastest Easrning University yung FEU? kung di nila mamahalan yung tuition, KABAWASAN YON SA WALANG HIYANG PRIDE ng university.

p

Anonymous said...

hi sir,professor po ba kayo sa FEU, kababasa ko lang sa blog nyo ngayon... thanks po... :p

Anonymous said...

芭蕾舞
Mini Storage
購物袋
減肥
美容
豐胸
普通話課程
facial
Putonghua Course
環保袋
婚紗攝影
迷你倉
中港租車
辦公室傢俱
新娘化妝
婚紗攝影

crystal said...

搬屋公司
搬運
搬運公司
Moving company
House moving
搬屋
搬屋公司推介

cici said...

英语培训
英语在线学习
雅思口语
在线英语
英语口语培训

商务口语
托福口语
英语口语陪练
网上学英语
在线学英语

remus said...

OBO
OBO避雷器
避雷器
防雷器
电源避雷器
德国OBO防雷器

tom said...

短期租房
短租公寓
酒店公寓
经济酒店
家庭旅馆
日租房
短租房

Maria Kimmons said...

everything worth that price is really good.jewelry Giorgio Armani