October 18, 2005

Bittersweet victory

Sa wakas, pagkatapos ang apatnapung taon, muling nakabalik sa tuktok ng CPA Board Exam ang FEU. Congratulations kay Eman Guelas!!! Galing mo talaga, bata!!! Pati na rin kay Paul Banal na nag-#16. Painom naman kayo. At siyempre, congratulations sa lahat ng mga bagong CPAs. :)

Kaya nga lang, hindi ko maalis ang lungkot na aking nararamdaman dahil marami rin akong mga anak na hindi pumasa. Habang iniisa-isa ko ang mga pangalan, naninikip ang aking dibdib tuwing may pangalan akong hindi "che-checkan." Mukhang may pagkukulang pa kami sa kanila.

Sana, mas maraming pumasa sa susunod na board exam. Ito ang aming misyon sa susunod na batch.

3 comments:

dawin said...

Paeng,

Kamusta ba ang turing ni Dr. Echauz sa college niyo? Kami sa Institute of Law, pinuputakte niya ang mga law professors na magturo ng law sa Ingles.

Tama naman siya. Mantakin mo, may mga law professors daw sa institute na di nag-iingles. Eh, ang propesyon namin, dapat Ingles ang pag-uusap.

Congrats sa mga pumasa. Gaya rin ng IL, may pumapasa, may bumabagsak. Pero, pataas ng pataas ang standard natin sa FEU. Ang hindi lang tumataas, si ....

Paeng said...

siyempre iniimpose rin sa amin ang English-speaking policy ni Dr. Echauz. pero hindi ko ikinakahiyang sabihin na hindi ako sumusunod dito. English should not get in the way of learning.

Anonymous said...

pressure! pressure! pressure! pede bang di na lang magboard? baka di ko kayanin ;P