December 14, 2004

AKO ANG NAUNA!!!

Ang Petsa: Dec. 12, 2004

Ang Okasyon: Anniversary ng Nanay at Tatay ko

Ang Oras: 11 am

Ang Lugar: Powerbooks Greenbelt, Makati City

Pinapasyal ko lang ang kapatid ko sa aking paborito (nang) tambayan sa Ayala. Nang may mapansin kaming bagong stock ng libro na kalalabas lang at nakatambak sa gilid...

Alamat ng Gubat...ang bagong libro ni Friendster Bob Ong!!!

HAHAHAHAHA!!! Ayun sa nasa counter, ako daw ang unang unang bumili ng libro sa Powerbooks Greenbelt. E sa buong Pilipinas, ako rin kaya ang nauna? MWAHAHAHAHAHA!!!

Ibang klase pa rin talaga ang pagsulat ni pareng Bob. Oo, di siya mananalo ng Palnca, dahil iisnabin siya ng mga "expert" na mga hukom na "maalam" sa kung ano ang "tunay" na literature. Lalait-laitin rin siya ng mga "enlightened" na naguubos ng pera sa Purpose-Driven Life, mga libro ni Paolo Coelho at Og Mandino, at ganun na rin ang Rich Dad, Poor Dad series. Pero aangat pa rin ang kanyang panulat na nakakakonek sa "masang Pilipino" dahil sa kanyang writing style na nahasa sa matagal nang pagsusulat sa Internet at nagsasalita sa wikang madaling maintindihan dahil ginagamit sa pangaraw-araw.

Si Bob Ong ang bagong mukha ng Pinoy literature...

Sa Alamat ng Gubat, muling ipinamalas ni Bob Ong ang kanyang malalim na pagkakaintindi sa mga problema ng gubat na ginagalawan natin. Ngunit tulad ng kanyang librong Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, parang mayroon na namang kulang. Sapagkat pagkatapos ng ating pagmulat, ano na ang dapat ihain na solusyon?

Paanong tatapusin ang paulit-ulit na alamat ng gubat?

4 comments:

Anonymous said...

alam ko na ang ipapadala mo sa akin... nakakainis... nadiscover ko na naman ang surprise mo! kung mali man ako, siguraduhin mo lang na kasama ito sa ipapadala mo sa akin ha :) -- diosa

Anonymous said...

baket jan meron na??? sana dito sa iloilo meron na... inaatay namin...jill

Anonymous said...

hahaha, ikaw ang nauna sa greenbelt. namigay kase ng 10 na libreng kopya ang VPE sa unang 10 na mag email sa kanila ng entry (lagi nila ginagawa ito kung may lalabas na libro si BO), post nila sa maillist ng bobongpinoy sa yahoogroups, noong november bago pa man ipinalabas nung december ang libro, ayon sa VPE ako ang una nagclaim kaya ako ang una sa pilipinas, hehe. Take note: LIBRE KO NAKUHA!!!

roviell said...

totoo yan.
mahusay talaga syang magsulat.
sana marami pang aklat ang malikha nya.