October 14, 2005

Ang Mga Jologs

Noon Time Show


Sa wakas, naglabas na naman ng full-length album ang aking paboritong jologs band na sobrang korni - ang Itchyworms!!! Pumila na at tangkilikin ang Noontime Show!!!

At ngayon, eto na ang lyrics ng aking kasalukuyang paboritong soundtrip:

Beer
sinulat ni J. Nicolas

Nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
at nag-iisa

Nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sa 'kin
nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer
ayaw pang mamatay

Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ako kaya ngayon

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
puso kong nahihirapan

Bawat patak,
anong sarap
Ano ba talagang
mas gusto ko?

Ang beer na 'to
o ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
kahit tambutso

Kukuha ko ng beer at ipapakulo
sa kaldero't lalanghapin
ang usok nito
Lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isiping
nag-iisa na ako

Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ako kaya ngayon

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
puso kong nahihirapan

Bawat patak,
anong sarap
Ano ba talagang
mas gusto ko?

Ang beer na 'to
o ang pag-ibig mo?

3 comments:

Shrlyn said...

i lab dis song!!!

babols007 said...

ganda nga ng album nila!!! lalo na production number! i lab it!

Anonymous said...

Sobrang ganda ng song na to talaga. Tumatagos sa puso ko! Haha! kasi iniwan din ako....kaya feel na feel ko tong song na to everytime naririnig ko sha...hehe...