October 14, 2005

Tanong tanong

Sa wakas, nagkaroon na ako ng panahong tumambay. Kasalukuyang may tanong na umiikot sa aking isipan:

Kung mahigit kalahati ng klase ang bumabagsak sa exam, hindi ba yung guro na ang may problema at hindi na yung estudyante?

5 comments:

Anonymous said...

depende...

sa estudyante...
sa subject...
sa prof...

pero wag mag-alala... pag ikaw na yung pinag-uusapan... di yan dahil sa prof :) kasi alam ng lahat ng naging students mo you tried your best to teach them everything :)

Paeng said...

pero di ba kagaguhan na magbibigay ang prof ng isang exam na hindi naman kayang sagutin ng mga estudyante niyang ang gamit ay ang mga bagay na mismong siya ang nagturo?

natatangahan lang ako sa mga prof na tuwang tuwa pag maraming bumabagsak sa exam na siya ang gumawa. e di ba ang exam ay susukat supposedly sa natutunan ng estudyante sa kanya? e di pag bumagsak halos lahat...walang natutunan sa kanya, o kaya ay yugn exam ay hindi tungkol sa natutunan sa kanya?

Anonymous said...

And mga prof ngayon mentality nila pumasok ka o hindi sa class nila basta ipasa mo and subject ko..wala na yatang dedicated na prof ngayon na gusto nila na matuto talaga and student nila.

Anonymous said...

well theoretically speaking ang exam or quizzes ang siyang nagiging batayan ng natutunan ng estudyante however meron naman kasing mga ibang estudyante na kahit finals na ay umaasa pa sa stock knowledge nila. Eh di bagsak din sila unless walking encyclopedia sila or may photographic memory. motivation din naman kasi ng estudyante ang isa ring vital role jan.

at saka meron pa rin namang mga professors na ang aim nila matuto sa kanila ang mga estudyante. May mga kilala akong ganun pero sa bawat eskuwelahan meron pa reng mga deviations di ba? It's basically based on perspective. Meron prof na gumagawa ng mahirap na exam para matuto ang estudyante kasi alam niyang kaya nila. Ikaw ba masasatisfy ka sa exam na alam mong papasa sila pero hindi mo masusukat ang mga natutunan nila? di ba hindi naman?

Pero sa point na magbibigay ka ng exam tas wala dun sa diniscuss mo. Kalokohan na yun. Ibig sabihin lang di siya andoon para magturo, siya ay andun para suwelduhan lang. At kung natutuwa pa siya doon may topak na yun. :P sadyang meron talaga kasing ganyan na prof.

another point, kung departmentalized yung exam, tas lahat naman ng topics nadiscuss niya pede nating masabing ineffective professor siya kasi pedeng mali yung naturo niya. Pag yung lumabas sa exam ay iba dun sa tinuro, you can't blame the professor kasi di naman siya gumawa nung exam.

gari said...

wow...values dilemma...

let's put the question the other way around: what if the subject matter isn't really within the readiness/interest of the learner?