December 17, 2005

Nagtitipid

Ngayon ay aattend ako ng kasal ng isa sa aking matatalik na kaibigan noong college kung saan ako ay mag-aabay. Nakakahiya naman kung wala akong ireregalo, pero medyo hirap talaga sa pera ngayon. Kaya di ako nakabili.

Ako rin pala ay umattend ng Christmas party kahapon. Ang daming prizes!!! Hiniling ko nga kahapon na may matanggap akong magandang regalo. Natupad naman ang wish ko. Ang saya saya ko...kasi pambalot na lang ang kulang ko para sa okasyon mamaya. :p

Cheap. :)

1 comment:

inah said...

hahaha! sobrang tipid nga... pero habang binabasa ko eto eh iniisip ko kung ano nakuha niyo? kasi ako nung umatend ako ng christmas party eh nagwish ako makuha ko sana eh dvd o kaya flat screen tv pero..mali hindi yun ang nakuha ko hehehe mga sandok ang nakuha ko. hihihi