October 24, 2005

Review

Ano bang pinagkakaabalahan ngayon ni Sir Paeng?

Eto, nagre-review para sa October 2006 CPA Board exam.

Nyek!!! E di ba pasado na ako?

Wala lang. Sabi nga ni Eugene, ito na yata ang sinyales na mukhang bumalik na ang interes ko sa accounting. Kaya eto, ang dami kong biniling reviewer at ang dami na namang pinag-aaralan. At nag-volunteer pa ako na ituro ang pinakaayokong subject sa buong buhay-estudyante ko - ang Financial / Intermediate Accounting.

Oo nga pala. Mayroon akong dating estudyante na nagtuturo na rin sa FEU at may sarili na ring tambayan. Sa susunod na taon, siya na ang papalit sa akin sa pagiging teacher ng managerial accounting sa mga B.S. Accountancy students. Propesor Allan, pakilala ka naman. :p

1 comment:

Anonymous said...

so sir ibig po ba nyang sabihin ay hindi nyo na iiwan ang feu at ipagpapatuloy nyo na ang pagtuturo para mahasa ng husto ang mga BSA students...

sana lahat ng prof. tulad nyo...