December 6, 2005

SEAlamat

SEA Games LogoNgayong tapos na ang SEA Games, tiyak na maraming parangal na matatanggap ang mga atletang nagbigay ng malaking karangalan sa ating bansa. Marami ring pasasalamat na matatanggap ang mga organizers, sponsors at volunteers na tumulong sa pagtatagumpay ng ating pag-host ng biennial meet na ito.

At dahil naman sa marami nang nagpapasalamat sa mga taong ito, pasasalamatan ko naman ang dalawang grupo na baka malimutang mapasalamatan ng marami.

Una, salamat sa ABC 5 sa isang matagumpay na TV coverage ng makasaysayang event na ito. Tapos na ang panahon na kailangang pagtiyagaan ang mga government stations para lang makapanood ng ganitong palaro. Salamat at ang kinuha niyong mga anchor ay well-informed at alam ang kanilang mga sinasabi. Salamat sa expansive na coverage ng iba't ibang events. At salamat sa desisyon ninyong ipre-empt ang lahat ng inyong palabas maliban sa Big News at Sentro maihatid lang buong araw ang pinakahuling pangyayari sa SEA Games.

Ikalawa, salamat sa Rivermaya sa paggawa ng isang napakagandang theme song na tunay na nahuli ang adhikain ng atletang Pinoy. Sulong, laban, Pilipino! POSIBLE!

1 comment:

venjo said...

ito yong part na pinanghinyangan ko kasi mula nong opening hanggang sa closing ng SEA GAMES ni isang event wala akong napanood....once in a lifetime para sa kin to kasi next sea games sa ibang bansa na....