November 30, 2005

Theory Y

Bago ako dumiretso sa subject ng aking post na ito...ibang klase talaga pag nagsusulat ako ng related sa Eraserheads. Walanghiya, naging hit!!! Parang di na yata ako magsusulat tungkol sa politika sa tambayan ko tutal nilalangaw naman ang mga post ko tungkol dun. LOL!!!

Heniweyz, lumipas na naman ang isang day off, at ibig sabihin ay nag-aral na naman ako para sa magiging turo sa susunod na dalawang sessions. Sumakit pa nga ang aking braso sa kapipindot ng calculator. Habang ako ay nag-aaral, nag-iisip rin ako kung paano kong idedeliver ang aking ituturo bukas. Para bang may rehearsal na sa aking utak.

Sa aking pag-iisip, inevaluate ko kung kamusta na ba ang aking turo ngayong semester. Hindi kasi ako gaanong satisfied kasi sa naging resulta ng aking first quiz, dahil ang average na naging grade ay below 2.0. Supposedly, and grade na 2.0 ay nagrerepresent sa average. Masyado bang mahirap ang naging quiz ko? O hindi ko lang siguro naituro nang maayos?

May nagsabi sa akin na baka mahina lang o tamad ang mga estudyante ko. Pero naniniwala kasi ako sa Theory Y e. I guess I just have to find a way to motivate my students to study more and to perform better.

Theory Y. Mula simula pa ng aking career bilang guro, ikaw na ang pinanghawakan ko. Do not fail me. Hehehe.

9 comments:

jhay said...

ano yung Theory Y??? y as in why? laging nagtatanong?

Paeng said...

^ hindi. I-search mo ang Theory Y at Theory X sa google. :)

| R3DH3NA | said...

mewOn ba nun.. hahah,,Theory Z cguRo merOn din

Anonymous said...

employee motivation theory.. :)
-tany

Anonymous said...

yung pubang tinutukoy nyo eh yung 1st quiz ng mga 3rd year bsa? nakakaasar kasi sabi nila, mahihina daw po kami. meron pang nagsabi..."patapon" daw kami...sa tingin nyo po ba totoo yun?
sigh...

Paeng said...

^ walang patapon na estudyante sa aking libro. everybody can reach heights they can only dream of. ang punto lang ay dapat, matuto silang mangarap. :)

Anonymous said...

pero po totoo po ba yung compaired sa mga higher year levels eh mahihina kami?

Paeng said...

^ sinong nagsabi? hindi ko kasi pinapansin yung ganung bagay e. (kamot-ulo)

Anonymous said...

^anonymous... masanay ka na... ganyan lang talaga sila... mahilig magkumpara... ewan ko ba, parang gusto nilang palabasin na motivation yung ginagawa nilang panlalait... patunayan nyo na lang na mali sila...