October 30, 2005

Walkout na naman

Sabi ni Father Bonafe kanina sa misa, "Ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa Diyos." Verse daw iyan sa Bibliya.

Ganun?

Dapat pala, walang lumaban sa mga Kastila na sumakop sa atin. O kaya dun sa mga Amerikano o sa mga Hapon. Dapat pala, hindi natin pinatalsik si Marcos sa kapangyarihan. Dapat di natin pinababa si Erap.

I-extend na natin ang argumento. Kung paglaban sa Diyos ang paglaban sa pamahalaan, makasalanan pala yung mga lumaban noong French Revolution. Mga itinakda ng Diyos pala sina Napoleon, Hitler, Saddam at dapat hindi nilalabanan.

Kapag nakakita pala tayo ng corrupt government official, dapat pala ay huwag na nating kasuhan dahil itinakda siya ng Diyos. Kapag nakakita pala tayo ng mga abusadong military officer na gumagawa ng human rights violations, dapat magbulagbulagan na lang tayo dahil itinakda siya ng Diyos. Kapag ang isang kandidato pala gumamit ng kaban ng bayan sa kanyang kampanya at binastos ang boto ng mga taong nabubuhay sa isang demokrasya, dapat tayong manahimik dahil itinakda siya ng Diyos.

Sabi ni Father, kawawa naman daw si Bishop Bacani, Father Faraon at Father Robert Reyes dahil sila ay nagamit ng mga pulitiko sa pagmimisa sa Saint Michael.

Kawawa ka naman, Father. Gusto mo ikaw na lang magmisa dun? Pero baka sabihin naman nagpapagamit ka kay Gloria.

At ang lumalaban sa pamahalaan ay muli na namang nag-walk out.

2 comments:

masterbetong said...

2 word, "clerico facismo". :) yeah it's true sabi yan sa romans 13. kasi ang assumption ng sumulat that "all goverments are of god & was established by god". kaya nga tama si marx when he said that "religion is the opium of the society" diba?

Anonymous said...

bakit si father nakikisama ata sa pulitika? ang alam ko, kaya ka pumupunta sa simbahan para magdasal hindi para mamulitika.