December 29, 2004

Ang Una't Huli

Kagabi, nanood kami ni isipkamote ng isang benefit concert sa Conspiracy Bar and Garden Cafe sa 59 Visayas Avenue. Ito ay para sa pagpapaopera ng brain tumor ni Mica, ang anak ng gitarista ng bandang Color It Red na si Ariel Policarpio.

Ang daming tumugtog. Sa pagkakaalala ko ng pagkakasunod-sunod, ang tumugtog ay si Chikoy Pura ng The Jerks (na tinugtog ang request naming Sayaw sa Bubog), si Laura Austria (na macho), si Anya (na maganda ang boses), ang Twisted Halo (na masyadong marami ang naggigitara), ang Blue Jean Junkies (na wala sa tono ang gitara), ang Sundownmuse (na di ko maintindihan ang pangalan), ang The Dawn (na kumanta ng Where the Streets Have No Name ng U2), ang Sugarfree (na di tinugtog ang paborito kong Prom), Cambio (na di tinugtog ang nirequest naming Ledgeboy), ang Imago (na ginulo ng isang lasing), si Bayang Barrios (na pumirma ng album sleeve na dala ko), si Dong Abay (na magaling tumula), ang Pinwheel (na huling bandang ginulo ng lasing), ang Wunjo (na aabangan ko ang album dahil magaling), ang bagong banda ni Bing Austria (na nakapagpasayaw sa akin), si Myra Ruaro (na maganda pa rin after all these years), at ang Radioactive Sago Project (mabuhay ang Gin Pomelo!!!).

Siyempre, huling tumugtog ang Color It Red. Muntik na ngang di matuloy kasi alas dos y medya na nang madaling araw. Gusto nang matulog ng kapitbahay. Pero kumanta pa rin sila ng dalawang kanta, hindi rin matiis ang request ng audience. May hinanda na kami ni isipkamote na irerequest na mga kanta(I Need You Here, pati na Dancing and Singing), pero di na namin binigay. Buti na lang. Kasi natuklasan ko na marami palang magandang kanta ang Color It Red na hindi kasama sa kanilang unang album na Hand-Painted Sky. Pinakanatuwa ako sa kantang Una't Huli na galing sa album nilang Pop Fiction. Makabagbag-damdamin itong kinanta ni Cooky Chua at di na nga niya natapos ang kanta dahil naiyak siya habang inaalay ang awit para kay Mica.

Talagang naantig ako sa eksenang iyon. Ang lungkot.

Kanina, dahil di ko maalis sa isip ang kanta, bumili ako ng compilation album ng greatest hits ng Color It Red. At nandoon na nga ang kantang Una't Huli. Isusulat ko na lang dito yung pagkakarinig ko sa lyrics (wala kasing lyric sheet). Pero sana magkaroon kayo ng pagkakataon na marinig ang kantang DAPAT ay pinatugtog at sumikat sa radyo dahil sa sobrang kagandahan. Bumili kayo ng album nila, maganda. Suportahan ang musikang Pinoy na Pinoy. :)

Una't Huli
words and music by S. Salazar
performed by Color It Red

Nandito ako
parang tangang
napatunganga sa iyo.
Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Dampi ng labi mo
may init na
kumakalat sa ulo
dinuduyan ang paa,
lumulutang lutang
parang saranggolang putol
dahil sa halik mo -
ang una't huli.
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab lamang para sa iyo

Nandito ako
isang gagang
di mapakali sa iyo
di makalapit
at kinukubli sa hangin
ang tibok at ngiti ng puso
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab para sa iyo
na nag-aalab para sa iyo
O, ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Nandito ako
parang tangang
napatunganga sa iyo.
Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab para sa iyo
na nag-aalab para sa iyo.
O, ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Ito ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli...

6 comments:

Anonymous said...

hi sir paeng ang ganda ng lyrics ng una't huli.
bagay sakin... nakakarelate ako sa lyrics.. ang ganda talaga, bibili ako ng album nila... hapi new year..
"Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli."

ang lungkot diba?...

Paeng said...

kahit yung Himig ng Dekada 90 compilation na lang ng Color It Red, ok na rin yun. nandun na yung magagandang kanta nila. sa Tower Records yata o kaya sa SM record bar, meron pa. wag sa Oddyssey, walang kwenta talag yung record bar na yun na napipilitan lang ako bumili kasi yun lang ang malapit sa amin...

miren said...

Paeng, maraming salamat sa naibahagi mo. Manager ako ng Wunjo at matalik naming kaibigan si Ariel Policarpio ng Color It Red. Malungkot talaga ang nangyari kay Mica...Salamat sa tulong ninyo. Pwede mo akong i-email sa six_inches_concepts@yahoo.com kung gusto mo...God bless.

havefaith...sohaveme said...

matagal na naming hinahanap yung cd ng kaibigan ko, yung album nga na greatest hits of color it red, kahahanap nga lang namin ngayun, hanganda ganda ng album na yun. lalo na yung una't huli naa song. :D tenks sa bloggie mo, may lyrics na ako. :D

blab said...

hi. matagal ko na ding iniiyakan yung kantang yan. sayang, hindi ako nakadaan sa conspiracy nun.. prang di napublicize yung event.. may chords ka ba? pashare naman. salamats.

Swoosh Man said...

share po guitar chords...pls pls