December 4, 2004

Bwisit!!!

Dumaan ang kayraming bagyo. Ang daming nasalanta. Maraming buhay ang naapektuhan. At naglabasan rin ang mga kabwisitan na maya't maya ipinapalabas sa TV.

Sabi ng mga opisyal sa Quezon, wala naman daw illegal logging sa probinsya nila. Pero sa aerial footage, kita mo na pagkarami-raming troso ang lumulutang. Mga troso rin ang nagsitama sa mga bahay kaya kahit bato ang tinitirhan mo, masisira. Kung walang illegal logging, saan galing yung mga troso? Ganun ba karami ang pinapayagan niyong ipaputol 'legally"?

Bwisit!!!

Sabi naman sa Nueva Ecija, hindi naman daw mga loggers ang problema. Mga kaingineros daw na ang daming sinusunog na punongkahoy. Hebigat, men. Kaya may sangkatutak na troso na lumulutang ay dahil sa mga nangangaingin? E sa pagkakaalala ko, abo yung natitira pagkatapos ng pagsunog, hindi troso!!! Hay naku!!!

Bwisit!!!

Mga sundalong nagsisigawa ng relief operations, inambush ng NPA. Paliwanag ni Ka Roger, hindi naman daw nang-ambush ang NPA kasi yung mga sundalong yun, nagsasagawa ng counterinsurgency operations.

Teka muna, counterinsurgency operations sa kalagitnaan ng bagyo? Sundalo yung umatake, pero sampu yung namatay sa kanila at isa lang ang napatay na NPA. So kapanipaniwala ba ang pinagsasabi ni Ka Roger?

Pero may kaduda-duda rin sa sinabi ng military. Kasi nadulas ang spokesperson ng Nolcom:

"Monta said the unit, composed of 19 soldiers led by Puyao, broke off from a relief distribution mission in Bulacan to check reports on the presence of rebels in Barangay Pasong Bangkal in San Rafael."

So talagang hinanting nila ang mga NPA at hindi sila yung inambush?

Ano ba yan? Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Ang dami nang nasasalanta, nagbabarilan pa rin sila!!!

Bwist!!!

Eto, wala nang kinalaman ang bagyo. Sabi ni Gloria, umangat daw ang ekonomiya ng Pilipinas by 6.3%. Sinukat ito sa growth ng ating GDP (nominal). Ang galing, 'no?

E ang inflation rate ay 7.1%.

Nyek!!! E di ba ang pinasimpleng computation ng nominal GDP ay Gross Domestic output x Price? E kung ang Price ay tumaas nga ng 7.1%, ibig sabihin...

Hay naku. Kaya pala di ko naramdaman!!!

Bwisit talaga!!!

3 comments:

Anonymous said...

Puso mo. Baka hindi ka umabot ng 80 niyan. ;)

Seriously, ito naman ang narinig ko sa ilang mga tao sa isang television network (meron pa bang iba)? Kahit mahirap at nakakapagod, mas mabuti na rin na silang mga taga-media ang nagbibigay mismo sa mga nasalanta ng bagyo, kasi nga raw...kung ibibigay mo sa mga opisyal ng gobyerno o sa ilang militar, malaking chance na hindi ito aabot sa dapat pag-abutan.

Sa akin, iyon ang pinakabwisit, yung manamantala sa panahon ng sakuna.

Anonymous said...

Puso mo. Baka hindi ka umabot ng 80 niyan. ;)

Seriously, ito naman ang narinig ko sa ilang mga tao sa isang television network (meron pa bang iba)? Kahit mahirap at nakakapagod, mas mabuti na rin na silang mga taga-media ang nagbibigay mismo sa mga nasalanta ng bagyo, kasi nga raw...kung ibibigay mo sa mga opisyal ng gobyerno o sa ilang militar, malaking chance na hindi ito aabot sa dapat pag-abutan.

Sa akin, iyon ang pinakabwisit, yung manamantala sa panahon ng sakuna.

--psychicpants

Anonymous said...

Wala na talagang pag-asa ang Pinas... grabe.. ngayon lang nila pinatutupad ang anit--logging law na ito.. kung kailan marami nang namatay... bigyan mo lang ng isang buwan.. lahat na ito ay mababaon sa limot.. at balik na naman sa dating gawi...

Pag nasalanta ang bansa.. kailangan pang manawagan ang tv network sa abuloy ng taong bayan... nasaan ang pera ng bansa?..

This is a hopeless case really.. talagang walang sukdulan na buwisit!